Gamot sa Sakit ng Puson

Ang pananakit ng puson o ibabang bahagi ng tiyan ng isang tao ay isang karaniwang kalagayan na nararanasan ng karamihan. Ilan sa mga pinaka madalas na nakaranas nito ay ang mga kababaihan. Ngunit may mga pagkakataon na pati ang mga lalaki ay nakakaranas rin nito. Ang masakit na puson ay maaaring magdulot ng labis na pananakit na makaapekto sa pang araw araw na gawain ng mga tao. Kaya naman alamin mo sa artikulong ito ang maaaring gamot sa sakit ng puson. 

Mabisang Gamot sa Sakit ng Puson

Ang pananakit ng puson ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng mga patches gaya ng Heat Therapy Patches Menstrual Pain Relief. Ang patch na ito ay makakatulong sa pamamagitan ng pagbibigay nito ng heat sa abdomen ng isang babae.

Ang heat patch ay makakapag relax ng muscles sa uterus ng isang babae. Dahil dito, maaaring mapawi ang pananakit ng puson ng isang babae. Bukod pa dito ang heat patches ay makakatulong para mabawasan ang pananakit dahil mas magiging maayos ang blood flow sa abdomen ng isang babae.

The heat relaxes your outer stomach muscles and promotes movement in the digestive tract. Lying down usually works best. Keep it on your stomach for 15 minutes.

WebMD November 14, 2020

Gamot sa Sakit ng Puson Tablet 

Ang pananakit ng puson ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng mga tableta tulad ng Member’s Mark Low Dose Aspirin. Ang gamot na ito ay low aspirin kung kaya’t hindi ito kasing tamang ng normal na aspirin. Makakatulong ito upang bigyan ng relief ang anumang pananakit tulad ng sakit sa puson. Bagamat ito ay makakatulong para sa pananakit ng puson, mainam ikonsulta sa doktor ang kalagayan bago inumin ang gamot na ito. 

Masakit ang Puson

Ang masakit na puson ay maihahalintulad bilang lower abdominal pain (1) sa wikang ingles. Dahil sa rason na nakakaranas ng pananakit sa ibabang bahagi ng tiyan ng isang tao, ang pananakit ng puson ay maaaring dulot ng problema sa ibabang bahagi ng digestive tract. Gayunman, maaari itong sanhi ng ibang kondisyon tulad ng problema sa urinary tract o reproductive organs.

Marapat tandaan na ang pananakit ng puson ay dahil sa sintomas ng ibang mga kondisyon sa abdominal na parte ng katawan. Hindi maikakaila na marami ang body system na matatagpuan sa abdominal area ng isang tao. Kaya naman, ang sanhi ng pananakit ng puson ay malawak. Maaaring ang sanhi ng pananakit ng puson ay dahil sa kondisyon na pamamaga gaya na lamang ng appendicitis (2) at bowel perforation (3).

Sa mga kababaihan ang pananakit ng puson ay isang pang karaniwang kondisyon, may mga babae na nakakaranas ng buwanang kondisyon ng pananakit ng puson tulad ng dysmenorrhea (4). Ngunit ang pananakit ng puson ay maaaring dulot ng mas malalang mga kondisyon tulad ng ovarian torsion, ectopic pregnancy, o pelvic inflammatory disease. Ang mga kalalakihan ay hindi imposibleng makaranas ng pananakit ng puson. Sa katunayan, ang mga lalaki ay maaaring makaranas nito dahil sa testicular torsion o kaya naman ay mga injury. 

Pain in the lower abdomen is often related to the digestive tract, but can also be related to conditions of the body wall, skin, blood vessels, urinary tract, or reproductive organs. The area may be tender to the touch or the pain may be severe and the whole abdomen might be rigid.

Health grades January 11, 2021

Ang ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan tuwing mayroong sakit sa puson ay ang mga sumusunod: 

  1. Pananakit ng katawan
  2. Nilalagnat
  3. Nakakaranas ng muscle spasms
  4. Nakakaranas ng pananakit tuwing sexual intercourse
  5. Nakakaramdam na pananakit tuwing umiihi
  6. Nakakaranas ng cramps
  7. Pagtatae
  8. Pagtitibi
  9. Nakakaranas ng paghilab ng tiyan
  10. Pamamaho ng ari
  11. Pangangati ng ari
  12. General na hindi magandang pakiramdam

Bakit Sumasakit ang Puson ng Babae

Ang pananakit ng puson ay isa sa mga pinaka karaniwang karamdaman na nararanasan ng marami sa mga kababaihan. Ang tindi ng sakit ng puson ng isang tao ay kadalasang iba iba kung kaya’t may ibang babae na kinakailangan ng gamot para lamang mapawi ang pananakit ng kanilang puson. Ang pananakit ng puson ay kadalasang normal lamang na nararamdaman tuwing monthly period, ngunit may mga pagkakataon na ito ay dulot ng ibang kondisyon tulad ng Pelvic inflammatory disease, o ovarian torsion.

Karaniwan, ang isang babae ay nakakaranas ng pananakit ng puson dahil sa hormones ng katawan. Tuwing monthly period ng isang babae, ang uterus sa female reproductive system ay tumutulong sa paglabas ng lining sa pamamagitan ng contraction. Ang hormones na prostaglinds ay isa sa mga rason kung kaya’t nagdudulot ng pananakit ng puson ang marami sa mga kababaihan. Ang sobrang produksyon ng prostaglandins ang nagdudulot ng malakas na contractions sa puson ng babae, dahil dito nakakaranas ng menstrual cramps ang isang babae.

When you have strong uterine contractions, the blood supply to the uterus is momentarily shut down, depriving the uterus muscle of oxygen and setting up the cycle of menstrual cramps and pain.  Some studies show that women with severe menstrual cramps have stronger uterine contractions than others do when giving birth.

Davidson, J. January 05, 2018

Ang ilan pa sa mga kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit ng puson sa babae ay ang mga sumusunod:

  1. Adenomyosis. Ang adenomyosis (5) ay isang kondisyon kung saan ang tissue na nasa uterus ng babae o ang endometrial tissue ay lumalaki bilang muscular wall ng uterus. Bagamat lumaki ang linings sa uterus, ito ay normal pa rin sa menstrual cycle. Ngunit ito ay nagdudulot ng mas masakit na menstrual cramps at malakas na regla.

Although not harmful, the pain and excessive bleeding associated with adenomyosis can disrupt your lifestyle. You might avoid activities you’ve enjoyed in the past because you’re in pain or you worry that you might start bleeding.

Mayo Clinic June 18, 2020
  1. Cervical stenosis. Kung iyong hindi alam ang cervix ay isang parte sa katawan ng babae, specifically sa baba ng uterus. Ang kondisyon na cervical stenosis (6) ay isang kalagayan kung saan nagiging makitid ang cervix ng babae kung kaya’t nagkakaroon ng blockage sa pagitan ng uterus at vaginal canal. Dahil sa makitid na cervix nagiging mahirap ang daloy ng  regla kaya naman ito ay nagdudulot ng pananakit ng puson.

Cervical stenosis is a condition in which the cervix narrows or completely closes off, hindering or blocking the passage between the uterus and the vaginal canal.

Aliabadi, T. n.d.
  1. Ectopic pregnancy. Ang normal na lokasyon kung saan dapat lumaki ang fertilized egg ay sa uterus o bahay bata ng isang babae. Kaya ang ectopic pregnancy (7) ay isang klase ng pagbubuntis kung saan ang fertilized egg ay hindi lumalaki sa uterus kundi sa ibang parte ng reproductive system. Madalas na nagaganap ang ectopic pregnancy sa fallopian tube kung kaya’t ito ay nagdudulot ng labis na pananakit. Ang pananakit ng puson kapag nakakaranas ng ectopic pregnancy ay maaaring malala, dahil ang fetus at maaaring lumaki sa parte kung saan naging implanted ang fertilized egg. Kaya naman sa ganitong kondisyon, marapat na kumunsulta sa isang ob gyn upang malaman ang nararapat na gawin para sa kalusugan ng babae.

This is why ectopic pregnancies are commonly called “tubal pregnancies.” The egg also can implant in the ovary, abdomen, or the cervix. None of these areas has the right space or nurturing tissue for a pregnancy to develop. As the fetus grows, it will eventually burst the organ that contains it. This can cause severe bleeding and endanger the mother’s life.

Kids Health January 2021
  1. Endometriosis. Ang endometriosis (8) ay isa kondisyon na nagbibigay ng labis na pananakit dahil ang normal na tissue sa loob ng uterus – ang endometrial tissue- ay lumalaki sa labas ng uterus. Kahit na ang linings na ito ay lumalaki sa labas ng uterus, patuloy pa rin ito sa pag kapal at pagdurugo tuwing menstrual cycle. Pero dahil sa wala itong pag lalabasan, ito ay nagiging trapped sa katawan ng isang babae. Dahil sa rasong ito, nakakaranas ng malalang pananakit ng puson ang mga babae lalo na tuwing menstrual period.

With endometriosis, the endometrial-like tissue acts as endometrial tissue would — it thickens, breaks down and bleeds with each menstrual cycle. But because this tissue has no way to exit your body, it becomes trapped.

Mayo Clinic July 24, 2018
  1. Pelvic inflammatory disease. Ang pelvic inflammatory disease (9) ay isang sakit kung saan nagkakaroon ng impeksyon sa reproductive organs ng isang babae. Nakakaranas ang isang babae ng pelvic inflammatory disease dahil sa mga sexually transmitted infection tulad ng gonorrhea. Isa sa mga sintomas sa pagkakaroon ng PID ay ang pananakit ng puson o lower abdomen.

Pelvic inflammatory disease (PID) is an infection of the organs of a women’s reproductive system. It’s usually caused by a sexually transmitted infection (STI), like chlamydia or gonorrhea. PID can cause pain in your lower belly and hurt your ability to have a baby if it’s not treated properly.

WebMD September 13, 2021
  1. Ovarian torsion. Ang ovarian torsion (10) ay isang kondisyon kung nagiging twisted ang ovary sa mga tissues na nagbibigay suporta dito. Ito ay nakakapagbigay ng labis na sakit sa lower abdomen. Marapat tandaan na marapat na ito ay dalhin agad sa ospital dahil maaaring magdulot ito ng malubhang komplikasyon kung hindi maaagapan. 

Ovarian torsion (adnexal torsion) occurs when an ovary becomes twisted around the tissues that support it. Sometimes, the fallopian tube may also become twisted. This painful condition cuts off blood supply to these organs.

Whelan, C. September 28, 2018
  1. Uterine fibroids. Ang uterine fibroids (11) ay tumor na lumalaki sa wall ng uterus o bahay bata ng isang babae. Bagamat isa ang terminong tumor ay maaaring magdulot ng kaba, ang uterine fibroids ay isang non cancerous na kondisyon. Ngunit maaari pa rin itong magdulot ng pananakit sa puson ng isang babae. 

Pananakit ng Puson Senyales ng Pagbubuntis

Ang pananakit ng puson ay isa ring senyales ng pagbubuntis sa mga kababaihan. Sa mga babae na hindi alam ang kanilang sitwasyon, madalas itong napagkamalang PMS o Premenstrual Syndrome (12) ngunit ang pananakit ng puson ay maaari ng senyales ng pagdadalang tao. Karaniwang nararanasan ang pananakit ng puson sa pagbubuntis tuwing 1 hanggang labing dalawang linggo ng pagbubuntis.

pananakit ng puson o senyales ng pagbubuntis

Ayon sa pananaliksik (13), ito ay dahil sa ang bahay bata sa katawan ng isang babae ay lumalaki o lumalawak. Sinasabi sa pananaliksik na ang pananakit na nararamdaman ay maihahalintulad sa pananakit ng puson dahil sa pagkakaroon ng regla kung kaya’t ito ay kadalasang napagkamalang period pain lamang. Bukod pa dito, ang pananakit ng puson ay maaari ring maramdaman pag nagkaroon ng isang miscarriage. Kaya naman marapat na ikonsulta sa isang doktor o ob gyn ang iyong nararamdaman. 

Mild stomach pain in early pregnancy (during the first 12 weeks) is usually caused by your womb expanding, the ligaments stretching as your bump grows, hormones constipation or trapped wind. It may sometimes feel like a ‘stitch’ or mild period pain.

Tommy’s n.d.

Masakit na Puson at Parang Natatae

Ang pakiramdam na parang natatae at pananakit ng puson ay maaaring maihahalintulad sa ilang digestive tract problems tulad ng diarrhea o constipation. Ngunit ang pinaka kilalang kondisyon para sa pananakit ng puson o lower abdomen at pakiramdam na parang natatae ay ang Irritable bowel syndrome (IBS) (14). Ang kondisyon na Irritable bowel syndrome ay maaaring sanhi ng pagkakaroon ng sensitibong colon o kaya naman ay ang mahinang immune system. Gayunman, isa sa mga sintomas sa pagkakaroon ng IBS ay pananakit ng lower abdomen at pagtatae. 

IBS is one of the most common causes of abdominal pain, and it occurs more often in women. It’s also known as nervous stomach, irritable colon or spastic colon.

Cleveland Clinic December 6, 2019

Pananakit ng Balakang at Puson

Ang pananakit ng balakang at puson ay kalimitang sintomas ng pagkakaroon ng appendicitis. Ayon sa pananaliksik (15), ang pananakit na dulot ng appendicitis ay maaaring mag debelop sa ibang mga parte ng katawan tulad na lamang ng hip joint. Dahil dito, nakakaranas ng pananakit sa balakang ang taong may appendicitis.

In some cases the appendix is not in the usual place. The pain of appendicitis can develop more slowly and in a different area such as in the hip joint or around the back passage. However, other symptoms, such as feeling sick (nausea) and high temperature (fever) are also seen.

Lowth, M. August 1, 2017

Pananakit ng Kaliwang Bahagi ng Puson

Napakalawak ng kondisyon na nagdudulot ng pananakit sa kaliwang bahagi ng puson. Ngunit ang isa sa mga karaniwang kondisyon na nagdudulot ng  pananakit sa parteng ito ay ang diverticulitis o diverticula. Ang diverticulitis ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng impeksyon sa intestines ng isang tao kung kaya’t nagkakaroon ito ng mga pouches. Ayon sa Cleveland Clinic (16), ang pananakit na mararanasan kung ang isang tao ay may diverticulitis ay ang pananakit ng kaliwang bahagi ng puson. Ang ilan pa sa mga sintomas nito ay ang pagkahilo, pagsusuka, at lagnat.

Diverticulitis is one of the most common causes of lower left abdominal pain. Diverticulitis occurs when diverticula (small pouches) in the intestinal wall become infected and inflamed.

Fletcher, J. November 21, 2018

Ang ilan pa sa mga kondisyon na maaaring magdulot ng pananakit kaliwang bahagi ng puson ay ang mga sumusunod: 

  1. Celiac disease
  2. Kabag
  3. Lactose intolerance
  4. Pagtitibi
  5. Kidney stones

Madalas na Pag Ihi at Pananakit ng Puson

Ang pananakit ng puson at madalas na pag ihi ay isang kondisyon na kilala bilang urinary tract infection o UTI (17). Ang UTI ay isang kondisyon na nararanasan ng maraming mga tao, lalo na sa Pilipinas. Ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan ng taong may UTI ay parating pag ihi, pananakit ng lower abdomen, nakakaranas ng sakit tuwing umiihi, at hindi normal ang kulay at amoy ng ihi. 

Mabisang Gamot sa Sakit ng Puson

Katulad ng ibang mga sakit, ang pananakit ng puson ay maaaring mapawi sa tulong ng mga gamot. Kaya naman ang mga sumusunod ang mga maaaring gamot para sa sakit ng puson ng isang tao: 

  • Paracetamol 
  • Loperamide
  • Ibuprofen
  • Diclofenac
  • Ketoprofen
  • Mefenamic acid
  • Bismuth subsalicylate
  • Aspirin 
  • Non-Steroidal Anti-Inflammatories

Gamot sa Sakit ng Puson Home Remedy

  1. Uminom ng maraming tubig
  2. Subukan ang mga herbal tea tulad ng salabat. 
  3. Gumamit ng hot compress bag.
  4. Gumamit ng mga heat patch
  5. Subukan magkaroon ng health diet. 
  6. Iwasan ang pag inom ng alak
  7. Subukan ang pag masahe sa nananakit na puson gamit ang essential oils. 
  8. Iwasan ang mga pagkain na nagdudulot ng bloating tulad ng mga pagkaing high-fat. 
  9. Subukan na kumain o isama ang mga herbs sa mga kinakain dahil marami sa mga herbs ay may anti-inflammatory properties tulad ng luya at bawang.
  10. Iwasan ang pagpapalipas ng pagkain. 

Paano Mawala ang Sakit ng Puson 

May mga kondisyon ng pananakit ng puson na kinakailangan ng medical procedures gaya ng ectopic pregnancy at ovarian torsion. Ngunit, may ibang mga kondisyon na maaaring mapawi sa pamamagitan ng gamot at home remedies. Ang ilan sa mga sumusunod ay paraan sa pag pawi ng sakit ng puson.

  1. Gumamit ng mga produkto na makakatulong sa pananakit ng puson.

    Ang mga produkto para sa sakit ng puson tulad ng heat patches at oral medication ay maaaring makatulong para mapawi ang pananakit ng puson ng isang tao. 

  2. Iwasan ang pag inom ng alak.

    Ang pag inom ng alak habang nananakit ang puson ay nakakapag palala sa kondisyon ng isang tao. Kaya mas mabuti na iwasan muna ang pag inom ng alak upang tuluyang mawala ang pananakit ng puson.

  3. Kumain ng masustansyang pagkain.

    Ang pagkain ng mga masustansyang pagkain ay nakakapagbigay ng magandang benepisyo sa katawan ng isang tao. Kung kaya’t mabuti na kumain ng mga nakakabuti sa kalagayan ng tiyan, lalo na sa mga panahong ito ay nananakit.

  4. Iwasan ang matinding pag ehersisyo.

    Kung ang isang tao ay nakakaranas ng pananakit ng puson, mabuti na light work out lamang ang isagawa upang hindi maging mas malala ang pananakit ng puson nito.

FAQs

Anong gamot ang mainam sa pananakit ng puson?

Ang gamot na Member’s Mark Low Dose Aspirin ay maaaring makatulong sa pagbigay ng relief sa pananakit ng puson ng isang tao.

Paano mawawala ang pananakit ng puson?

Upang mawala ang pananakit ng puson, maaaring uminom ng mga gamot. Ngunit ang mga heat patch tulad ng Heat Therapy Patches Menstrual Pain Relief ay makakatulong rin para sa pananakit ng puson.

Anong pain reliever na pwede gamitin para sa pananakit ng puson?

Ang mga kilalang pain reliever tulad ng paracetamol at ibuprofen ay maaaring makatulong para mapawi ang pananakit ng puson.

Anong home remedy para sa pananakit ng puson?

Ang ilan sa mga home remedy para sa pananakit ng puson ay pag inom ng tubig, paggamit ng hot compress bags, pag inom ng mga herbal tea, at pagkain ng mga pagkaing may herbs.

Anong dapat gawin upang mawala ang pananakit ng puson?

Ang ilan sa mga dapat gawin ay uminom ng mga prescribed na gamot para sa pananakit ng puson, gumamit ng mga heat patches, iwasan ang pag inom ng alak, kumain ng mga pagkain na masustansya, at iwasan ang pagsasagawa ng matinding ehersisyo.

References:

  1. Better Health. (March 31, 2012). “Abdominal pain in adults” Retrieved from: https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/abdominal-pain-in-adults
  2. Mayo Clinic. (August 07, 2021). “Appendicitis” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/appendicitis/symptoms-causes/syc-20369543
  3. Wilkinsom, J. (October 20, 2021). “Understanding a Bowel Perforation” Retrieved from: https://www.verywellhealth.com/whats-a-bowel-perforation-797590
  4. Cleveland Clinic. (November 20, 2020). “Dysmenorrhea” Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4148-dysmenorrhea
  5. Mayo Clinic. (June 18, 2020). “Adenomyosis” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/adenomyosis/symptoms-causes/syc-20369138
  6. Aliabadi, T. (n.d.). “What is Cervical Stenosis?” Retrieved from: https://www.draliabadi.com/gynecology/cervical-conditions/stenosis/
  7. Kids Health. (January 2021). “Ectopic Pregnancy” Retrieved from: https://kidshealth.org/en/parents/ectopic.html
  8. Mayo Clinic. (July 24, 2018). “Endometriosis” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/endometriosis/symptoms-causes/syc-20354656
  9. WebMD. (September 13, 2021). “What Is Pelvic Inflammatory Disease?” Retrieved from: https://www.webmd.com/women/guide/what-is-pelvic-inflammatory-disease
  10. Whelan, C. (September 28, 2018). “What Is Ovarian Torsion?” Retrieved from: https://www.healthline.com/health/womens-health/ovarian-torsion
  11. OASH. (April 01, 2019). “Uterine fibroids” Retrieved from: https://www.womenshealth.gov/a-z-topics/uterine-fibroids
  12. OASH. (March 16, 2018). “Premenstrual syndrome (PMS)” Retrieved from: https://www.womenshealth.gov/menstrual-cycle/premenstrual-syndrome
  13. Tommy’s. (n.d.). “Stomach (abdominal) pain or cramps in pregnancy” Retrieved from: https://www.tommys.org/pregnancy-information/pregnancy-symptom-checker/stomach-abdominal-pain-or-cramps-pregnancy
  14. Mayo Clinic. (December 01, 2021). “Irritable bowel syndrome” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/irritable-bowel-syndrome/symptoms-causes/syc-20360016
  15. Lowth, M. (August 1, 2017). “Symptoms of Appendicitis” Retrieved from: https://patient.info/digestive-health/appendicitis-leaflet/symptoms-of-appendicitis
  16. Cleveland Clinic. (December 6, 2019). “What’s Causing Your Lower Abdominal Pain?” Retrieved from: https://health.clevelandclinic.org/whats-causing-your-lower-abdominal-pain/
  17. Mayo Clinic. (April 23, 2021). “Urinary tract infection (UTI)” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/urinary-tract-infection/symptoms-causes/syc-20353447
  18. Drink aware. (n.d.). “Is alcohol harming your stomach?” Retrieved from: https://www.drinkaware.co.uk/facts/health-effects-of-alcohol/effects-on-the-body/is-alcohol-harming-your-stomach
  19. WebMD. (November 14, 2020). “Remedies for Stomach Pain” Retrieved from: https://www.webmd.com/digestive-disorders/remedies-stomach-pain
  20. Davidson, J. (January 05, 2018). “7 Reasons You Have Period Pain” Retrieved from: https://www.everydayhealth.com/pictures/reasons-your-period-might-painful/
  21. Mayo Clinic. (April 08, 2020). “Menstrual cramps” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menstrual-cramps/symptoms-causes/syc-20374938
  22. Fletcher, J. (November 21, 2018). “What causes pain in the lower left abdomen?” Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/320069
  23. WebMD. (May 12, 2021). “How to Treat Stomach Pain in Adults” Retrieved from: https://www.webmd.com/first-aid/abdominal-pain-in-adults-treatment
  24. Healthline Editorial Team. (October 05, 2021). “Remedies and OTC Options to Manage Pain” Retrieved from: https://www.healthline.com/health/womens-health/menstrual-cramp-remedies