Gamot sa Sakit ng Tiyan

Ouch! Maghapong hindi makakilos ng maayos dahil sa pananakit ng iyong tiyan? Pwes, ‘wag na ‘wag kang mag-aalala dahil marami pwedeng gamot sa sakit ng tiyan. Kakailanganin mo lang maging metikuloso sa mga gamot na ito at upang ayon sa sintomas ng iyong pananakit ng tiyan ang iyong mako-konsumong gamot. 

Hindi makakaikala na kasama na sa kultura ng pilipinas ang pagkonsulta sa mga albularyo upang malunas ang iba’t-ibang sakit, at isa na dito ang sakit sa tiyan. Ngunit ang pagkonsulta sa mga taong ito ay hindi magandang ideya sapagkat ang mga paraan nito ay walang kasiguraduhan at hindi ito scientifically proven. Kung kaya’t upang hindi mapalala ang mga sakit katulad ng sakit sa tiyan, dapat ginagamot ito sa pamamagitan ng mga scientifically proven na gamot. Ang sakit sa tiyan ay isang napakalawak na paksa, maraming iba’t-ibang klase ng sakit sa tiyan na malulunas sa iba’t-ibang paraan. Kaya dapat natin itong alamin.

Ang gamot na Pepto Bismol ang most prescribed by doctors sa Pilipinas pagdating sa sakit ng tiyan. Ang medicine na ito ay ang pinakamabisa sa pagpapahupa ng iba’t ibang sintomas ng sakit ng tiyan. Ito rin ang pangungahing gamot sa pinapainom sa mga pasyente ng iba’t ibang stomach diseases.

Ang Pepto Bismol ay medyo may kamahalan nga lamang ngunit sakto lang ang presyo nito sa quality nito. Kung nais na talagang umalwan ang pananakit ng tiyan at di sigurado sa sanhi ng sakit ng tiyan, Pepto Bismol ang maipapayo ng ating clinical advisor. Para naman sa iba pang gamot sa iba’t ibang sakit ng tiyan, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa sa ibaba.

Gamot sa Sakit ng Tiyan Tablet

Marapat na parating tandaan na ang mga sumusunod na gamot ay nakuha dahil sa extensive na pagsasaliksik. Kung kaya’t marapat alahanin at siguraduhin na ang mga gamot na iyong ikonsumo ay naaayon sa klase ng sakit ng tiyan iyong nararamdaman. Maaari ring konsulta sa doktor ang nararamdaman upang makasigurado. Ang mga sumusunod ay ang mga tableta na maaaring maka-lunas ng iyong sakit sa tiyan: 

  1. Bismuth Subsalicylate. Ayon sa mga source ang pag intake ng Bismuth Subsalicylate ay makakatulong upang malunasan ang sakit ng tiyan. Bagamat maaaring magbigay ng side effects ang gamot na ito, ito ay nakalulunas ng pananakit ng tiyan, diarrhea, at heartburn. 
  2. Gas-X. Kung ang pananakit ng tiyan ay dulot ng kabag o gas pain, ang pag inom ng uminom ng Gas-X dahil ang gamot na ito ay makakatulong upang ma relieve ang pananakit ng tiyan, at ang pagiging bloated nito. 
  3. Pepcid AC. Kung ang pananakit ng tiyan ay dulot ng sobrang acid sa tiyan, maaari kang mag intake ng Pepcid AC. Ang gamot na ito ay makakatulong sa paglunas ng stomach pain, at ang gamot na ito ay maaaring makuha nang walang doctor’s prescription. 
  4. DulcoLax. Kung ang rason ng pananakit ng tiyan ay dahil constipated, ang gamot na DulcoLax ay maaaring makatulong upang makadumi ng maayos at maibsan ang pananakit ng tiyan. 
  5. Buscopan Venus. Kung rason ng pananakit ng tiyan ay dahil sa period cramps, maaari kang mag-intake ng gamot upang maibsan ang pananakit nito, katulad ng Buscopan Venus. Ang gamot na ito ay tumutulong upang marelax ang ating digestive system at bladder, kung kaya’t nakakatulong ito para mabawasan ang stomach pain na ating nararamdaman. 
  6. Diatabs. Ang diatabs mula sa pangalan nito ay gamot para sa pagtatae o diarrhea na maaaring rason kung bakit na nanakit ang iyong tiyan. Kung ikaw ay nagtatae, maaari kang uminom nito upang ikaw ay gumaling. 

Para sa gamot sa sakit ng tiyan ng bata, magtungo sa article na ito.

Mga Dahilan Kung Bakit Masakit ang Tiyan

Ang pananakit ng tiyan o abdominal pain (1) ay ang pananakit ng iyong katawan sa parteng ribs hanggang pelvis. Bukod pa dito , madalas rin itong tinatawag na stomach ache o stomach pain sa ingles. Maraming klase ng pananakit ng tiyan at ang iba dito ay nawawala at biglaan na lang  bumabalik, pwede kang makaramdam ng cramps o kaya ay isang pakiramdam na tila may sumasaksak sa iyong tiyan sa sobrang sakit.

Abdominal pain is pain that occurs between the chest and pelvic regions. Abdominal pain can be crampy, achy, dull, intermittent or sharp. It’s also called a stomachache.

Khan, A. December 14,2020

Ayon sa mga sources, ang mild na sakit ng stomach pain ay maaari ng sintomas ng mas malalang sakit. Kung kaya’t ang pananakit ng tiyan ay hindi dapat basta bastang binabalewala dahil ito ay maaaring dulot ng malalang sakit. Dahil sa rason na ito dapat ay sigurado ka sa mga gamot na iyong ikkonsumo para sa iyong sakit sa tiyan. Pero una ano nga ba ang mga posibleng dahilan kung bakit masakit ang tiyan mo? Dahil sa extensive na paghahanap para sa mga sagot, ang mga sumusunod ay ang mga posibleng dahilan ng iyong pananakit ng tiyan:

1. Impeksyon. Ang pagkakaroon ng impeksyon sa tiyan ay isa sa mga rason kung bakit nananakit ang tiyan ng isang tao. Maaari ito ay dahil sa mga bacteria kung kaya’t nagkakaroon ng viral infection sa ating katawan. Ang isang klase ng sakit na ito ay tinatawag ng mga doktor na Gastroenteritis, (2) kung ito ay dulot ng bacteria ang tawag naman dito ay Bacterial Gastroenteritis. Nagkakaroon ng bacterial gastroenteritis ang isang tao kapag sila ay naapektuhan ng mga bacteria na madalas na nagdudulot ng gastroenteritis katulad ng E.coli (3), Salmonella (4), Campylobacter (5), at Shigella (6)

Ang mga madalas na sintomas nito ay pananakit ng tiyan, lagnat at kung minsan ay pagsusuka

2. Food poisoning. Maaaring dahilan ng iyong pananakit ng tiyan ang food poisoning. Ang food poisoning (7) ay isang sakit kung saan nananakit ang tiyan dahil ang nakain na pagkain ay contaminated . 

3. Food allergies. Maaaring makaranas ng stomach cramps ang isang tao kung siya ay naka-konsumo ng pagkain na siya ay may food allergy (8). Ilan sa mga sintomas nito ay stomach pain, diarrhea, rash at swelling of airways to the lungs. 

4. Reaksyon sa mga pagkain. Ang iba’t-ibang tao ay may iba’t-ibang tolerance sa mga pagkain, kung kaya’t ang ibang pagkain ay nagkakaroon ng ibang reaksyon sa ating katawan dahilan kung bakit sumasakit ang ating mga tiyan.

More than 20 percent of people experience food sensitivities, according to some research (9).

Leonard, J. January 9, 2020

5. Appendicitis. Ang pagkakaroon rin ng appendicitis ay nakakaranas ng pananakit ng tiyan. Ilan sa mga sintomas nito ay pananakit ng iyong lower right belly, pananakit ng ulo, at lagnat.

If left untreated, appendicitis can cause your appendix to burst. This can cause bacteria to spill into your abdominal cavity, which can be serious and sometimes fatal.

Lights, V. July 2, 2019

6. Kidney Stones. Ang pagkakaroon ng kidney stones ay maaari ring magdulot ng pakiramdam ng pananakit ng tiyan. Maaari itong magbigay ng mga sintomas tulad ng gastrointestinal symptoms tulad ng pananakit ng ulo, pagsusuka, at stomach discomfort. Madalas na nagdudulot ito ng sakit sa lower back, fever, pakiramdam ng sakit habang naihi, at discoloured urine. 

7. Ulcer. Kapag nagkaroon ng sugat ang sikmura ng isang tao, at ma-kontamina ito ng bacteria tulad ng H. pylori maaari itong lumaki. Ang pananakit ng tiyan kapag may ulcer ay nagsisimula sa middle part ng abdomen, above the belly button and below the breast bone. 

8. Constipation. Nananakit ang tiyan kapag constipated dahil ang taong may ganitong kalagayan ay hindi makadumi o hindi makadumi ng maayos. Nagiging constipated ang isang tao dahil sa kumakain ng mga pagkaing low in fiber, hindi umiinom ng sapat na tubig, hindi madalas ang pag ehersisyo, at stress. 

9. Diarrhea. Ang diarrhea ay isang karamdaman kung saan nananakit ang tiyan at mas madalas ang padumi ng isang tao, at madalas na klase ng dumi nito ay tubig. Nagkakaroon ng diarrhea ang tao kapag naka-konsumo ng pagkaing hindi nagustuhan ng digestive system, expired foods, at iba pa. 

10. Menstrual Cramps. Nakakaranas ng pananakit ng tiyan kapag nagkaroon ng monthly period ang mga kababaihan.

Gamot sa Sakit ng Tiyan at Pagsusuka

Ayon sa pananaliksik ang mga sumusunod ay ang mga gamot upang malunas ang pananakit ng tiyan at pagsusuka. Marapat na dapat alahanin na kung ang iyong sitwasyon ay malala na, ‘wag mag dalawang isip na ikonsulta sa doctor.

Ang Pepto-Bismol ay makakatulong upang marelieve ang mga sintomas katulad ng pananakit ng tiyan, pananakit ng ulo, at pagsusuka. Kung ikaw ay nakakaramdam ng mga ganitong sintomas, maaari mo itong ikonsumo. 

These can be found in medicines such as Dramamine, Bonine, or others, and they dull motion sickness by acting on your brain. They block messages from reaching the part of the brain that controls nausea and vomiting

Watters, C. n.d.

Gamot sa Sakit ng Tiyan at Pagtatae

Ang gamot katulad ng Pepto Bismol o Bismuth Subsalicylate (10) ay makakatulong sa pananakit ng tiyan at pagtatae. Kung wala namang available na Pepto Bismol sa botika, ang gamot na Imodium ay makakatulong upang mawala ang pagtatae ng isang tao.

This medication is used to treat sudden diarrhea (including traveler’s diarrhea). It works by slowing down the movement of the gut. This decreases the number of bowel movements and makes the stool less watery.

WebMD. N.d.

Masakit ang Kaliwang Parte ng Tiyan

Ang pananakit ng kaliwang parte ng tiyan ay maaaring dulot ng iba’t-ibang klase ng sakit. Ang mga sumusunod ay nahanap dahil sa extensive na pagsasaliksik. Ito ‘man ay makakatulong upang magbigay kaalaman sa mambabasa, ang pagkonsulta sa doktor ay isa sa pinakamarapat na gawin at aming rekomendasyon.

masakit ang kaliwang parte ng tiyan

Diverticulitis. Ayon sa pagsasaliksik, ang diverticulitis (11) ay isang sakit kung saan nagkakaroon ng infection o inflammation of pouches na maaaring mabuo sa intestines, ang mga pouches na ito ay ang tinatawag na diverticula, kapag ang mga pouches na ito ay napunit, ito ang nagiging dahilan ng diverticulitis.

In many cases, persistent pain specific to the lower left side of the abdomen is caused by diverticulitis.

Bailey, G. April 12,2021

Pananakit ng Kanang Bahagi ng Tiyan

  1. Sakit sa Liver. Ang pagkakaroon ng sakit sa liver ay maaaring makaramdam ng pananakit sa right-side ng ating stomach o ang kanang bahagi ng ating tiyan. Ito ay maaaring cancer sa liver o liver infection, ang ibang sintomas nito bukod sa pananakit ng tiyan ay pananakit ng ulo, nagiging yellowish ng skin at eyes, fatigueness, dark-coloured na ihi.  
  2. Gallstones. Ang pagkakaroon ng Gallstones ay maaari ring makaramdam ng pananakit sa kanang bahagi ng tiyan. Bukod sa gallstones, maaari ring ito ay dulot ng Gallbladder diseases. 
  3. Disease or Infection on the right colon. Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng sakit ay maaaring magkaramdam ng abdominal pain sa lower right ng ating katawan. Angiba pang sintomas nito ay weight loss, fever, at mucus in the stool
  4. Appendicitis. Ang pagkakaroon ng appendicitis ay maaaring makaramdam ng pananakit sa kanang bahagi ng tiyan. Ang iba pang sintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo, pagsusuka, constipation o diarrhea. 

Gamot sa Sakit ng Tiyan, Kabag

Dapat na tandaan na ang mga sumusunod na gamot ay anecdotal lamang, ito ay mula na mga saliksik at mga ginamit ng mga taong nakaranas ng pananakit ng tiyan dahil sa kabag.

Gamot sa Kabag ng Baby

  1. Restime Drops. Ang ganitong klaseng gamot ay makakatulong upang matanggal ang excess at trapped gas na mayroon sa tiyan ni baby, na makakatulong upang mapabuti ang kanyang kalagayan. Ang gamot na ito ay walang side effects at inirerekomenda ng mga pediatricians. 
  2. Probiotic Lactobacillus reuteri. Kung ang nanay ay nag breastfeeding, ayon sa mga saliksik marapat nabigyan ng 5 drop ng Probiotic Lactobacillus reuteri ang baby upang maibsan ang pananakit ng tiyan nito. 

Gamot sa Kabag ng Matanda

  1. Enzyme Products. Ang mga enzyme products tulad ng Lactaid, Digest Dairy Plus, Dairy Relief ay makakatulong upang mawala ang hangin sa tiyan ng isang taong may kabag. 
  2. Antibiotics. Kung ang rason ng kabag ay dahil sa bacteria, kakailanganin magkonsumo ng mga antibiotics tulad ng Amoxicillin, Clarithromycin, Metronidazole, at Tetracycline. Upang makabili ng antibiotics dapat munang magpakonsulta sa doktor at kumuha ng reseta nito. 
  3. Simethicone. Ang mga simethicone na produkto ay nakakatulong upang mabawasan ang pananakit ng tiyan dulot ng kabag. Ang mga sumusunod na produkto ay halimbawa ng simethicone: Gas-X, Alka-Seltzer Anti-Gas, Mylanta Gas. 

Marapat tandaan na ang sakit sa tiyan ay hindi dapat basta-basta lang binabalewala, kung kaya’t dapat ikonsulta sa doktor ang iyong kalagayan upang tiyak itong mabigyan ng solusyon. Ayon sa pagsasaliksik, ang mga sumsunod na sakit ay ang mga kondisyon na related sa sakit ng tiyan: 

  1. Indigestion o Hindi Natunawan
  2. Gallstones
  3. Cholecystitis
  4. Pregnancy
  5. Gas Pain
  6. Inflammatory Bowel Disease
  7. Appendicitis
  8. Ulcer
  9. Gastritis
  10. Gastroesophageal Reflux Disease
  11. Pancreatitis 
  12. Gastroenteritis 
  13. Parasite Infection
  14. Food Poisoning
  15. Menstrual Cramps o Sakit sa Puson

Sintomas ng Buntis, Pananakit ng  Tiyan

Ang mga kababaihang buntis ay maaari ring makaranas ng pananakit ng tiyan. Ang pananakit na ito ay normal lamang at common sa pagbubuntis kung kaya’t hindi dapat mag-alala. 

Ngunit kung ang mga sumusunod na sintomas ay nangyayari sa inyo, kinakailangan ng tumawag ng doktor o midwife: 

  1. Bleeding o Spotting
  2. Regular na cramps
  3. Lower back pain 
  4. Ang pananakit ay malala at hindi kaagad ito nawawala kahit na ika’y nakapag pahinga na hanggang isang oras.

Pananakit ng Tiyan at Hirap sa Pagdumi

Kung ang pananakit ng tiyan ay dahil sa hirap sa pagdumi, maaaring ikaw ay constipated. Ang Constipation (12) ay isang sakit kung saan ang isang tao ay hindi makadumi o nakakaranas ng kahirapan sa pagdumi. Kung ikaw ay nakakaranas nito maaari kang bumili ng mga over the counter na gamot katulad ng Metamucil, FiberCon, o kaya ay Citrucel. 

Halamang Gamot sa Sakit ng Tiyan

Upang hindi na mahirapan sa paghagilap ng mga tableta at gamot, narito ang mga home remedies at mga halamang gamot na maaaring makatulong sa paglunas ng pananakit ng iyong tiyan. Marapat na tandaan na ang mga sumusunod ay galing sa pagsasaliksik at anecdotes ng mga taong nakaranas ng pananakit ng tiyan. 

  1. Chamomile o Peppermint. Kung ikaw ay nakakaranas ng pananakit ng tiyan dahil sa gas pain o hangin sa tiyan, ang peppermint ay nakatutulong sa pag relieve ng gas sa ating katawan na maaaring makatulong sa paglunas ng sakit sa tiyan. 
  2. Ginger. Ang ginger o luya ay isa sa mga common na remedy upang mapagaling ang ating mga sakit, katulad ng sakit sa tiyan. Pwede itong inumin sa pamamagitan ng ginger tea upang malunas ang mga sintomas tulad ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, pananakit ng ulo at diarrhea.
  3. Lime o Lemon Juice. Makakatulong ang lemon juice upang mabawasan ang gas na meron sa tiyan, sa tulong nito nababawasan ang pananakit ng tiyan. 
  4. Basil. Ang basil ay mayaman sa eugenol, ang eugenol ay maaaring makabawas ng acid sa ating tiyan, sa tulong nito mababawasan ang gas sa ating tiyan, nalulunas ang pananakit ng tiyan, at overall mapagaling ang ating digestion. 
  5. Banana. Kungang rason ng pananakit ng tiyan mo ay pagtatae, ang banana o saging ang pinakasikat na panglunas diyan. Ang saging ay mayaman sa vitamin B6, potassium, at folate, kung kaya’t maiibsan nito ang pagkakaroon ng cramps at muscle spasm. 

Bukod pa dito, ang coconut water, rice, aloe juice, figs, clove, at cumin ay maaari ring mag lunas sa pananakit ng tiyan. 

Tips upang Maiwasan ang Pananakit ng Tiyan

Upang makaiwas sa pananakit ng tiyan, at makaiwas sa mga maaaring sakit na makuha sa pananakit ng tiyan, dapat na gawin ang mga sumusunod: 

  1. Wag kumain ng sobra-sobra upang maiwasan ang pagkakaroon ng indigestion at makaiwas sa mga sakit tulad ng constipation, diarrhea, gas pain, gastroenteritis, acid reflux, at iba pa. 
  2. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber upang maging regular ang pagdumi at hindi manakit ang tiyan. 
  3. Uminom ng mga fluids, lalo na ang tubig. 
  4. Maghugas ng kamay bago kumain upang hindi mapunta ang mga dumi at bacteria ng iyong kamay sa iyong makakain. 
  5. Kumain ng mga masustansyang pagkain na makakabuti sa iyong digestive system.

Gamot sa Sakit ng Tiyan FAQs

Ang sakit ba sa aking kanang bahagi ng tiyan ay appendicitis?

Marami ang mga klase ng sakit sa kanang bahagi ng tiyan, ngunit kung kasama sa mga sintomas nito ay pananakit ng kanang bahagi ng tiyan, lagnat, mataas ng temperature, at diarrhea or constipation ay maaaring ito ay appendicitis. Upang maka sigurado, kailangan na ikonsulta sa doktor upang malunasan ang sakit sa tiyan.

Ano ang gamot sa pagtatae?

Maaari kang bumili ng mga over the counter na products katulad ng Diatabs at Imodium.

Ano ang mabisang gamot sa menstrual cramps?

Ang ilan sa mga gamot na nakakapag paputi ng kalagayan ng tiyan ay ang buscopan venus at ibuprofen.

Ano ang pinakamadaling gamot sa pagtatae?

Ang saging ay nakakatulong upang malunas ang pagtatae ng isang tao. Maaari karing bumili ng mga tableta upang malunasan ang iyong diarrhea.

Bakit sumasakit ang aking tiyan?

Marami ang rason kung bakit nananakit ang tiyan ng isang tao. Kung ikaw ay nagtatae, maaaring ito ay dulot ng diarrhea, kung ikaw ay hindi makadumi, ito ay constipation, kung ikaw ay parating busog at pananakit ng tiyan, maaaring ito ay gas pain. Upang masigurado ang iyong kalagayan, dapat humingi ng payo sa iyong doktor.

References:

  1. Cleveland Clinic. (July 14,2020). “Abdominal Pain” Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/4167-abdominal-pain
  2. Cedars Sinai. (n.d.). “Bacterial Gastroenteritis” Retrieved from: https://www.cedars-sinai.org/health-library/diseases-and-conditions/b/bacterial-gastroenteritis.html
  3. Centers for Disease Control and Prevention. (September 15,2021). “E.coli (Escherichia coli)” Retrieved from: https://www.cdc.gov/ecoli/index.html
  4. Zelman, D. (November 25, 2019). “Salmonella (Salmonellosis)” Retrieved from: https://www.webmd.com/food-recipes/food-poisoning/what-is-salmonella
  5. Centers for Disease Control and Prevention. (December 23,2019). “Campylobacter (Campylobacteriosis)” Retrieved from: https://www.cdc.gov/campylobacter/faq.html
  6. MayoClinic. (November 12,2020). “Shigella Infection” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/shigella/symptoms-causes/syc-20377529
  7. MayoClinic. (June 26,2020). “Food Poisoning” Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/food-poisoning/symptoms-causes/syc-20356230
  8. Cleveland Clinic. (May 05, 2015). “Food Problems: Is it an Allergy or Intolerance” Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10009-food-problems-is-it-an-allergy-or-intolerance
  9. Dtsch Arztebl. (May,2009). “The Differential Diagnosis of Food Intolerance” Retrieved from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2695393/
  10. DrugBank. (October 16,2021). “Bismuth Subsalicylate” Retrieved from: https://go.drugbank.com/drugs/DB01294
  11. Cleveland Clinic. (November 7,2019). “Constipation” Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4059-constipation
  12. Bailey, G. (April 12,2021). “What’s Causing Pain in My Lower Left Abdomen?” Retrieved from: https://www.healthline.com/health/pain-in-lower-left-abdomen
  13. DerSarkissian, C. (May 12,2021). “How to Treat Stomach Pain in Adults” Retrieved from: https://www.webmd.com/first-aid/abdominal-pain-in-adults-treatment
  14. WebMD. (n.d.). “Imodium Liquid – Uses, Side Effects, and More” Retrieved from: https://www.webmd.com/drugs/2/drug-11084/imodium-oral/details
  15. Watters, C. (n.d.) “Best Over-the-Counter Solutions to Your Digestive Problem” Retrieved from: https://www.knowyourotcs.org/best-over-the-counter-solutions-digestive-problem/
  16. NHS. (June 20,2021). “Stomach Pain in Pregnancy” Retrieved from: https://www.nhs.uk/pregnancy/related-conditions/common-symptoms/stomach-pain/
  17. Huizen, J. (January 11,2020). “ Home and Natural Remedies for Upset Stomach” Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/322047#_noHeaderPrefixedContent
  18. KidsHealth. (February, 2019). “Stomach aches” Retrieved from: https://kidshealth.org/en/kids/abdominal-pain.html