Gamot sa Singaw – Paano Mawala ang Singaw

Ouch! Di ka makasalita o makakain ng maayos dahil may singaw ka na naman? Don’t worry, madaming paraan kung paano mawala ang singaw. Mula sa pinakamabisang gamot sa singaw hanggang sa pinakamurang paraan para gumaling ang iyong singaw.

Sa Pilipinas, isa sa pinaka-karaniwang sakit ang singaw. Bagama’t harmless ang karamihan sa singaw, aminin natin na iba talaga ang hapdi o sakit na dulot ng singaw. Madami sa mga Pilipino, tinitiis na lang ang kanilang singaw hanggang sa ito ay kusang gumaling. Pero alam mo ba, maraming paraan para mapabilis ang paggaling ng singaw. Lahat ng paraang ito ay tatalakayin natin.

Tanggal Singaw in Just 1 Day!

Ang Canker Mouth Sore Solution ang pinaka mabisang gamot sa singaw. Ito ay most recommended by oral health specialists sapagkat kaya nitong pagalingin ang iyong singaw sa loob lamang ng isang araw.

Paano nga ba nito napapagaling ang singaw? Kumpara sa ibang produkto, ang ingredients ng Canker Mouth Sore Solution ay Potassium Alum, Sodium Chloride, at Acetic Acid. Ang mga ingredients na ito ay BFAD approved na nakakapagpagaling ng singaw o anumang sugat sa loob ng bibig.

Ano ang Singaw?

Simulan natin sa kung ano nga ba ang singaw? Malamang sa malamang, aware ka na kung ano ang singaw at nakaranas ka na nito. Ang singaw (o mouth ulcer in English) ay sugat sa loob ng bibig ng isang tao, kadalasan sa loob ng labi o pisngi. Ito ay karaniwang kulay puti at kung minsan ay dilaw.

Madalas na sanhi ng singaw ang aksidenteng pagkagat natin sa labi, pisngi, o dila. Kapag ikaw ay naka-braces, o may kinain kang medyo may katalasan tulad ng chips, maaari din itong magdulot ng singaw. Pero may mga taong nagkakasingaw kahit walang naka-sugat o nagbigay ng trauma sa loob ng bibig. Ang ganitong uri ng singaw ay tinatawag na aphthous stomatitis at madalas ito ay pabalik-balik.

If you have a number of mouth ulcers, and they keep coming back, this is called ‘recurrent aphthous stomatitis’. (1)

Oral Health Foundation

Hanggang ngayon, hindi pa rin alam at eksaktong sanhi ng apthous stomatitis. Ito ay tumatagal ng 7-10 araw at umuulit mula 3 hanggang 6 na beses sa loob ng isang taon. (2) Sa kabila ng hindi pagkakakilanlan ng dahilan nito, may mga doctor-recommended na gamot sa singaw ang maaaring magpabilis ng paggaling nito.

Saan-Saan Nagkakasingaw?

Maraming parte ng ating bunganga kung saan tayo maaaring magkasingaw. Halos lahat ng singaw ay nasa loob ng bunganga. Kung ikaw ay may pinag-hihinalaang singaw ngunit nasa labas ito ng iyong bibig, maaaring ito ay cold sore na sanhi ng virus.

Canker sores only occur inside the mouth while cold sores often occur on the outside of the mouth around the area of the lips. (3)

Heathline

Narito ang lahat ng parte kung saan ikaw ay pwedeng magkaroon ng singaw:

Singaw sa Bibig

Sa pangkalahatan, gaya ng nabanggit, ang singaw ay matatagpuan lamang sa loob ng bibig. Kung ito ay nasa panlabas na labi (o outer lips), mas mainam kung ikaw ay kukunsulta sa doktor. Ang mga sugat sa labas ng labi ay maaaring tagulabay, mamaso, cold sore, o iba pang sugat.

Singaw sa Dila

singaw sa dila

May nakaalala ba sa’yo at bigla mong nakagat ang dila mo o nagmamadali ka lang ngumuya at nadamay ang dila sa pag-nguya mo? Madami ang nagkakaroon ng singaw dahil nakagat nila ang labi nila. Madalas sa gilid ng labi tayo nagkakasingaw, ngunit pwede rin namang umusbong ang singaw sa ilalim ng labi.

Singaw sa Gums o Gilagid

Ang singaw sa gums o gilagid ay maaaring dulot ng trauma o poor oral hygiene. Kung ikaw ay nasungalngal sa gilagid, mataas ang posibilidad na magsugat ito at maging singaw. Siguraduhin ding regular ang pag-totoothbrush at paggamit ng mouthwash para mapanatiling healthy ang gums at maiwasan ang singaw.

Singaw sa Labi

singaw sa labi

Nakagat mo ang labi mo o kinagat ng iba ang labi mo? Nako, maaaring maging singaw yan. Normal lang na kahit anong trauma sa labi ay maging singaw. Kadalasan, gagaling din ito sa loob ng 1-2 weeks pero may mga over-the-counter ointment naman na maaaring ipahid para mapabilis ang paggaling.

Singaw sa Lalamunan

Masakit lumunok kahit na walang sore throat. I-try mong suriin ang lalamunan mo gamit ang flashlight at salamin dahil pwedeng may singaw ka. Ano ang sanhi nito? Pwedeng natinik ka o lumunok ka ng matigas na pagkain. Walang ointment na pwedeng ipahid sa singaw sa lalamunan pero may mga mabibiling mouthwash para gumaling ang singaw mo sa lalamunan.

Singaw sa Ngalangala

Ang simpleng sugat sa ngalangala ay madalas na dulot ng matitigas na pagkain gaya ng chips, chicharon, crispy pata, at iba pa. Panatilihin ang oral hygiene para mapabilis ang paglaho ng singaw sa ngalangala at umiwas rin sa maaasim na pagkain para hindi ma-irita ang sugat mo sa ngalangala.

Mga Pinakamabisang Ointment for Singaw

Maraming ointment na ngayon ang available para sa singaw. May mga mabibiling over the counter ointments sa Mercury Drug at Watsons, meron ding FDA approved topical medication na mabibili online, at meron ding ointment na pwedeng i-provide ng iyong doctor o dentista.

Narito ang ilan sa pinaka-mabisang ointment na subok na ng marami.

Ang pinaka-recommended ng mga doktor na ointment para sa singaw ay ang Canker Sore Mouth Solution. Ito ang produktong dapat gamitin kung nais na mawala nang mabilis ang iyong singaw. Sa lahat ng produktong available para sa singaw, ito ang most prescribed sa kadahilanang ito ay BFAD approved medicine for singaw.

Gengigel for Singaw

Ang Gengigel naman ay para sa singaw sa gilagid at iba pang sugat sa loob ng bibig. Ito ay very gentle at nagboboost ng healing para sa singaw ng walang hapdi. Madalas kasi sa ibang ointment, mahapdi kapag nilagay. Ang Gengigel ay may cooling effect na nakatutulong pa magbigay ng relief.

Daktarin for Singaw

Siguro medyo pamilyar na sa iyo ang Daktarin Oral Gel dahil narinig mo na ito sa radyo o napanood mo na sa telebisyon. Mabibili ang Daktarin sa Mercury Drugstore, Watsons, Lazada, Shopee, at maaari din sa suki mong pharmacy.

Epektibo naman ang Daktarin ngunit masakit nga lang ito pag nilagay sa singaw. Makakaramdam ka ng kirot at parang tumitibok na sensasyon. Ito ay may anti-viral properties kaya mas recommended ito sa singaw na dulot ng virus. Kaya kung nagkasingaw ka dahil nakagat mo ang labi o dila mo, mainam na ibang ointment ang gamitin mo.

Xylogel for Singaw

Ang Xylogel naman ay pinaka-recommended na gamot para sa singaw ng bata. Ito ay bubble-gum flavored at gentle enough para sa babies at toddlers. Pero kung ikaw ay kid-at-heart pwedeng pwede naman sa’yo ang Xylogel dahil ito ay branded as “For All Ages” naman. Mabibili ang Xylogel sa ilang online pharmacies, tanungin mo rin ang botikang malapit sa inyo kung meron ba sila nito.

Malaki ang maitutulong ng ilang mouthwash brands para sa singaw. Napapanatili ng mouthwash na malinis ang ating bunganga at nalilinis ang mga bacteria na pwedeng mamahay at magpalala ng mga sugat sa bibig. Kung ikaw ay nais bumili ng mouthwash para sa singaw mo, mas mabuti kung mas gentle ang pipiliin mo para less irritation.

Gengigel Mouthrinse

Ito ay mostly recommended by doctors din for mouth ulcers kaso nga lang madalas available lang sya sa ospital at dental clinics. Pero merong stock nito minsan sa Lazada o Shopee. Medyo may kamahalan siya pero kung gagamitin mo ang Gengigel Mouthrinse kasabay ng Gengigel Oral Gel, tiyak ng gagaling ang iyong singaw sa loob lamang ng 1-2 days.

Bactidol for Singaw

Mas mura ang Bactidol kesa sa Gengigel at available ito sa mga leading drugstores sa Pilipinas. Imumog ito ng puro tatlong beses kada araw at malaki ang maitutulong nito sa iyong paggaling. Medyo mapait nga lang ang lasa nito kaya konting tiis lamang at importanteng huwag ito lunukin. Hindi ito recommended sa mga bata dahil prone sila na malunok ang Bactidol nang di sinasadya.

Other Over-the-Counter Remedies for Singaw

Sa makabagong panahon ngayon, marami pang ibang over-the-counter (OTC) medicine for singaw ang mabibili. May mga nakadevelop na ng supplements para maiwasan ang canker sores at ang iba naman ay may kanya-kanyang main ingredient na pumupuksa sa singaw sa iba-ibang paraan. Narito ang iba pang pwedeng subukan na mga produkto laban sa canker sores:

  • Oramedy
  • Canker Mouth Solution
  • Debacterol Canker Sore Relief
  • Orahyl
  • L-Lysine

Alternatibong Singaw Home Remedy

Hindi lahat ng Pilipino, afford bumili ng mga mahal na ointment, mouthwash o gamot para sa mouth ulcers. Pero hindi ibig sabihin nito ay magtitiis ka na lang sa sakit dahil lang masyadong mahal ang mga mabibili sa botika o online na treatment products. Marami namang available sa bahay na makatutulog sa paggaling ng singaw. Hindi man sila kasing effective ng mga drugstore products, makatutulong naman sila kesa magtiis ka na lang diba?

Heto ang ilan sa mga home remedies for singaw na maaari mong subukan:

  • Yelo, Gamot sa Singaw? Kung kayo ang may ice cubes sa ref, pwede mong ilapat ang yelo sa singaw mo ng 1-3 minuto para sa instant relief. Ilan sa mga pinoy ang gumagawa nito at nakatutulong ito mapamanhid ang mouth ulcers. Gayunpaman, hindi nito nareresolba ang pinaka-ugat ng singaw. Nakapagbibigay lamang ito ng instant relief.
  • Gamot sa Singaw – Tawas. Hindi recommended ng mga doctor ang tawas sa singaw pero nakatutulong talaga ito at subok ng ilan. Ang pinakaproblema lang sa tawas ay sobrang masakit sya kapag nilagay sa singaw. Kung ikaw ay may mababang pain tolerance, hindi ito para sayo. Pero kung matapang ka at kaya mong tiisin ang sakit, mainam na subukan mo ito. Bumili ng powdered na tawas, ibudbod sa singaw at ibabang ng 1-2 minuto at banlawan gamit ang maligamgam na tubig. Medyo mapakla ang lasa nito pero pagka-mumog mo, tila mamamanhid ang singaw mo.
  • Asin – Kagaya ng tawas, masakit ang asin kapag nilagay sa singaw. Ang asin ay may anti-bacterial properties na makakatulong sa paggaling ng sugat sa bibig. Pwede itong ibudbog sa mismong singaw at pwede rin namang maghalo ng 1 kutsarang asin sa isang baso ng maligamgam na tubig at sya mo itong imumog.
  • Baking Soda – Hindi ito kasing sakit ng tawas at asin pero halos parehas lang ang epekto nito sa singaw. Ibudbod lamang ito sa affected area at ibabad ng ilang minuto at banlawan. Maaari din naman itong ihalo sa maligamgam na tubig at sya mong gawing mouthwash. Nakatutulong mag-restore ng PH balance ng bibig ang baking soda at makababawas ng pamamaga.

Baking soda is thought to restore pH balance and reduce inflammation, which may heal canker sores. (4)

Healthline
  • Yogurt – Kung may singaw ka, pwede kang kumain ng yogurt. Maaaring plain o flavored, depende na iyon sa iyo. Hindi ito kailangang ipahid sa mismong mouth ulcer. Kainin mo lang ito normally. Ang probiotics mula sa yogurt ay makatutulong labanan ang bad bacteria sa iyong bunganga at makapagpapabilis ng paggaling ng mga sugat sa bibig.
  • Honey – Mas okay kung organic ang honey na gagamitin mo. Ipahid ito 3-5 beses kada araw. Mababawasan nito ang pamumula, pamamaga at mapapaliit ang sugat sa bibig. Ayon sa isang pag-aaral, effective ang honey sa pagpapagaling ng mouth ulcers.

Honey was found to be effective and safe in reducing minor aphthous ulcer pain, size, and erythema in a Saudi cohort. (5)

PubMed.gove
  • Yakult – Masarap na nakakatulong pa sa singaw. Tulad yogurt, ang Yakult ay may probiotics na nakapag-iimprove ng kondisyon ng singaw. Uminom ng 1-3 pirasong yakult kada araw pagkatapos kumain para sa mas mabilis na paggaling.
  • Coconut Oil – Ipahid ang coconut oil sa singaw 3-5 beses kada araw para maibsan ang sakit at mabawasan ang pamamaga. Ang virgin coconut oil ay may antimicrobial properties na syang makapagpapagaling sa mouth ulcers na dulot ng bacteria. (6)
  • Agua Oxinada o Hydrogen Peroxide – Ihalo ito sa equal parts ng tubig, ibig sabihin kalhating basong tubig at kalhating basong hydrogen peroxide. Gamitin ito bilang pang-mumog at matutuyo nito ang iyong mouth ulcers. Madaming gamit sa agua oxinada, maaari din itong i-dilute sa tubig para panlinis ng mata kung ikaw ay may sore eyes.

Gamot sa Singaw sa Mercury Drug

May mga available naman na gamot sa singaw sa Mercury Drugstore. Yun nga lang di natin sigurado kung mayroon bang stock ang branch na pinakamalapit sa atin. Bago pumunta sa pinakamalapit na sa sangay sa iyo, narito ang ilan sa pwede mong bilhin depende sa pangangailangan mo o sa lagay ng singaw mo.

  • Over-the-counter Benzocaine – May mga mabibiling over the counter Benzocaine topical gel sa Mercury. Tanungin lamang ang pharmacist kung anong brand ang meron. Ang benzocaine ay topical pain reliever na madalas gamitin para sa oral ulcers. (7)
  • Mefenamic Acid – Kung malala ang mouth ulcers mo, yung tipong ang laki talaga o kaya naman nagpatong ang dalwang singaw, makatutulong ang mefenamic acid sa sakit. Kapag nabawasan na ang sakit, tsaka mo lagyan ng ointment ang singaw mo. Tandaan, pwede ka lamang uminom ng mefenamic acid every 4 hours at limitahan ito hanggang 3 araw lamang.
  • Zinc Supplements – May mga mabibiling zinc supplements sa Mercury, generic man o hindi. Pwede rin naman ang mga multivitamins na may zinc. Pinapalakas ng zinc ang ating immune system. Kung ikaw ay madalas na may singaw, maaaring mahina ang iyong immune system.
  • Xylogel – Effective na gamot sa singaw ng baby. Kapag mga sanggol ang nagkakasingaw, nakakapag-alala diba? Gusto nating gumaling agad sila, buti na lang sa panahon ngayon ay may available nang ointment para sa singaw ng baby. Mabibili ang Xylogel sa Mercury at available din ito online sa Lazada o Shopee. Formulated ang Xylogel para sa mga bata dahil ito ay gentler kumpara sa ibang gel for oral ulcers.

Gamot sa Singaw ng Baby

singaw ng baby

Maging ang mga sanggol at bata ay madalas magkasingaw. Dahil sa teething o pagtubo ng unang ngipin ng bata, pwedeng magkasingaw ito. Ang pagsubo ng daliri at iba-ibang bagay gaya ng laruan ay makakasugat din sa bibig ng mga sanggol. Xylogel Oral Gel ang pinaka-recommended ng mga pediatricians na gamot sa singaw ng baby.

Sintomas ng Singaw

Kapag may masakit sa loob ng bunganga mo, hindi ibig sabihin noon ay may singaw ka na. Madaming kondisyon ang pwedeng magdulot ng sakit o hapdi sa bunganga. Dapat alamin at siguraduhin natin kung ang sugat mo sa bibig ay talagang singaw nga. Narito ang mga karaniwang sintomas na maaari mong maranasan:

  • Sugat na hugis bilog na kadalasan ay kulay puti, minsan ay medyo manilaw-nilaw.
  • Pamamaga at pamumula sa paligid ng sugat.
  • Mahapdi kapag kumakain o kapag nag-totoothbrush.
  • Hirap sa pagsasalita.
  • Masakit tuwing lumulunok.
  • Mahapdi kapag kumakain o umiinom ng maasim, maalat, at maanghang na pagkain.

Ang laki ng normal na singaw ay hindi mas lalaki sa 5mm pero kung magkapatong o magkatabi ang dalwang singaw, ito ay tiyak na mas lalaki pa (8). Ang mga sugat naman sa ngalangala, lalamunan at gilid ng dila ay mahirap makita kaya mahirap itukoy kung sila nga ba ay singaw sa pamamagitan lamang ng pagtingin. Mabuting suriin ng mabuti ang iyong sintomas para siguradong tama ang gagawin mong treatment sa iyong mouth ulcer.

Mga Sanhi ng Pagkakasingaw

Maraming dahilan ang pagkakasingaw ng isang tao. Napaka-common ng mouth ulcers sa Pilipinas. Sa katunayan, 1 out 5 o 20% ng populasyon ang nagkakaroon ng pabalik-balik na singaw (9). Hindi ito nakakahawa at dulot lamang ng mga sumusunod.

Injury o Trauma

Madaming pwedeng makasugat sa loob ng iyong bibig. Gaya nang aksidenteng pagkakagat mo sa iyong labi o dila. Pwede ring masyado kang marahas kung magtoothbrush kaya nasugatan mo ang gums mo. Kahit simpleng chips o fries ay pwedeng masugatan ang bibig mo dahil may mga parte silang matalim o matalas.

Braces, Pustiso, at Sungki

Majority sa nakabraces ay magkakasingaw. Masyadong matalas kasi ang braces at prone na masugatan nito ang iyong bibig lalo na kung kaka-install pa lang ng iyong braces. May ortho-wax naman na pwede mong hingin o bilhin sa iyong dentista para maiwasang masugatan ang bibig mo dahil sa braces.

singaw dahil sa braces

Pwede ring magsugat ang gums mo dahil sa pustiso mo. Regular na gumamit ng gentle mouthwash para maiwasang mairita ang iyong gilagid. Ang sungking ngipin din ay pwedeng magdulot ng singaw. Kumonsulta sa iyong dentista kung nais mong ipaayos ang iyong sungki.

Mahinang Immune System

Kung madalas kang magkaroon ng mouth ulcers, baka mahina ang immune system mo. Kaakibat nito ang ilang vitamin deficiencies gaya ng vitamin C, vitamin B12, iron at folic acid.

You may get mouth ulcers on your gums or tongue. They could be a sign of low B12… (10)

WebMD

Viral Infection

Mga mga canker sores na ang sanhi ay viral infections gaya ng cold sore virus, human papilloma virus (HPV), at chicken pox virus. Sa mga ganitong okasyon, pinaka-mabuti kung ikaw ay makakapag-pacheck up sa doctor.

Oral Cancer

Kung sobrang tagal na ng mouth ulcers mo at tila di gumagaling, maaaring senyales ito ng oral o mouth cancer. Kung lagpas nang dalawang linggo at di pa rin ito gumagaling, mainam na magpakonsulta ka na sa dentista or doctor. At risk sa pagkakaroon ng oral cancer ang mga malalakas uminom ng alak at manigarilyo.

Tips Para Maiwasan ang Singaw

Mahirap man iwasan ang singaw, meron naman mga bagay na pwede mong gawin para mabawasan ang chances ng pagkakasingaw. Narito ang ilan sa mga useful tips:

  • Palitan ang toothpaste ng brand na walang sodium lauryl sulphate
  • Gumamit ng soft-bristled toothbrush
  • Iwas sa stress at anxiety
  • Iwasan o bawasan ang pagkain ng chips, mani, fries, at maaanghang na pagkain
  • Ugaliing ang regular na pagtotoothbrush at mouthwash
  • Iwasan ang chewing gum
  • Uminom ng 8-10 basong tubig kada araw

Hindi man ganon kaseryosong health condition ang singaw, grabeng discomfort naman ang hatid nito. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tips sa taas at sa pagpili ng tamang treatment o home remedy, nawa’y mapabuti ang lagay ng iyong mouth ulcers.

Gamot sa Singaw FAQs

How can I cure singaw?

Maraming paraan para i-treat ang singaw. Pwedeng pahiran ito ng ointment o oral gel at pwede rin namang gumamit ng ilang home remedies gaya ng tawas, asin, baking soda, at iba pa.

What is the fastest way to cure singaw?

Sa paggamit ng doctor-recommended topical gel at antimicrobial mouthrinse tiyak na gagaling agad ang iyong mouth ulcer.

What is the best medicine for singaw?

Gengigel, Daktarin, at Xylogel. Depende sa kung ano ang sanhi ng iyong mouth ulcer.

How long does singaw last?

Kadalasan, 10-14 na araw pero mas maikli kung iti-treat ito ng tama.

What should I not eat with singaw?

Iwasan ang spicy foods pati na rin ang mga citrus fruits gaya ng orange, lansoses, lemon, at iba pa.

Is ice cream good for singaw?

Makakatulong magbigay ng relief ang malalamig na pagkain kaya okay lang na kumain ng ice cream.

Does Listerine help singaw?

Ang magandang oral hygiene ay makakatulong. Kung Listerine ang gusto mong brand ng mouthwash, mas mabuti kung pipiliin mo yung Zero Alcohol variant nila.

References:

  1. Mouth ulcers. (2017, January 22). Oral Health Foundation. https://www.dentalhealth.org/mouth-ulcers
  2. Wikipedia contributors. (2021, February 5). Aphthous stomatitis. Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Aphthous_stomatitis
  3. Jill Seladi-Schulman, Ph.D. (2018, December 21). What’s the Difference Between Canker Sores and Cold Sores? Healthline. https://www.healthline.com/health/canker-sore-vs-cold-sore
  4. Annette McDermott. (2019, April 7). Baking Soda Rinse for Canker Sores. Healthline. https://www.healthline.com/health/dental-and-oral-health/how-to-get-rid-of-canker-sores#baking-soda-rinse
  5. El-Haddad, S. A. (2014, September). Efficacy of honey in comparison to topical corticosteroid for treatment of recurrent minor aphthous ulceration: a randomized, blind, controlled, parallel, double-center clinical trial. PubMed. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25019115/
  6. Michael Shilling, Laurie Matt, Evelyn Rubin, Mark Paul Visitacion, Nairmeen A. Haller, Scott F. Grey, and Christopher J. Woolverton.Journal of Medicinal Food.Dec 2013.1079-1085.http://doi.org/10.1089/jmf.2012.0303
  7. Wikipedia contributors. (2021b, March 21). Benzocaine. Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Benzocaine
  8. Mouth ulcers | betterhealth.vic.gov.au. (n.d.). Better Health Channel. https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/mouth-ulcers#symptoms-of-mouth-ulcers
  9. Canker Sores (for Teens) – Nemours KidsHealth. (n.d.). Kids Health. https://kidshealth.org/en/teens/canker.html
  10. Signs You’re Low on Vitamin B12. (n.d.). WebMD. https://www.webmd.com/vitamins-and-supplements/ss/slideshow-signs-lack-vitamin-b12