Gamot sa Bungang Araw
Ang pagkakaroon ng bungang araw ay hindi na bago sa para sa ating mga Pilipino, mula pa sa ating pagkabata hanggang sa kasalukuyan na ang ilan satin ay may edad na, hindi maikakaila na ito ay madalas pa rin na nangyayari sa atin. Madalas na sinasabi ng mga matatanda na kaya tayo nagkaka bungang araw ay dahil sa init ng panahon. Ngunit ano nga ba ang Bungang Araw? Paano ito nakukuha? At paano ito magagamot?
Bungang Araw Overview
Ang Bungang Araw o Prickly Heat Rash 1 at kilala rin bilang Heat Rash 2, Sweet Rash, o Miliaria Rubra ay isang condition na nangyayari sa matatanda at bata kung saan nagkakaroon ng trapped sweat sa skin o balat, especially kapag mas mainit ang panahon. Kung ika’y nagaalala dahil sa hatid nitong kati at hapdi ay pwes ‘wag kang mag-alala dahil ang bungang araw ay kadalasang nawawala na lamang ng kusa at hindi rin ito isang malalang sakit.
“Heat rash, also called prickly heat or miliaria, is a common condition in which areas of the skin feel prickly or sting due to overheating. It can itch a lot, but it’s not dangerous.” - Jaliman, D. September 05, 2019
Kung iyong natatandaan, madalas na ang mga bata ang nagkakaroon ng bungang araw, noon aking iniisip na ito ay dahil lamang sa masyadong mainit. Ngunit, ang ayon sa mga pag-aaral mas madalas na nakakaranas ng bungang araw ang mga bata dahil sa ang kanilang sweat glands ay developing pa. Bukod pa duon, ang bungang araw ay nabubuo kapag ang sweat ducts 3 ng ating balat ay blocked at ang sweat o pawis na nabuo ay hindi makaabot sa surface kung saan ito dapat mag evaporate. Ang bungang araw ay kadalasang lumalabas sa leeg, balikat, likod, dibdib, at tiyan at iba pa.
“Heat rash occurs when the skin's sweat glands are blocked and the sweat produced cannot get to the surface of the skin to evaporate. This causes inflammation that results in a rash.” - Wedro, B. February 12, 2021
Bungang Araw Symptoms
Tuwing may nararamdaman tayo makati sa ating katawan at ipapatingin natin ito sa ating magulang o sa mga nakakatanda, madalas na sinasabi nila sa atin na, “Bungang araw lang ‘yan!” Ngunit anu-ano nga ba ang mga sintomas nito? Ayon sa pananaliksik, ang sintomas ng bungang araw ay napaka straightforward, upang magbigay kaalaman sa mambabasa, ang mga sumusunod ay mga sintomas ng bungang araw:
-
Mapulang rashes
-
Bumps sa balat
-
Makating pakiramdam
-
Mahapding pakiramdam
Dapat alalahanin, na bagamat napaka simpleng condition lamang ng bungang araw, kapag satingin niyo ay mas lumalala na ito at hindi na maayos ang iyong pakiramdam, ‘wag magdalawang isip na ikonsulta sa doktor upang makita kung may mga complications. Marapat na humingi ng medical help, kung nararanasan ang mga sumusunod:
-
Pag ang mapulang rashes ay hindi pa rin nawawala within few days.
-
Patuloy ang pangangati at hapdi within few days.
-
Nagkaroon ng infection sa area kung saan ka nagka bungang araw
-
Nilalagnat
-
Ang rash ay kulay bright red.
Sanhi
Ang bungang araw ay nangyayari tuwing ang sweat ducts ay nagiging barado. Sa ganun, ang mga pawis na nasa loob ng ating balat ay nakukulong at hindi makalabas sa surface skin kung saan ito nag eevaporate. Kung ang trapped sweat na ito ang nagiging dahilan kung bakit nangyayari ang pamamaga at rashes. Ayon sa mga saliksik, wala pang gaanong studies na nagsasabi kung bakit nagbabara ang mga sweat ducts. Ngunit ang ilan sa maaaring sanhi nito ay ang mga sumusunod:
- Hindi pa developed na sweat ducts. Ang mga sweat ducts ng mga kakapanganak na baby at ilan sa mga bata ay hindi pa fully developed. Kung kaya’t ang mga bata ay kadalasang nagkaka bungang araw, dahil sa hindi makalabas ang sweat na nasa loob ng kanilang balat.
“They can rupture more easily, trapping perspiration beneath the skin. Heat rash can develop in the first week of life, especially if the infant is being warmed in an incubator, is dressed too warmly or has a fever.” - MayoClinic March 03, 2020
-
Mainit na klima. Hindi maikakaila na sobra ang init na ating nararanasan sa Pilipinas, ang temperatura pa lamang ay isa ng factor kung bakit nagkaka bungang araw ang karamihan sa mga Pilipino.
-
Mga Physical Activity. Dahil sa mga physical activities ang ating katawan ay mas nagpapawis kung kaya’t may posibilidad na nakakaranas tayo ng bungang araw.
-
Makapal na damit. Ang mga damit na masyadong makapal para sa ating klima ay nagiging dahilan kung bakit tayo ay mas naiinitan kung kaya’t maaari itong sanhi ng bungang araw.
Ano ang Pinaka Mabisang Gamot sa Bungang Araw
Bagamat ang bungang araw ay maaaring mawala nalamang ng kusa, narito ang ilan sa mga gamot na maaaring makatulong upang mabawasan ang kati ng iyong bungang araw:
-
Calamine lotion. Ang calamine lotion ay kilala bilang isa sa mga ointments na nakakatulong sa bungang araw. Sa paggamit nito maaaring mabawasan ang sintomas ng yong bungang araw hanggang sa ito ay tuluyang mawala.
-
Anhydrous lanolin. Ang ointment na anhydrous lanolin ay maaaring makatulong upang mapigilan ang blockage o pagbara ng sweat ducts upang maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw.
-
Hydrocortisone cream. Ayon sa mga saliksik, ang ointment na ito ay nakakatulong sa pag relieve ng heat rashes.
-
Topical antihistamines. Ang gamot na ito ay nakakatulong upang mabawasan ang kating hatid ng bungang araw.
-
Prickly Heat Powder. Ang powder na ito ay maaaring mabili sa mga botika, at ito ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati at hapdi ng iyong bungang araw.
Gamot sa Bungang Araw ayon kay Doc Willie Ong
Ayon sa Channel ng isa sa mga kilalang doktor sa media, ang bungang araw ay isang ang mga makakati at mapulang mga rash na ating nararanasan dahil sa tayo ay pinagpapawisan at naiinitan. Ito ay usually na nag umpisa sa ilang parte ng katawan tulad ng leeg, balikat, likod, dibdib, at singit. Narito ang ilan sa mga gamot o remedies na maaaring makatulong sa bungang araw ayon kay Doc Willie Ong at Doc Liza Ramoso-Ong:
-
Gumamit ng Prickly Heat Powder. Ito ang una sa kanilang nirekomendang gawin upang malunas ang bungang araw. Ayon sa mga saliksik ang prickly heat powder ay may skin cooling properties na makakatulong maibsan ang iyong bungang araw.
-
Cornstarch and Baking Soda. Ito ang ilan sa mga suggestion na gamitin ng doktor kung walang prickly heat powder.
-
Ayon sa mga saliksik, ang cornstarch ay isang antiperspirant 4 at kayang makaabsorb ng sweat, kung kaya’t makakatulong ito sa paggamot ng bungang araw.
-
Upang magamit ng maayos ang baking soda para sa bungang araw, dapat na gumawa ng solution 5 kung saan iyong paghahaluin ang isang basong tubig at isang kutsaritang baking powder. Gamit ang isang twalya kagaya ng face towel, ilublob ito sa solution na ginawa saka ito ipahid sa katawan lalo na sa parteng may bungang araw sa loob ng sampu hanggang labing limang minuto.
-
Ang ilan pa sa kanilang mga nirekomenda ay ang mga sumusunod: Iwasan ang pagkamot sa parteng may bungang araw, kailangan magsuot ng preskong damit, manatili sa lugar na malamig, iwasan ang paglalagay ng masyadong malapot na lotion, maligo araw-araw.
Bungang Araw Home Remedy
Dahil ang bungang araw ay isang simple condition lamang, kadalasang hindi na kinakailangan pang gumastos upang magamot ito. Kung kaya’t narito ang mga sumusunod na remedies upang mawala ang bungang araw hindi lang para sa mga Adults kundi para rin sa Baby.
Bungang Araw Remedy Adults
-
Uminom ng tubig. Ayon sa mga saliksik, ang ang inom ng tubig ng walong baso o higit pa sa isang araw ay nakakatulong upang mawala ang heat rashes o bungang araw bukod pa dito nakakatulong ito upang gawing cooler ang temperature.
-
Iwasan na kamutin ang bungang araw. Ang pananatiling pagkamot sa bungang araw ay maaaring makasanhi ng paglala nito na makakapigil sa paggaling ng iyong bungang araw.
-
Cool showers. Ayon sa mga saliksik, ang mga ang cool showers ay nakakatulong upang marelieve ang bungang araw.
“Washing the skin gently can also unclog the pores. This is crucial since clogged pores contribute to heat rash.” - Ferguson, S. September 10, 2021
-
Magsuot ng hindi makapal damit. Ang pagsusuot ng light na hindi makapal na damit ay nakakatulong upang hindi magpawis ang ating katawan.
-
‘Wag gumamit ng petroleum at mineral oil. Ang pag gamit ng ganitong mga produkto ay nakaka contribute sa pag clog ng pores. Dahil sa mga clogged pores nagkakaroon ng bungang araw ang isang tao.
-
Mag apply ng mga gamot tulad ng calamine lotion, Anhydrous lanolin, Hydrocortisone cream, Topical antihistamines upang ma relieve ang iyong bungang araw.
Gamot sa Bungang Araw Baby
Ang bungang araw ay isang condition na bigla nalamang nagpapakita sa balat ng mga babies. Although, ang itsura nito ay maaaring magbigay alarma at kaba sa mga magulang, hindi ito malubhang sakit na dapat katakutan sadyang ang skin ng mga baby ay delicate at mas madalas magkaroon ng bungang araw kaysa sa matatanda.
“Heat rashes appear when sweat gets trapped under the skin. Because babies have smaller sweat glands and are less able to regulate their body temperature, they are more vulnerable to heat rash than adults.” - Villines, Z. March 14, 2019
Kung kaya’t narito ang ilan sa maaaring remedies upang malunas ang bungang araw ng iyong baby:
-
Maghanap ng cool area. Kailangan na ilipat ang baby sa area na hindi gaanong mainit, katulad ng mga air-conditioned rooms. Dahil ang cool areas ay nakakatulong upang marelieve ang bungang araw.
-
Cold compress. Kung walang air-conditioned na area, maaaring gumamit ng cold compress, ang cold compress ay nakakatulong rin upang marelieve ang pangangating hatid ng bungang araw. Ang pag basa ng towel sa malamig na tubig ay maaaring gamitin bilang alternative cold compress.
-
**Panatilihing hydrated ang baby. **
Gamot sa Bungang Araw ng Herbal
Dahil sa extensive na pananaliksik, narito ang sumusunod na herbal remedies na makakatulong upang magamot ang iyong bungang araw:
- Aloe Vera. Ayon sa mga saliksik, ang aloe vera ay anti-inflammatory 6 and antiseptic 7 na nakakatulong upang macool ang skin habang pinipigilan itong maimpeksyon.
“This can help soothe swelling and pain. Use aloe vera gel directly on your heat rash to relieve the discomfort.” Ferguson, S. September 10, 2021
-
Neem. Ang halaman na ito ay nakakatulong upang magamot ang mga skin rashes katulad ng bungang araw. Bukod pa dito, ayon sa mga researches ito ay may antimicrobial and anti-inflammatory properties.
-
Sandalwood. Ang halaman na sandalwood rin ay may anti-inflammatory property at bukod pa dito ito ay analgesic 8.
Pagkakakaiba ng Tigdas at Bungang Araw
Kalimitan na nagkakamali ang mga tao sa pag distinguish kung ang isang condition ba ay Tigdas (o Measle 9) o isa ba itong Bungang Araw (Prickly Heat Rash). Ngunit ‘wag kang mag-alala dahil narito ang pagkakaiba ng tigdas at bungang araw upang hindi na ito maghatid ng misconception sa’yo.
-
Dahilan ng dalawang condition. Una at pinaka pagkaiba ng dalawa ay ang sanhi ng sakit na ito. Ang Measles o mas kilala bilang tigdas ay isang viral illness na nanggaling sa virus na tinatawag na rubeola virus (10). Samantala, ang bungang araw ay isang condition kung saan nagkakaroon ng rashes dahil sa clogged sweat ducts kung kaya’t hindi nakakalabas ang produced sweat na dapat mag evaporate sa surface skin.
-
Ang Tigdas ay maaaring maging malala. Ang tigdas ay maaaring mag cause ng mas malalang mga conditions. Samantala, ang bungang araw ay isang simple condition lamang.
-
Sintomas. Bagamat parehong sintomas ng Tigdas at Bungang araw ang mapulang rashes, ang ilang sintomas ng tigdas ay hindi present sa sintomas para sa bungang araw. Kung ang isang tao ay may tigdas makakaranas ito ng sipon, ubo, mataas na lagnat bukod pa sa mapulang rashes. Samantala, hindi nagkakaroon ng lagnat, sipon, at ubo ang taong may bungang araw in fact ang sintomas lamang nito ay mapulang rashes, pangangati at hapdi ng rashes.
Saan Nagkaka Bungang Araw?
Ang Bungang araw ay isang skin condition kung saan ang naapektuhan nito ay ang mga taong nakatira sa mainit na lugar. Kung kaya’t hindi na bago na madalas nagkakaroon ng ganito ang mga Pilipino. Ayon sa pananaliksik, ang bungang araw ay maaaring lumabas sa mga skin folds na nagkakaroon ng friction para sa mga adults at leeg, balikat, at dibdib para naman sa mga sa baby.
“Adults usually develop heat rash in skin folds and where clothing causes friction. In infants, the rash is mainly found on the neck, shoulders and chest. It can also show up in the armpits, elbow creases and groin.” Mayo Clinic March 03, 2020
Bungang Araw sa Braso
Ang bungang araw ay maaaring magdevelop sa kahit saang bahagi ng ating katawan, basta nagkakaroon ng excessive sweat at ang sweat ng ating katawan ay hindi nakakalabas dahil sa clogged sweat ducts, ang bungang araw ay tuluyang mangyayari sa ating balat. Ngunit paano mo ba malalaman na ang rashes sa iyong katawan, specifically sa iyong braso ay isang bungang araw? Ayon sa mga experts, ang bungang araw ay ay maaari mong makilala kung ika’y makakakita ng mga maliliit na butlig sa iyong balat na kung minsan ay may liquid sa loob, ito ay mapula, at sa pagkakaroon nito maaari kang makaranas ng kati at hapdi. Maaaring sanhi ng iyong bungang araw sa braso ang labis na pagtatambad nito sa init ng sikat ng araw o kaya dahil sa iyong sinusuot. Gayun pa ‘man, ang bungang araw sa braso ay maaaring mawala na lamang ng kusa, ngunit may mga paraan rin para malunasan ito katulad ng pag apply ng Calamine lotion upang marelieve ang mild na pangangating hatid ng bungang araw.
Bungang Araw sa Mukha
Gaya nga ng nabangit, ang bungang araw ay maaaring magpakita sa kahit saang parte ng ating katawan, kabilang na rito ang mukha. Maaaring magkaroon ng bungang araw sa mukha kung ang isang tao ay labis ang pagkatutok sa sikat ng araw. Kung kaya’t maaaring itong magamot sa pamamagitan ng cold compress sa mukha. Ayon sa mga eksperto, ang paglalagay ng ice o cold compress sa ating mukha ay nakakatulong upang mabawasan ang redness, inflammation, irritation, at hapding hatid ng bungang araw. Bukod pa dito maaaring magsuot ng mga cap o sweat-wicking hats upang maiwasan ang pagkakaroon ng bungang araw.
“Wearing sweat wicking hats will draw moisture and sweat away from the body.” - Gallagher, G. May 17, 2021
Bungang Araw sa Kamay
Ang pagkakaroon ng bungang araw ay maaari ring magpakita sa iyong kamay. Bagamat maaaring magbigay lito ito kung isa ba itong allergy rash o bungang araw. Marapat tandaan na ang ang sintomas lamang ng bungang araw ay ang mapulang butlig at makating at mahapding pakiramdam. Hindi nagdudulot ng sneezing at runny nose ang bungang araw gaya ng allergy rash. Bukod pa duon, ang bungang araw ay isang mild na skin condition lamang, upang magamot ito maaaring gumamit ng mga ointments or lotion tulad ng calamine lotion upang maibsan ang pangangati ng iyong bungang araw sa kamay. Kung walang gamot tulad nito, ang cold compress ay maaari ring makatulong.
Tips
Ang sabi nga nga mga matatanda, mas maigi na na umiwas sa anumang sakit o masamang condition kaysa sa makipaglaban sa paglunas nito. Bagamat hindi naman malalang skin condition ang bungang araw at maliit rin ang posibilidad na hindi ka makaranas nito dahil sa init sa Pilipinas, narito ang ilan na marapat mong gawin upang makaiwas sa pagkakaroon ng Bungang Araw:
-
Maligo araw-araw. Ang pagligo araw-araw ay nakakatulong upang panatilihing cooler ang ating body temperature.
-
Iwasan ang pagsuot ng makapal na damit. Ang pagsuot ng makapal na damit sa mainit na klima ay mas nakakadagdag sa pagpapawis ng tao, kung kaya’t posibleng magkaroon ng bungang araw. Kung ikaw ay nagsusuot ng mas preskong damit ay maiiwasan mo ito.
-
Uminom ng fluids. Kailangan manatiling hydrated ang ating katawan para panatilihing cool ang ating katawan.
-
Gumamit ng electric fan o air conditioner. Ang pag gamit ng electric fan o air-conditioner ay nakakatulong upang panatilihing hindi sobrang init ang iyong kapaligiran kung kaya’t makakatulong ito sa pag pigil ng bungang araw.
-
Panatilihing dry ang iyong skin.
FAQs
Malala ba ang bungang araw?
Hindi, isa itong skin condition na maaaring nalamang mawala ng kusa, ngunit may mga paraan upang maibsan ang pangangati nito.
Normal ba magkaroon ng bungang araw kahit matanda na?
Ang bungang araw ay hindi lamang para sa mga bata o baby. Oo, mas madalas itong mangyari sa mga baby dahil developing pa ang kanilang sweat glands pero hindi imposible na magkaroon ka ng bungang araw kung ikaw ay matanda na. Bukod pa dito, ang bungang araw ay rashes na commonly nangyayari sa areas that have humid temperature. With that, normal lang na magkaroon ka ng bungang araw.
Walang air-conditioner sa aming bahay, paano malulunasan ang bungang araw?
Hindi problema ang hindi pagkakaroon ng air-conditioner sa inyong tahanan kung may bungang araw, maaari mong gawin ang cold compress. Pwedeng gumamit ng ice at towel para dito okaya naman ay basain ng malamig na tubig ang isang face towel atsaka ipahid sa parteng may bungang araw.
**Pareho lang ba ang tigdas at bungang araw? **
Hindi, mas malala ang tigdas kaysa sa bungang araw. Ang tigdas ay isang viral illness galing sa virus na tinatawag na Rubeola virus.
Paano mapipigilan ang pangangati ng bungang araw?
Maaari kang bumili ng over the counter products tulad ng calamine lotion o kaya ay prickly heat powder upang maibsan ang pangangati ng iyong bungang araw.
**Ano ang sanhi ng bungang araw? **
Nagkakaroon ng bungang araw ang tao kapag, nagkakaroon ng trapped sweat na hindi nakakalabas sa skin surface kung saan dapat ito mag evaporate.
Delikado ba ang bungang araw sa baby?
Ang bungang araw ay hindi usually delikado at hindi nag sa sanhi ng mas malalang mga condition. Ngunit ibig sabihin nito na ang baby ay masyadong naiinitan kung kaya’t marapat ilagay ito sa isang room na hindi gaanong mainit at cooler spot.