GamotNatural na Remedyo

Gamot sa Allergy

Ang allergy ay isang kondisyon na karaniwang tugon ng immune system sa isang materyal. Pwedeng maging malubha ang tugon na ito, kaya alamin mo dito ang gamot para sa allergy.

Maraming uri ng allergies, nariyan ang allergy sa balat, sa ilong, sa pagkain at iba pa. May iba’t ibang allergies man, alam mo ba na iisa lang ang gamot sa lahat ng ito. Tatalakayin natin dito kung ano ang pinaka mabisang gamot sa allergy dulot ng iba’t ibang allergens.

Marami sa mga tao ang nakakaranas ng allergy 1 o alerhiya. Ito ay isang kondisyon na nagbibigay ng discomfort sa isang tao. Kadalasan ang allergic reaction ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng mga gamot, ngunit may mga cases nito na kinakailangan talaga itong dalhin sa ospital dahil sa pagiging malubha nito.

Ano ang Allergy?

Ang alerhiya ay isang kondisyon na bunga ng tugon ng katawan sa isang materyal na nakakapasok sa katawan ng isang tao. Ito ay maaaring pagkain, inumin, o kaya naman ay mga gamot. Mayroon ring mga alerhiya na dulot ng materyal na nilalagay o dumidikit sa balat ng isang tao, kung kaya't may tinatawag na skin allergy.

Gayunman, ang immune system 2 ay nag uudyok na labanan ang mga allergen na ito upang hindi itong magdulot ng pahamak sa isang tao. Kung iyong hindi alam, ang trabaho ng immune system sa katawan ng isang tao ay panatilihing malusog ang katawan at protektahan ito mula sa mga pathogens na maaaring magdulot ng sakit. Kaya kung nagkaroon ng direktang kontak ang mga allergens 3 sa katawan, ang immune system ay agarang gumagawa ng mga substance o antibodies 4. Kapag ang isang tao ay may allergy o alerhiya, ang immune system ay gumagawa ng antibodies para sa espisipikong allergen upang ito ay puksain kahit na ito ay hindi nakakasama sa katawan.

"Your immune system produces substances known as antibodies. When you have allergies, your immune system makes antibodies that identify a particular allergen as harmful, even though it isn't. When you come into contact with the allergen, your immune system's reaction can inflame your skin, sinuses, airways or digestive system." - Mayo Clinic August 04, 2020

Uri ng Mga Allergy

Ang allergy o alerhiya ay may iba't-ibang uri. Sa katunayan, dahil rami ng uri nito marami ring tao ang nakakaranas ng iba't-ibang alerhiya. Ayon sa allergy statistics mula sa Natasha Allergy Research Foundation, nasa 20 milyong tao ang nakakaranas ng allergies.

"Allergy is a widespread and often complex problem: of the 20 million people with allergic disease, 10 million have active allergic symptoms in any year and at least 2.5 million people (1 in 6 of those with allergy) have sufficiently severe symptoms to require medical help. "* - NARF n.d. *

Kaya naman narito ilan sa mga uri ng allergy na nararanasan ng nakakaraming tao:

Allergy sa Balat

Ang allergy sa balat ay tinatawag rin bilang skin allergy. Karaniwang nagkakaroon ng allergy sa balat ang mga batang nasa edad 4 na taon pababa, ngunit pwede pa rin maakaranas nito ang mas nakatatanda. Ayon sa AAFA, nasa 9.2 milyong bata ang nagkaroon at nakaranas ng allergy sa balat noong 2018. Marahil ang balat ng tao ay isa sa mga sensitibong parte ng katawan, ang iritasyon dito ay maaaring sanhi ng problema sa immune system. Kung ang sintomas na nararamdaman ay dulot ng allergen na nagbunsod sa immune system na gumawa ng antibodies, ito ay maaaring skin allergy. Marapat tandaan na ang skin allergies 5 ay may iba't-ibang uri, ilan na lamang dito ay ang mga sumusunod:

Types ng Allergy sa Balat

  • Atopic dermatitis. Ang atopic dermatitis ay kilala bilang rin bilang eczema. Ang type ng skin allergy na ito ay common sa mga bata. Karaniwang sanhi nito ay mga irritants tulad ng sabon at shampoo. Maaari ring dulot ito ng panahon tulad ng malamig at mainit na panahon at ilang mga pagkain. Bukod pa dito ayon sa pananaliksik 6, ang atopic dermatitis ay maaaring mamana mula sa mga magulang kaya may ibang mga tao na pwedeng mag debilop ng atopic dermatitis.

"You may be born with an increased likelihood of developing atopic eczema because of the genes you inherit from your parents. Research has shown children who have 1 or both parents with atopic eczema, or who have other siblings with eczema, are more likely to develop it themselves." - NHS December 05, 2019

  • Contact dermatitis 7. Ang contact dermatitis ay isang uri ng allergy sa balat na nagdudulot ng pantal at pangangati. Ayon sa pananaliksik, ang sanhi ng contact contact sa alahas na nickel, latex na products, pabango, at chemicals mula sa makeup.
"The rash isn't contagious or life-threatening, but it can be very uncomfortable. Many substances can cause such reactions, including soaps, cosmetics, fragrances, jewelry and plants." - Mayo Clinic June 19, 2020
  • Urticaria 8. Ang urticaria o hives ay isang uri ng skin allergy na tumatagal ng anim na linggo hanggang buwan o taon. Ito ay maaaring maghatid ng labis na discomfort sa taong nakakaranas ng ganitong uri ng skin allergy lalo na tuwing natutulog o sa paggawa ng daily activities.
"Hives (urticaria) are red, itchy welts that result from a skin reaction. The welts vary in size and appear and fade repeatedly as the reaction runs its course." - Mayo Clinic June 08,2020

Gamot sa Allergy sa Balat

Ang sintomas ng allergy sa balat ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng mga gamot, tulad ng sumusunod:

Allergy sa Ilong

Ang allergy sa ilong ay isa sa mga karaniwang allergy na nararanasan ng maraming tao. May mga taong nakakaranas nito sa buong taon, ngunit may iba naman na depende sa panahon ang kanilang allergy sa ilong. Ayon sa pananaliksik, ito ay maaaring konektado sa ibang kondisyon gaya ng asthma.

Ang ilang allergen na maaaring nagdudulot ng allergy sa ilong ay ang mga sumusunod:

  • Pollen 9

  • Alikabok

  • Balahibo ng mga alaga

Gaya ng nabanggit, ang mga allergens ay kadalasang hindi nagbibigay pahamak sa katawan ng isang tao. Ngunit kung ang isang tao ay may allergies, kikilalanin ng katawan na delikado ang mga allergen na ito. Kaya naman gumagawa ng antibodies ang katawan upang puksain ang mga allergens. Ang pangyayaring ito ang nagdudulot ng allergy reaction.

"Allergy antibodies are attached to special cells called mast cells. Allergens stick to the antibodies. This makes the mast cells release histamine and other chemicals. This is an allergic reaction. The chemicals irritate nearby nasal tissue. This causes nasal allergy symptoms. When this happens in the breathing tubes of the lungs, it can cause asthma symptoms such as cough and wheeze." - Fairview n.d.

Mold Allergy

Ang mold allergy ay isang klase ng allergy sa ilong kung saan nakakaranas ng allergic reaction ang isang tao tuwing nakakapag inhale ng mold spores. Ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan kapag inatake ng mold allergy ay ang pagbahing, ubo, congestion sa ilong o pakiramdam na barado ang ilong, nangangati ang mata, at postnasal drip 10.

"Mold allergies are generally not life threatening. However, they can make you uncomfortable in your day-to-day life. The primary allergen in mold is the mold spore. Because these spores (11) can eventually make their way into the air, they can also make their way into your nose. This triggers an allergic reaction." - Faries, S. August 30, 2021

Dust Allergy

Ang dust allergy 12 o allergy sa alikabok ay isang uri ng allergy na kadalasang nagbunsod sa loob ng tahanan o silid, lalo na kung ito ay madalang linisin. Ito ay tinatawag rin bilang dust mite allergy. Kung ikaw ay hindi pamilyar sa dust time, ito ay isang maliit na organisms na hindi mo makikita gamit ang mga mata. Madalas itong dumadami sa kama, mga furniture, at carpet. Dumadami rin ito dahil sa mga environmental factors tulad ng mainit na panahon. Ang taong may dust allergy ay maaaring makaranas ng hay fever, pagbahing, at sipon. Ngunit may ilang mga pagkakataon na ang taong nakakaranas ng dust allergy ay inaatake ng asthma at nahihirapan huminga. Ang ilan pa sa mga sintomas ng dust allergy ay ang mga sumusunod:

  • Namumula ang mga mata

  • Nangangati ang mga mata

  • Nakakaramdam ng baradong ilong o nasal congestion.

  • Ubo

  • Nananakit ang mukha

  • Namamaga ang mukha

  • Postnasal drip

"Some signs and symptoms of dust mite allergy, such as a runny nose or sneezing, are similar to those of the common cold. Sometimes it's difficult to know whether you have a cold or an allergy." Mayo Clinic July 31, 2021

Allergic Rhinitis

Ang allergic rhinitis ay isa sa mga common na nasal allergies sa buong mundo. Ayon sa statistics ng American Academy of Allergy Asthma & Immunology (AAAAI), nasa 10% hanggang 30% ng population sa buong mundo ang nakakaranas ng allergic rhinitis. Ang mga tao ay mas karaniwang makaranas ng allergic rhinitis dahil sa mga allergens tulad ng house dust mites, pollen at spores, allergen mula sa trabaho gaya ng dust mula sa wood, at alikabok ng mga alaga tulad ng pusa, rabbit, at aso.

"Environmental factors may also play a part. Studies have shown certain things may increase the chance of a child developing allergies, such as growing up in a house where people smoke and being exposed to dust mites at a young age." - NHS April 29, 2019

Food Allergy

Ayon sa pag-aaral 13, nasa 5% ng mga nakakatanda at 8% ng mga bata ang nakakaranas ng allergy sa pagkain. Kung iyong iisipin, ang food allergies ay sanhi ng maraming pagkain, dahil sa ang bawat tao ay may iba't-ibang kondisyon at kanya-kanyang disorder ng immune system.

"It’s caused by your immune system wrongly recognizing some of the proteins in a food as harmful. Your body then launches a range of protective measures, including releasing chemicals like histamine, which causes inflammation. For people who have a food allergy, even exposure to very small amounts of the problem food can cause an allergic reaction." - West, H. January 25, 2017

Kaya naman narito ang ilan sa mga pinaka karaniwang food allergy na nararanasan ng isang tao.

  • Gatas

  • Itlog

  • Mani o Nuts

  • Shellfish

  • Trigo o Wheat

  • Isda

Anti Allergy Medicine

Ang isang taong nakakaranas ng mga allergies ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng pag inom ng anti allergy na mga gamot. Ang pinaka kilalang gamot para sa allergy ay ang antihistamine. Tuwing allergic reaction, ang katawan ng isang tao ay naglalabas ng histamines. Ang histamines na ito ang nagdudulot ng allergy symptoms tulad ng pangangati, ubo, etc.

Ang gamot na antihistamine ay gumagana sa pamamagitan ng pagpigil ng produksyon ng histamine upang mabawasan sintomas na dulot ng histamines. Ang gamot na ito ay maaaring mabili bilang liquid medicine o capsules. Ngunit kailangan malaman na ang mga antihistamine ay maaaring magdulot ng drowsiness o antok sa taong iinom nito.

"Antihistamines block histamine, a symptom-causing chemical released by your immune system during an allergic reaction." Mayo Clinic May 01, 2020

Iba’t-ibang Allergens

Ang allergen ay isang substance na dahilan ng isang allergic reaction. Ang ilan sa mga karaniwang allergens na nagdudulot ng allergy ay ang mga sumusunod:

  • Pollen. Ang mga pollen ay makikita sa mga mula sa mga puno, damo, at iba pang mga halaman. Ang mga bulaklak rin ay may pollen. Ang isang tao ay maaaring makaranas ng pollen allergy tuwing hinahangin ang mga maliliit at magaan na pollen.

  • Mold. Ang mold o amag ay kulay berde, itim, o puting particles na makikita sa mamasa masang lugar, ito ay may pores. Kaya naman ang maliliit na particles na ito ay maaaring hanginin at magdulot ng allergic reaction sa isang tao.

  • Dust mites. Ang mga dust mites ay isang microscopic organism na maaaring tumira at dumami sa loob ng isang silid. Maaaring dumami ito sa mga carpet, kama na hinihigaan, mga furniture, at mga laruan na hindi nililinis. Ang allergen na ito ay isa sa mga nagdudulot ng dust allergy at allergic rhinitis.

Gamot sa Allergy

Ang mga gamot sa allergy na maaaring bilhin ay ang mga sumusunod:

  • Levocetirizine

  • Fexofenadine

  • Azelastine

  • Loratadine

  • Desloratadine

  • Cetirizine

Over the Counter Medicine for Allergy

Ang mga over-the-counter na gamot na maaaring makatulong sa allergy ay ang mga sumusunod:

Ayon sa pananaliksik, ang aspirin at mga NonSteroidal Anti Inflammatory Drugs ay epektibo bilang gamot para sa allergic rhinitis.

Benadryl for Allergy

Ang benadryl ay diphenhydramine at ang diphenhydramine ay isang antihistamine na gamot. Kaya naman ginagamit ang gamot na ito para mapawi ang sintomas ng allergy tulad ng pangangati, rashes o pantal, pangangati ng mata, ilong, at lalamunan, ubo, sipon, at ang pagbahing. Katulad ng ibang antihistamine, gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagpigil nito sa subtance na histamine na nagdudulot ng allergy symptoms sa isang tao. Ang benadryl ay marapat na hindi ipainom sa mga batang nasa edad 12 pababa.

"The dosage is based on your age, medical condition, and response to treatment. There are many brands and forms of diphenhydramine available. Read the dosing instructions carefully for each product because the amount of diphenhydramine may be different between products. Do not increase your dose or take this medication more often than directed." WebMD n.d.

Allergy Home Remedy

Walang duda na sa gamit ng mga gamot, mapapawi ang allergy symptoms, ngunit ang pag sabay sa nito sa mga home remedies ay mas makakapag pabuti ng kalagayan ng isang tao na nakakaranas ng allergy. Kaya naman narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring gawin upang maibsan ang sintomas ng allergy.

  • Uminom ng herbal tea tulad ng salabat.

  • Honey tea

  • Panatilihing malinis ang damit at siguraduhing walang alikabok o pollens ito.

  • Nasal Irrigation

FAQs

Anong gamot para sa allergy?

Ang gamot para sa allergy ay mga antihistamine medications.

Pwede bang bumili ng antihistamine sa botika kahit walang reseta?

Oo, ang mga antihistamine na pwedeng mabili over-the-counter ay ang Cetzine, Zyrtec, Fexy, Allegra, Alavert, Claritin, Tavist, at Dimetane.

Pwedebang gamot ang benadryl para sa allergy?

Ang benadryl ay isang antihistamine na gamot, kaya maaari itong gamitin upang mapawi ang sintomas ng allergy.

Anong home remedy para sa allergy?

Ang pinaka mainam na home remedy ay ang paginom ng mga herbal tea tulad ng salabat. Ang luya na ginagamit para sa salabat ay may anti-inflammatory properties, sa ganun mapapawi nito ang congestion na isa sa mga sintomas ng allergy.

Anu-anong allergens para sa allergy?

Maraming allergens ang pwedeng magdulot ng allergy ngunit ang pinaka karaniwan ay ang pollen, mold, at dust mites.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. Mayo Clinic. (August 04, 2020). "Allergies" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/allergies/symptoms-causes/syc-20351497

  2. Better Health. (December 17, 2017). "Immune system explained" Retrieved from: https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/immune-system

  3. MedlinePlus. (November 30, 2021). "Allergen" Retrieved from: https://medlineplus.gov/ency/article/002229.htm

  4. MedlinePlus. (November 30, 2021). "Antibody" Retrieved from: https://medlineplus.gov/ency/article/002223.htm

  5. AAAAI. (n.d.). "Skin Allergy" Retrieved from: https://www.aaaai.org/Conditions-Treatments/Allergies/Skin-Allergy

  6. Mayo Clinic. (June 12, 2020). "Atopic dermatitis (eczema)" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atopic-dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20353273

  7. Mayo Clinic. (June 19, 2020). "Contact dermatitis" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/contact-dermatitis/symptoms-causes/syc-20352742

  8. Mayo Clinic. (June 09, 2020). "Chronic hives" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-hives/symptoms-causes/syc-20352719

  9. Kerr, M. (May 29, 2020). "Pollen Allergies" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/allergies/pollen

  10. Watson, S. (June 22, 2020). "What Is Postnasal Drip?" Retrieved from: https://www.webmd.com/allergies/postnasal-drip

  11. MedlinePlus. (November 30, 2021). "Spores" Retrieved from: https://medlineplus.gov/ency/article/002307.htm

  12. Mayo Clinic. (July 31, 2021). "Dust mite allergy" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dust-mites/symptoms-causes/syc-20352173

  13. Sampson, H. & Sicherer, S. (2013). "Food allergy: Epidemiology, pathogenesis, diagnosis, and treatment" Retrieved from: https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/24388012/

  14. AAFA. (April, 2021). "Allergy Facts and Figures" Retrieved from: https://www.aafa.org/allergy-facts/

  15. NARF. (n.d.). "Allergy Statistics - The Most Common Disease" Retrieved from: https://www.narf.org.uk/the-allergy-explosion

  16. NHS. (December 05, 2019). "Atopic eczema" Retrieved from: https://www.nhs.uk/conditions/atopic-eczema/causes/

  17. Fairview. (n.d.). "Understanding Nasal Allergies" Retrieved from: https://www.fairview.org/Patient-Education/Articles/English/u/n/d/e/r/Understanding_Nasal_Allergies_83614

  18. Faries, S. (August 30, 2021). "The Allergen Lurking in Your House: Mold Allergy Symptoms" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/allergies/mold-allergy-symptoms

  19. AAAAI. (n.d.). "Allergy Statistics" Retrieved from: https://www.aaaai.org/About/News/For-Media/Allergy-Statistics

  20. West, H. (January 25, 2017). "The 8 Most Common Food Allergies" Retrieved from: https://www.healthline.com/nutrition/common-food-allergies

  21. Mayo Clinic. (May 01, 2020). "Allergy medications: Know your options" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/allergies/in-depth/allergy-medications/art-20047403

  22. WebMD. (n.d.). "Benadryl Allergy - Uses, Side Effects, and More" Retrieved from: https://www.webmd.com/drugs/2/drug-4375/benadryl-allergy-oral/details

  23. UOFMHealth. (November 06, 2020). "Types of Allergens" Retrieved from: https://www.uofmhealth.org/health-library/hw34011

  24. San Tan Allergy & Asthma. (June 21, 2020). "Easy Home Remedies for Allergies You Can Make At Home" Retrieved from: https://santanallergy.com/easy-home-remedies-for-allergies-you-can-make-at-home/

  25. CFAA. (August 31, 2019). "Anti Allergic Medicine Most Common Antihistamines List" Retrieved from: https://allergycure.co.in/anti-allergic-medicine-most-common-antihistamines-top-list/