Bago alamin ang gamot sa allergy na pantal alamin muna natin kung bakit nagkakaroon ng pamamantal ang atin balat dahil sa allergy. Ang allergy 1 ay isa sa mga kondisyon na nararanasan ng maraming tao. Maaaring iba't-bang klase ng allergy ito tulad na lamang ng allergy sa pagkain, allergy sa pollen, allergy sa gamot, at simyempre ang skin allergy.
Pantal o Allergy sa Balat
Ang allergy sa balat o skin allergy 2 ay nagdudulot ng mapulang bumps sa balat o mas kilala bilang pantal. Ang mga pantal na ito ay nagdudulot ng labis na pangangati. Kaya kung ikaw ay nakakaranas ng skin allergy, alamin mo sa artikulong ito ang gamot na maaaring maka lunas nito.
Ang skin allergy ay naranasan ng tao kapag ang katawan ng isang tao ay makakatagpo ng isang irritant na sa tingin ng katawan ay maaring magdulot ng kapahamakan. Ang mga irritants na ito ay maaaring tawagin bilang allergen 3. Kung ang mga allergen na ito ay magkakaroon ng kontak sa katawan ng isang tao, nagdudulot ito ng pantal at pamamaga dahil lalabanan ito ng immune system ng isang tao.
"Something touches your skin, and your immune system thinks it's under attack. It overreacts and sends antibodies to help fight the invader, called an allergen. The result is a red, itchy rash where the substance landed.Something touches your skin, and your immune system thinks it's under attack. It overreacts and sends antibodies to help fight the invader, called an allergen. The result is a red, itchy rash where the substance landed." - WebMD December 07, 2020
Uri ng Skin Allergies
Katulad ng ibang allergies, ang skin allergy ay may iba't-ibang uri, ilan na lamang dito ay ang mga sumusunod:
Contact dermatitis
Ang contact dermatitis ay isang uri ng skin allergy kung saan nagkakaroon ng mapula at makating pantal sa balat ng isang tao. Ayon sa pananaliksik 4, kadalasan ang uri ng skin allergy na ito ay sanhi ng direktang kontak sa isang allergen. Kaya naman ito ay nagdulot ng isang allergic reaction.
Ilan sa mga sintomas ng contact dermatitis ay ang sumusunod:
-
Mapulang pantal
-
Nangangati ang pantal
-
Dry ang balat na mayroong pantal
-
Namamaga ang balat
"Contact dermatitis is a red, itchy rash caused by direct contact with a substance or an allergic reaction to it. The rash isn't contagious or life-threatening, but it can be very uncomfortable." - Mayo Clinic June 19, 2020
Hives
Ang hives 5 ay isang skin allergy kung saan nagkakaroon ng inflammation o pamamaga sa triggered na balat ng isang tao. Ito ay dahil sa mga histmaines na pinakawalan ng immune system para labanan ang isang allergen. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng hives dahil sa allergic reaction sa isang pagkain, gamot, o sa mga insect bites. Ang mga hives na acute o pansamantala ay maaaring mawala sa loob ng ilang oras at kadalasang napapawi sa pamamagitan ng mga gamot. Ngunit ang chornic na hives na tumatagal ng buwan hanggang taon ay kinakailangan ng medical attention. Gayunman, narito ang ilan sa mga sintomas ng hives skin allergy:
-
Namumulang bumps sa balat
-
Nagiging puti ang kulay ng pantal tuwing hinahawakan.
-
Makati ang balat
-
Namamaga
"They happen when your body has an allergic reaction to an allergen, a substance that’s harmless to most people. But can also occur in autoimmune conditions or systemic conditions, if hives last for a prolonged period of time. Hives may be itchy, or you might feel them burning or stinging." - Cleveland Clinic April 22, 2020
Eczema
Ang skin allergy na eczema 6 o atopic dermatitis ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng mapula at makating pantal sa balat ng isang tao. Ito ay kadalasang nararanasan ng mga kabataan. Bukod pa dito, ang pantal na dala ng eczema o atopic dermatitis ay maaaring tumagal at maaaring kasabay sa pagkaranas nito ay ang hay fever o asthma.
-
Ilan sa mga sintomas ng eczema o atopic dermatitis ay ang sumusunod:
-
Dry na balat
-
Labis na pangangati ng balat na mas tumitindi tuwing gabi.
-
Mapula o brownish-gray na pantal sa balat, kadalasan sa kamay, paa, galang-galangan, dibdib, mukha, at anit.
-
Bumps sa balat
-
Namamaga ang balat
"Eczema is the most common skin condition, especially in children. It affects one in five infants but only around one in fifty adults." - AAAAI n.d.
Sanhi ng Skin Allergy
Ang balat ng tao ay kadalasang isa sa mga sensitive na bahagi sa katawan ng isang tao. Kaya naman posible lamang na may mga bagay na maaaring magdulot ng allergic reaction ang balat ng isang tao. Ang ilan sa mga sanhi ng skin allergies ay ang sumusunod:
-
Nickel. Ang nickel ay karaniwang makikita sa mga alahas tulad ng hikaw, kuwintas, at pulseras. Maaari rin itong makita sa makeup , okaya naman ay sa lotion, sabon, at shampoo.
-
Mga gamot. Ang mga cream na gamot tulad ng antibiotic ay maaaring magdulot ng allergic reaction sa balat lalo na kung allergic ang tao dito.
-
Sunscreens
-
Pabango
-
Panglinis ng mga produkto
-
Latex
-
Chemicals
Gamot sa Allergy na Pantal o Skin Allergy
Ang mga skin allergy, kahit na isang external na kondisyon lamang na nararanasan, ay maaari pa rin magdulot ng discomfort at pananakit. Kaya naman mas pinipili ng mga tao na bumili ng gamot upang mapawi ang sintomas ng kanilang skin allergy. Kung ikaw ay nakakaranas ng ganitong kondisyon, maaari mong ikonsidera ang mga sumusunod na gamot:
- Hydrocortisone cream. Ang medication cream na ito ay maaaring gamitin para sa mga skin condition na dulot ng allergy, pangangati, at mga kagat ng insekto. Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagbabawas nito sa pamamaga, pamumula, at pangangati ng balat. Kaya naman maaari itong makatulong para sa mga skin allergies.
"Use this medication on the skin only. However, do not use it on the face or underarms unless directed to do so by your doctor. Some products are meant to be used on the scalp for various conditions. To correctly use these products, follow the directions on the product package."* WebMD n.d. *
Ointments o lotion. Ang mga ointments o lotion na calamine ay kadalasang makakatulong para sa pangangati. Nakakatulong ito para mapawi ang mga kondisyon tulad ng kagat ng insekto na maaaring magdulot ng skin allergy. Bukod pa dito, ito ay isang over-the-counter na treatment.
Antihistamine na gamot. Ang skin allergies ay isang allergy, kaya naman malamang lamang na gamot para dito ay antihistamine. Ang antihistamine ay gamot na pumipigil sa histamines. Ang mga histamines ang nagdudulot ng allergy symptoms gaya ng pangangati at pamumula. Sa pagpigil ng antihistamine sa mga histamines 7, mapapawi ang sintomas ng skin allergy na nararamdaman ng isang tao.
"This medication works by blocking a certain natural substance (histamine) that your body makes during an allergic reaction." - WebMD n.d.
- Topical Corticosteroids. Ang Topical Corticosteroids ay isang medication na ginagamit upang magamot ang mga kondisyon tulad ng rash, pangangati, at pantal. Bukod pa dito, ito ay mayroong anti-inflammatory properties kaya naman makakatulong rin ito upang mapawi ang pamamaga na dulot ng skin allergy.
FAQs
Anong gamot para sa skin allergy?
Ang pinaka mainam na gamot dito ay ang mga antihistamines dahil ito talaga ang treatment para sa mga allergy.
Anong gamot para sa pantal na dulot ng kagat ng insekto?
Ang ointment o lotion na calamine ay makakatulong para sa pantal at pangangati.
Anong cream ang pwedeng gamitin para sa skin allergy?
Ang hydrocortisone cream ay pwedeng gamitin para skin allergy.
Anong dahilan bakit nagkakaroon ng skin allergy?
Ang isang tao ay maaaring makaranas ng skin allergy kung nagkaroon ng allergic reaction sa anumang bagay na nilalagay sa balat gaya ng mga bagay na may nickel. Ang mga bagay na may nickel ay ang mga alahas, makeup, at mga lotion, sabon, at shampoo. Pwede ring dulot ito ng mga medication cream, dahil ang ibang mga tao ay allergic sa ilang antibiotic. Ilan pa sa mga sanhi ay ang sunscreen, pabango, cleaning products, latex, at chemicals.