GamotBawal

Gamot sa Acidic

Ang pagiging acidic ay isang kondisyon na nagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam sa isang tao. Kaya naman alamin mo sa artikulong ito ang gamot para sa acidic.

Sa Pilipinas, maraming tao ang acidic. Kadalasang ginagawang rason ng mga tao dito ang pagiging lipas sa gutom ng isang tao. Ngunit hindi lang ang rason na ito ang dahil kung bakit nagiging acidic dahil ang isang tao. Bagkus, minsan ito ay dahil sa mga pagkain na kinakain ng mga tao. Hindi maikakaila na ang pagiging acidic ay abala rin kung minsan dahil ito ay nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam at kung minsan may mga pagkain kang hindi makonsumo. Kaya naman sa artikulong ito, iyong malalaman ang posibleng gamot para sa pagiging acidic.

Bakit Acidic ang Tao?

Ang pagiging acidic o acid reflux 1 o mas kilala bilang hyperacidity 2 ay isang pangkaraniwang kondisyon na nararanasan sa maraming mga Pilipino. Ngunit hindi ito karamdaman na nakakahawa katulad ng viral na impeksyon at bakteryal na impeksyon. Kaya naman marami sa mga tao ang walang kamalayan sa totoong rason ng pagiging acidic ng isang tao. Bakit nga ba acidic ang isang tao? Narito ang ilan sa mga dahilan sa likod ng hyperacidity:

"Smoking also seems to make stomach acid more intense and damaging by promoting the transfer of bile salts from the intestines into the stomach." - Thompson, D. November 18, 2009
  • Hindi magandang eating habits. Ang madalas na pagkain ng hindi masustansyang mga pagkain ay siyang dahilan ng mataas na produksyon ng acid sa tiyan ng isang tao. Katulad na lamang ng labis na pagkain high-fat foods gaya ng french fries, bacon fat, ham fat, at iba pang oily na pagkain.

  • Stress at Anxiety. Ang stress dahil sa pang araw-araw na gawain tulad ng trabaho at pag-aaral ay maaaring dahilan ng pagiging acidic ng isang tao. Ayon sa isang artikulo 4, ang stress ay nakakaapekto sa produksyon ng prostaglandins 5, ang prostaglandins ay ang nagbibigay proteksyon sa tiyan sa anumang epekto ng acid.

"Stress responses and anxiety may cause long lasting muscle tension. If this affects the muscles around the stomach, it could increase pressure in this organ and push the acid up. High anxiety (6) levels may increase stomach acid production." - Johnson, J. February 18, 2020
  • Sobrang pag inom ng alak. Ang alcohol na beverages ay nagdudulot ng pagtaas ng acid sa katawan. Kaya naman ang ilang mga taong sobra sobrang alak ang na inom ay nakakaranas ng pagsusuka at pananakit ng tiyan.
"Drinking – even a little – makes your stomach produce more acid than usual, which can in turn cause gastritis (the inflammation of the stomach lining). This triggers stomach pain, vomiting, diarrhoea and, in heavy drinkers, even bleeding."* - Drinkaware n.d. *

Ang ilan pang dahilan kung bakit nagiging acidic ang isang tao ay ang sumusunod:

  • Laging nalilipasan ng gutom.

  • Late ang kumakain.

  • Sobrang pagkonsumo ng caffeine

  • Pagkain ng sobrang anghang na pagkain.

  • Agarang paghinga pagkatapos kumain.

  • Pagbubuntis.

  • Fasting.

Acidic Stomach

Marami sa mga Pilipino na kilala lamang ang kondisyon na ito bilang acidic.Ngunit ang termino para dito ay Acid Reflux o Hyperacidity. Ang taong may hyperacidity ay maaaring makaranas ng hindi magandang pakiramdam lalo na tuwing umaga at gabi kung kailan kadalasang nagkakaroon ng acid reflux ang isang tao. Ang tiyan o stomach ng isang tao ay natural na may acid. Dahil ang trabaho ng acid sa katawan ay tunawin ang mga pagkaing kinakain ng isang tao. Ang tawag sa mga ito ay stomach acid ay tinatawag rin bilang gastric acid. Ang acid na hydrochloric acid 7 ay isang stomach acid. Ayon sa pananaliksik, ang hydrochloric acid ay main component ng stomach acid. Bagamat ang acid sa tiyan ng tao ay isang krusyal o napaka importante bahagi sa katawan ng isang tao, may mga pagkakataon na nagiging sobra ang produksyon ng acid sa tiyan kaya ito nagiging acidic at nagdudulot ng abala at discomfort. Ang acidic na stomach ay isang kondisyon na kilala sa terminong hyperacidity o acid reflux.

"Hyperacidity, also known as acid dyspepsia, is a common issue bothering most people. It is a medical disorder where the stomach produces an excess of acids, mainly hydrochloric by the gastric glands. (8)" - Binu, S. April 16, 2021

Acidic Sintomas

Ang tao na acidic ay maaaring makaranas ng ilang mga sintomas, tulad ng:

  • Heartburn.

  • Mahapdi ang pakiramdam ng sikmura.

  • Mapait o maasim na dighay.

  • Masakit ang tiyan kapag marami ang nakakain.

  • Pananakit ng lalamunan

  • Nahihilo

  • Nagsusuka

  • Walang gana kumain

  • Nanghihina.

Related ba ang Ulcer sa Pagiging Acidic?

Maraming tao ang inihalintulad ang pagiging acidic sa ulcer 9. Sa katunayan marami sa mga acidic na tao ay natatakot dahil sa maaari itong ugnay sa sakit na ulcer. Ngunit related nga ba talaga ang ulcer sa pagiging acidic? Ang ulcer ay isang sakit na maaaring dulot ng bacteria o virus. Samantala, ang hyperacidity ay ang excess na stomach acid sa tiyan ng isang tao. Ito ay maaaring mangayari sa pamamagitan ng paninigarilyo, stress, o ibang mga pagkain.

"Less common causes of stomach ulcers include: Excess stomach acidity, or hyperacidity: This can occur for a range of reasons, including genetics, smoking, stress, and some foods." - MacGill, M. January 17, 2018

Bagamat sinasabi sa mga pananaliksik na maaaring magdulot ng acid reflux o hyperacidity ang ulcer, hindi nagdudulot ng ulcer ang tiyan sa acidic. Sa madaling salita, kung ang isang tao ay acidic hindi ibig sabihin nito na magkakaroon na ito ng ulcer. Ang sintomas na nagpaparamdam ng ulcer ay may pagkakaiba sa sintomas na binibigay ng hyperacidity.

"Stomach ulcer symptoms tend to be more distinct than heartburn (10), but symptoms can still be vague. An ulcer tends to produce a burning or dull pain in the stomach area. This pain is sometimes described as a “biting” or “gnawing” pain. Some people may describe a sensation." - MacGill, M. January 17, 2018

Ano ang Gamot sa Acidic?

Ang pagiging acidic o ang hyperacidity ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng mga gamot. Kaya naman maaaring malunasan ang discomfort na nararamdaman ng taong acidic.

May iba't-ibang klase ng gamot na makakatulong upang mapababa ang hydrochloric secretions at maging neutralized ang acid sa tiyan ng isang tao, tulad ng:

Antacids

Ang antacids ay isang klase ng gamot na makakatulong upang maging neutralized ang acid sa tiyan. Ayon sa pananaliksik, ang mga gamot na ito ay mayroong aluminum, calcium, magnesium, o sodium bicarbonate na umaakto bilang bases para lumaban sa acid ng tiyan at maging neutral ang pH nito. Maaaring gamitin ang mga gamot na ito sa mga karamdaman tulad ng Gastroesophageal Reflux Disease (GERD), heartburn, at hyperacidity. Ito ay over-the-counter na gamot kaya naman maaari itong mabili ng walang reseta. Ang ilang gamot na antacids ay Pepto-Bismol, Alternagel, Alka-Seltzer,Rhea Antacids, Kremil S.

"Antacids are available as liquids or tablets. Some products combine several antacid ingredients together or include alginates. Alginates are gum-like substances that float on top of the stomach contents, forming a raft that acts like a barrier. These may provide more symptom relief in people with reflux." - Fookes, C. April 30, 2018

H2 Blockers

Ang H2 blockers ay klase ng gamot na nakakapagpababa ng acid na nasa lining ng tiyan. Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pag tigil nito sa mga cells na gumagawa ng acids sa stomach lining ng isang tao. Sa ganito, mababawasan ang produced na acid sa tiyan ng tao. Maaaring mapawi ng H2 blockers ang ilang sintomas ng hyperacidity tulad ng heartburn. Ang mga gamot na H2 blockers ay Pepcid AC, Zantac Syrup, Tagamet HB, Axid AR, at Axid Capsules. Ang gamot na ito ay safe at epektibo ngunit tulad ng ibang gamot, maaaring itong magdulot ng side effects.

"What H2 blockers do is stop the acid-making cells in the stomach lining from responding to histamine. This reduces the amount of acid produced by your stomach." - Knott, L April 03, 2020

PPIs

Katulad ng H2 blockers, ang PPIs o Proton pump inhibitors ay mga gamot na tumatalab sa pamamagitan ng pagbabawas sa stomach acids. Ang mga PPI na gamot ay ang Protonix, Nexium, Dexilant, Prilosec, at Prilosec OTC.

"Proton pump inhibitors (PPIs) are the most commonly prescribed class of medication for the treatment of heartburn and acid-related disorders. They work by blocking the site of acid production in the parietal cell of the stomach." - Waring, J.P. 2015

Mga Pagkaing Pwede sa Acidic

Ang pagkain na kinukonsumo ay isa sa mga factor na nakakaapekto sa pagtaas ng acid sa tiyan. Kaya naman kailangan mong malaman ang mga pagkain na pwede at makakabuti para sa isang taong acidic o may hyperacidity.

  • Chicken breast - ang mga karne tulad ng manok lalo na ang parteng breast ay low-fat kaya naman nakakatulong ito upang mabawasan ang sintomas ng hyperacidity. Sa luto nito, maaari itong ihawin, prituhin, o gawing sabaw.

  • Isda. Ang kahit anong klase ng isda ay low fat at mayaman sa protein. Bukod pa dito, ayon sa pananaliksik, ang isda ay maganda para sa mga taong nakakaranas ng heartburn. Kaya naman maaari itong kainin ng mga taong acidic na nakakaranas ng heartburns.

  • Brown Rice. Ang brown rice ay kilalang rice na mas masustansya kaysa sa karaniwang white rice. Ito ay mayaman sa fiber kung kaya't nakakatulong ito para mapigil ang mga sintomas ng acid reflux. Ang brown rice ay kadalasang kinukonsumo ng mga taong sumusunod sa low-acid na diet, kaya naman makakatulong ito para sa taong may acidic na tiyan.

  • Lettuce. Ang mga gulay na mild tulad ng lettuce ay masustansya at low in calories. Bukod pa dito, ito ay low in fat at low in sugar kaya naman makakatulong ito para sa stomach acid ng isang tao.

  • Melon. Ang melon tulad ng watermelon ay mga prutas na may low-acid. Kaya makakabuti ito sa tiyan ng isang taong acidic.

Ang hyperacidity ay maaaring makontrol sa pamamagitan ng pagpili ng mga kinakain ng taong acidic. Kaya naman narito ang ilan sa mga pagkain na kailangan iwasan ng mga taong acidic.

Mga pagkain na high-fat at pritong pagkain. Ang high-fat na pagkain ay hindi masustansya at maaaring itong magdulot ng acid reflux. Bukod pa duon ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases, ang mga pagkain na puro taba ay nakakadulot ng delay sa stomach emptying kung kaya't mas nagiging mataas ang posibilidad ng reflux. Upang tuluyang maging acidic ang tiyan at hindi magkaroon ng reflux, maaaring bawasan ang pagkain ng high-fat na pagkain, tulad ng:

  • French fries

  • Potato chips

  • Queso o Cheese

  • Baka

  • Baboy

Mga maanghang na pagkain. Ang mga pagkain na maanghang ay maaaring magdulot ng iritasyon kung kaya't maaaring tumaas ang acid sa tiyan. Bukod pa duon, maaaring ma irritate ang esophagus, kung kaya't pwede nitong mas mapalala ang ilang sintomas ng hyperacidity tulad ng heartburn. Ang ilan sa mga maanghang na pagkain na maaaring maiwasan ay ang mga sumusunod:

  • Maanghang na instant noodles tulad ng ramyeon at samyang noodles.

  • Pagkaing may sobra sobrang labuyo

  • Maanghang na junk foods

Prutas. Ang prutas ay isang pagkain na nagbibigay sustansya. Ngunit may mga ilang prutas na hindi nakakabuti para sa sikmura ng taong acidic. Ang ilan sa mga prutas na kailangan iwasan ay ang mga sumusunod:

  • Oranges

  • Lemons

  • Limes

  • Tomatoes

  • Pineapples

Iwasan ang mga inumin na hindi nakakabuti para sa sa sikmura. Ang mga inumin tulad ng alak, kape, at mga soft drinks ay mas nakakapagpalala ng sintomas ng hyperacidity. Maaari itong magdulot ng mas masakit ng pakiramdam sa sikmura dahil ang mga inuming ito ay acidic rin. Bukod pa dito, dapat ring iwasan ang citrus juices at tomato juices.

Ang ilan pa sa mga kailangan iwasan ay ang mga sumusunod:

  • Tsokolate

  • Mint na pagkain

  • Processed na pagkain

  • Aspirin

  • Iron supplements

  • Potassium supplements

Ang kaunting sakripisyo at pagsasaayos ng eating habits ng isang taong acidic ay maaaring makapagpabuti sa kalagayan at sintomas ng hyperacidity.

FAQs

Anong gamot para sa acidic?

May tatlong kalseng gamot na maaaring makatulong para sa hyperacidity, ito ang antacids, H2 blockers at PPIs. Maaari itong mabili sa mga botika.

Bakit nagiging acidic ang isang tao?

Ang isang tao ay nagiging acidic sa maraming dahilan, ilan na lamang dito ay ang pagiging obese, paninigarilyo, at hindi magandang eating habits.

Anong sintomas ng taong acidic?

Mahapdi ang sikmura, heartburn, at maasim o mapait na dighay.

Anong pagkain ang pwede sa acidic?

ang mga low fat na pagkain tulad ng chicken,isda at mild na mga gulay ay maaaring kainin ng taong acidic.

Anong bawal sa acidic?

Ang ilan sa mga bawal sa taong acidic ay ang mga sumusunod: maanghang na pagkain, high-fat na pagkain, prutas na hindi nakakabuti sa sikmura, at mga inumin na acidic.

Retrieved from:

  1. Stuart, A. (April 25, 2020). "What Is Acid Reflux Disease?" Retrieved from: https://www.webmd.com/heartburn-gerd/guide/what-is-acid-reflux-disease

  2. Kapoor, N. (n.d.). "Everything You Need to Know About Hyperacidity" Retrieved from: https://sahyadrihospital.com/blog/hyperacidity/

  3. Mayo Clinic. (May 22, 2020). "Gastroesophageal reflux disease (GERD)" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gerd/symptoms-causes/syc-20361940

  4. Johnson, J. (February 18, 2020). "Acid reflux and anxiety: What to know" Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/acid-reflux-and-anxiety

  5. You and Your Hormones. (2019). "Prostaglandins" Retrieved from: https://www.yourhormones.info/hormones/prostaglandins/#:~:text=The%20prostaglandins%20are%20a%20group,All%20Hormones%20Resources%20for%20Hormones

  6. Medline Plus. (September 20, 2021). "Anxiety" Retrieved from: https://medlineplus.gov/anxiety.html

  7. ChemicalSafetyFacts. (n.d.). "Hydrochloric Acid" Retrieved from: https://www.chemicalsafetyfacts.org/hydrochloric-acid/

  8. IMAIOS. (n.d.). "The Gastric Glands." Retrieved from: https://www.imaios.com/en/e-Anatomy/Anatomical-Parts/gastric-glands

  9. Rippey, P. (February, 2021). "Ulcers" Retrieved from: https://familydoctor.org/condition/ulcers/#:~:text=Ulcers%20are%20sores%20on%20the,ulcers%20are%20called%20duodenal%20ulcers.

  10. MacGill, M. (March 31, 2021). "Heartburn: Why it happens and what to do" Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/9151

  11. Thompson, D. (November 18, 2009). "Smoking Can Lead to GERD" Retrieved from: https://www.everydayhealth.com/gerd/gerd-and-smoking.aspx

  12. Drinkaware. (n.d.). "Is alcohol harming your stomach?" Retrieved from: https://www.drinkaware.co.uk/facts/health-effects-of-alcohol/effects-on-the-body/is-alcohol-harming-your-stomach

  13. MacGill, M. (January 17, 2018). "Everything you need to know about stomach ulcers" Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/312045

  14. Fookes, C. (April 30, 2018). "Antacids" Retrieved from: https://www.drugs.com/drug-class/antacids.html

  15. Knott, L. (April 03, 2020). "H2 Blockers" Retrieved from: https://patient.info/digestive-health/indigestion-medication/h2-blockers

  16. Waring, J.P. (2015). "Proton Pump Inhibitors (PPIs)" Retrieved from: https://aboutgerd.org/treatment/medications/proton-pump-inhibitors-ppis/

  17. NIH. (July, 2020). "Eating, Diet, & Nutrition for GER & GERD" Retrieved from: https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/acid-reflux-ger-gerd-adults/eating-diet-nutrition

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.