GamotNatural na Remedyo

Gamot sa An An

Ikaw ba ay nakakaranas ng an an? Hindi alam kung ano ang gamot para sa an an? Kung ganun, alamin mo yan dito!

Ang biglang sa ating balat ay tiyak na nakakapag dulot ng kaba at pag-aalala. Lalo na kung ika'y hindi pamilyar sa kung anong lumalabas sa iyong balat. Kung kaya't narito ang isa sa mga madalas na skin infections na nakukuha ng mga pilipino, ang an an. Ang pagkakaroon nito ay hindi na bago sa mga Pilipino, dahil sa init na nararanasan ng ating bansa. Pero marapat nga ba talagang katakutan ang skin infection na ito? Ano ba talaga ang an an? Paano ito nakukuha? At paano ito magagamot? 'Yan ay tatalakayin natin dito.

Ano ang An an Skin Disease

Ang an an ay isang skin disease o infection na nagaganap dahil sa fungus 1. Kung ikaw ay pamilyar dito, marahil iyong natatandaan na ang mga taong may an an ay kadalasang mayroong discolored patches 2. Sa madaling salita, ang mga taong may an an ay nagkakaroon ng hindi pantay na kulay na balat dahil sa fungus na nakakaapekto sa normal pigmentation ng kanilang balat na kayumanggi. Ang an an ‘man ay may pagka malala kung iyong pakikinggan ngunit ang skin infection na ito ay hindi naman nakakahawa at hindi malala tulad ng ibang mga karamdaman. Gayun pa ‘man, ang pagkakaroon ng an an ay maaaring maghatid ng emotional distress at self-consciousness sa isang tao. Ayon sa mga pag-aaral ang kalimitang tinutubuan ng an an ay ang mga taong nakatira sa lugar na may humid weather tulad ng Pilipinas, kung kaya't isa itong common na skin infection sa ating bansa.

*“It results from a type of yeast that naturally lives on your skin. When the yeast grows out of control, the skin disease, which appears as a rash, is the result.” - Nazario, B. September 26, 2020 *

Sintomas

Marapat tandaan na ang an an ay isang skin disease na hindi nagbibigay ng kahit na anong painful na pakiramdam at hindi ito nakakahawa ng iba tao o hayop. Pero upang magbigay ng karagdagang kaalaman sa mambabasa narito ang ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan kung ang isang tao ay may an an:

Sanhi

Ang isang tao ay nagkakaroon ng An an kapag ang balat nito ay nagkakaroon ng fungal infection. Pero anong fungi nga ba ang nagsasanhi ng an an sa iyong balat? Ang fungi na nagsasanhi nito ay tinatawag na Malassezia 3. Ayon sa mga saliksik, ang Malassezia ay isang klase ng yeast sa ating balat. Bagamat hindi ito kadalasang nag sasanhi ng malalang sakit, ang pagkakaroon ng masyadong maraming Malassezia sa ating balat ang dahilan kung bakit naapektuhan ang normal na kulay ng ating balat o natural skin pigmentation. Ang isang tao ay nagkakaroon ng an an tuwing mabilis ang pagdami ng Malassezia sa surface ng balat. Ayon sa mga saliksik, hindi pa sapat ang mga pag-aaral upang masagot kung bakit nagkakaroon ng An an ang isang tao, ngunit narito ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa mabilis na pagdami ng Malassezia sa ating balat:

Ang ilan ba sa maaring sanhi nito ay ang Hormonal changes 6 na nararanasan ng isang tao.

An an in english

Ang an an sa ingles ay tinatawag na Tinea Versicolor 7. Ang tinea versicolor ay kilala rin bilang Pityriasis versicolor 8. Ito ay isang fungal infection na sanhi ng yeast sa ating balat na tinatawag na Malassezia. Dahil sa paglaki at pag rami ng yeast na ito sa ating balat kaya nagkakaroon ng discolored skin ang mga taong may an an. Ayon sa mga pag-aaral, ang kadalasang nagkakaroon ng an an ay ang mga teenagers at mga young adults. Bukod pa dito, ang exposure sa sun at ang mainit na panahon, ay isa sa mga primerong dahilan kung bakit dumadami ang Malassezia sa ating katawan na nagsasanhi ng an an.

Tinea versicolor is a common fungal infection of the skin. The fungus interferes with the normal pigmentation of the skin, resulting in small, discolored patches. These patches may be lighter or darker in color than the surrounding skin and most commonly affect the trunk and shoulders.” - Mayo Clinic April 07, 2020

Mabisang Gamot para sa An an

Hindi ‘man malalang kalagayan ang an an maaari mo pa rin itong magamot upang hindi ito magdulot ng emotional distress sa iyo. Marapat na tandaan na ang pagkonsulta sa isang dermatologist ay isa paring prioridad upang mabigyan ng epektibong solusyon ang iyong an an. Gayun pa ‘man, upang magbigay ng kaalaman sa mambabasa, narito ang mga mabisang gamot para sa an an.

Ang isa sa mabisang gamot para sa an an ay ang Salicylic acid 9. Ang salicylic acid ay nakakatulong upang mamatay ang anumang fungal infection sa ating balat kung kaya’t ito ay ginagamit na gamot sa anumang skin infection na sanhi ay fungus.

Dahil ang an an ay isang skin infection ang madalas na gamot dito ay mga produkto na pinapahid sa ating balat. Kung ang iyong an an ay malala at hindi malunas sa mga over the counter na gamot, marapat na ikonsulta ito sa doktor upang ika’y mabigyan ng mas epektibong gamot. Pero dahil sa extensive na pananaliksik, narito ang ilan sa mga topical preparations na maaaring makalunas sa iyong an an.

Ointment para sa an an

Ang mga madalas na ointment na ginagamit para sa an an ay ang mga anti-fungal ointment o lotion. Ayon sa mga saliksik, ito ay nirerekomendang ipahid sa infected area ng 2 hanggang 3 beses sa isang araw.Ang ilan sa mga ointment na ito ay ang: **clotrimazole, miconazole, terbinafine. **

Sabon para sa an an

Ang mga sabon anti-fungal ay nakakatulong upang malunas ang an an sa ating balat. Dahil sa extensive na pananaliksik, narito ang ilan sa mga kilalang sabon na nakakatulong sa pag gamot ng an an: **sulfur zinc oxide, salicylic acid soap, sulfur salicylic acid soap. **

Shampoo para sa an an

Dahil may mga pagkakataon na ang an an ay nagaganap sa anit ng isang tao, ang paggamit ng anti-fungal shampoo ay nakakatulong upang malunasan ito. Ayon sa mga saliksik, ang mga sumusunod ay ilan sa mga kilalang shampoo na anti-fungal: selenium sulfide shampoo at Ciclopirox

Bukod pa sa mga gamot na ito ang mga gamot tulad ng Diflucan, at itraconazole ay maaari ring makatulong sa paglunas ng an an.

“If you’re diagnosed with tinea versicolor, treatment will improve your long-term outlook. However, even after eliminating the infection, your skin may remain discolored for several weeks or months following treatment. Your infection may also return when the weather becomes warmer and more humid. If your condition returns, your doctor may prescribe medication once or twice per month to prevent symptoms.” - Bruke, D. March 08, 2019

Herbal na Gamot para sa An an

Bukod sa mga gamot na nabanggit, mayroon ring mga natural remedies tulad ng mga herbal treatments upang magamot ang an an. Isa na rito ang Bawang. Ang bawang ay nakakatulong sa pagpatay ng mga mikrobyo sa ating balat. Magaling na pang lunas ito dahil ang bawang ay may component na tinatawag na allicin 10 na ginagamit bilang medical treatment para sa mga bacteria at fungi. Pwede itong gamot para sa an an.

Ang ilan pa sa mga herbal treatments para sa an an ay ang mga sumusunod:

  • Langis ng niyog.

  • Honey

  • Aloe vera

  • **Turmeric. **

Gamot para sa An an sa Mukha

Dahil ang an an ay sanhi ng excess amount ng fungus na tinatawag na Malassezia at ang ilan sa mga maaaring magparami Malassezia ay skin oil. Ang pagkakaroon ng an an sa mukha ay hindi na rin imposible dahil sa ang ilan sa mga Pilipino ay nagkakaroon ng excessive skin oil sa mukha. Ngunit paano nga ba natin ito magagamot? Ano ang nararapat na ikonsumo para malunas ito at hindi lumala? Ayon sa mga saliksik ang Ketoconazole face wash ay isang anti-fungal face wash na maaaring makatulong sa pag gamot ng an an sa mukha. Bagamat ito ay maaaring karagdagang kaalaman sa mambabasa, ang pag konsulta sa isang dermatologist ay marapat paring gawing prioridad upang maagapan ang iyong sitwasyon.

Gamot para sa An an ng Baby

Ang mga baby ay maaari ring magkaroon ng an an. Maaaring may an an ang iyong baby kung ang mga sintomas tulad ng pagkakaroon ng patches sa likod o dibdib ng bata, at magrami ng patches ng baby tuwing mainit ang panahon. Paano ito magagamot? Ayon sa mga pag-aaral ang mga anti-fungal shampoo ay nakkatulong upang magamot ang an an ng baby katulad ng selenium sulfide.

“Your child’s healthcare provider may recommend a shampoo that contains selenium sulfide. This shampoo is available over the counter. If this treatment doesn’t work, your child’s healthcare provider may prescribe an antifungal or dandruff shampoo. Your child will apply the shampoo to his or her affected skin. Your child's healthcare provider may also prescribe topical antifungal creams or oral antifungal medicines.” - Stanford Children’s Health n.d.

Ano ang pagkakaiba ng An an, Buni, at Alipunga

Bagamat ang an an, buni o ringworm 11, at alipunga o athlete’s foot 12 ay mga fungal infection. Ito ay tatlong magkakaibang skin disease. Ang mga sumusunod ang pagkakaiba ng tatlo.

  • Itsura. Kung ang isang tao ay may buni madalas na makikita mo na ang patches na lumalabas sa kanyang balat ay mapula at kahawig ng singsing. Ang itsura naman ng mga paa ng taong may alipunga ay dry, at may maaaring kulay pula ito o kung malala na ay kulay berde. Samantala, ang itsura naman ng an an ay kadalasang white patches o lighter color sa normal pigmentation ng balat ng tao.

  • Uri ng fungi. Ang mga fungi na nagsasanhi ng buni ay tinatawag na Trichophyton, Microsporum, and Epidermophyton. Ang mga fungi na nagsasanhi naman ng alipunga ay dermatophytes. Samantalang, ang fungus na maaaring mag sanhi ng an an ay tinatawag na Malassezia.

  • Pagkalat ng skin disease. Ang buni at athlete’s foot ay maaaring makahawa ng ibang tao. Bukod pa duon, ang buni ay maaaring makahawa sa mga hayop. Samantala, ang an an ay hindi nakakahawa.

Tips

Bagamat gustuhin ‘man nating umiwas sa kahit na anong sakit, may mga pagkakataon pa rin na tayo ay magkakaroon nito. Lalo na kung tayo ay hindi nag iingat. Kung kaya’t ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga tips upang makaiwas sa pagkakaroon ng an an.

  • Umiwas sa paggamit ng oily skin products. Dahil nakakapag-padami ng malassezia ang oil, maaaring magka an an ang mga taong labis ang paggamit ng oily skin products.

  • Bawasan ang pagbilad sa araw. Ang pagbibilad sa araw ay nakaka contribute sa pagpaparami ng malassezia sa ating balat.

Ang ilan pa sa mga tips ay ang mga sumusunod: Gumamit ng **anti-fungal shampoo at gumamit ng mga anti-fungal cream at lotion **

FAQs

Ano ang sanhi ng an an?

Nagkakaroon ng an an ang isa tao kapag nagkakaroon ng labis na Malassezia sa kanyang surface skin. Dahil dito nagkakaroon ng mga patches at mispigmentation sa balat.

Malala ba ang an an?

Ayon sa mga saliksik, ang an an ay hindi malala ngunit maaari itong mag dulot ng emotional distress at self-consciousness sa mga taong makakaranas nito.

Pwede bang mahawa ng an an?

Hindi, ang an an ay hindi contagious kung kaya’t hindi dapat mag alala.

Anong pinagkaiba ng an an sa buni?

Ang mga patches ng buni ay mapula at may resemblance ng singsing. Samantala ang patches ng buni ay kalimitang kulay puti o lighter sa normal na kulay ng balat.

Anong gamot ang mabisa sa an an?

Ang salicylic acid ay mabisa sa paggamot nito dahil ang salicylic acid ay madalas na ginagamit sa pagpatay ng mga mikrobyo. Bukod pa dito may mga anti-fungal na cream, lotion, sabon, at shampoo na makakatulong sa paglunas ng iyong an an. Ang mga herbal treatment ay makakatulong rin sa paglunas ng an an kagaya ng bawang.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian