Panigurado na ika'y pamilyar sa terminong beke kahit na ikaw ay hindi pa nakakaranas nito, maaaring dahil ito sa mga haka-haka na nagsasabi na ang sanhi ng beke ay dahil pag ihip ng lobo. Bagamat ito ang parating dahilan ng nakararami at nakakatanda, walang siyentipikong patunay na nagsasabi ito talaga ang sanhi ng pagkakaroon ng beke ng isang tao. Kaya, sa artikulong ito iyong malalaman kung ano ang ito, sanhi, sintomas, at gamot para sa karamdamang tinatawag na beke.
Beke Overview
Ang beke ay isang karamdaman na nagbibigay pamamaga sa leeg ng isang tao. Ang sakit na ito ay nakakahawa ng ibang tao sa pamamagitan ng contact sa laway, nasal secretions 1, o kaya naman ay close contact o direct contact. Kung ikaw ay mayroon nito maaaring ika'y makaranas ng pananakit sa parte ng iyong leeg at panga. Bagamat madalas na iniisip ng mga Pilipino na ang beke at pagkakaroon ng beke ay hindi gaanong malala at hindi nakakapagbigay ng anumang komplikasyon, ito ay isang seryosong karamdaman na dapat binibigyan ng pansin. Upang makapag handog ng karagdagang impormasyon sa mga mambabasa, narito ang mga impormasyon galing sa mga credible sources na validated ng mga M.D. o Doctor of Medicine.
Beke in English
Ang beke o kilala sa terminong mumps 2 sa ingles ay isang viral infection. Sa madaling salita, ito ay isang sakit na nakukuha dahil sa virus. Kaya naman ang dahilan na pag ihip ng lobo ay mayroong maliit probability sa pagkuha ng karamdaman na ito, maliban na lamang kung ang lobong hinihipan ay na ihipan o ginamit ng taong may beke. Gayun pa ‘man, Ano nga ba ang virus na nagdudulot ng beke?
Ang RNA virus 3 na paramyxovirus 4 ang nagdudulot ng karamdamang beke. Kung ikaw ay hindi pamilyar dito, ang RNA virus ay isang klase ng ng virus na ang genetic material ay RNA, isa na sa mga virus na ito ang paramyxovirus. Ang virus na ito ay nasa group ng RNA viruses na tinatawag na Rubulavirus 5. ito ay nagbibigay ng respiratory diseases na kadalasang napapakalat sa pamamagitan ng droplets ng saliva ng mga taong may virus.
"Paramyxovirus: One of a group of RNA viruses that are predominantly responsible for acute respiratory diseases and are usually transmitted by airborne droplets. The paramyxoviruses include the agents of mumps, measles (rubeola), RSV (respiratory syncytial virus), Newcastle disease, and parainfluenza." Davis, C. March 29, 2021
Ang pinaka naapektuhan ng karamdaman nito ay ang salivary glands 6 o parotid glands 7 ng isang tao. Ang parotid glands ay isa sa mga salivary glands na ang function ay mag produce ng saliva o laway para sa pagtunaw ng pagkain. Ang mga glands na ito ay nasa sides ng mukha ng isang tao, sa parteng ibaba ng tainga. Kung kaya't kapag nagkakaroon ng beke, namamaga ang parte ng mukha na ito.
"Swelling of the parotid glands is the most common symptom of mumps. The parotid glands are a pair of glands responsible for producing saliva. They're located on either side of your face, just below your ears." - NHS. September 24, 2021
Sintomas ng Beke
Ang sintomas ng beke kagaya ng ibang mga viral infection ay hindi kaagaran nagpapakita. Sa ibang salita, sa una walang signs o mild symptoms lamang ito. Ayon sa mga pag-aaral, ang sintomas para sa karamdamang ito ay kadalasang nagpapakita pagkatapos ng dalawa o tatlong linggo ng initial exposure sa virus na paramyxovirus. Gayun pa 'man, narito ang ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan ng tao kung isa ay may beke o mumps.
-
Masakit ang below ear area, specifically sa salivary glands around ng leeg.
-
Masakit na pakiramdam tuwing ngumunguya o paglunok.
-
Lagnat.
-
Pananakit ng ulo.
-
Pananakit ng mga muscles.
-
Nanghihina ang katawan o pakiramdam na pagod.
-
Pagkawala ng gana sa pagkain.
-
Dry na bibig.
-
Mukhang namamaga ang mukha.
-
Lumalaking pisngi.
Sanhi ng Beke
Ang beke ay dulot ng virus na tinatawag na paramyxovirus. Ang karamdaman na ito ay contagious, ibig sabihin ito ay nakakahawa, lalo na't ang sintomas nito ay hindi kaagarang nagpapakita kaya mas marami ang maaaring mahawa nito. Upang magbigay kaalaman sa mambabasa, ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga paraan kung paano mahawa ng Beke.
-
Direct contact sa droplets of saliva. Katulad ng ibang viral infections, ang paramyxovirus na sanhi ng beke ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng direct contact sa mga taong infected nito. Ang direct contact sa droplets ng saliva o laway ay isang paraan upang mahawa ng beke.
-
Share ng mga bagay na may laway ng taong may beke. Ang pakikipag share ng mga bagay tulad ng water jug, baso, o kubyertos ay isa rin sa mga paraan upang mahawa ang isang tao ng virus.
-
Close contact. Maaari ring mahawa ang isang tao ng beke sa pamamagitan ng mga close contact tulad ng kissing o pakikipaghalikan.
"An infected person can spread mumps from a few days before their salivary glands begin to swell to up to five days after the swelling begins. A person with mumps should limit their contact with others during this time. For example, stay home from school and do not attend social events." - CDC. March 08, 2021
Bagamat ang pagkakaroon ng beke sa panahon ngayon ay madalang at ang komplikasyon sa karamdaman nito ay rare, ang pagpapaliban sa beke at pag walang bahala dito ay maaari pa rin magbigay ng komplikasyon. Upang makapagbigay ng karagdagang impormasyon sa mambabasa, narito ang ilan sa mga maaaring komplikasyon ng beke o mumps. Dahil ang karamdaman na beke ay may ugnay sa pamamaga, ang mga komplikasyon para dito ay ang pamamaga sa ilang parte ng katawan.
Pamamaga ng testicles. Ang condition na ito ay kilala rin bilang orchitis 8. Ang komplikasyon na ito ay naghahatid ng sakit sa parteng namamaga. Ayon sa pag-aaral ang pananakit ng testicles ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng paracetamol o ibuprofen.
"Orchitis is painful, but it rarely leads to the inability to father a child (sterility)." Mayo Clinic October 06, 2020
Brain. Ayon sa pananaliksik, ang mga viral illness katulad ng beke o mumps ay maaaring magdulot ng pamamaga ng utak, ang tawag sa sakit na ito ay encephalitis 9.
"Encephalitis can cause neurological problems and become life-threatening." Mayo Clinic October 06, 2020
Pamamaga ng membranes. Ang condition na ito ay tinatawag rin bilang meningitis 10. Kapag ang virus na nagdulot ng beke ay kumalat sa bloodstream ng katawan ng isang tao, maaari nitong mainfect ang central nervous system.
Pamamaga ng pancreas. Ang pamamaga ng pancreas ay maaaring tawagin bilang pancreatitis (11).
“About 1 in 25 cases of mumps lead to short-term inflammation of the pancreas (acute pancreatitis). The most common symptom is sudden pain in the centre of your belly.” NHS September 24, 2021
Ang ilan pa sa mga maaaring komplikasyon ng beke o mumps ay ang mga sumusunod: Hearing Loss, Heart problems, at Miscarriage.
Beke sa Leeg
Ang isang tao na may beke ay nakakaranas ng impeksyon sa kanyang salivary glands. Kagaya ng nabanggit, ang salivary glands ay nakalocate sa parteng leeg ng isang tao, kaya kung ito ay magiging infected at mamaga, maaaring magbigay ito ng physical appearance na paglaki ng iyong leeg o sa parteng ibaba ng iyong tainga, at ito ay tinatawag na beke. Ang ilan pang sintomas para dito bukod sa pamamaga ay hirap sa pagnguya at masakit na pakiramdam tuwing lumulunok. Ang beke sa leeg ay maaaring maghatid ng sakit at hindi komportableng pakiramdam sa taong nakakaranas nito, ngunit 'wag kang magalala dahil mayroong mga lunas at home remedies upang maibsan ang pananakit nito
Mabisang Gamot sa Beke
Katulad ng ibang viral infection ang beke o mumps ay walang ibang gamot. Hindi maaaring gumamit ng anumang antibiotics para malunas ito, kung kaya't hindi dapat uminom ng kung anu-anong gamot para dito. Dahil sa walang ibang gamot para sa beke o mump, ang maaari lamang gawin upang magamot ito ay palakasin ang immune system, dahil ang malakas na immune system ay nakakalaban sa mga microorganisms na nakakapasok sa katawan ng tao tulad na lamang ng virus.
"Without an immune system, we would have no way to fight harmful things that enter our body from the outside or harmful changes that occur inside our body. The main tasks of the body’s immune system are to fight disease-causing germs (pathogens) like bacteria, viruses, parasites or fungi, and to remove them from the body." - NCBI April 23, 2020
Ang ilan sa maaaring gawin ng isang tao upang mapalakas ang kaniyang immune system ay ang mga sumusunod:
-
Kumain ng healthy na pagkain. Ang pagkain ng healthy na pagkain katulad ng gulay at prutas ay makakatulong upang mapalakas ang ating resistensya na makakatulong sa paglaban sa virus na nagdudulot ng beke.
-
Uminom ng tubig. Ang pag inom ng walo o higit pang baso ng tubig ay nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system.
"Good hydration is crucial for optimal health. Whenever available and safe for consumption, tap water is the healthiest and cheapest drink." - WHO n.d.
- Iwasan ang acidic drinks. Ang mga acidic drinks gaya ng citrus juice at alcoholic drinks ay maaaring makapagirita ng parotid glands, at ang pagkairita dito ay hindi makakatulong sa pagpapa wala ng beke.
Ilan pa sa mga maaaring gawin upang magamot ang beke ay ang mga sumusunod:
-
Over the counter painkillers. Bagamat hindi totally magagamot ng painkillers ang beke, makakatulong pa rin ito sa pag ease ng sakit na nararamdaman ng pamamaga ng iyong leeg. Ang mga over the counters tulad ng paracetamol at ibuprofen ay makakatulong, ngunit ang batang edad 16 pababa ay hindi dapat bigyan ng anumang aspirin.
-
Warm compress. Ang paggamit ng warm compress sa area na namamaga ay makakatulong upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng pamamaga. Maaaring gumamit ng warm compress bag o washcloth na binasa ng warm na tubig kung walang warm compress bag.
Gamot sa Beke Ayon kay Doc Willie Ong
Isa sa mga kilalang doktor ngayon sa media ay si Doctor Willie Ong, upang magbigay ng mas credible source narito ang ilan sa mga maaaring gamot o gawin para sa beke ayon kay Doc Willie Ong. Ayon kay Doc Willie Ong, dahil sa ito ay isang sakit na dulot ng virus, walang gamot na maaaring inumin dito kundi ang mga supportive medicines at painkillers. Walang antibiotics na maaaring gamitin dito dahil ang antibiotics ay mga gamot na ginagamit upang magamot ang sakit na dulot ng bacteria. Kung kaya't ayon kay Doc Ong, ang maaari lamang gawin ay magpahinga tulad ng bed rest, pagpapaliban ng pag pasok sa trabaho o eskwelahan, pag-inom ng fluids gaya ng tubig, pagkain ng mga pagkain na malalambot tulad ng lugaw at sopas, at huli pag-iwas sa mga maasim na drinks.
Beke sa Bata
Ayon sa pag-aaral ang mga edad na 5 hanggang 10 taong gulang ang mga batang kadalasang nagkakaroon ng beke. Dahil ang isang tao ay maaaring mahawa ng beke sa pamamagitan ng direct contact sa saliva droplets ng taong may beke, ang mga bata ay maaaring magkaroon ng beke sa pamamagitan ng direct contact sa ibang bata na infected, tulad ng pakikipag share ng kubyertos, baso, okaya naman ay droplet ng laway sa pag-ubo o pagsasalita.
"The virus can also live on surfaces like doorknobs, eating utensils, and drinking cups. The virus is spread when another child uses these items and then rubs his or her nose or mouth." - Cedars Sinai n.d.
Ayon sa pag-aaral, marami sa mga bata ay walang sintomas o napaka mild lamang ng sintomas. Gayun pa 'man narito ang ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan ng bata kapag siya ay may beke.
-
Pananakit sa area ng salivary glands.
-
Pamamaga ng leeg o isa ilalim ng tainga.
-
Lagnat.
-
Pananakit ng ulo.
-
Pananakit ng muscles.
-
Masakit tuwing nanguya at lumulunok.
-
Pakiramdam na pagod.
-
Walang gana kumain.
Gamot sa Beke ng Bata
Ang mga treatment para sa beke ng bata ay para lamang sa pagibsan ng mga sintomas at mag mabawasan ang hindi komportable na pakiramdam. Ayon sa pananaliksik, ang mga sumusunod ay mga maaaring treatment para sa beke ng bata.
-
Bed rest. Ang pagpapahinga ay makakatulong sa pagpapalakas ng katawan, na maaaring makatulong sa paglaban ng katawan sa virus na nagdudulot ng beke.
-
Uminom ng fluids. Ang pag-inom tulad ng tubig ay nakakatulong rin sa pagpapalakas ng resistensya, na kinakailangan ng katawan.
-
Acetaminophen o paracetamol. Ang mga over the counter painkiller tulad ng paracetamol ay makakatulong upang mapababa ang lagnat o anumang discomfort.
Paalala: Marapat na alamin sa iyong doktor ang mga posibleng side effects ng medicines sa iyong anak. Marapat na hindi bigyan ng ibuprofen ang mga batang mas bata sa 6 months old, maliban kung ito ay may pahintulot ng healthcare provider. Bukod pa dito, marapat na hindi painumin ng anumang aspirin ang mga bata, dahil nakakapagbigay ito ng komplikasyon sa kalusugan ng bata, gaya ng Reye syndrome.
Beke Remedy
Dahil sa walang espisipikong treatment para sa viral infection gaya ng beke, narito ang mga remedies na maaari mong gawin sa iyong tahanan.
-
Magpahinga. Ang pagpapahinga ay makakatulong upang mas mapaganda ang pakiramdam lalo na kung ikaw ay may lagnat.
-
Warm o Cold Compress. Ang warm o cold compress ay nakakatulong sa pag bawas ng pamamaga ng leeg o sa parteng ibaba ng tainga.
-
Iwasan ang mga pagkain na matigas. Ang mga pagkain na matigas o mga pagkain na mahirap nguyain ay mas lalong makakapag bigay ng discomfort sa taong may beke.
-
Iwasan ang maasim na drinks at pagkain. Maaaring mairita lalo ang parotid glands, kung mananatiling magkonsumo ng maasim na pagkain at inumin.
-
Umiwas sa mataong lugar. Upang hindi na makahawa ng iba, mas maigi na mag isolate at magpaliban sa trabaho o eskwela.
Nakakahawa ba ang Beke?
Ang beke o mumps ay sang contagious disease na dulot ng virus na tinatawag bilang paramyxovirus. Maaaring mahawa ng beke ang isang tao kung siya ay nagkaroon ng direct contact sa saliva droplet ng isang taong may beke maaaring sa pamamagitan ng ubo, pag bahing, pakikipag share ng kubyertos at baso, at pakikipaghalikan.
Bagamat walang gamot para sa beke o mumps, mayroong maaaring gawin upang makaiwas sa pagkahawa dito. Ang measles-mumps-rubella vaccine o MMR vaccine ay makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng beke.
Ayon sa pag-aaral, ang vaccine na ito ang pinaka safe at epektibo at recommended na mabigyan ng dalawang doses ang mga bata bago pumasok sa eskwelahan. Ang mga taong maaaring mabigyan ng vaccine ay ang mga sumusunod:
-
Mga baby na 12 hanggang 15 months
-
Mga batang 4 hanggang 6 na taong gulang
-
College students
-
Mga taong mahilig mag travel
-
Healthcare workers
-
Mga kababaihan na hindi buntis ngunit nasa tamang edad na.
Ang mga sumusunod ay mga taong marapat ikonsulta muna ang health condition sa doktor bago magpa-vaccine:
-
Mga taong may cancer.
-
Mga taong may blood disease o disorder.
-
Mga taong may sakit na nakakaapekto sa immune system tulad ng HIV/AIDS.
-
Mga kumukonsumo ng ibang gamot.
Side effects ng Vaccine
Ayon sa pananaliksik, karamihan sa mga taong nag pavaccine ng MMR vaccine ay hindi na experience ng anumang side effects. Ngunit may ibang mga tao na nakaranas ng mild na lagnat o rash sa maikling panahon.
"Rarely, children who get the MMR vaccine might experience a seizure caused by fever. But these seizures haven't been associated with any long-term problems." - Mayo Clinic October 06, 2020
FAQs
Ano ang beke sa english?
Ang beke ay kilala bilang mumps sa english.
Nakakahawa ba ang beke?
Ang beke ay isang contagious na sakit, maaaring mahawa ang isang tao sa pamamagitan ng direct contact sa saliva droplets ng infected na tao.
Magkakabeke ba sa kakaihip ng lobo?
Hindi, walang scientific proof na nagpapatunay na totoo ang kasabihan na iyon, ngunit kung ang lobo na hinihipan ay inihipan ng taong may beke, maaaring mahawa ng beke dahil sa nagkaroon ng direct contact sa saliva ng taong may beke.
Magagamot ba ng antibiotic ang beke?
Hindi, ang beke o mumps ay isang viral illness, ang mga sakit na dulot ng virus ay hindi nagagamot ng mga antibiotics dahil ang antibiotics ay ginagamit upang magamot ang mga sakit na dulot ng bacteria.
Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng beke?
Ang vaccine na MMR vaccine ay safe at effective na bakuna para makaiwas sa pagkakaroon ng beke.