Gamot

Gamot sa Bulok na Ngipin

Ang bulok na ngipin ay dulot ng hindi proper na dental hygiene. Kaya naman alamin mo dito ang gamot para sa iyong bulok na ngipin.

Ang bulok na ngipin ay damage sa surface ng ngipin ng isang tao. Isa itong health problem na hinaharap ng maraming tao kabilang ang mga bata, teenagers, at mga adults. Kailangan malaman na ang bulok na ngipin ay maaaring lumala at mabutas hanggang sa ito ay hindi na magamot. Kaya naman alamin mo dito ang gamot para sa bulok na ngipin at mga paraan kung paano ito maiiwasan.

Dahilan ng Pagkakaroon ng Bulok na Ngipin

Ang bulok na ngipin ay kilala bilang tooth decay 1. Ito ay isang damage na naganap sa ngipin ng isang tao. Maaari itong mag umpisa lamang sa minor na damages ngunit pwede itong lumalala kung hindi naagapan at hindi alagaan ang mga ngipin. Marami sa mundo ang nakakaranas ng bulok na ngipin mula mga infants, bata, mga teenager, at adults. Kaya naman marami ang naghahanap ng gamot para sa bulok na ngipin. Bago malaman ang mga mainam na gamot para dito, paano at bakit nga ba nagkakaroon ng bulok na ngipin ang isang tao?

Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng bulok na ngipin sa pamamagitan ng mga sumusunod:

"Plaque that stays on your teeth can harden under or above your gum line into tartar (calculus). Tartar (3) makes plaque more difficult to remove and creates a shield for bacteria." Mayo Clinic July 19, 2017
  • Destruction ng plaque sa ngipin. Kapag nagkaroon na nga plaque sa ngipin ng isang tao, tuloy tuloy na magiging developed ang tooth decay at magdudulot ng bulok na ngipin. Ito ay nag uumpisa muna sa first stage of cavities hanggang sa ito ay lumala at mas magdulot ng sakit.
"As tooth decay develops, the bacteria and acid continue their march through your teeth, moving next to the inner tooth material (pulp) that contains nerves and blood vessels. The pulp becomes swollen and irritated from the bacteria" Mayo Clinic July 19, 2017

Mga Komplikasyon dulot ng Bulok na Ngipin

Kadalasang sinasa-walang bahala ang bulok na ngipin lalo na para sa mga bata ngunit ang bulok na ngipin o tooth decay ay pwedeng maging isang seryosong kondisyon at magdulot ng komplikasyon. Ang ilan sa mga komplikasyon na pwedeng mangyari kung hindi naagapan ang bulok na ngipin ay ang mga sumusunod:

  • Nananakit ang ngipin. Sa umpisa hindi nararamdaman ang bulok na ngipin ngunit kung ito ay lumalala na dahil hindi naagapan, pwede itong magdulot ng pananakit ng ngipin.

  • Tooth abscess 4. Ang tooth abscess ay maaaring tumubo sa gums ng isang tao. Ito ay dulot ng mga bacterial infection na nasa bibig.

  • Namamaga ang ngipin. Maaaring mamaga ang ngipin kung ito ay hindi lilinisin at hindi mabibigyan ng remedy ang bulok na ngipin.

  • Nahihirapan ngumuya. Maaaring makaranas ng kahirapan sa pag nguya kung labis na ang sakit na dala ng bulok na ngipin.

Ang ilan pa sa mga komplikasyon ay ang mga sumusunod: weight loss, at tooth loss 5.

Mga Maaaring Gamot sa Bulok na Ngipin

Ang bulok na ngipin ay nagdudulot ng discomfort sa isang tao. Maaari rin itong makapag dulot ng emotional distress lalo na kung ang tao ay may insecurities sa kanyang ngipin, kaya naman narito ang ilan sa mga medication at paraan upang maagapan ang bulok na ngipin ng isang tao. Kung ikaw ay may bulok na ngipin, maaari mong gawin ang mga sumusunod upang maagapan ito.

  • Uminom ng fluoride supplements. Ang mga fluoride supplements ay epektibo at makakatulong para mabawasan ang tooth decay ng isang tao dahil anf fluoride ay nagbibigay ng proteksyon sa ngipin.
"Fluoride can be delivered topically and systemically. Topical fluorides strengthen teeth already present in the mouth, making them more decay resistant, while systemic fluorides are those that are ingested and become incorporated into forming tooth structures. Systemic fluorides also provide topical protection because fluoride is present in saliva, which continually bathes the teeth." - ADA July 15, 2021
  • Gumamit ng dental sealants. Ang dental sealant s ay manipis na plastic na coated sa surfaces ng ngipin upang maiwasan ang pagkakaroon ng tooth decay o hindi maging mas malala ang tooth decay ng isang tao. Ito ay nagiging protective shield para sa mga ngipin.

  • Antibacterial treatments. Ang mga antibacterial treatments tulad ng Penicillin at amoxicillin ay mga treatments na makakatulong para sa tooth infection. Ngunit kailangan tandaan na ang mga treatment na ito ay kinakailangan ng prescription ng doktor kaya kailangan pa rin na ikonsulta sa dentist ang kalagayan ng iyong mga ngipin.

"The type of antibiotic you’ll need depends on the type of bacteria causing the infection. Different classes of antibiotics have different ways of attacking bacteria. Your dentist will want to choose an antibiotic that can effectively eliminate your infection. Antibiotics of the penicillin class, such as penicillin and amoxicillin, are most commonly used to help treat tooth infections." - Schulman, J. June 19, 2018

FAQs

Pwede ba magkaroon ng bulok na ngipin ang mga infants?

Ang mga infants ay pwede ring magkaroon ng bulok na ngipin. Ang lahat ng tao ay pwedeng magkaroon ng bulok na ngipin kabilang ang mga bata, teenagers, at adults.

Bakit nagkakaroon ng bulok na ngipin ang isang tao?

Ang mga bulok na ngipin ay sanhi ng mga bacteria na napupunta sa plaque na nabuo sa ngipin ng tao dahil sa sobrang pagkain ng sugar at starch.

Anong antibacterial treatment para sa bulok na ngipin?

Ang mga antibacterial na penicillin at amoxicillin ay ilan sa mga kilalang antibiotic na makakatulong para sa bulok na ngipin. Ngunit kailangan tandaan na dapat itong isigurado sa iyong dentista dahil mayroong iba’t-ibang antibacterial treatments, at maaaring magbigay ng mas epektibong antibacterial treatment ang iyong dentista.

Paano maaagapan ang bulok na ngipin?

Maaaring kumunsumo ng mga fluoride supplements para maagapan ang nag uumpisang tooth decay.

Ano ang komplikasyon ang pwedeng mangyari sa bulok na ngipin?

Ang ilan sa mga komplikasyon na maaaring mangyari ay weight loss, tooth loss, at tooth abscess.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. Medline Plus. (September 23, 2021). "Tooth Decay" Retrieved from: https://medlineplus.gov/toothdecay.html

  2. Cleveland Clinic. (October 14, 2020). "Dental Plaque" Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/10953-plaque

  3. Parker, H. (August 23, 2020). "What is Tartar? 6 Tips to Control Buildup" Retrieved from: https://www.webmd.com/oral-health/guide/tartar-dental-calculus-overview

  4. Mayo Clinic. (March 01, 2019). "Tooth abscess" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tooth-abscess/symptoms-causes/syc-20350901

  5. CDC. (January 4, 2021). "Tooth Loss" Retrieved from: https://www.cdc.gov/oralhealth/fast-facts/tooth-loss/index.html

  6. Mayo Clinic. (July 19, 2017). “Cavities/tooth decay" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cavities/symptoms-causes/syc-20352892

  7. ADA. (July 15, 2021). "Fluoride: Topical and Systemic Supplements" Retrieved from: https://www.ada.org/resources/research/science-and-research-institute/oral-health-topics/fluoride-topical-and-systemic-supplements

  8. Schulman, J. (June 19, 2018). "Which Antibiotics Treat Tooth Infections?" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/antibiotics-for-tooth-infections