Kumpirmado bang ang rashes ni baby ay bungang araw? Kung ganoon, aalamin natin dito at tamang gamot sa bungang araw ng baby na dapat gamitin ayon sa rekomendasyon ng mga doktor.
Ang biglang paglitaw ng kulay pula sa balat ng baby ay maaaring magbigay alarma sa mga magulang nito, lalo na kung hindi pamilyar ang magulang sa iba’t-ibang skin conditions. Bagamat ang bungang araw ay nagdudulot ng pangangati at irita sa balat ng isang baby, hindi dapat mag alala ang mga magulang dahil isa itong common na skin condition lalo na sa mga baby.
Ngunit marapat malaman na may mga paraan upang magamot ang bungang araw ng isang baby. Para makapag handog ng karagdagang impormasyon sa mga mambabasa, tinatalakay ng artikulong ito ang gamot at remedies na maaaring gawin ng magulang para sa kanilang mga baby.
Bungang Araw sa Baby
Ang bungang araw ay isa sa mga madalas na skin conditions na nararanasan ng isang baby o tao. Ang skin condition na ito ay tinatawag bilang Prickly Heat Rash 1 sa wikang ingles ngunit kilala rin ito sa ibang termino tulad ng Heat Rash 5, Sweet Rash, at Miliaria Rubra 2. Ang isang baby o tao ay nakakaranas ng bungang araw dahil sa mga trapped na pawis sa kanilang balat. Isa itong normal na nangyayari sa balat ng mga Pilipino dahil ang bungang araw ay mas nakukuha sa mainit na lugar na may mainit na klima.
“Heat rash, which some people call prickly heat or miliaria, is a skin flare that happens after the skin gets too warm. These rashes can feel itchy, uncomfortable, and prickly.” Villines, Z. March 14, 2019
Kung iyong mapapansin madalas na magkaroon ng bungang araw ang mga baby ngunit bakit nga ba sila laging nagkakaroon ng bungang araw? Maraming mga sources ang nagsasaad na may mga pagkakataon na dahil sa damit ng baby kaya nagkakaroon ito ng bungang araw. Ayon sa pag-aaral ang mga baby ay mas madalas nagkakaroon ng bungang araw kaysa sa mga nakakatanda dahil ang sweat glands 3 sa balat ng mga baby ay mas maliit at may maliit na kakayahang ikontrol ang temperatura ng katawan.
Bukod pa sa pagkakaroon ng mga baby ng maliit ng sweat glands, ang temperatura sa Pilipinas ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng bungang araw ang isang baby. Ang mainit ng klima ay nagdudulot ng sobrang pagpapawis ng katawan kung kaya’t may mga pagkakataon na na ang sweat glands ay nagiging overwhelmed kaya nagkakaroon ng blockage ng pawis sa balat.
“When you sweat more than usual, your glands can become overwhelmed. The sweat ducts may become blocked, trapping the sweat deep underneath your skin. The sweat may also leak through layers of your skin close to the epidermis (4), or top layer, and become trapped there. It’s possible to get prickly heat at any time of year, but it’s most common in the warmer months.” - Watson, K. October 04, 2021
Gamot sa Bungang Araw ng Mga Baby
Ang bungang araw ay nawawala na lamang ng kusa kahit pa hindi na ito lagyan ng anumang mga gamot. Ngunit may mga topical treatment na maaaring gamitin para mabawasan ang pamumula, pangangati, at iritang hatid ng bungang araw sa balat ng baby.
Powder for Bungang Araw
Ang mga powder na produkto ay isa sa mga maaaring gamitin upang bigyan lunas ang bungang araw ng baby. Dahil ang mga baby ay hindi pa maaaring magkonsumo ng mga oral medications ang mga sumusunod na powder products ang maaaring gamitin upang magamot ang bungang araw ng iyong baby.
-
Fissan. Ang fissan powder ay isang powder na maaaring gamitin para mabawasan ang sintomas at upang maiwasan ang discomfort na hatid ng prickly heat. Ang fissan powder ay may cooling effect na makakatulong upang mawala ang pangangati at hapdi ng bungang araw. Ang paggamit nito ay simple lamang dahil maglalagay lamang ng powder sa balat ng baby na may bungang araw.
-
Johnson Powder. Ang Johnson’s Prickly Heat Baby Powder ay isa rin sa mga powder na maaaring gamitin upang mabigyan ng lunas ang bungang araw ng baby. Marapat na ang Johnson’s Prickly Heat Baby Powder lamang gamitin na baby powder para sa bungang araw dahil ang ibang baby powder ay hindi nakakatulong sa paglunas ng bungang araw.
Sabon Para sa Bungang Araw ng Bata
Ang paggamit ng mga mild soap para sa bungang araw ay makakatulong upang mabawasan ang iritation na dala ng bungang araw. Ang isa sa mga maaaring soap para sa sensitive skin ay ang Cetaphil Gentle Cleansing Bar. Ang sabon na ito ay nakakatulong upang bawasan ang iritation sa balat ng baby.
Home Remedy for Bungang Araw sa Baby
Dahil sa rason na ang bungang araw ay isang common at simpleng skin condition lamang, may mga home remedies na maaaring gawin upang hindi na gumastos pa sa ibang produkto. Marapat tandaan na ang mga sumusunod na home remedies ay nanggaling sa mga experiences ng mga taong nagkaroon ng bungang araw na at ang mga remedies na sumusunod ay nakatulong upang magamot ang kanilang bungang araw. Gayun pa ‘man, narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring makatulong sa bungang araw ng iyong baby.
-
Cool bath. Ang pagpapaligo sa baby ng cool na tubig ay nakakatulong upang ma regulate ang body temperature ng bata. Sa ganitong paraan, makakatulong ito sa pagbawas ng bungang araw na nararanasan ng iyong baby.
-
Pagpapasuot ng komportableng damit. Ang makapal na damit na may makapal na tela ay mas nakakapag papawis sa bata kaya mas nagkakaroon ng bungang araw ang mga baby. Kung ang magulang ay magiging considerate at pasuotin ng damit na manipis at komportable ang baby, hindi gaanong magpapawis ang baby.
-
Cold compress. Ang cold compress ay nakakatulong upang mabawasan ang pangangati at iritation sa balat ng isang tao. Maaaring gawin ang procedure na ito upang mabawasan ang sintomas ng bungang araw ng baby.
FAQs
Anong pwedeng gamiting gamot para sa bungang araw ng baby?
Ang mga prickly heat powder tulad ng Fissan at Johnson’s Prickly Heat Baby Powder ay nakakatulong para sa bungang araw ng baby.
Normal bang magkaroon ng bungang araw ang mga baby?
Oo, mas madalas na nagkakaroon ng bungang araw ang mga bata kaysa sa matatanda.
Bakit nagkaka bungang araw ang mga bata?
Ang mga bata ay may maliit na sweat glands kaya pag may sobra-sobrang pawis ang baby, maaaring ma block ang sweat glands at magdulot ng bungang araw.
Anong pinakamadaling remedy para sa bungang araw ng baby?
Ang pag papaligo ng baby sa cool na tubig ay makakatulong upang mabawasan ang sintomas ng bungang araw.
Isa ba sa factors ang damit kung bakit nagkakaroon ng bungang araw ang mga baby?
Oo, ang mga makapal na damit ay nagdudulot ng labis na pagpapawis ng bata, kaya maaaring sanhi ito ng pagkakaroon ng bungang araw.