GamotNatural na Remedyo

Gamot sa Dry Cough

Ang dry cough ay isang ubo na hindi nagbibigay ng plema. Maaari itong magbigay ng diskomport sa taong nakakaranas nito, kaya alamin mo sa artikulong ito ang gamot para sa dry cough.

Ang dry cough ay isang ubo na madalas walang plema at nagdudulot ng pangangati ng lalamunan. Uso ito sa Pilipinas lalo na sa panahon ngayon na mayroong viral infection na nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino. Ang tuyong ubo o dry cough 1 ay matatawag na sintomas ng isang kondisyon kaysa sa isang sakit. Gayunman, ito ay nagbibigay pa rin ng diskomport sa isang tao. Sa artikulong ito, iyong malalaman ang nararapat at mabisang gamot sa dry cough.

Dry Cough Medicine Philippines (Featured Product: Vicks Formula 44)

Ang isa sa mga kilalang gamot at mabisang solusyon para sa tuyong ubo ay ang Vicks Formula 44. Ang gamot na ito ay isang oral medicine, sa madaling salita ito ay iniinom na gamot. Sa tulong ng vicks formula 44, nabibigyan ng relief ang mga sintomas na nararanasan ng tao tulad ng ubo, pag bahing, at sipon.

Ang gamot na ito ay naglalaman ng non-opioid cough suppressant 2 na kaya naman nakakatulong ito upang mapigilan ang ubo. Maaari itong mabili sa mga botika ng walang reseta kung ikaw ay nakakaranas ng tuyong ubo. Ngunit kailangan tandaan na mahalagang sundin ang direksyon na nakaulat sa pakete ng produkto bago ito inumin, lalo na kung self-treatment ang isinasagawa. Kung ang tuyong ubo ay isang chronic cough, mabuti na ito ay ikonsulta sa isang medical professional bago uminom ng vicks formula 44.

"This combination product is used for the temporary relief of cough, sneezing, or runny nose due to the common cold, hay fever or other upper respiratory allergies. This product contains a non-opioid cough suppressant (such as chlophedianol, dextromethorphan). It affects a certain part of the brain (cough center) to help you stop coughing. " - RxList September 2021

Sanhi ng Dry Cough

Ang dry cough ay isang sintomas ng iba't-ibang kondisyon. Kung kaya't may iba't-ibang sanhi rin ito na nakadepende sa nararamdaman ng isang tao. Ito ay maaaring madaling mabigyan ng solusyon gamit ang mga over the counter na gamot ngunit may mga pagkakataon na kinakailangan nito ng medical assistance lalo na ang mga chronic dry cough. Kaya naman, narito ang ilan sa mga maaaring sanhi ng tuyong ubo na nararanasan ng isang tao.

  • Asthma 3. Marami sa mga tao ang nakakaranas ng asthma. Ang asthma ay isang disease sa baga ng isang tao. Ang baga at airways ng taong may asthma ay nagiging inflamed at makitid kung kaya't nagdudulot ito ng kahirapan sa paghinga.
"Asthma causes the airways to swell and narrow. It can cause dry cough along with symptoms like trouble breathing and wheezing." - Osborn, C. April 23, 2020
  • Viral infection 4. Ang viral infection ay isang impeksyon na dulot ng mga viruses. Maaaring mahawa ng viral infection sa pamamagitan ng droplets ng saliva na nakakapasok sa open areas ng isang tao. Ang viral infection tulad ng COVID-19 ay nagdudulot ng tuyong ubo sa mga tao.
"When you get infected with one of the many viruses that cause the common cold, your short-term symptoms usually last less than a week. It’s not uncommon, however, for a cough to linger long after your other symptoms have improved. These post-cold coughs are usually dry and can last for up to two months." - Osborn, C. March 07, 2019
  • Gastroesophageal reflux disorder (GERD) 5. Ang gastroesophageal reflux disorder ay isang kondisyon kung saan ang acid sa sikmura ng tao ay tumataas pabalik sa esophagus ng isang tao. Dahil sa disorder na ito maaaring makaranas ng tuyong ubo ang isang tao.
"Gastroesophageal reflux disorder (GERD) is a type of chronic acid reflux that can cause damage to the esophagus. Irritation in the esophagus can trigger the cough reflex." - Osborn, C. April 23, 2020
  • Whooping cough 6. Ang whooping cough ay isang nakakahawang bacterial infection na dulot ng bacteria na Bordetella pertussis 7.
"Whooping cough is a contagious respiratory infection that causes a characteristic dry cough with a “whoop” sound as you gasp for air." - Osborn, C. April 23, 2020

Iba’t Ibang Gamot sa Dry Cough

Kung ikaw ay kasalukuyang nakakaranas ng dry cough, narito ang mga gamot na maaaring makapagbigay solusyon para dito.

Robitussin for Dry Cough

Ang robitussin ay isang gamot na ginagamit para upang mabigyan solusyon ang ubo na nararanasan ng isang tao. Ang robitussin ay isang kombinasyon ng mga gamot na guaifenesin at dextromethorphan. Maaari itong gamitin para sa mga sakit tulad ng common cold at bronchitis na nagdudulot ng tuyong ubo. Bagamat isa itong epektibong gamot para sa ubo ng isang tao, kailangan tandaan na hindi ito maaaring ipainom ng mga batang nasa edad 6 pababa. Ito ay dahil sa walang sapat ng pruweba na epektibo at mabisa ito sa pagbibigay lunas ng ubo ng mga batang nasa ganitong edad. Sa pag inom ng robitussin, kailangan na sundin ang mga direksyon na makikita sa pakete ng produkto at sundin ang nararapat na dosis na iyong inumin.

"Take this medication by mouth with or without food, as directed by your doctor. If you are self-treating, follow all directions on the product package. If you have any questions, ask your doctor or pharmacist. Drink plenty of fluids while taking this medication. Fluids will help to break up mucus and clear congestion." - WebMD n.d.

Strepsils for Dry Cough

Ang strepsils ay isang kilalang treatment para sa sakit ng lalamunan, pangangati ng lalamunan, at pati na rin sa ubo na nararanasan ng isang tao. Ang strepsils ay naglalaman ng dextromethorphan hydrobromic acid, ang mga gamot dextromethorphan ay nakakatulong sa pamamagitan ng pagpigil sa activities ng brain na nagdudulot ng pag ubo. Sa madaling salita, ang strepsils ay isang lozenge na nagbibigay ng relief para sa tuyong ubo. Ang mga nakakatanda at mga batang nasa edad 12 pataas ay maaaring gumamit ng strepsils para maibsan ang kanilang nararamdaman. Sa paggamit ng strepsils, hindi ito iniinom tulad ng mga tabletang gamot kundi ito ay sinsipsip sa bibig hanggang sa ito ay maubos. Dapat tandaan na hindi dapat sumobra sa 12 na strepsils ang makonsumo sa isang araw.

"Adults, the elderly and children 12 years of age and above: Dissolve two lozenges in the mouth one after the other, every four hours as needed. Do not exceed 12 lozenges in 24 hours.

If symptoms persist, consult a doctor." - MIMS n.d.

Solmux for Dry Cough

Ang solmux ay isang kilalang gamot para sa ubo sa Pilipinas. Ang ubo na dulot ng mga irritants ay maaaring magamot sa pamamagitan ng solmux. Ang gamot na ito ay mainam na inumin pagkatapos kumain. Sa pag inom ng solmux mabuti na siguraduhin na tama at akma ang dosis sa edad ng iinom nito upang hindi magkaroon ng ibang side effects. Kinakailangan rin na siguraduhin na hidni sobra sobrang gamot ang maiinom dahil maaari itong magdulot ng overdose. Kung ang iyong ubo ay hindi bumuti sa pag inom ng solmux, marapat na ito ay ikonsulta sa doktor upang mabigyan ng mas epektibong gamot na akma sa iyong nararamdaman.

"Carbocisteine (Solmux) is a mucolytic agent used to relieve cough characterized by excessive or sticky sputum or phlegm to help treat respiratory tract disorders such as acute bronchitis. carbocisteine also reduces the number of exacerbations associated with chronic obstructive pulmonary disease (COPD) and inhibits the adherence of bacteria and viruses to human respiratory cells." - MIMS n.d.

Lola Remedios for Dry Cough

Ang lola remedios ay isang lokal na remedy para sa iba't-ibang kondisyon. Isa itong food supplement na naglalaman ng all natural na ingredients tulad ng mint, honey, ginger o luya, clove, at flennel. Ang mga nilalaman ng lola remedios ay may mga medicinal properties na nakakatulong sa mga kondisyon tulad ng impeksyon sa lalamunan, bronchial asthma, sipon, migraine, hypertension, at ubo. Kaya naman ito ay maaaring makapagbigay ng solusyon sa ubo na nararanasan ng isang tao. Sa pag inom ng lola remedios, kailangan na ito ay alugin muna ng mabuti saka direktang inumin mula sa pakete, maaari ring ilagay muna ito sa isang baso bago inumin kung ika'y hindi komportable na direktang inumin ang nilalaman nito mula sa pakete. Kailangan tandaan na ang lola remedies ay maaari lamang inumin ng mga adults o nakakatanda at hindi ito maaaring inumin ng mga nagdadalang tao at mga taong may alerhiya sa menthol na flavor.

Ambroxol for Dry Cough

Ang gamot na ambroxol ay isang gamot na clinically proven na epektibo para sa ubo ng isang tao. Ang gamot na ito ay nakakapagbigay ng relief sa ubo na nagdudulot ng hapo, walang tigil na pag ubo, at pamamaga ng airways ng isang tao. Ang ambroxol ay maaaring inumin ng mga taong nasa edad 12 pataas at ang tabletang ambroxol ay maaaring inumin ng tatlong beses sa isang araw. Bagamat isang mabisang gamot ang ambroxol, kailangan iwasan ang pag inom nito kung ang isang tao ay may allergy sa ambroxol o anumang ingredients na nilalaman ng gamot. Ito ay marapat na sundin upang hindi magdulot ng mga mas malubhang kalagayan.

"The recommended dose is 30mg (one tablet) to be taken three times a day. The tablets may be taken with or without food." - Pharmaceutical Society of Singapore October 25, 2016

Lagundi for Dry Cough

Ang lagundi ay isang kilalang herb sa Pilipinas na ginagamit para sa iba't-ibang mga sakit. Ayon World Intellectual Property Organization 8, ang lagundi ay may medicinal properties na makakatulong para sa mga sugat, ulcer, skin diseases, at pananakit ng ulo. Bukod pa dito, ang ayon sa Department of Health 9, ang mga lagundi-based na gamot ay epektibo para maibsan ang sintomas na nararamdaman ng isang tao lalo na ang ubo.

"The drug is a product of multiple scientific studies and clinical trials as part of the National Integrated Research Program on Medicinal Plants (NIRPROMP). Lagundi formulation was proven to be effective in preventing the spread of disease-causing microorganisms, reducing fever, decreasing the viscosity of mucus, improving the color of phlegm, alleviating shortness of breath and wheezing, and lessening the frequency of cough." - Tejero, L. June 09, 2020

Zykast for Dry Cough

Kung ang sanhi ng ubo ay allergic rhinitis, maaaring makatulong ang gamot na Zykast para dito. Ang zykast ay kombinasyon ng mga gamot na montelukast at levocetirizine. Ayon sa isang pag-aaral 10, ang pag inom ng mga gamot na kombinasyon ng montelukast at levocetirizine tulad ng zykast ay mas nakakapagbigay ng magandang resulta at mas epektibong gamot para sa isang allergic rhinitis.

"Montelukast plus Levocetirizine is indicated for the relief of symptoms associated with seasonal and perennial allergic rhinitis." - The Cathay Drug Co., Inc. July, 2016

Sinecod Forte for Dry Cough

Ang sinecod forte ay isang kilalang para gamot sa ubo. Ito ay madaling mabibili dahil hindi nito kinakailangan ng reseta ng doktor upang mabili sa botika. Nakakatulong ito upang mapawi ang mga sintomas na binibigay ng mga sakit gaya ng ubo. Sa pag inom ng gamot na ito kinakailangan siguraduhin na hindi sobra ang gamot na maiinom at ayon sa dosis na nakalagay sa pakete ng produkto.

"Butamirate citrate Sinecod Forte is the most prescribed antitussive brand by Filipino pulmonologists. It starts to work within 30 minutes after administration and provides long-lasting relief from dry cough for up to 6 hours."* - gskofficial n.d. *

Dry Cough Treatment

Bukod sa mga oral medication na mabibili sa mga botika, may mga ibang paraan rin bilang treatment sa dry cough na nararanasan ng isang tao.

  • Subukan na bumili ng menthol cough drops. Ang menthol cough drops ay may pagkakatulad sa isang throat lozenge gaya ng strepsils. Ang menthol cough drops ay makakatulong para gawing mabuti ang lalamunan at airways ng isang taong nakakaranas ng dry cough.

  • Gumamit ng humidifier. Kung mayroong humidifier, mainam na ito ay gamitin upang maging moisturized ang hangin. Ang moisturized na hangin ay maaaring makatulong para sa inflamed throat tissue.

  • Subukan na kumain ng pagkain na may sabaw. Ang mga sabaw na pagkain ay nakakapag padagdag sa fluids ng katawan. Bukod pa dito, ang mainit na sabaw ay makakatulong para maibsan ang pamamaga at pangangati ng lalamunan na maaaring sanhi ng dry cough.

  • Subukan ang honey tea . Ang honey ay mayroong anti-inflammatory properties 11 na maaaring makatulong sa dry cough na nararanasan ng isang tao. Sa tulong nito, maaaring maibsan ang pangangati at pamamaga ng lalamunan na sanhi ng dry cough.

  • Subukan na magmumog ng tubig na may asin. Ang paraan na ito ay isa sa mga pinaka kilalang home treatment na ginagawa ng marami sa mga Pilipino. Sa pagsasagawa nito, maaaring mawala ang irritants na nasa lalamunan at mawala ang pamamaga ng throat tissue.

FAQs

Anong gamot para sa dry cough?

Ang vicks formula 44 ay isang epektibong gamot na makakatulong maibsan ang dry cough na nararanasan ng isang tao.

Anong sanhi ng dry cough?

Ang ilan sa mga sanhi ng dry cough ay asthma, viral infection, gastroesophageal reflux disorder, at whooping cough.

Anong maaaring gamot para sa ubo?

Ang ilan sa mga gamot na maaaring makatulong para sa ubo at tuyong ubo ay ang mga sumusunod: Robitussin, Strepsils, Solmux, Lola Remedios, Ambroxol, Zykast, at Sinecod Forte.

Mabisa ba ang lagundi para sa ubo?

Ang lagundi ay maaaring gamitin sa iba't-ibang kondisyon, kasama narito ang ubo.

Anong home treatment para sa dry cough?

Ang ilan sa mga treatment para sa dry cough na maaaring gawin sa bahay ay ang pagbili ng menthol cough crops, paggamit ng humidifier, pagkain ng mga pagkaing may sabaw, pag inom ng honey tea, at pag mumog ng tubig na may asin.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. Medical News Today. (May 13, 2020). "What can cause a dry cough?" Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/324912

  2. My Health. Alberta.ca. (n.d.). "Non-Opioid Antitussive/Antihistamine - Oral" Retrieved from: https://myhealth.alberta.ca/Health/medications/Pages/conditions.aspx?hwid=fdb1391&

  3. ACAAI. (n.d.). "Asthma Cough" Retrieved from: https://acaai.org/asthma/symptoms/asthma-cough/

  4. OnHealth. (October 06, 2020). "What's a Virus? Viral Infection Types, Symptoms, Treatment" Retrieved from: https://www.onhealth.com/content/1/viral_infections

  5. Mayo Clinic. (May 22, 2020). "Gastroesophageal reflux disease (GERD)" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gerd/symptoms-causes/syc-20361940

  6. Mayo Clinic. (October 09, 2019). "Whooping cough" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/whooping-cough/symptoms-causes/syc-20378973

  7. Heininger, U. & Nieves, D. (January 31, 2019). "Bordetella pertussis" Retrieved from: https://journals.asm.org/doi/10.1128/microbiolspec.EI10-0008-2015

  8. World Intellectual Property Organization. (September 20, 2013). "From Herbal Folklore to Modern Medicine" Retrieved from: https://www.wipo.int/ipadvantage/en/details.jsp?id=3661

  9. Tejero, L. (June 09, 2020). "Lagundi: Anti-cough and anti-asthma medicine" Retrieved from: https://www.pchrd.dost.gov.ph/programs-and-services/create-article/6560-lagundi-anti-cough-and-anti-asthma-medicine

  10. Adsule, S.M. & Misra, D. (2010). "Long term treatment with montelukast and levocetirizine combination in persistent allergic rhinitis: review of recent evidence" Retrieved from: https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21121394/

  11. Ranneh, Y., Akim, A.M., Hamid, H.A. et al. (2021). "Honey and its nutritional and anti-inflammatory value" Retrieved from: https://bmccomplementmedtherapies.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12906-020-03170-5#citeas

  12. Cafasson, J. (September 18, 2018). "Can You Overdose on Cough Drops?" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/can-you-overdose-on-cough-drops

  13. RxList. (September 2021). "VICKS FORMULA 44 COUGH ORAL" Retrieved from: https://www.rxlist.com/fdb/drugs/76337/vicks-formula-44-cough-oral-drug.htm

  14. Osborn, C. (April 23, 2020). "How to Treat Dry Cough Naturally at Home and Medicinally" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/how-to-get-rid-of-dry-cough#_noHeaderPrefixedContent

  15. Osborn, C. (March 07, 2019). "What Causes a Dry Cough?" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/dry-cough#_noHeaderPrefixedContent

  16. WebMD. (n.d.). "Robitussin-DM Syrup - Uses, Side Effects, and More" Retrieved from: https://www.webmd.com/drugs/2/drug-4722/robitussin-dm-oral/details

  17. MedlinePlus. (December 06, 2021). "Dextromethorphan" Retrieved from: https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a682492.html

  18. MIMS. (n.d.). "Strepsils Dry Cough" Retrieved from: https://www.mims.com/philippines/drug/info/strepsils%20dry%20cough?type=full

  19. MIMS. (n.d.). "Solmux" Retrieved from: https://www.mims.com/philippines/drug/info/solmux?type=full

  20. MIMS. (n.d.). "Lola Remedios" Retrieved from: https://www.mims.com/philippines/drug/info/lola%20remedios?type=full

  21. Pharmaceutical Society of Singapore. (October 25, 2016). "Ambroxol Tablets" Retrieved from: https://www.healthhub.sg/a-z/medications/18/Ambroxol-Tablets

  22. The Cathay Drug Co., Inc. (July, 2016). "Zykast" Retrieved from: https://www.cathaydrug.com/product/zykast/

  23. gskofficial. (n.d.). "Butamirate Citrate (Sinecod) for Dry Cough or Non-Stop Cough 100 tablets" Retrieved from: https://shopee.ph/Sinecod-Forte-50mg-(100-Tablets)-i.164944409.2917371349