Ang pagkakaroon ng pangangati at pamumula sa balat ng isang tao ay hindi na bagong kondisyon. Ang isang tao ay marahil nakaranas na ng anumang pangangati sa kaniyang katawan, isa 'man itong malubhang kondisyon o hindi. May mga pagkakataon na ang sanhi ng pangangati at pamumula ay allergic reaction 1 at iritasyon ngunit may mga pagkakataon na sanhi ito ng fungal skin infection 2. Isa na sa mga fungal skin infection na madalas maranasan ay ang hadhad. Sa artikulong ito iyong malalaman ang gamot sa hadhad at mga paraan upang mapawi ang pangangati at pamumulang binibigay nito sa balat ng isang tao.
Gamot sa Hadhad Ointment
Ang hadhad ay maaaring magamot sa pamamagitan ng mga ointment tulad ng Canesten. Ang canesten ay isang antifungal cream na kombinasyon ng mga gamot na clotrimazole 3 with hydrocortisone. Ang mga gamot na ito ay mabisa para bigyan lunas ang mga fungal infection tulad ng hadhad. Sa paglalagay ng canesten, marapat na hugasan at tuyuin muna ang parteng infected bago ilagay ang canesten ointment. Maaari itong ilagay ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.
"These creams are prescribed when the infection has caused the skin to become inflamed and sore. Canesten® HC can also be bought from pharmacies on the advice of a pharmacist. Clotrimazole is a medicine which is also used to treat fungal infections on areas of the body other than the skin." - Stewart, M. October 20, 2020
Ano ang Hadhad - Hadhad Overview
Ang hadhad ay isang pang karaniwang impeksyon na dulot ng fungus. Ang hadhad ay maihahalintulad sa buni o ringworm dahil ito ay tumutubo sa balat at nagdudulot ng pamumula at pangangati. Isa sa mga factors sa pagkakaroon ng hadhad ay ang pawis. Dahil dito, ang mga taong pawisin ay mas karaniwang nakakaranas ng hadhad.
Ang dermatophyte fungus 4 ay isang microorganism na lumalaki at dumadami sa mga parte ng katawan na madalas magkaroon ng pawis. Kung ang isang tao ay nakakaranas ng hadhad, maaari itong makaramdaman na labis na pangangati at iritasyon sa parteng infected ng fungi. Ito ay nagdudulot ng discomfort at abala kaya naman mainam na ito ay bigyan ng solusyon at gamutin.
Hadhad in English
Ang hadhad ay kilala sa terminong jock itch 5 o tinea cruris sa ingles. Ang terminong ito ay tila hindi pang karaniwang ginagamit sa local areas kaya naman mas kilala ng mga tao ang kondisyon na ito sa pangalan na hadhad. Dahil sa sanhi na ito ay fungal infection, marami sa mga taong nakakaranas ng hadhad ay nagkakaroon ng kaba lalo na kung ang hadhad ay nararanasan sa maseselang bahagi ng katawan tulad ng ari o ng singit. Ngunit ang hadhad ay maaaring mabigyan ng lunas gamit ang mga gamot na creams o sprays. Sa gamit ng mga treatments na ito, mababawasan ang discomfort na nararamdaman ng taong nakakaranas ng hadhad.
"Jock itch is an infection that’s caused by a fungus. It's a form of ringworm that likes to live in warm, moist places on your body. It’s also called tinea cruris. People who sweat a lot, who are overweight, or who have a skin condition called eczema are more likely to get it."* - WebMD January 15, 2020 *Sanhi ng Hadhad
Ang isang tao ay nagkakaroon ng hadhad dahil sa mga microorganism na lumalaki at tumitira sa katawan ng isang tao. Ang mga fungi na nagdudulot ng hadhad ay ang mga dermatophyte fungus. Ayon kay Rachel Nall 6, ang mga fungi na ito ay kalimitang hindi nagdudulot ng anumang impeksyon ngunit kung mananatili itong moist dahil sa pawis mula sa init ng panahon o pag ehersisyo mas mabilis itong dadami at kakalat.
Ang sobra sobrang bilang ng dermatophyte fungus sa balat ng isang tao ang nagdudulot ng impeksyon na hadhad o jock itch. Maaari ring mahawa ng hadhad ang isang tao sa pamamagitan ng pakikipagtalik at sa pamamagitan ng pakikipag bahagi ng mga personal na bagay tulad ng pang-ahit at tuwalya.
Sintomas ng Hadhad
Ang ilan sa mga karaniwang senyales at sintomas ng hadhad ay ang mga sumusunod:
Pamumula ng balat
Labis na pangangati ng balat
May nararamdaman na burning sensation.
Namamantal ang balat
Namamalat ang balat
Mas tumitindi ang pangangati at pantal tuwing nag ehersisyo.
"This rash often first appears on the inner thighs. The rash then spreads outward in a ring-like pattern. As the rash spreads, the center of the rash will often get somewhat better. The rash often develops a well-defined, red border that may include a line of blisters. As the rash spreads, it may infect the thighs, groin, buttocks, and usually spares the scrotum." - Fletcher, J. February 14, 2017
Sino Ang Kalimitang Nakakaranas ng Hadhad?
Ang mga taong mas madalas na makaranas ng hadhad ay ang mga sumusunod:
-
Mga taong nagsusuot ng mahigpit na damit. Ang mga mahigpit na mga damit ay maaaring magdulot ng iritasyon sa balat at maaaring dulot ng pagpapawis ng katawan. Kaya naman ang mga taong madalas na nagsusuot ng mahigpit na damit ay mas kalimitang nagkakaroon ng hadhad.
-
Mga taong laging nagpapawis ang singit. Ang moisture sa mga parte ng katawan gaya ng singit ay isa sa mga factor sa pagkakaroon ng hadhad. Kaya naman ang mga taong laging nagpapawis ang singit ay may mataas na risks sa pagkakaroon ng hadhad.
-
Mga taong nakikipag share ng tuwalya sa ibang tao. Ang fungus na nagdudulot ng hadhad ay maaaring mapasa sa ibang tao sa pamamagitan ng pakikipag bahagi ng personal na bagay tulad ng pakikipag share ng tuwalya.
-
Taong nakikipagtalik sa taong may hadhad. Ang close contact at physical contact sa taong may hadhad ay isa sa mga rason kung paano naipapasa ang hadhad sa ibang tao. Kaya naman ang mga taong nakikipagtalik sa taong may hadhad ay maaaring mahawa.
-
Mga taong may hinang immune system. Ang katawan ng taong may mahinang immune system ay kalimitang nakakaranas ng hirap sa paglaban ng mga microorganisms na nagdudulot ng mga impeksyon. Dahil dito, mas sakitin o madalas na nakakaranas ng mga impeksyon ang mga taong ito kumpara sa mga taong may malakas na immune system. Dahil dito mas mataas ang posibilidad na ang mga taong may mahinang immune system ang makaranas ng hadhad.
“People with weakened immune systems are more likely to develop fungal infections like jock itch than others” - Fletcher, J. February 14, 2017
-
Mga taong overweight. Ang mga taong overweight ay may mas maraming skin folds 7 at ang hadhad ay maaaring mag umpisa sa mga skin folds na ito. Kaya naman ang mga taong overweight ay kalimitang nagkakaroon ng hadhad.
-
Mga taong may diabetes 8. Ang mga taong diabetes ay prone sa mga karamdaman gaya ng hadhad.
-
Mga teenager. Ang mga teenager ay kadalasang nakakaranas ng hormonal changes sa kanilang katawan. Dahil dito, maaaring maging mas madalas ang pagpapawis na nararanasan ng isang teenager. Sanhi ng pagpapawis na ito ay ang pagpaparami ng fungus sa katawan kung kaya’t nagiging impeksyon gaya ng hadhad. Kaya naman ang mga teenager ang kalimitang nakakaranas ng impeksyon, lalo na ang mga lalaki.
Hadhad sa Singit
Ang hadhad ay karaniwang nararanasan sa parte ng katawan na labis ang pagpapawis, tulad na lamang ng singit. Sa tuwing physical activities, ang singit ang isa sa mga parte ng katawan na naiiwan ang moist. Ang moisture na dulot ng pawis ang rason kung bakit mabilis na dumadami ang mga fungi sa balat ng isang tao, kaya naman nagkakaroon ng fungal infection na hadhad. Ito ay maaaring abala sa pang araw araw na ginagawa ng isang tao dahil ito ay nagbibigay ng mga sintomas tulad ng pangangati at burning sensation. Dahil dito marami sa mga taong nakakaranas ng hadhad sa singit ang ginugustong magamot ang kanilang hadhad.
"Although uncomfortable, jock itching is not serious and can be treated and prevented very easily. Jock itch is an infection caused by a mold like fungus or yeast. It causes a rash on the areas around the groin. The red, ring-shaped rash is very itchy and thrives in these warm, moist areas of the body." - Fletcher, J. February 14, 2017
Gamot para sa Hadhad sa Singit
Dahil ang hadhad ay isang fungal infection, ito ay maaaring magamot gamit ang mga treatment na antifungal pills. Ilan sa mga over the counter medicine para sa hadhad ay ang mga sumusunod:
- Miconazole nitrate 9. Ang gamot na miconazole ay isang antifungal medication na makakatulong para sa hadhad o jock itch. Maaaring gamitin ang gamot na ito ng dalawang beses sa isang araw.
"Apply enough medication to cover the affected area and some of the surrounding skin. After applying this medication, wash your hands. Do not wrap, cover or bandage the area unless directed to do so by your doctor." - WebMD n.d.
- Tioconazole 10. Ang gamot na tioconazole ay isa pa sa mga gamot na maaaring gamitin upang mapawi ang hadhad na nararanasan ng isang tao.
"Tioconazole is an imidazole antifungal used to treat fungal and yeast infections. Topical formulations are used for ringworm, jock itch, athlete's foot, and tinea versicolor or 'sun fungus'." - Drug Bank n.d.
Cream para sa Hadhad
Ang pinaka kilalang cream para sa hadhad ay ang mga clotrimazole cream tulad na lamang ng Canesten. Ang clotrimazole ay isang medication na kilalang nakakapag pabuti ng mga skin infection tulad ng athlete's foot at jock itch o hadhad. Ito ay isa antifungal na gamot kung kaya't nakakatulong ito para sa mga fungal infection sa pamamagitan ng pagpigil sa pagdami ng fungus sa balat ng isang tao. Sa paggamit ng produktong ito, marapat na linisin muna ang apektadong area bago ilagay ang clotrimazole.
"Continue to use this medication until the full prescribed amount is finished, even if symptoms disappear after starting clotrimazole. Stopping the medication too early may allow the fungus to continue to grow, which may result in a relapse of the infection." WebMD n.d.
Hadhad, Buni, Alipunga - Ano ang Pagkakaiba?
Ang hadhad, buni, at alipunga ay pare parehong fungal infections na nararanasan ng tao. Kaya naman may mga pagkakataon na ang mga tao ay nalilito sa pagtukoy kung ano ang kanilang nararanasan. Dahil dito, narito ang ilan sa pagkakaiba ng mga nasabing fungal infection.
-
Ang apektadong area ng fungal infection ay magkakaiba. Ang hadhad ay kadalasang nagaganap sa mga parte ng katawan na pawisin tulad ng singit kung saan pinaka karaniwan ang hadhad. Samantala ang athlete's foot o alipunga naman ay sa paa ng isang tao nagaganap. Ang ringworm o buni naman ay maaaring maganap sa kahit anong parte ng katawan tulad ng anit, paa, at singit.
-
Ang itsura ng mga fungal impeksyon ay may pagkakaiba. Bagamat lahat ng ito ay nagdudulot ng pamumula, may mga pagkakaiba ang hadhad, buni, at alipunga. Ang laki ng alipunga ay maaaring nasa 1cm hanggang 5cm at ang balat ng taong apektado ng alipunga ay may mga butlig. Ang buni naman ay may bilog na hugis at namumula ang outer part ng apektadong balat ng isang tao. Samantala, ang hugis ng hadhad ay kadalasang half-moon shaped. Maaari na ang balat na apektado ng hadhad ay nagbabalat at namumula.
-
Ang hadhad ay maaaring mapasa sa pamamagitan ng sexual activity, dahil ang hadhad ay kalimitang nakakaapekto sa singit ng isang tao. Kaya naman ang close contact sa infected na singit tuwing nakikipagtalik ay isang paraan sa pagkahawa ng hadhad sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Samantala, ang athlete's foot ay hindi maaaring mapasa tuwing sexual activity at ang pagpasa ng buni sa pakikipagtalik ay hindi posible maliban kung ang buni ay nasa ari ng isang tao.
Home Remedy for Hadhad
Katulad ng ibang mga kondisyon, ang hadhas ng isang tao ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ilang mga home remedies.
-
Pagpapanatiling malinis ang apektadong area.
-
Pagpapalit ng damit araw araw.
-
Pagsusuot ng maluwag o loose na damit.
-
Paghuhugas ng mild na sabon at warm na tubig sa apektadong area
-
Paggamit ng mga over the counter cream para sa hadhad tulad ng canesten.
Paano Maalis ang Hadhad
Ang hadhad ay maaaring mapawi tulong ng mga sumusunod na paraan.
-
Pagpapanatili ng malinis ang katawan. Ang maduming katawan ay prone sa mga impeksyon kung kaya't mabuti na panatilihing malinis ang katawan upang mapawi ang impeksyon at mapabuti ang kalagayan ng balat ng isang tao.
-
Pagpapanatili na hindi pawis ang katawan. Ang pawis ay isang factor sa pagpaparami ng fungi sa balat ng isang tao. Dahil sa sobra sobrang fungi sa balat, nagdudulot ito ng impeksyon. Kaya naman mabuti na siguraduhin na hindi pawis ang katawan upang maalis ang hadhad.
-
Iwasan ang pakikipag share ng mga tuwalya. Ang pakikipag share ng tuwalya sa isang taong may hadhad ay mas makakpag palala ng hadhad. Kaya mainam na iwasan ang pakikipag share ng tuwalya upang maalis ang hadhad.
FAQs
Anong ointment ang mabisa para sa hadhad?
Ang cream na canesten ay maaaring makatulong para sa hadhad.
Anong pwedeng gamot para sa hadhad sa singit?
Ang mga gamot tulad ng Miconazole nitrate, Tioconazole, at Clotrimazole ay makakatulong para sa hadhad na nasa singit.
Anong pinagkaiba ng athlete's foot at hadhad? Ang hadhad ay karaniwang nagaganap sa singit ng isang tao. Samantala, ang athlete's foot naman ay sa paa.
Paano makakaiwas sa pagkakaroon ng hadhad?
Maaaring makaiwas sa pagkakaroon ng hadhad sa pamamagitan ng pag papanatili na dry ang mga parte ng katawan na pawisin tulad ng singit.
Anong home remedy para sa hadhad?
Ang ilan sa mga home remedies ay una, ang pag lalagay ng mga over the counter treatment para sa hadhad. Pangalawa ay ang pagpapanatiling malinis ng infected na area. Pangatlo ay pagsusuot ng loose na damit.