Ang high blood ay isang karamdaman na nararanasan ng maraming Pilipino. Kadalasang naapektuhan ng highblood ay mga matatanda ngunit ang mga young adults ay maaari ring makaranas ng high blood.Tatalakayin natin dito kung ano ang dapat na inuming gamot sa high blood at ang ilang paraan para makontrol ito.
Ayon sa Word Health Organization, nasa 1.28 bilyong tao na nasa edad 30 hanggang 79 ay nakakaranas ng high blood sa buong mundo. Isa itong pang karaniwang kondisyon ngunit hindi ito simpleng sakit lamag tulad ng ibang karamdaman, ito ay maaaring magdulot ng malubhang mga komplikasyon. Kaya alamin mo sa artikulong ang maaaring gamot para sa karamdaman na high blood.
High Blood Pressure - Ano Ito?
Ang high blood pressure o hypertension 1 ay isang kondisyon kung saan ang blood vessels ng isang tao ay may labis na pressure. Matatawag na high blood ang isang tao kung ang kaniyang blood pressure ay mas mataas sa kung ano ang normal na blood pressure ng isang tao. Ito ay isang malubhang medikal kondisyon na maaaring magdulot ng sakit sa puso, utak, kidney, at iba pang mga karamdaman. Ang high blood ay maaaring dahilan rin ng pagkamatay dahil ang death rate ng hypertension sa Pilipinas ay nasa 14,488 sa taong 2018.
"According to the latest WHO data published in 2018 Hypertension Deaths in the Philippines reached 14,488 or 2.38% of total deaths. The age adjusted Death Rate is 23.44 per 100,000 of population ranks Philippines #25 in the world. " - World Health Rankings n.d.Ayon sa Mayo Clinic, ang blood pressure ay maaaring matukoy sa dahil sa blood na dumadaloy sa blood vessels ng isang tao. Kung marami ang blood na dumadaloy sa katawan at may pag makitid ang mga blood vessels, magiging mataas ang blood pressure ng isang tao.
"Blood is carried from the heart to all parts of the body in the vessels. Each time the heart beats, it pumps blood into the vessels. Blood pressure is created by the force of blood pushing against the walls of blood vessels (arteries) as it is pumped by the heart." - World Health Organization August 25, 2021
Ang blood pressure ng isang tao ay maaaring basahin sa pamamagitan ng mga dalawang numbers. Ang dalawang number na ito ay tinatawag na systolic blood pressure at diastolic blood pressure.
-
Systolic blood pressure. Ang systolic blood pressure ang nasa unang number ng mga blood pressure. Tinutukoy nito ang pressure sa blood vessel tuwing tumitibok ang puso ng tao o tuwing pinaandar ng puso ang blood sa blood vessels ng katawan.
-
Diastolic blood pressure. Ang diastolic blood pressure ay ang pangalawang number ng blood pressure. Tinutukoy nito ang pressure sa blood vessels tuwing humihimpil ang puso pagkatapos ng isang beat.
Upang iyong mas maintindihan kung ang reading ng blood pressure ay 140/90, ang 140 ay ang systolic blood pressure at ang 90 ang diastolic blood pressure.
Upang malaman ang blood pressure ng isang tao, ang mga healthcare providers ay nagsasagawa ng blood pressure measurement. Tinitignan dito ang systolic at diastolic blood pressure level ng isang tao. Kung ang blood pressure ay 140/90 ito ay matutukoy na bilang high blood o hypertension.
High Blood Symptoms
Marami sa mga taong may high blood ang hindi nakakaranas ng sintomas ng high blood kahit na sobrang taas na blood pressure ng isang tao, kaya naman marami ang mapapahamak dito. Bagamat maaari itong hindi magdala ng sintomas sa ibang tao, may mga taong high blood na nakakaranas ng sintomas, ito ay ang sumusunod:
-
Nakakaranas ng masakit na ulo.
-
Hinahapo
-
Nagdurugo ang ilong
-
Pakiramdam na pagod
-
Pananakit ng dibdib
-
Nahihirapan sa paghinga
-
Nagkakaroon ng kahirapan sa paningin
-
Hindi regular heartbeat o palpitate
-
May dugo sa ihi
-
Kumakabog ang dibdib, leeg, o tainga
Mabisang Gamot sa High Blood
Ang high blood ay maaaring ma kontrol sa pamamagitan nga mga gamot. Kaya kung ikaw ay may high blood, ang ilan sa mga gamot na iyong gamitin ay ang mga sumusunod:
- Norvasc. Ang gamot na norvasc ay isang gamot na calcium blocker 2. Makakatulong ang gamot na ito upang gawing relazed ang blood vessels at mababain ang heartbeat ng isang tao. Maaari inumin ang gamot na ito ng isang beses sa isang araw.
"Most people find once daily dosing to be convenient and easy to remember. Amlodipine (Norvasc) is also a treatment for angina." - Lewis, S. August 25, 2021
- Lotensin. Ang gamot na lotensin ay isang ACE inhibitor 3. Ang ACE inhibitors o angiotensin-converting enzyme inhibitors ay mga gamot nakakapag bawas ng angiotensin sa katawan. Ang pagbabawas ng angiotensin sa katawan ay makakatulong upang gawing relaxed ang blood vessels. Kaya makakatulong ito upang mapawi ang sintomas ng high blood.
"Lotensin is a prescription medicine used to treat the symptoms of High Blood Pressure (Hypertension). Lotensin may be used alone or with other medications." - RxList April 23, 2021
- Hygroton. Ang gamot na hygroton ay isang thiazide diuretic 4. Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan pagpapataas ng fluids na nilalabas ng tao sa pamamagitan ng pag ihi. Sa ganito mababawasan ang pressure sa blood vessels ng isang tao.
"This medicine belongs to a group of medicines called diuretics (commonly called fluid or water tablets). These medicines help to reduce the amount of salt and water in the body by acting on the kidneys to increase the flow of urine." - My Virtual Medical Centre n.d.
- Vasotec. Ang vasotec ay isa ring angiotensin-converting enzyme inhibitors. Maaari itong inumin ng isang beses sa isang araw.
"Vasotec is a prescription medicine used to treat symptoms of high blood pressure (hypertension), left ventricular dysfunction and congestive heart failure. Vasotec may be used alone or with other medications." - RxList February 17, 2021
- Cozaar. Ang cozaar ay isang gamot na angiotensin II receptor blocker 5. Ang gamot na ito ay direktang humaharang sa angiotensin kaya magiging relaxed ang blood vessels ng taong may high blood.
"Cozaar (losartan) belongs to a group of drugs called angiotensin II receptor antagonists (sometimes called ARB blockers). It keeps blood vessels from narrowing, which lowers blood pressure and improves blood flow." - Thornton, P. April 21, 2021
Medicine for High Blood Pressure
Ang ilan pang gamot na maaaring gamitin para sa high blood pressure ay ang sumusunod:
-
Beta-blockers 6. Ang mga gamot na beta-blockers ay tumutulong sa pamamagitan ng pagharang sa hormone epinephrine. Dahil dito, mas magiging mabagal ang pagtibok ng puso at mas magiging mababa ang blood pressure ng isang tao.
-
Alpha-blockers 7. Ang mga gamot na alpha-blockers naman ay makakatulong para pababain ang blood pressure sa pamamagitan ng pagpigil sa norepinephrine na gawing tight ang muscles ng mga maliliit na blood vessels. Sa ganito magiging relaxed ang blood vessels.
-
Peripheral adrenergic inhibitor 8. Ang gamot na peripheral adrenergic inhibitor ay nakakatulong sa pagpapababa ng blood pressure sa pamamagitan ng pag block nito sa neurotransmitters ng utak. Ayon sa pananaliksik, ang gamot na ito ay ginagamit lamang tuwing hindi nagiging epektibo ang ibang mga gamot.
-
Vasodilators 9. Ang mga vasodilator na gamot ay makakatulong para panatilihing dilated ang blood vessels. Pinigilan nito ang pagiging makitid ng blood vessels.
Gamot sa High Blood na Nilalagay sa dila
Ang isa sa mga gamot na madalas na binibigay sa mga taong high blood ay ang gamot na nilalagay sa ilalim ng dila. Ito ay tinatawag na nitroglycerin 10. Ang nitroglycerin ay isang tablet na ginagamit upang makontrol ang pagiging narrow ng blood vessels. Ito ay ginagamit na treatment para sa high blood o hypertension. Ang gamot na ito ay gumagana sa pamamagitan ng pag relax nito sa mga muscle ay blood vessels ng isang katawan. Kaya nakakatulong ito para sa high blood.
"Nitroglycerin comes as a sublingual tablet to take under the tongue. The tablets are usually taken as needed, either 5 to 10 minutes before activities that may cause attacks of angina or at the first sign of an attack. Follow the directions on your prescription label carefully, and ask your doctor or pharmacist to explain any part you do not understand." - MedlinePlus November 23, 2021
Gamot sa High Blood - First Aid
Ang high blood pressure ay nagdudulot ng malubhang karamdaman sa isang tao. Kaya naman kung may kilala kang high blood, narito ang ilan sa mga first aid na maaaring gawin upang matulungan ang taong inaatake ng high blood.
-
Panatilihing relax ang taong inaatake ng high blood. Marapat na panatilihing nakaupo at relaxed ang taon inaatake ng high blood. Dahil maaaring magdulot ng matinding pananakit ng ulo at pananakit ng tabok ang taong inaatake ng high blood.
-
Panatilihing relaxed ang braso.
-
Huminga ng malalim.
-
Uminom o painumin ng prescribed na blood pressure medication kung nabigyan na ng prescription ng gamot noon.
-
Kumain ng dark chocolate dahil ang dark chocolate ay mayroong antioxidants at polyphenols, at ayon sa pananaliksik nakakapagpababa ito ng blood pressure.
"Dark chocolate is rich in antioxidants and polyphenols, and has been shown in some studies to reduce blood pressure. Dark chocolate has also been shown to reduce LDL cholesterol, making it a heart-healthy snack. Stick to smaller amounts, and choose a dark chocolate that has at least 70% cocoa content." - Qardio October 29, 2021
Immediate Treatment for High Blood Pressure at Home
Ang isa sa immediate treatment para sa high blood ang kalma at magpahinga. Kailangan iwanan muna kung ano ang ginagawa at pakalmahin ang sarili. Maaaring huminga ng mabagal at malalim. Ang paghinga ng malalim at mabagal ay nakakapag activate ng parasympathetic nervous system. Ito ay nakakapag pabagal ng heart rate ng isang tao at nakakapag dilate ng blood vessels. Kung ang pakiramdam ay naging maayos na, 'wag itong isa walang bahala at ikonsulta ito sa doktor upang mabigyan ng prescription para sa high blood.
"Deep breathing activates the parasympathetic nervous system which decreases the heart rate and dilates blood vessels, reducing your overall blood pressure. As your breathing becomes slower, your brain associates it with a state of relaxation, which causes your body to slow down other functions like digestion." - Vital Heart & Vein n.d.
Home Remedy for High Blood Pressure
Katulad ng ibang mga karamdaman, ang high blood pressure ay maaari ring makontrol at mapawi sa pamamagitan ng home remedies. Narito ang ilang home remedies na makakatulong para sa high blood pressure.
-
Kumain ng masustansyang Pagkain. Ang pagkain ng mga prutas, gulay, at mga whole grains ay nagbibigay ng sustansya sa katawan ng isang tao. Bukod pa dito ay ang pagkain ng mga dairy product na low-fat tulad ng yogurt at fat-free na gatas. Ayon sa pananaliksik 11, ang mga pagkain na ito at ang mga pagkain na mababa sa cholesterol ay nakakapag pababa ng blood pressure.
-
Bawasan ang pagkain ng pagkain na maraming asin. Ang asin ay isang source ng sodium. Ang pagbabawas ng sodium sa pagkain ay nakakatulong dahil, maliit lamang na pagbabawas ng sodium sa pagkain ng tao ay nakakapagpababa na ng high blood pressure.
-
Magbawas ng excess na weight. Ang blood pressure ng isang tao ay tumataas hanggat mas tumataas ang timbang nito. Kaya naman mainam na magbawas ng excess na weight upang maiwasan at makontrol ang blood pressure.
-
Itigil ang paninigarilyo. Ang sigarilyo ay nakakapag pataas ng blood pressure ng isang tao. Kaya naman ang pagtigil sa paninigarilyo ay makakatulong upang mapababa at maiwasan ang high blood pressure. Bukod pa doon, mas magiging healthy ang katawan ng isang tao kung mawawala na ang mga bisyo tulad ng paninigarilyo.
-
Kontrolin ang alak na iniinom. Bagamat ang alak ay nakakabuti sa kalusugan ng isang tao, ang sobra sobrang pag inom nito ay nakakasama rin sa katawan. Kung babawasan ang pag inom ng alak, makakatulong ito upang mapababa ang high blood ng isang tao.
-
Iwasan ang stress. Ang sobra sobrang stress at pagiging matagal na stressed ay nakakapag pataas ng blood pressure.
Mga Dapat Gawin Kung High Blood
-
Sikapin na mag ehersisyo.
-
Tigilan ang paninigarilyo.
-
Magkaroon ng healthy diet.
-
Pagpapanatili ng healthy na timbang.
-
Limitahan ang pag inom ng alak.
-
Bawasan ang sobrang stress.
FAQs
Anong gamot ang para sa high blood?
Ang mga gamot tulad ng norvasc, lotensin, hygroton, vasotec, at cozaar ay epektibo para mapababa ang blood pressure ng isang tao.
Anong gamot ang nilalagay sa dila?
Ang gamot na nilalagay sa ilalim ng dila tuwing inaatake ng high blood ay tinatawag na nitroglycerin.
Makakatulong ba ang dark chocolate para sa high blood?
Ang dark chocolate ay kilalang pagkain na mayaman sa antioxidants, polyphenols at pagpapababa ng blood pressure kaya naman makakatulong ito para sa high blood.
Anong dapat gawin kung inaatake ng high blood?
Una kailangan na kumalma at huminga ng malalim at mabagal. Kapag kumalma na ang kalagayan saka ito dalhin sa ospital o painumin ng prescribed ng hypertension medicine.
Nakakamatay ba ang high blood?
Ang high blood ay isang malubhang kondisyon dahil ugnay ito sa blood flow, heart rate, at blood pressure. Kung ito ay hindi maagapan, hindi mabibigyan ng gamot at lumala na ng lumala. Maaaring mamatay ang taong nakakaranas nito.