Ang lahat ng tao ay nakakaranas ng pagkahilo. Maaari mo itong isang sintomas kaysa sa isang kondisyon. Kaya naman ang pagkahilo ng isang tao ay maaaring dahil lamang sa simpleng kondisyon ngunit maaari ring malala. Isa sa kondisyon na nagdudulot ng hilo ay ang vertigo. Marahil iyong narinig na ang terminong ito, ito ay pang karaniwang kondisyon na nararanasan ng lahat ng tao. Ito ay nagdudulot ng discomfort sa taong nakakaranas nito, kaya naman alamin mo sa artikulo na ito ang nararapat na gamot para sa hilo.
Hilo in English
Ang taong may hilo ay nakakaranas ng pagkahilo na tila umiikot ang kanyang paligid dahil umiikot ang kanyang paningin. Maaaring tawagin ang hilo bilang vertigo sa wikang ingles. Ayon sa isang pag-aaral 1 ang vertigo ay nakakaapekto sa 15% hanggang 20% ng mga adults kada taon at ito ang isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit kumukonsulta sa doktor ang mga matatanda. Bagamat ito ay nagdudulot ng pag ikot ng paningin, hindi naman ito isang malalang kondisyon. Sinasabi sa pag-aaral 2 maaari itong ihalintulad sa motion sickness ngunit ito ay iba sa lightheadedness 3. Ang motion sickness ay isang konsiyon kung saan nahihilo ang isang tao lalo na tuwing bumabyahe sa pamamagitan ng kotse, bangka, o tren. Nagiging similar ang vertigo 4 at motion sick sa kadahilanan na pareho itong dulot ng vestibular stimulation.
"Vertigo is similar to motion sickness in that both may be caused by vestibular stimulation that does not match an internal model of expected environmental stimuli. Indeed, a functioning vestibular system is necessary for the perception of motion sickness." - Roland, PS. & Zajonc, TP. January, 2006
Dahilan ng Pagkahilo
Ang isang tao ay nagkakaroon ng hilo tulad ng vertigo nagkakaroon ng gambala sa inner ear ng isang tao. Maaari ring dulot ito ng motion sickness at epekto ng ilang medication na kinu konsumo.
Kailangan malaman na pagkahilo ng isang tao ay maaaring dulot ng iba't-ibang kondisyon. Ngunit ang klase ng iyong hilo na nararamdaman ay makakatulong upang malaman kung ano ang sanhi ng pagkahilo. Kaya naman narito ang ilan sa mga dahilan ng pagkahilo ng isang tao.
- Problema sa inner ear 5 na nagdudulot ng hilo. Ang inner ear ay sensors na nasa brain ng isang tao, ito ay makakatulong para sa response ng katawan sa gravity at back-and-forth motion. Ang kondisyon na pagkakaroon ng problema sa inner ear ay nagdudulot ng false sense ng utak kung saan umiikot ang paningin ng isang tao. Ayon sa pananaliksik, kung ang isang tao ay may problema sa inner ear, maaaring makatanggap ng signal ang brain ng isang tao mula sa inner ear na hindi pareho sa signals binibigay at sensory nerves.
"With inner ear disorders, your brain receives signals from the inner ear that aren't consistent with what your eyes and sensory nerves are receiving. Vertigo is what results as your brain works to sort out the confusion." - Mayo Clinic October 15, 2020
- Pagkakaroon ng Benign paroxysmal positional vertigo 6 (BPPV). Ang kondisyon na ito ay hindi malala ngunit maaaring itong magdulot ng maling sense na ang tao ay umiikot o gumagalaw. Ito ay isa sa pinaka madalas na sanhi ng vertigo lalo na para sa mga matatanda. Ayon sa pananaliksik, walang eksaktong dahilan kung bakit nakakaranas ng BPPV ngunit maaaring mild lamang. Bagamat ito ay nakakapagdulot ng abala sa isang tao, madalang ang pangyayari na malala ang BPPV at may mga epektibong gamot rin para dito.
"Benign paroxysmal positional vertigo (BPPV) is one of the most common causes of vertigo — the sudden sensation that you're spinning or that the inside of your head is spinning." - Mayo Clinic August 18, 2020
-
Impeksyon. Ang impeksyon tulad ng vestibular neuritis 7 ay pwedeng magdulot ng vertigo at pagkahilo.
-
Meniere's disease 8. Ang disease na ito ay ang pagkakaroon ng excess na fluid sa inner ear ng isang tao. Dahil sa excess na fluid na ito, nagkakaroon ng problema sa pagbibigay ng signal sa utak ng tao. Kaya naman ito ay nagdudulot ng vertigo at hearing problems.
"Fluid builds up inside a part of your inner ear called the labyrinth, which holds structures that help with hearing and balance. The extra fluid interferes with the signals your brain receives"* - WebMD June 16, 2020 *
- Migraine. Ang mga taong nakakaranas ng migraine ay maaari ring makaranas ng vertigo. Sa katunayan, mayroong tinatawag na migraine-associated vertigo o vestibular migraines 9.
"Vestibular migraines don’t always cause headaches. The main symptom is dizziness that comes and goes. Vestibular refers to the inner ear, which controls your hearing and balance." - WebMD July 21, 2020
Bukod pa dito, ang sobra sobrang stress at anxiety na nararanasan ng tao ay nakakapag dulot rin ng hilo o vertigo. Dahil ang stress at anxiety ay may kakayahang pataasin ang hormones tulad ng cortisol. Ang cortisols ay nakakaapekto sa vestibular system ng utak na ang trabaho ay kumotrol ng para sa balance ng katawan.
“Stress and anxiety can elevate hormones like cortisol that impair the function of your vestibular system that controls your balance. " - Yetman, D. October 08, 2020
Iba't-ibang Gamot sa Hilo
Ang hilo ay kadalasang gumagaling kahit na walang gamot. Ngunit may mga panahon na ang hilo na nararamdaman na nararanasan ng isang tao ay masyadong matindi kung kaya't ginugusto nitong uminom ng gamot para sa hilo. Kaya naman narito ang ilan sa mga gamot na maaaring ikonsumo.
Gamot sa Hilo Mercury Drug.
Betahistine. Ang gamot na ito ay makakatulong upang pigilan ang response ng rotary stimuli. Ang gamot na ito ay ginagamit para mabigyan lunas ang sintomas ng mga karamdaman tulad ng Meniere's syndrome na nagdudulot ng pagkahilo o vertigo. Makakatulong ang gamot na ito upang mapaganda ang blood flow sa inner ng isang tao. Maraming pag-aaral na nagsasabi na ang gamot na ito ay epektibo para gamutin ang hilo ng isang tao. Katulad nalang ng pag-aaral ni Antonenko, LM. et al., tinalakay sa pananaliksik na ito ang effective ng betahistine na 48 mg/day para mabawasan ang nararanasan ng hilo at sa huli ng pananaliksik, sinaad na it ay epektibo. Maaari itong mabili sa mga botika katulad ng Mercury drug.
Bukod pa dito ang gamot na Meclizine ay maaari ring gamot para sa hilo. Ang gamot na ito ay antihistamine at ito ay nakakatulong para magamot ang motion sickness o vertigo na sanhi ng Meniere's disease.
Gamot sa Hilo at Sakit ng Ulo
Ang hilo at sakit ng ulo ay kadalasang magkasamang nararamdaman ng isang tao. Upang mabigyan ng lunas ang iyong pagkahilo at sakit ng ulo, narito ang ilan sa mga gamot na maaari mong ikonsumo.
-
Ibuprofen.
-
Aspirin
-
Tramadol.
-
Biogesic.
Gamot sa Hilo sa Byahe
Maraming tao ang nakakaranas ng motion sickness. Ang motion sickness ay isang kondisyon kung saan nahihilo ang tao kapag bumabyahe sa pamamagitan ng kotse, bangka, eroplano, o tren. Nangyayari ito dahil ang mga sensory organs sa katawan ay nagbibigay ng mixed messages sa utak ng tao kaya naman nagdudulot ito ng hilo. Marami sa mga bata ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, kaya naman ang ilan sa mga gamot ang maaaring ipainom para sa pagkahilo tuwing bumabyahe:
- Antihistamine. Ang mga antihistamine na gamot ay may central cholinergic blocking properties kaya naman proven at epektibo ito para sa motion sickness.
"Thus, the anti–motion sickness effects of antihistamines are due not to the blockade of histamine1 receptors, but rather to their effects as central-acting anticholinergics." - Lusk, KA. & Sanchez, CK. 2015
- Ang mga batang nasa edad 2 hanggang 12 ay pwede painumin ng dimenhydrinate (Dramamine) o diphenhydramine (Benadryl).
Gamot sa Hilo at Nasusuka
Ang mga bata ay kadalasang nakakaranas ng hilo at pagsusuka. Ngunit maaari ring makaranas nito ang mga matatanda. Kadalasan ang hilo na nagsusuka at related sa motion sickness. Kaya naman ang ilang mga bata ay sumusuka sa tuwing bumabyahe. Upang mabigyan lunas ito, narito ang mga gamot na maaaring bilhin upang mapawi ang hilo at ang pagsusuka.
- Meclizine. Ang meclizine ay gamot na maaaring mabili sa botika. Ito ay gamot na ginagamit para bigyan lunas ang motion sickness, pagsusuka, at pagkahilo.
"Meclizine (Antivert) is available over the counter and in prescription strength for dizziness. This type of medication is used treat motion sickness, nausea, and dizziness" - Nall, R. June 19, 2017
- Scopolamine. Ang Scopolamine ay ginagamit para sa pagkahilo at pagsusuka. Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pag block nito sa effects ng acetylcholine sa central nervous system. Ang excessive na acetylcholine ay maaaring makapag dulot ng pagkahilo kaya naman ang gamot na ito ay makakatulong para maiwasan ito.
Gamot sa Hilo Herbal
Ang mga herbal na gamot para sa mga karamdaman ay hinding hindi mawawala. Ito ay mga natural na remedy na makakatulong upang mabawasan ang pananakit na nararanasan ng isang tao. Sa hilo, hindi maikakaila na makakatulong rin ito. Kaya naman narito ang ilan sa ma herbs na maaaring makatulong para sa hilo.
- Amla o Gooseberry. Ang amla ay may mga bitamina katulad ng vitamin A at vitamin C. Ang mga bitaminang ito ay makakatulong para palakasin ang immune system ng isang tao. Nakakatulong rin ito para pagandahin ang sirkulasyon ng dugo sa katawan, at iwasan at gamutin ang pagkahilo ng tao.
"Grind two amla fruits into a paste and mix with 2 teaspoons coriander seeds. Add this to water and let sit overnight. Strain in the morning and drink daily."* - Symmetry Health Chiropractic Center n.d. *
- Ginger. Ang ginger ay kilalang herbal medicine para sa maraming kalagayan. Ito ay makakatulong rin para sa taong nakakaranas ng pagkahilo. Maaari itong ikonsumo sa pamamagitan ng salabat o ginger tea okaya naman ay ginger supplements.
"Ginger may help relieve symptoms of motion sickness and dizziness. It may also help treat nausea in pregnant women. You can take ginger in many forms." - Gotter, A. May 29, 2019
-
Ginkgo biloba. Ang herb ay isang chinese herb na makakatulong upang ang sintomas ng vertigo. Nakakatulong ito para maging maayos blood flow upang mapawi ang pagkahilo at balance issues. Ayon sa pag-aaral mula sa International Journal of Otolaryngology, ang herb na Ginkgo biloba ay kasing epektibo ng gamot na betahistine na ginagamit para sa vertigo.
-
Garlic. Ayon sa pananaliksik, ang herb na garlic na ginagamit para sa ibang kalagayan ay maaari ring gamitin para sa pangkahilo.
"When combined, garlic and sesame oil have been seen to relieve an attack of vertigo." - Davis, B. June 24, 2018
Home Remedy sa Hilo
Ang ilang mga home remedies ay maaaring makatulong para mabawasan ang nararamdaman na pagkahilo ng isang tao.
-
Pag inom ng tubig. Ang dehydration ay isang common na dahilan ng pagkahilo. Kaya naman panatiling hydrated sa pamamagitan ng pag inom ng tubig, makakatulong ito upang mapawi ang dizziness na nararamdaman ng isang tao.
-
Vitamin C. Ang pag konsumo ng vitamin C mula sa mga prutas o ibang pagkain ng gulay ay makakatulong para mapawi ang pagkahilo. Bukod pa duon kung ang pagkahilo ng isang tao ay Meniere's syndrome, maaaring makatulong vitamin C para mabawasan ang sintomas ng vertigo.
-
Vitamin E. Ang vitamin ay makakatulong upang mapawi ang circulation problems sa katawan ng isang tao. Kaya naman kung ito ang sanhi ng pagkahilo, maaaring makatulong ang vitamin E dahil kaya nitong mapanatili ng elasticity ng blood vessels.
-
Vitamin D. Sinasabi sa pag-aaral 11 na ang vitamin D ay makakatulong para sa pagkahilo na dulot ng BPPV o Benign paroxysmal positional vertigo.
-
Iron. Kung ang sanhi ng pagkahilo ay ang pagiging anemic, ang iron supplements ay maaaring makatulong para dito.
Ilan pang mga home remedies na maaaring gawin upang mawala ang pagkahilo ay ang mga sumusunod:
-
Pagpapahinga.
-
Paggamit ng ointment.
-
Cold Compress.
-
Hot Compress.
-
Maligo ng maligamgam na tubig
Tips para Maiwasan ang Pagkahilo
Maraming iba't-ibang paraan ng pagkahilo. May ibang karamdaman na sanhi ng malalang mga karamdaman ngunit may mga pagkahilo na sanhi lamang ng minor na karamdaman. Kaya naman maaari pa ring maiwasan ang pagkakaroon ng hilo. Ang ilan sa mga sumusunod ay mga maaaring paraan upang maiwasan ang pagkahilo:
-
Iwasan ang mga pagkain na hindi masustansya tulad ng high-fat. Maaari itong magdulot ng hypertension na nagbibigay rin ng pagkahilo.
-
Iwasan ang sobra sobrang stress
-
Kung ang pagkahilo ay sanhi ng mga karamdaman, uminom ng gamot na nararapat para dito upang hindi mahilo.
FAQs
Anong gamot para sa hilo na mabibili sa botika?
Ang betahistine ay isa sa mga kilalang gamot para sa hilo na maaaring mabili sa botika.
Anong gamot sa hilo at sakit ng ulo?
Ang ibuprofen, aspirin, tramadol, at biogesic ay maaaring makatulong para magamot ito.
Anong gamot sa hilo pag bumabyahe?
Ang gamot na mga antihistamine ay maaaring makatulong dito. Ganun din ang dimenhydrinate at diphenhydramine.
Anong gamot para sa hilo at nasusuka?
Ang gamot na pwedeng makatulong para sa ganito ay Meclizine at Scopolamine.
Anong herbal na gamot para sa hilo?
Ang herbal na may maraming pag-aaral na epektibo para sa hilo dulot ng vertigo ay ang Ginkgo biloba, ito ay chinese herb ngunit maaari pa rin itong mabili sa Pilipinas.