Hindi maikakaila na ang kadalasang nagkakaroon ng kabag o gas pain 1 ay ang baby kumpara sa mga matanda. Bagamat isa lamang itong simpleng digestive issue 2 ang ang kabag ay maaari pa rin magbigay ng hindi maganda pakiramdam sa katawan ng isang bata. Ang mga baby ay natural na palaging naiyak ngunit kung ang baby ay may nararamdaman na hindi maganda mas matindi ang nagiging pag-iyak nito, kaya ang kabag ng baby ay hindi marapat palipasin lamang at dapat na bigyan ng solusyon. Sa artikulong ito, tatalakayin ang sintomas, sanhi, at mga gamot para sa kabag ng isang baby. Kung ikaw ay nag aasam na makakuha ng karagdagang kaalaman, ipagpatuloy mo lang ang iyong pagbabasa.
Sintomas ng Kabag sa Bata
Ang pag iyak ay hindi na mawawala sa mga baby o bata. Kung ang baby ay labis ang pag-iyak kahit na ito ay hindi gutom o hindi dumumi at walang dahilan ang pag-iyak nito, maaaring dulot ito ng kabag. Ang ilan pa sa mga maaaring sintomas ng kabag para sa baby ay ang mga sumusunod:
-
Bloated na tummy** o tiyan. **
-
**Malamig na paa at kamay. **
-
**Matinding pag-iyak. **
“The most common symptoms of gas in a baby include: isn’t sleeping or eating, arching the back, lifting the legs, and passing gas or belching” - Villines, Z. March 18, 2019
Sanhi ng Kabag ng Bata o Sanggol
Ang isang tao kagaya ng mga baby at bata ay maaaring magkaroon ng kabag sa pamamagitan ng unconscious na pagpasok ng hangin sa digestive tract ng katawan. Ano nga ba ang mga ginagawa ng mga baby para sila ay may hangin na pumasok sa kanilang digestive tract 3? Ayon sa pananaliksik, ang mga sumusunod ay mga maaaring dahilan kung bakit nagkakaroon ng gas sa tiyan ng baby o bata.
-
Breastfeeding. Ayon sa pag-aaral ang mga baby ay maaaring makakonsumo ng excess na hangin sa pag breastfeed sa mga ina kung hindi maayos ang pagkaka latch nito sa breasts.
-
Bottle-feeding. Bukod sa breastfeeding, ang bottle-feeding ay maaari ring magdulot ng pagkonsumo ng excess na hangin ng mga baby. Nangyayari ito dahil sa position ng baby tuwing bottle feeding, kapag ang mga baby ay nakahiga at vertical ang position ng bottle, mas mabilis ang pag inom ng baby ng gatas kaya ito ay nakaka konsumo ng excess na hangin.
“This allows the baby to draw milk out at the pace they prefer, rather than it flowing too fast and making them swallow more air.” - Janel n.d.
- Labis na pag-iyak. Ang sobra-sobrang pag-iyak ng mga baby ay isa sa mga nagiging sanhi kung bakit ito nagkakaroon ng kabag dahil ang mga baby ay maaaring maka swallow ng excess air sa pag-iyak.
“Babies tend to swallow air when they cry. If this causes them to have gas, you may hear them passing it after crying. It can be hard for someone to tell if gas is causing their crying or if crying is causing their gas. Either way, it is important to promptly tend to a crying baby’s needs and soothe them in the best way possible.” - Villines, Z. March 18, 2019
- Hindi pagdumi. Kung ang baby ay hindi makadumi o hirap sa pagdumi ito ay maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng kabag ng bata
Ang ilan pa sa mga maaaring sanhi ng kabag ayon sa pananaliksik ay ang mga sumusunod: Hindi pa fully developed na digestive tract, gastrointestinal virus 4, minor digestive problems 5, at pagkain para sa mga infants.
Gamot sa Kabag ng Bata
Ang kabag ay nagdudulot ng discomfort sa katawan ng isang tao lalo na para sa mga baby at bata. Kaya narito ang ilan sa mga gamot at treatment na maaaring gawin upang mabawasan ang discomfort na dala ng kabag at mawala ito ng tuluyan. Ayon sa mga anecdotes ng mga ina na nakaranas ang mga baby ng kabag, ang gamot na tinatawag bilang Simeticone o Restime Drops ay isang gamot na nakakatulong at magamot ang gas pain, hangin sa tiyan, o gas pain.
Kabag Treatment for Baby
Ang pag massage o masahe sa baby o bata ay makakatulong sa upang mabawasan ang pananakit ng tiyan at pag-iyak ng baby dahil sa kabag. Ang paggamit ng mga ointment tulad ng aceite de manzanilla ay ginagamit para sa mga abdominal pain, kaya maaari itong makatulong sa kabag ng iyong baby.
Paano Mawala ang Kabag ng Baby
Maaaring mawala ang kabag ng baby sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot, pag masahe, o kaya naman ay paggawa ng baby yoga ay makakatulong upang mawala ang hangin sa tiyan ng baby.
“Certain yoga poses can help you to release air. Yoga aids in relaxation throughout the entire body. Relaxing your body, and especially your bowels and intestines, can help you to pass gas.” - Cronkleton, E. April 16, 2019
Home Remedy
Dahil ang kabag ay isang common na digestive issue, may mga paraan upang magamot ito kahit na ito ay hindi ikonsulta sa doktor. Ngunit marapat tandaan na kung ang kabag ng bata ay hindi bumubuti, ‘wag mag dalawang isip na tumawag ng doktor at humingi ng medical advice at medical help.
-
Igalaw ang legs ng baby. Ang exercise na ito ay makakatulong upang mailabas ang excess gas sa katawan ng baby.
-
Posisyon ang ulo pataas. Ang pagposisyon ng ulo ng baby sa taas ay makakatulong upang maka dighay o burp ang bata. Sa ganitong paraan, mababawasan ang hangin sa tiyan ng bata.
-
Pag masahe sa kanilang tummy. Ang pag masahe sa tiyan ng baby ay makakatulong upang mabawasan ang pananakit nito at mapalabas ang excess na gas ang meron ito sa loob.
FAQs
Normal ba na magka-kabag ang mga baby?
Oo, ang mga baby ay mas madalas na nagkaka-kabag kumpara sa mga matatanda.
Anong gamot para sa kabag ng baby?
Ang Restime Drops ay maaaring makatulong sa pagpapalunas ng kabag. Ito ay isang oral medication ngunit kung ikaw ay nahihirapan sa pagpapainom ng gamot sa iyong anak, maaaring gawin ang mga alternatibong paraan upang magamot ang abag sa pamamagitan ng pag masahe ang ointment na aceite de manzanilla ay maaaring gamitin.
Posible bang magka kabag ang baby pag bottle-fed?
Oo, ngunit depende rin ito sa posisyon kung paano uminom ang baby, kung ito ay nakahiga ay pa-vertical ang posisyon ng bottle, mas nagiging mabilis ang pag-inom ng baby kaya mas nakakakonsumo ito ng excess na hangin.
Sintomas ng kabag sa baby?
Ang ilan sa mga sintomas nito ay ang labis ang pag-iyak nito kahit na hindi gutom o dumumi at bloated ang tiyan.
Marapat ba na ikonsulta sa doktor pag may kabag?
Kung ito ay hindi bumubuti at hindi na kumakain ang baby dahil sa kabag, marapat na humingi ng medical advice sa mga doktor.