Gamot

Gamot sa Kati Kati

Ang pangangati ay kadalasang hindi malubha ngunit maaari pa rin itong magdulot ng hindi magandang

Ang kati kati ay isa sa mga karaniwang kondisyon na nararanasan ng mga Pilipino. Maaari itong maranasan ng mga bata at maaari rin ng mga nakakatanda. Bagamat ang pangangati ay tila isang napaka lawak na paksa, ito ay kalimitang maagapan sa pamamagitan ng mga gamot at ointment. Sa artikulong ito iyong malaman ang mga gamot sa kati kati na talagang makakatulong sa iyong kalagayan.

Ang pangangati ay nagdadala ng labis na irita at discomfort sa maraming tao. May mga pagkakataon na ito ay nagiging sagabal sa pang araw araw na gawain ng mga tao, kaya naman marami sa mga taong nakakaranas ng kati kati ay pipiliing bigyan ito ng solusyon. Ngunit kailangan tandaan na ang pagpapa konsulta sa doktor ay isang importanteng hakbang dahil maaaring sanhi ang pangangati ng ilang mga karamdaman at ang iyong doktor ay maaaring magbigay ng espisipikong treatment upang mawala ito. Gayunman, may mga paraan pa rin upang mabigyan ito ng lunas lalo na kung ito ay simpleng kati kati lamang.

Gamot sa Kati Kati Ointment (Featured Product: Sumifun Eczema Cream)

Ang ointment na sumifun eczema cream ay isang mabisang gamot para sa kati kati na nararanasan ng isang tao. Ito ay may natural herbal ingredients na hindi nakakapagbigay ng mas malubhang kalagayan sa balat ng isang tao. Ang sumifun eczema cream ay safe para sa balat ng isang tao. Ang mga skin diseases na nagdudulot ng pangangati tulad ng eczema at psoriasis ay maaaring mabigyan lunas sa pamamagitan ng ointment na ito. Sa paggamit ng sumifun eczema cream, marapat na mag lagay ng thin layer ng ointment sa na ngangating parte ng katawan.

"This anti-itch cream is made of natural plant extracts, with sophora flavescens (1), daqingye, kochia scoparia, and white sable, etc. It is very safe and comfortable without irritating your skin." - Lipsforce n.d.

Kati Kati sa Katawan

Ang pangangati ay maaaring maramdaman sa iba't-ibang parte ng katawan ng isang tao. Ang sanhi ng kati kati ay pwedeng dahilan ng iba't-ibang mga kondisyon gaya ng allergy, cancer, at kung minsan sexually transmitted diseases kung ang kati kati ay nararanasan sa maselang bahagi ng katawan. Ayon sa pananaliksik, ang makating balat ay tinatawag sa pruritus 2.

"Itchy skin, also known as pruritus, is an irritating and uncontrollable sensation that makes you want to scratch to relieve the feeling. The possible causes for itchiness include internal illnesses and skin conditions. It’s important to see a doctor for itchiness if the cause isn’t obvious. They can find the underlying cause and provide treatments for relief." - Ellis, E. March 19, 2021

Sanhi ng Kati Kati sa Katawan

Kapag ang isang tao ay nakakaranas ng kati kati, hindi nito agarang malalaman ang sanhi ng kondisyong ito. May mga pagkakataong mahirap malaman ang espisipikong dahilan ng kati kati. Kaya naman kung ikaw ay nakakaranas ng kati kati, maaaring sanhi ito ng sumusunod:

  • Skin conditions. Ang mga skin conditions ang isa sa mga pinaka karaniwang sanhi ng kati kati sa katawan ng isang tao. Pwede itong maging temporarya lamang na kondisyon ngunit may mga pagkakataon na ito ay permanente. Ang mga skin conditions na maaaring magdulot ng pangangati ay ang xerosis cutis, atopic dermatitis, psoriasis, at scabies.

  • Xerosis cutis. Ang xerosis cutis 3 ay isang kondisyon kung saan ang balat ng isang tao ay labis ang dryness. Dahil sa pagiging dry ng balat, nakakaranas ng kati kati ang isang tao. Ang ilan sa mga sanhi ng dry na balat ay ang dehydration at mainit na panahon. Ayon sa pag-aaral 4, ay isang karaniwang skin conditions para sa mga matatandang nasa edad 65 pataas. Gayunman, maaaring magamot ang skin condition na ito sa pamamagitan ng pananatiling hydrated.

"Dry skin is common, especially in older adults. It’s usually a minor and temporary problem, but it may cause discomfort. Your skin needs moisture to stay smooth. As you age, retaining moisture in the skin becomes more difficult. Your skin may become dry and rough as it loses water and oils." - Cafasso, J. August 30, 2018
  • Atopic dermatitis. Ang atopic dermatitis ay isang skin condition kung saan nagbibigay ito ng mapula at nangangating blotched sa isang tao. Kadalasan itong nagagana sa mukha, legs, o braso ng isang tao at madalas na ang mga bata ang nakakaranas ng atopic dermatitis, ngunit maaari rin makaranas nito ang mga matatanda. Ayon sa pananaliksik 5, madalas na sanhi ng atopic dermatitis ay ang mga alerhiya at asthma. Maaari rin itong maranasan ng isang tao kapag nagkaroon ng iritasyon mula sa sabon, damit, pabango, at balahibo ng mga alaga. Ang gamot tulad ng antihistamine ay maaaring makatulong sa skin condition na ito.
"Atopic dermatitis (eczema) is a condition that makes your skin red and itchy. It's common in children but can occur at any age. Atopic dermatitis is long lasting (chronic) and tends to flare periodically. It may be accompanied by asthma or hay fever (6)." - Mayo Clinic June 12, 2020
  • Psoriasis. Ang psoriasis 7 ay isang kalagayan kung saan nagkakaroon ng mapulang patches sa balat ng isang tao. Ito ay nagdudulot ng pangangati sa parte ng katawan apektado nito. May mga malubhang mga cases ng psoriasis na kumakalat ang pamumula at pangangati sa buong katawan. Kaya naman ang pagbibigay ng solusyon para dito ay marapat na isa lang alang. Bagamat malubha pakinggan ang psoriasis, maraming gamot ang makakatulong para mabigyan ito ng solusyon. Ilan na dito ay ang mga moisturizer, steroid creams, vitamin D cream o kaya ay ointment, at retinoid creams.
"Psoriasis is a skin disorder that causes skin cells to multiply up to 10 times faster than normal. This makes the skin build up into bumpy red patches covered with white scales. They can grow anywhere, but most appear on the scalp, elbows, knees, and lower back."* - WebMD October 27, 2021 *

  • Scabies. Ang scabies 8 ay isang skin condition na dulot ng Sarcoptes scabiei 9. Ito ay nagdudulot ng labis na pangangati sa parteng apektado nito. Ito ay nakakahawa sa ibang mga tao sa pamamagitan ng mga physical contact. Ang maaaring gamot para dito ay topical creams gaya ng permethrin cream at crotamiton cream.

"Scabies is contagious and can spread quickly through close physical contact in a family, child care group, school class, nursing home or prison. Because scabies is so contagious, doctors often recommend treatment for entire families or contact groups"* - Mayo Clinic August 25, 2020 *

  • Internal diseases. Ang pangangati sa katawan ay maaari ring sanhi ng mga internal diseases. Ang ilan sa mga internal disease na pwedeng magdulot ng kati kati ay ang leukemia o lymphoma.

"Many researchers believe it is caused by cytokines; chemicals released into the blood by the body’s immune system. When immune cells come into contact with leukaemia or lymphoma cells, they can release cytokines at high levels, causing irritation of nerve endings within the skin and thereby a persistent itch." - Leukaemia Care n.d

  • Irritation at mga allergic reaction. Ang mga iritasyon at allergic reaction sa iba't-ibang mga bagay tulad ng pagkain, alikabok, usok, at mga chemical ay nagdudulot ng pantal at kati kati sa balat ng isang tao.
"Itching is often triggered by histamine, a chemical in the body associated with immune responses. It causes the itch and redness you see with insect bites, rashes and skin dryness or damage. Histamine (10) is released by the body during allergic reactions, such as those to pollen, food, latex and medications."* - AAAI September 28, 2020 *

Ang kati kati ay karaniwang sintomas ng mga ilang kalagayan, kaya naman ang mga sumusunod ang maaaring makaranas ng kati kati sa katawan:

  • Mga taong may allergy.

  • Mga taong nakakaranas ng hay fever.

  • Mga taong may asthma.

  • Mga taong may atopic dermatitis o eczema.

  • Mga taong may diabetes.

  • Mga taong nakakaranas ng sexually transmitted diseases tulad ng gonorrhea at HIV.

  • Mga taong may leukemia.

  • Mga taong may lymphoma.

  • Mga nagdadalang tao.

  • Mga nakakatanda.

"Pruritus simply means itching. It can be associated with a number of disorders, including dry skin, skin disease, pregnancy, and rarely, cancer." - WebMD June 21, 2021

Gamot sa Kati Kati sa Katawan

Ang kati kati sa katawan ay nagbibigay ng labis na iritasyon at abala. Kaya naman narito ang ilan sa mga gamot para sa kati kati sa katawan.

  • Antihistamines. Ang antihistamine ay isang gamot na makakatulong para sa mga kondisyon na nagbibigay ng pangangati. Kaya kung ang sanhi ng kati kati ay allergies, maaaring uminom ng mga antihistamine.
"Antihistamines are a class of drugs commonly used to treat symptoms of allergies. These drugs help treat conditions caused by too much histamine, a chemical created by your body’s immune system. Antihistamines are most commonly used by people who have allergic reactions to pollen and other allergens." - Cleveland Clinic July 13, 2020
  • Antidepressants. Ang mga antidepressants na gamot ay ginagamit para maibsan ang mga kalagayan gaya ng depression, social anxiety disorder, at anxiety disorders. Ayon sa pananaliksik 11, ang mga oral medication na antidepressant ay epektibong gamot para sa kati kati o pruritus. Bukod pa dito may ilang mga psychiatric conditions na nagdudulot ng kati kati tulad ng anxiety. Kung ito ang sanhi ng pangangati, maaaring uminom ng mga antidepressants.
"Oral antidepressants should be considered in patients with chronic pruritus that is unresponsive to topical treatment and oral antihistamines, particularly in patients with uremic pruritus, cholestatic pruritus, or paraneoplastic pruritus. More evidence based on randomized-controlled trials is require" - Kamsteeg, M. et al. October 21, 2017

Sabon Para sa Kati Kati sa Katawan

Ang sabon na ginagamit ay marapat hindi basta basta dahil sa ang matapang na sabon ay maaaring magdulot ng iritasyon at mga sanhi ng kati kati. Bukod pa dito, maaaring makapag padala ang matapang na sabon sa mga skin conditions. Kaya naman kung ang isang tao ay nakakaranas ng kati kati sa katawan, marapat isaalang alang ang gamot na gagamitin para dito. Ang mga sumusunod na mild soap ay maaaring gamitin upang maibsan ang pangangati ng katawan ng isang tao.

  • Dove

  • Tendercare

  • Cetaphil

Gamot sa Kati Kati Tablet

Ang mga gamot na tablet ay isa sa mga gamot na nakakapag pawala ng kati kati na nararanasan ng isang tao. Ang ilan sa mga gamot na maaaring bilhin sa botika na makakatulong sa kati kati ay ang mga sumusunod:

  • Hydroxyzine HCl

  • Vistaril

  • Benadryl

  • Diphenhydramine HCl

  • Chlorpheniramine maleate

  • Chlorpheniramine Allergy tablet

Gamot sa Kati Kati na May Butlig

Ang kati kati na naghahatid ng mga butlig ay kalimitang sanhi ng allergy. Ito ay tinatawag rin bilang hives o urticaria. Ang isang taong nakakaranas ng ganitong kati kati ay maaaring magkaroon ng mga butlig at pantal sa balat na nangangati. Upang magamot ito, maaaring uminom ng mga antihistamine medicines gaya ng diphenhydramine at cetirizine. Bukod sa mga medication, maaari ring gawin ang cold compress sa parteng nangangati. Pwedeng bumili ng cold compress bag ngunit kung wala nito, maaaring gamitin ang bimpo at basain ito ng malamig na tubig saka ilagay sa nangangating parte ng katawan.

Gamot sa Kati Kati sa Balat

Ang mga sumusunod ay ilan pa sa mga gamot para sa kati kati ng balat:

  • Mga ointment tulad ng Corticosteroid creams and ointments.

  • Pag inom ng oral na medications tulad ng antihistamines at antidepressants.

  • Pagsasagawa ng phototherapy.

Kati Kati sa Paa

Bagamat ang kati kati sa paa ay maaaring sanhi ng mga nabanggit na kondisyon tulad ng allergy, madalas na athlete's foot ang nararanasan na kati kati sa paa ng mga tao. Ito ay isang fungal infection. Nagkakaroon ng kati kati sa paa ang isang tao kapag pawisin ang paa nito at masikip ang sapatos na ginagamit. Ang ilan sa mga maaaring maranasan ng taong may athlete's foot ay ang pangangati ng paa.

Gamot sa Kati Kati sa Paa

Upang mabigyan lunas ang kati kati sa paa, narito ang ilan sa mga madalas ng prescribed ointments para sa athlete's foot.

  • Lotrisone

  • Ecoza

  • Spectazole

  • Ciclopirox

  • Loprox

  • Penlac

Kati Kati sa Singit

Ang kati kati sa singit ay tinatawag rin bilang jock itch. Ito ay isang fungal infection na nagdudulot ng mapula at makating pakiramdam, kadalasan sa singit ng isang tao. Nakakaranas ng kati kati sa singit ang isang tao dahil sa pagkalat ng fungus na dermatophytes. Ito ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng pakikipag bahagi ng personal na kagamitan tulad ng tuwalya at pang ahit.

Gamot sa Kati Kati sa Singit

Maaaring magamot ang kati kati sa singit gamit ang mga sumusunod na treatments:

  • Antifungal cream tulad ng miconazole at clotrimazole.

  • Antifungal powder tulad ng Lotrimin Jock Itch Powder.

  • Antifungal sprays gaya ng Lotrimin AF Jock Itch Antifungal Powder Spray.

Paano Mawala ang Kati Kati sa Katawan

  • Iwasan muna ang mga bagay na nagdudulot ng pangangati.Ang mga gamit na tulad ng makapal na damit o mga panglinis na mga produkto ay mas nakakapag dagdag ng pangangati sa katawan ng isang tao. Kaya naman upang hindi lumala ang pangangati, mas mabuti na umiwas dito.

Huwag kalimutan na maglagay ng moisturizer. Ang mga dry na skin ay kadalasang nagdudulot ng pangangati. Kaya naman mas mabuti na maglagay ng moisturizer upang hindi madagdagan ang pangangati na nararamdaman. Bukod pa dito, marapat tandaan na ang moisturizer na gagamitin ay ang fragrance-free dahil madalas ng mga with fragrance na products ay nagdudulot ng iritasyon at allergic reaction sa balat kung kaya't nakakadagdag sa pangangati ng katawan.

  • Uminom ng mga over the counter medicines. Ang pag inom ng mga nararapat na gamot para sa kati kati ay isa sa mga paraan upang mabilis na mawala ang pangangati ng katawan ng isang tao.

  • Gumamit ng mga creams na makakatulong sa pag lunas ng kati kati. Bukod sa mga oral medications, ang mga creams para sa kati kati ay makakatulong rin upang mawala ang pangangati ng katawan.

  • Iwasan ang pagkamot sa mga kati kati. Kadalasang nakakapag palala ng pangangati kung tuluyang kakamutin ang parteng nangangati. Kaya naman mas mabuti na iwasan ang pagkamot dito.

FAQs

Makakatulong ba ang antihistamines para sa kati kati?

Ang antihistamine ay makakatulong para sa kati kati ng katawan lalo na kung ang sanhi ng kati kati ay allergy.

Anong gamot para sa kati kati ng katawan?

Ang mga gamot na maaaring makatulong sa kati kati ng katawan ay ang mga antihistamine at antidepressants.

Anong sabon para sa kati kati ng katawan?

Ang mga mild na sabon tulad ng dove, cetaphil, at tendercare ay maaaring makatulong para sa pangangati ng katawan.

Anong gamot para sa kati kati sa paa?

Ang mga antifungal na mga ointment tulas ng lotrisone, ecoza, at spectazole ay makakatulong para sa kati kati ng paa ng isang tao.

Anong gamot para sa kati kati sa singit?

Ang mga gamot na antifungal sprays, cream at powder ay maaaring makatulong para mabigyan ng lunas ang kati kati sa singit ng isang tao.

Sino sino ang kadalasang nagkakaroon ng kati kati?

Ang kati kati ay kadalasang sintomas ng ilang mga kondisyon tulad ng skin conditions, allergy, internal diseases tulad ng leukemia o lymphoma. Ngunit maaaring makaranas ng pangangati ang bawat isa.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. Kawasuji, T. et al. (2003). "Antipruritic effects of Sophora flavescens on acute and chronic itch-related responses in mice" Retrieved from: https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/12736520/

  2. WebMD. (June 21, 2021). "Your Skin, Pruritus, and Itching" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/skin-conditions-pruritus

  3. Mount Sinai. (n.d.). "Xerosis" Retrieved from: https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/xerosis

  4. Cafasso, J. (August 30, 2018). "Xerosis Cutis" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/xerosis

  5. WebMD. (June 18, 2020). "Atopic Dermatitis" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/eczema/eczema-basics

  6. Nordqvist, J. (June 20, 2017). "Everything you need to know about hay fever" Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/160665

  7. WebMD. (October 27, 2021). "Psoriasis" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/psoriasis/understanding-psoriasis-basics

  8. Mayo Clinic. (August 25, 2020). "Scabies" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/scabies/symptoms-causes/syc-20377378

  9. Advances in Insect Physiology. (2012). "Sarcoptes Scabiei" Retrieved from: https://www.sciencedirect.com/topics/agricultural-and-biological-sciences/sarcoptes-scabiei

  10. MedlinePlus. (April 1, 2019). "Histamine: The Stuff Allergies are Made of" Retrieved from: https://medlineplus.gov/medlineplus-videos/histamine-the-stuff-allergies-are-made-of/

  11. Kamsteeg, M. et al. (October 21, 2017). "Use of oral antidepressants in patients with chronic pruritus: A systematic review" Retrieved from: https://www.jaad.org/article/S0190-9622(17)32257-0/fulltext

  12. May, B. et al. (2013). "Add-On Effect of Chinese Herbal Medicine Bath to Phototherapy for Psoriasis Vulgaris: A Systematic Review" Retrieved from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3745880/

  13. Lipsforce. (n.d.). "Sumifun Eczema Herbal Cream, Anti-Itch Paste, for Dry, Itchy, Cr" Retrieved from: https://lipsforce.shop/index.php?main_page=product_info&products_id=1094

  14. Ellis, E. (March 19, 2021). "What's Causing Your Itchy Skin? (with Pictures)" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/itching

  15. WebMD. (June 21, 2021). "Your Skin, Pruritus, and Itching" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/skin-conditions-pruritus

  16. Pelka, D. et al. (September, 2015). "Skin disorders in elderly subjects" Retrieved from: https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26148310/

  17. Mayo Clinic. (June 12, 2020). "Atopic dermatitis (eczema)" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/atopic-dermatitis-eczema/symptoms-causes/syc-20353273

  18. Leukaemia Care. (n.d.). "Can itchy skin be a sign of leukaemia?" Retrieved from: https://www.leukaemiacare.org.uk/support-and-information/latest-from-leukaemia-care/blog/can-itchy-skin-be-a-sign-of-leukaemia/

  19. Cleveland Clinic. (July 13, 2020). "Antihistamines" Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/21223-antihistamines

  20. Vogt, C. (December 20, 2017). "Can Antidepressants Improve Itchy Skin?" Retrieved from: https://www.hmpgloballearningnetwork.com/site/thederm/news/can-antidepressants-improve-itchy-skin

  21. Silver, N. (April 30, 2019). "15 Ways to Get Rid of Hives" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/skin-disorders/how-to-get-rid-of-hives#_noHeaderPrefixedContent

  22. WebMD. (n.d.). "1537 Medications found for itching" Retrieved from: https://www.webmd.com/drugs/2/condition-2694/itching