Ang simpleng pagkakaroon lamang ng bukol sa anumang bahagi ng katawan ay nagbibigay na ng kung anu-anong ideya at kaba sa isipan ng mga tao. Ngunit ikaw ba ay nakaranas na magkaroon ng maliit na lump sa iyong leeg, kili-kili, o singit? Kung oo, ito ay maaaring dahilan ng kulani. Kung ikaw ay hindi pamilyar sa terminong ito, ang kulani ay isang sa mga komponent ng ating katawan. Maraming tao ang maaaring magkaroon ng kulani, meron ‘man silang sakit o wala. Dahil ang pagkakaroon ng kulani ay nagbibigay mensahe na ang katawan o immune system ay lumalaban sa mga posibleng mikrobyo na mayroon sa katawan katulad ng mga bacteria at fungi. Kung ikaw ay may kulani at naghahanap ng impormasyon tungkol dito, iyan ay tatalakayin ng artikulong ito.
Kulani Overview
Kung ikaw ay kasalukuyang nakakaranas ng hindi maganda pakiramdam at iyong napapansin ang pagkakaroon ng bukol sa leeg, batok, singit o iba pang mga bahagi, ay maaaring sanhi ito ng kulani. Bagamat ang pamamaga ng kulani ay hindi nagpapahiwatig ng malalang karamdaman, maaari pa rin itong maghatid ng pag-aalala sa taong nakakaranas nito. Ayon sa pag-aaral ang pamamaga ng bean-sized na kulani ay nagpapahiwatig na ang katawan ng isang tao ay healthy dahil ang kaniyang immune system ay lumalaban sa mikorobyong nag infect sa mga kulani.
“The swelling in these pea- or bean-sized lymph nodes are one of your body’s natural reactions to illness or infection. That tells doctors that your body’s healthy and robust immune system is working to clear away infection and/or invading viruses or bacteria.” Cleveland Clinic October 23, 2019
Kulani in English
Hindi ‘man pamilyar ang ilan dito ngunit lahat ng tao ay may kulani. Kaya hindi ito alam ng iba dahil ito ay hindi mo mararamdaman at hindi mo makikita unless ito ay ma-infect at mamaga. Ang kulani o kilala bilang Swollen Lymph Nodes 1 sa english o tinatawag ring lymphadenopathy 2 ay isang condition kung saan namamaga ang lymph nodes 3 ng tao kaya nagreresulta ito sa bean-sized lump na maaaring sa mga parte ng katawan tulad ng leeg, kili-kili, singit, batok, at iba pa.
Ang lymph nodes ay parte ng lymphatic system 4 ng ating katawan. Kung ikaw ay hindi pamilyar sa lymphatic system, ito ay isang system sa ating katawan tulad ng mga digestive system 5, circulatory system 6 at iba pa. Ngunit ang mga primerong tungkulin ng lymphatic system ay protektahan ang katawan ng tao mula sa mga maaaring sakit na makuha nito. Bukod pa dito, trabaho rin nito ang pag maintain ng body fluids 7 ng katawan, pag absorb ng digestive tract fats, pag alis ng mga cellular waste, at pagblock ng mga infection at diseases na maaaring makaapekto sa mga function ng lymphatic system. With that, ang trabaho ng lymph nodes sa lymphatic system ay mag filter ng mga substances na dadaloy sa ating buong katawan, at yung mga lymph nodes natin ay nagtataglay ng mga white blood cells 8 upang makatulong sa pag laban ng anumang infection or disease. Kung ito ay nakaharap ng isang mikrobyo tulad ng isang virus o bacteria dito maaaring mamaga. Dito sinasabi ng mga pag-aaral na ang ang swollen lymph nodes o kulani ay nagpapahiwatig na ang katawan natin ay lumalaban sa isang infection o illness.
“Swollen lymph nodes are a sign that your body is fighting off an infection or an illness. Most of the time, they return to normal size when their job is done.” - Watson, S. February 18, 2021
Dahilan
Ang ilan sa pinaka madalas na kulaning nararanasan ng mga tao ay ang sa parteng leeg. Ayon sa mga pag-aaral ito ay dahil sa upper respiratory infection 9. Ibig sabihin, ang infection na ito ay dahil sa mga nakapasok na bacteria at virus usually through open areas ng ating mukha tulad ng mata, bibig, at ilong. Ang impeksyon na ito ay maaaring mag tagal ng 10 hanggang 14 na araw bago gumaling. Ayon sa mga saliksik, as soon as mas nagiging mas mabuti na ang pakiramdam ng taong nagkaroon ng upper respiratory infection, mas nawawala na ang pamamaga ng kulani. Bukod sa mga bacteria at virus narito rin ang ilan sa mga maaaring dahilan ng kulani:
-
Infection sa Tenga. Ayon sa pag-aaral maaaring magkaroon ng swollen lymph nodes o kulani ang isang taong infected ang tenga sa pamamagitan ng mga allergies, sinus infection, at common colds. Maaaring kang magkaroon ng maliit na lump sa likod o sa harap ng iyong tenga, pwede rin itong mag hatid ng mild na sakit at lagnat.
-
Sinus Infection. Maaaring magkaroon ng swollen lymph nodes ang taong nagkaroong ng sinus infection. Ang sinus infection ay ang pamamaga ng mga sinuses kaya nagkakaroon ng blockage.
-
Strep throat. Dahil ang swollen lymph nodes ay namamaga kung saan mayroong impeksyon, sinasabi ng mga mananaliksik na maaaring magkaroon ng kulani ang mga taong may strep throat.
-
Skin infection. May mga saliksik rin na nagsasabi na maaaring magkaroon ng pamamaga sa lymph nodes kung ang isang tao ay mayroong skin infection.
“Infections are the commonest cause of swollen lymph nodes. This type of lymph node swelling is usually painful.” - Mandal, A. n.d.
-
Mononucleosis (mono). Kung ang isang tao ay nahawa ng contagious virus infection na Epstein-Barr, maaaring makaranas ng sakit, sore throat at swollen lymph node o kulani.
-
Tooth abscess. Ang mga cavities, at mouth injury ay maaaring magdulot ng impeksyon sa ngipin ng mga tao. Dahil dito, maaaring mga sanhi ito ng pamamaga ng mga lymph nodes sa iyong panga o leeg.
-
HIV. Ayon rin sa mga pag-aaral ang pagkakaroon ng HIV ay dahilan rin ng magkakaroon ng kulani o swollen lymph nodes.
“HIV is a viral infection that affects the immune system. The lymph nodes are a part of this system, and swollen lymph nodes can occur in the early or late stages of the infection.” - Railton, D. November 22, 2020
Bukod pa dito, ang mga Sexually Transmitted Infections (STIs) ay maaari ring dahilan ng swollen lymph nodes o kulani. Dahil sa extensive na pananaliksik, narito pa ang ilan sa mga maaaring dahilan ng iyong kulani:
-
Impeksyon dahil sa bacteria na tinatawag na Bartonella henselae, na nakukuha sa mga pusa, kung nagkaroon ng direct contact sa droplet saliva ng pusa sa pamamagitan ng open wounds o kapag kinakalmot.
-
Ang mga immune disorders katulad ng Lupus o rheumatoid arthritis ay maaaring dahilan rin ng kulani na nararanasan ng mga tao.
-
**Tonsillitis. **
-
Toxoplasmosis.
-
Tuberculosis.
-
Shingles.
Kung iyong mapapansin, ang mga nabanggit na maaring dahilan ng swollen lymph nodes ay mga sakit na nakakahawa katulad ng infections at diseases. Ngunit may mga pag-aaral at mga credible sources na nagsasabing maaari rin magkaroon ng swollen lymph nodes ang isang tao dahil sa mga non contagious na sakit, ibig sabihin dahil sa mga sakit na hindi maaaring makuha sa ibang tao.
“Serious conditions, such as immune system disorders or cancers, can cause lymph nodes throughout the body to swell.” - Kahn, A. September 22, 2021
Ayon sa pag-aaral, anumang klase ng cancer ang kumalat sa katawan ng tao, ito ay magiging dahilan para mamaga ang mga lymph nodes o kulani. Ang cancer na tinatawag na Lymphoma 10 ay isang cancer ng lymphatic system, kung saan dahilan rin ito ng pamamaga ng mga lymph nodes o kulani.
Saan Nagkakakulani
Dahil ang katawan ng tao ay 600 na lymph nodes 11 o kulani throughout the body. Normal lang na magkaroon ng mga bean-sized lumps o swollen lymph nodes sa iba’t-ibang bahagi ng ating katawan kung ang mga lymph nodes natin lumalaban sa isang klase ng sakit. Bagamat, sinasabi ng pag-aaral na ang swollen lymph nodes ay maaari nalamang mawawala once na maging mas mabuti ang pakiramdam ng taong may ganito. Hindi maiiwasan na magbigay pa rin ito ng pag-aalala at takot sa mga taong nakakaranas nito. Marapat tandaan na bagamat makakatulong ang artikulo na ito sa pagpapalalim ng iyong kaalaman tungkol sa kulani, kailangan pa rin itong ikonsulta sa doktor upang malaman ang tunay na rason sa pamamaga nito at masolusyonan. Gayun pa ‘man, narito ang karagdagang impormasyon tungkol sa mga posibleng parte ng katawang magkaroon ng kulani o swollen lymph nodes.
Kulani sa Kilikili
Ang pagkakaroon ng kulani sa kilikili ay nagpapahayag na ang axillary lymph nodes 12 ng iyong katawan ay infected. Ayon sa mga pag-aaral maaaring nagkaroon rin ng kulani sa kilikili dahil sa infection na nakuha sa kamay o braso. Bukod pa dito, Ang kulani sa kilikili ay kadalasang sanhi ng mga viral infections na nakukuha ng isang tao katulad na lamang ng flu at mono. Ang maaaring sintomas ng pagkakaroon ng kulani sa kilikili ay ang mga sumusunod: Nakakaramdam ng mild na sakit dahil sa pamamaga ng lymph node, may maliit na bean sized lump sa kilikili.
Kulani sa Singit
Ang pagkakaroon ng kulani sa singit ay nagpapahayag na ang inguinal lymph node 13 ng iyong katawan ay namamaga at infected. Ayon sa pag-aaral, maaaring namamaga ito dahil sa mga sumusunod: skin infection, sexually transmitted diseases, at cancer. ‘Wag mag dalawang isip na ikonsulta ito sa doktor upang humingi ng medical help at makahingi ng professional advice sa kung ano ang marapat mo’ng gawin upang malunasan ito.
Kulani sa Leeg
Kung ikaw ay may kulani sa leeg o may kilala ka’ng may kulani sa leeg, ito ay nagpapahiwatig na ang kaniyang cervical lymph nodes 14 ay namamaga dahil sa infection. Ayon, sa pananaliksik, ang mga kadalasang infections na nakakapag pamaga ng lymph node sa leeg ay ang mga sumusunod: bacterial infection, viral infection, infection sa mata,sinuses, at tenga.
Kulani sa Batok
Kapag ang isang tao ay may kulani sa batok o ang occipital lymph node niya ay namamaga dahil sa infection o pamamaga ng scalp. Ayon sa pag-aaral, ito ay maaaring dahilan ng viral infection tulad ng Tigdas Hangin, Mononucleosis 15, at ng cancer na Lymphoma. Kung ang iyong kulani ay hindi nawawala at biglaan ang pamamaga nito kahit na ika’y hindi nakakaramdam ng anumang sakit, marapat na ikonsulta ito sa doktor upang mabigyan ng klarong diagnosis.
Kulani sa Hita
Ayon sa pag-aaral ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kulani o swollen lymph nodes sa hita kung nagkaroon ng injury o infection sa paa, legs, singit o genitals. Bagamat hindi lahat ng cases ng kulani sa hita ay dahil sa testicular cancer 16, lymphoma cancer, or melanoma 17, maaari pa rin dahilan ‘to ng iyong kulani sa hita.
Kulani sa Ilalim ng Panga
Ang pagkakaroon ng kulani sa ilalim ng panga ay marahil dahil sa pamamaga ng iyong submandibular lymph nodes 18. Ayon sa mga saliksik, ang taong may kulani sa ilalim ng panga ay dahil sa infection na nakukuha sa mga bacteria o virus. Ang ilan sa mga sintomas na maaari mo’ng maransan kung ikaw ay may kulani sa ilalim ng panga ay ang mga sumusunod: Lagnat, matigas na lamps na mararamdaman sa area ng swollen lymph node, at night sweats.
Kulani sa Ulo
Kapag ang isang tao ay may kulani sa ulo, maaaring sanhi ito ng respiratory infection, dahil rito maaaring makaranas ng pagkakaroon ng sore throat, sipon, lagnat, at bean-sized lumps na nagbibigay ng mild na pananakit. Maaaring dahilan ng kulani sa ulo ang pagkakaroon ng cancer tulag ng Lymphoma cancer.
Kulani sa Likod ng Tainga
Ang pagkakaroon ng kulani sa likod ng tenga ay maaaring dulot ng infection sa tenga. Kung ikaw ay nakakaranas nito maaaring mayroon ka ng mga sumusunod na sintomas: bean-size lump sa likod ng tenga, sipon, at lagnat.
Mabisang Gamot sa Kulani
Bagamat ang ang ilang sanhi ng kulani ay kinakailangan ng mga specific na treatment, may mga over-the-counter medicines na maaari mo’ng ikonsumo upang maibsan ang pananakit na dulot ng kulani. Ang ilan sa maaaring mong ikonsumong pain reliever ay ang Ibuprofen. Ang ibuprofen ay nakakatulong upang mabawasan ang inflammation, sakit, at lagnat ng taong may kulani. Bukod pa dito maaari ring magkonsumo ng Acetaminophen or Paracetamol. Bagamat mas epektibo ang Ibuprofen pagdating sa pag treat ng inflammation, ang acetaminophen ay nakatutulong rin sa lagnat o kahit anong type ng pain. Marapat tandaan na ang pag konsulta sa doktor ay kailangan pa rin gawing prioridad dahil ang kulani o swollen lymph nodes ay maaaring sintomas ng mas malalang sakit katulad ng cancer.
Home Remedy for Kulani
Kung ang sanhi ng iyong kulani ay viral infection, walang ibang gamot para dito. Kung kaya’t nasa pagpapalakas ng immune system ng katawan ang solusyon para dito. Gayun pa ‘man narito ang ilan sa maaari mo’ng gawin para mabawasan ang pamamaga ng iyong kulani o swollen lymph node.
Ang paggamit ng warm compress ay nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga ng parteng may kulani. Kung walang mabili o pambili ng warm compress bag, maaaring gumamit ng alternatibo gamit ang washcloth o bimpo. Ang dapat lang gawin ay, basain ng warm na tubig ang bimpo atsaka ipress ito sa parteng may kulani sa loob ng 20 minutes o hanggang sa warm pa rin ang bimbo.Sa ganito, makakatulong ito sa pag ibsan ang sakit at pamamaga ng kulani. Maaaring ulitin ang method na ito ng tatlong beses hanggang tatlong araw. Kung hindi pa rin bumubuti ang iyong kalagayan, dapat gawin ng prayoridad ang pagkonsulta sa doktor.
Halamang Gamot sa Kulani
Ayon sa pag-aaral ang garlic o bawang ay mayroong component na salicylic acid nakakapag boost ng blood circulation sa ating katawan. Sa ganito, maaaring maibsan ang swelling ng kulani. Bukod pa dito, ang garlic ay mayroong allicin kung saan ito ay nakakapag bawas ng inflammation o pamamaga kaya ito ay nakakatulong sa pag treat ng mga bean-sized lumps ng taong may kulani. Bukod pa dito ang ginger o luya ay mayroon ring anti-inflammatory properties kaya ito ay nakakatulong rin sa pag relieve ng kulani.
Treatment for Kulani
Ang treatment para sa kulani ay iba depende sa kung ano ang dahilan nito. Kung ang isang tao ay nagkaroon ng kulani o swollen lymph nodes dahil sa viral infection. Hindi maaaring uminom ng antibiotics dahil hindi na papatay ng antibiotics ang mga virus na nagdadala ng sakit sa ating katawan. Kung kaya’t kapag dahil sa virus ang iyong kulani, maaari mo na lamang hintayin na ang bean-sized lump ay bumalik sa normal upang ito ay mawala na.
-
Klase ng Infection. Kung ang sanhi ng iyong kulani ay mga bacteria, maaaring uminom ng antibiotics. Ngunit marapat tandaan na maaari lamang makakuha ng antibiotics kung mayroong prescription ng doktor. Kung kaya’t ang pagkonsulta sa mga doktor ay isa pa ring mahalagang hakbang na kailangan mo’ng sundin. Kung ang sanhi naman ng iyong kulani ay HIV infection, ikaw ay makakakuha ng specific at exact na treatment mula sa doktor kapag kumunsulta ka rito.
-
Immune disorders. Kung ang dahilan ng iyong kulani ay mga immune disorders tulad ng Lupus at rheo rheumatoid arthritis ang mga maaaring treatment dito direkta at nakadepende sa underlying sitwasyon ng iyong kalusugan.
-
Cancer. Kung ang sanhi ng iyong kulani ay cancer tulad ng Lymphoma cancer, ang ag undergo sa cancer treatment ang pinaka suggested na maaari mo’ng gawin. Depende sa kung anong klase ng cancer ang iyong magiging treatment, maaaring magkaroon ng surgery, radiation or chemotherapy na iyong gagawin depende sa kung ano ang sasabihin ng iyong doktor.
Tips
Upang maiwasan ang pagkakaroon ng kulani o swollen lymph nodes, narito ang ilan sa maaari mo’ng gawin.
-
Panatilihing healthy and iyong ngipin. Ang cavities, injury sa ngipin, o bacteria sa bibig ay maaaring magdulot ng swollen lymph nodes. Kaya kung ikaw ay umiiwas sa pagkakaroon ng kulani, panatilihing malinis ang iyong bibig upang hindi ito mainfect at hindi mag sanhi ng swollen lymph nodes.
-
Maghugas ng kamay. Ang paghuhugas ng kamay ay makakasalba sa atin sa iba’t-ibang sakit, kasama na diyan ang kulani. Kung iyong natatandaan nabanggit na maaaring dahilan ng kulani ang mga bacterial infection at viral infection. Madalas na nakakapasok ang mga bacteria at viru sa ating katawan through our hands. Kaya kung maghuhugas parati ng kamay, maaari kang makaiwas sa pagkakaroon ng kulani.
-
Practice safe sex. Ang kulani o swollen lymph nodes ay maaaring dahilan ng mga sexually transmitted diseases na nakukuha ng tao kapag sila ay na infect dahil sa pakikipagtalik sa mga taong may ST. Kaya kung gustong umiwas sa pagkakaroon ng kulani at mga sexually transmitted diseases, marapat na gumamit ng condom o barrier tuwing sexual activity.
-
Umiwas sa mga stray cats. Ang mga stray cats ay maaaring magdulot ng kulani sa isang tao dahil ang ilan sa mga stray cats ay may bacteria kung kaya’t pag nagkaroon ng direct contact sa droplet ng saliva ng stray cats through wounds, maaaring maghatid ito ng impeksyon na magdudulot ng swollen lymph node.
FAQs
Normal ba ang magkaroon ng kulani?
Oo, marahil hindi aware ang karamihan sa mga tao pero lahat ng tao ay may kulani. In fact mayroong 600 na kulani o lymph nodes ang meron sa isang katawan, sadyang hindi lang ito nakakapa ng bawat isa. Ngunit kapag nagkakaroon ng infection, namamaga ito kaya nagkakaroon ng bean-sized lump o kilala bilang swollen lymph node sa english. Ayon sa mga pag-aaral, ang ibig sabihin ng lump na ito ay nakipaglaban ang immune system sa infection na nakapasok sa katawan ng tao. Ngunit kung biglang nagkaroon ng bean-sized lump kahit na hindi naman masama ang iyong pakiramdam at wala ka’ng ibang nararamdaman, mas mabuti na ito ay ipatingin sa doktok upang mabigyan ng tamang diagnosis.
Anong gamot sa kulani?
Ang gamot sa kulani ay depende sa kung ano ang sanhi nito, kung ito ay dahil sa viral infection walang gamot para dito ngunit maaari kang mag warm compress o bumili ng over the counter pain reliever upang maibsan ang sakit ng pamamaga ng lymph nodes. Kung ito ay dahil sa bacterial infection, ang iyong doktor ay magbibigay ng reseta para sa gamot na kailangan mong ikonsumo. Kung ito ay dahil sa cancer, ang maaari mong pag daan ang surgery, radiation or chemotherapy., ito ay nakadepende sa kung ano ang rekomendasyon ng doktor na kailangan gawin.
Pwede bang uminom ng antibiotic para sa kulani?
Kung ang pamamaga ng lymph node ay dahil sa bacteria, maaaring makatulong ang antibiotic sa pag relieve ng pamamaga nito. Ngunit marapat na tandaan ng reseta galing sa doktor sa pagbili ng antibiotic. ‘Wag lang basta-basta uminom ng gamot na hindi sigurado na makakatulong ito sa iyong sitwasyon.
Anong pinagkaiba ng kulani sa bukol?
Ang bukol ay kadalasang dahil sa pag kaumpog o mga injury. Samantala, ang swollen lymph nodes ay dahil sa infection o non contagious diseases.
Marapat ba ako mag konsulta sa doktor?
Ang pag konsulta sa doktor ay marapat na gawing prayoridad dahil ang mga doktor ang may tiyak na experience at kaalaman tungkol sa mga sakit, tulad ng kulani. Bagamat sinasabi ng pag aaral na hindi ito gaanong malala dahil isa itong senyas na lumalaban ang immune system sa isang sakit, maaari pa rin itong sintomas ng mas malalang sakit tulad ng cancer. Kaya kailangan mo pa rin itong ikonsulta sa doktor.