GamotNatural na Remedyo

Gamot sa Kulugo

Marami sa mga Pilipino ang nagkakaroon ng kulugo kaya alamin mo sa artikulong ito kung ano ang sanhi at ano ang gamot para sa Kulugo.

May kulugo o butlig sa balat? Ating alamin kung ano ang pinaka-mabisang gamot sa kulugo dito. Ang pagkakaroon ng butlig sa balat ng isang tao ay isa sa mga madalas na nangyayari sa mga Pilipino. May mga pagkakataon na ito ay dahil sa klima ng Pilipinas, impeksyon, at pansariling allergies. Maaaring ito ay isang malalang skin disease na nagbibigay takot sa bawat isa ngunit may mga panahon rin na ito ay simple lamang ngunit nakakapagbigay emotional distress at self-consciousness sa isang Pilipino.

Ang hindi normal na pagtubo sa balat malala ‘man o hindi ay nagbibigay ng hindi magandang pakiramdam isang tao kagaya na lamang ng An An, Buni, Mamaso o Kulugo. Ang kulugo ay isang skin condition kung saan ang balat ng isang tao ay nagkakaroon magaspang at maliit na bumps na maaaring tumubo sa ari, braso, leeg, paa, at mukha. Kung ikaw ay walang sapat na kaalaman patungkol sa dito, tatalakayin sa artikulong ito ang sanhi, sintomas, at gamot para sa kulugo, alamin mo yan dito.

Ano ang Kulugo?

Kung ikaw ay pamilyar sa terminong kulugo ngunit hindi alam ang physical appearance nito, ang kulugo ay isang maliit at magaspang na bumps na tumutubo sa balat ng isang tao. Maihahalintulad sa kulay-balat ang kulay nito ngunit may mga pagkakataon na ito ay kulay-itim, ayon sa pananaliksik, ang mga taong may kulugo ay kadalasang mga bata sa edad 12 hanggang 16 na taong gulang, ngunit maaari pa ring magkaroon ng kulugo ang matatanda. Sa ating bansa hindi mawawala ang mga paniniwala sa ganitong mga sakit, kaya madalas na ginagawang rason ang ihi ng palaka, sakit sa dugo, at heredity ang pagkakaroon ng kulugo? Ngunit ano nga ba talaga ang Kulugo? Ang Kulugo ay isang skin growth dulot ng human papillomavirus 1 o HPV. Sa madaling salita, ang kulugo ay isang non cancerous na skin condition kung saan nagkakaroon ng lump of tissue sa surface skin ng isang tao.

Kulugo in English

Ang skin condition na kulugo o warts 2 ay kilala sa bilang verruca sa larangan ng medisina. Bagamat maaaring magdulot ng kahihiyan at emotional distress ang kulugo sa taong mayroon nito, hindi malalang skin condition ang Kulugo o Warts dahil isa ito ay benign 3. Ang mga benign na karamdaman ng tao ay non cancerous o sa madaling salita ay hindi malala at hindi seryoso tulad ng ibang mga karamdaman. Ayon sa pag-aaral ang mga kulugo ay kadalasang nawawala na lamang ng kusa pagkalipas ng ilang buwan o taon ngunit may mga taong pinipiling ipatanggal ito dahil sa kahihiyan.

“Warts are skin growths that are caused by the human papillomavirus (HPV). There are more than 60 kinds of HPV, some of which tend to cause warts on the skin. HPV stimulates quick growth of cells on the skin's outer layer.” - Brennan, D. March 08, 2020

Sanhi ng Kulugo

Ang mga tao ay nagkakaroon ng Kulugo o Warts dahil sa virus na tinatawag na human papillomavirus (HPV). Ayon sa pag-aaral ang isang tao ay maaaring mainfect ng virus na ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng skin-to-skin contact sa taong may HPV. Bukod pa duon mayroong 100 na klase ng HPV at more than 40 sa mga ito ang maaaring mapasa sa pamamagitan ng sexual contact na nakakaapekto sa tao.

“There are over 100 varieties of HPV, more than 40 of which are passed through sexual contact and can affect your genitals, mouth, or throat.” - Gabbey, A. February 15, 2021

Katulad ng ibang mga viral infections, maaaring magkaroon ng kulugo kapag ang virus na nagdudulot nito, HPV, ay magkakaroon ng contact sa balat ng isang tao. Ang ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan kung paano mahawa ng kulugo.

  • Open wounds. Ang mga open wounds maliit ‘man o malaki ay nagdudulot ng pagkahawa sa skin infection tulad ng kulugo. Maaaring mahawa ang isang tao dahil through open wounds maaaring makapasok ang virus na human papillomavirus.

  • Cuts na dulot ng pag-ahit. Ang maliit na sugat dahil sa pag ahit ay maaaring mapasukan ng virus, kung kaya’t isa ito sa mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng kulugo sa mukha, binti, o sa parte ng katawan na nag ahit.

  • Kagat ng insekto. Ang mga kagat ng insekto katulad ng lamok, langgam, at iba pa ay maaari ring magdulot ng pagkahawa ng kulugo. Kahit na maliit lamang ang kagat ng mga insekto ito ay maaari pa rin maging entrance para sa mga virus tulad ng human papillomavirus.

  • Close contact sa mga taong may kulugo. Dahil ang kulugo ay maaaring makahawa through skin-to-skin contact, ang pag share ng mga damit at twalya ay maaaring maging rason sa pagkahawa ng kulugo.

  • Pakikipagtalik. Ayon rin sa pag-aaral maaaring mahawa ang isang tao ng human papillomavirus na nagdudulot ng kulugo sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Marapat tandaan na may mga iba’t-ibang uri ng kulugo, ang mga sintomas nito ay maaaring magkaiba, depende kung saang parte ito ng katawan tumubo. Upang magbigay ng karagdagang kaalaman sa mambabasa narito ang ilan sa mga uri ng kulugo o warts kasama ang mga sintomas nito.

  • Common wart. Ang klase ng kulugo o warts na ito ay kadalasang matatagpuan sa daliri, kamay, tuhod, at siko. Ang itsura ng kulugo ng taong may common warts 4 ay kadalasang maliit at dome-shaped na bump at ang kulay nito ay grayish-brown.

  • Flat wart. Ang mga kulugo ng taong may flat warts ay maaaring tumubo kahit saang parte ng katawan ngunit madalas itong tumutubo sa mukha. Ayon sa mga pananaliksik, kaya marami tignan ang flat warts 5 dahil usually tumutubo ito in clusters. Ang itsura nito ay flat top at maaaring kulay light brown, pink, o yellow.

  • Filiform wart. Ayon sa pag-aaral ang filiform wart 6 ay kumpara sa ibang klase ng kulugo ay nagbibigay ng mas distinct na appearance. Ang itsura nito ay finger-like shape at ang kulay nito ay usually kakulay ng balat.

  • Periungual wart. Ayon sa pananaliksik, ang periungual wart 7 ay isang klase ng kulugo na kapag lumalala ay maaaring maging fungal infection at mag cause ng permanent damage. Kumpara sa ibang mga kulugo na hindi naghahatid ng sakit, ang mga taong may periungual warts ay maaaring makaranas ng pananakit habang ang kulugo ay lumalaki. Bukod pa dito, ang madalas na maapektuhan ng kulugo na ito ay mga kabataan.

“If you suspect that you or your child has a periungual wart, it’s best to see a doctor as soon as possible. If the wart spreads under your nail to the nail bed, it can cause permanent damage and lead to a fungal infection.” - Hecht, M. November 06, 2020
  • Genital wart. Ang mga kulugo na matatagpuan sa genital area ng isang tao ay sanhi rin ng virus na human papillomavirus (HPV). Ito ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ayon sa pag-aaral, ang mga taong may genital wart 8 ay maaaring makaranas ng bleeding, mild na pain, at pangangati.
“Genital warts look like small flesh-colored, pink or red growths in or around the sex organs. The warts may look similar to the small parts of a cauliflower, or they may be very tiny and hard to see. They often appear in clusters of three or four, and may grow and spread rapidly. They usually are not painful, although they may cause mild pain, bleeding, and itching.” - Nazario, B. September 21, 2021

Ayon sa pag-aaral, maraming klase ng kulugo o warts, ang ilan pa sa mga ito ay ang mga sumusunod: Butcher’s Warts 9, Flat Warts, Palmar Warts, at Plantar Warts 10.

Saan Madalas Nagkaka-Kulugo

Dahil sa may iba’t-ibang klase ng kulugo, posible lamang na magkaroon ng kulugo sa iba’t-ibang parte ng katawan. Upang magbigay ng karagdagang kaalaman sa mambabasa narito ang ilan sa mga parte ng katawan na maaaring magkaroon ng kulugo.

Kulugo sa Kamay

Ang kamay ng tao ay isa sa mga parte ng katawan na madaling ma-infect dahil sa mga bagay na ating hinahawakan. Kung kaya maaaring magkaroon ng kulugo sa kamay ang isang tao. Ang madalas na klase ng kulugo na nakukuha ng tao sa kamay ay tinatawag na common warts. Ang kulugo na ito ay madalas maliit na hugis bilog.

“Hands and fingers are particularly vulnerable to infection. There are several types of warts which occur in these areas: Common Warts, Butcher’s Warts, Flat Warts, Palmar Warts, Periungual and subungual warts” - Whelan, C. March 12, 2021

Kulugo sa Paa

Kung iyong natatandaan, maaaring makapasok ang virus na human papillomavirus sa mga sugat kung kaya’t ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kulugo kung ang virus na ito ay na invade ang outermost layer ng balat. Ang pinakamadalas na klase ng kulugo sa paa ay tinatawag na Plantar Warts. Ang Plantar Warts, ay kulugo na kadalasang tumutubo sa paa lalo na sa sakong. Ayon sa pananaliksik, ang karamihan sa mga plantar warts ay hindi naman malala at maaari na lamang mawala kahit na hindi ito bigyan ng kahit na anong treatment. Ngunit may mga self-care treatment pa rin na maaaring gawin at mga medical procedures na rekomendasyon ng doktor.

“Plantar warts are small growths that usually appear on the heels or other weight-bearing areas of your feet. This pressure may also cause plantar warts to grow inward beneath a hard, thick layer of skin (callus).” - Mayo Clinic May 02, 2020

Kulugo sa Ari

Ayon sa pananaliksik, Ang kulugo sa ari o genital warts ay isa sa mga klase ng sexually transmitted diseases. Dahil sa ang kulugo ay maaaring kumalat through skin-to-skin contact, ang pakikipagtalik ay isa sa mga paraan kung paano kumakalat ang kulugo sa ari. Kung ikaw ay walang kaalaman dito tungkol dito, ang itsura ng kulugo sa ari ay maliliit na bumps na kadalasan ka kulay ng balat, ayon sa ibang sources, ito ay may cauliflower-like appearance.

“Genital warts affect the moist tissues of the genital area. They can look like small, flesh-colored bumps or have a cauliflower-like appearance. In many cases, the warts are too small to be visible. Some strains of genital HPV can cause genital warts, while others can cause cancer. Vaccines can help protect against certain strains of genital HPV.” - Mayo Clinic November 20, 2019

Kulugo sa Mukha

Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng kulugo o warts sa mukha sa pamamagitan ng pagkakaroon ng close contact sa taong may kulugo. Kagaya na lamang ng pag share ng facial towels. Bukod pa dito, maaaring magkaroon ng kulugo sa pamamagitan ng facial cuts mula sa pag aahit. Ang mga madalas na klase ng kulugo na tumutubo sa mukha ng tao ay ang Flat warts at Filiform warts.

“Flat warts are sometimes referred to as juvenile warts because children are more likely to get them than adults. Filiform warts on the face can’t be treated at home and require a doctor’s care.” - Whelan, C. August 17, 2018

Mabisang Gamot sa Kulugo

Bagamat ang Kulugo ay hindi naman cancerous na sakit at hindi malala katulad ng ibang mga karamdaman at maaari itong mawala ng kusa, ito ay nagbibigay pa rin ng kahihiyan at emotional discomfort sa taong nakakaranas nito. Kung kaya narito ang ilan sa mga mabisang gamot para sa Kulugo. Marapat tandaan na may iba’t-ibang klase ng kulugo, at ang mabisang gamot para dito ay maaaring naka ayon sa anong klaseng kulugo ito. Kagaya ng mga kulugo na kinakailangan ng medical treatment mula sa mga doktor. Gayun pa ‘man, upang magbigay kaalaman sa mambabasa narito ang mga sumusunod:

Salicylic Acid for Kulugo

Ang salicylic acid ay maaaring gamitin sa maraming karamdaman lalo na para sa infected na balat. Sa kabutihang balat, ang salicylic ay maaaring gamitin sa kung iyong gustong lunasan ang iyong kulugo. Ayon sa pag-aaral ang salicylic acid ay gumagana kapag ginamit bilang exfoliator ng dead skin cells sa surface ng balat. Bukod pa dito maaaring magkaroon ng healthier na balat ang isang tao kung gumagamit ng salicylic acid as exfoliator.

“The acid may also trigger an immune response to build healthy skin cells in the area. With continued daily application, the salicylic acid solution will often remove the wart.” - Nall, R. March 07, 2019

Marapat tandaan na ang salicylic ay isang mild lamang na treatment para sa kulugo. Bagamat ito’y nakakatulong, maaari pa rin itong magdulot ng ilang side effects tulad ng irritation at discolored skin. Upang mapa sigurado ang iyong kalagayay, mas maigi na ito ay ikonsulta sa doktor.

Gamot sa Kulugo - Mercury Drug

Upang magbigay kaalaman sa mambabasa, ang mga over-the-counter treatment para sa kulugo ay ang mga sumusunod: Duofilm at Dr. Scholl's Clear Away Wart Remover. Ang Duofilm ay ginagamit bilang pampalambot ng outermost layer ng balat para ma peel off ito. Ang Dr. Scholl's Clear Away Wart Remover naman ay isang ring over the counter treatment na ginagamit upang matanggal ang outermost layer ng balat upang mabigyan solusyon ang kulugo.

Kulugo Removal Cream

Ayon sa pananaliksik, mayroon ring mga cream na nakakatulong upang magamot ang kulugo o warts. Isa sa mga pinaka kilala ay ang Compound W. Ang Compound W ay gamot na may salicylic acid kung kaya’t ito ay ginagamit upang matanggal ang mga dead skin cells sa outermost layer ng balat. Sa ganun, maaari itong makatulong sa pagtreat ng kulugo.

Kulugo Home Remedy

Bukod sa mga over-the-counter treatments mayroon ring solusyon para sa iyong kulugo na maaari mo lamang mahanap sa iyong tahanan. Marapat na tandaan na ang mga sumusunod ay anecdotal lamang at mula sa mga experiences ng taong nagkaroon ng kulugo. Gayun pa ‘man narito ang ilan sa mga home remedies na maaaring gawin.

Bawang, Gamot sa Kulugo

Ang bawang ay matagal ng kilala bilang remedy sa iba’t-ibang skin infections. Kung kaya’t isa rin ito sa mga maaaring maglunas ng iyong kulugo. Ang bawang ay may component na tinatawag na allicin, kung saan ito ay may antimicrobial properties na nakakatulong upang magamot ang skin infection.

“To treat warts with garlic, crush up 1 clove and mix it with water. Apply to the wart and cover with a bandage. Repeat daily for three to four weeks. You can also apply garlic juice or rub a clove on the wart.” - Nunez, K. January 11, 2019

Apple Cider Vinegar, Gamot sa Kulugo

Ang apple cider vinegar ay mayroong antimicrobial properties na maaaring makalaban sa virus na nagdudulot ng kulugo. Ayon sa pag-aaral maaaring magamot ng apple cider vinegar ang genital warts. Ngunit ang paggamit nito ay maaaring magdulot ng hapdi dahil ito ay isang acid.

“Apple cider vinegar may treat genital warts at home. It’s similar to prescription medications that use acidic ingredients to kill off the virus.” - Brusie, C. March 07, 2019

Laser Treatment, Paano Tanggalin ang Kulugo

Bagamat hindi malalang sakit ang kulugo at hindi ito sever na skin infection kumpara sa mga Buni o Mamaso, may mga tao pa rin na pinipiling ipatanggal ito dahil sa hindi ito maganda tignan at nakakapagbigay ito ng emotional distress sa isang tao na maaaring magdulot ng self-consciousness. Kung kaya’t mayroong mga medical treatment upang ito ay tanggalin, isa na dito ang Laser Treatment. Ayon sa mga saliksik, mayroong iba’t-ibang klase ng laser treatment na gawin upang matanggal ang iyong kulugo, ngunit ito ay naka ayon sa kung ano ang rekomendasyon ng iyong doktor. Kung ang iyong kulugo ay nagbibigay sayo ng emotional distress, at ikaw ay nahihiya dahil dito. Maaari mo itong ikonsulta sa doktor upang mabigyan ng solusyon ang iyong kulugo sa pamamagitan ng laser treatment.

Magkano Magpatanggal ng Kulugo

Ang presyo ng pagpapatanggal ng kulugo ay nagbabago o depende sa clinic na iyong mapupuntahan. Ngunit ayon sa pananaliksik ang range ng price para sa pagpapatanggal ng kulugo ay nasa P5,000 hanggang P15,000 depende kung gaano kalala ang iyong kulugo at kung saan ka mag patanggal.

FAQs

Ano ang kulugo sa english?

Ang kulugo ay tinatawag na warts sa english at tinatawag na verruca sa medical industry.

Nakakahawa ba ang kulugo?

Oo, maaaring makahawa o mahawa ng kulugo sa pamamagitan ng skin-to-skin contact, ngunit hindi ito malalang sakit.

Totoo ba na ihi ng palaka ang dahilan ng kulugo?

Hindi, walang scientific proof na nagsasabi na ang ihi ng mga palaka ang nagdudulot ng kulugo, ngunit ang ang kulugo ay dahil sa skin infection ng virus na tinatawag na Human papillomavirus (HPV).

May gamot ba sa warts?

Ang salicylic acid at ilang mga over the counter treatments tulad ng Duofilm at Compound W ay nakakatulong upang magamot ang kulugo o warts.

Ano ang average price ng Laser Treatment para sa Kulugo?

Ang price ng laser treatment para sa lugo ay depende sa clinic na iyong pupuntahan at sa condition ng iyong kulugo ngunit ang average price ayon sa pananaliksik ay nasa P5,000 hanggang P15,000

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. Gabbey, A. (February 15, 2021). "Everything you Need to Know About Human Papillomavirus Infection" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/human-papillomavirus-infection

  2. Cleveland Clinic. (April 26, 2020). "Warts" Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15045-warts

  3. Medline Plus. (October 08, 2021). "Benign" Retrieved from: https://medlineplus.gov/ency/article/002236.htm

  4. Mayo Clinic. (April 15, 2020). "Common Warts" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/common-warts/symptoms-causes/syc-20371125

  5. Hecht, M. (March 12, 2020). "Everything You Should Know About Flat Warts" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/skin-disorders/flat-warts

  6. Duggal, Neel. (November 02, 2020). "Filiform Warts: Causes, Removal, and Home Remedies" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/skin-disorders/filiform-warts

  7. Hecht, M. (November 06, 2020). "Everything You Should Know About Periungual Warts" Retrieved from:

https://www.healthline.com/health/skin-disorders/periungual-warts

  1. Nazario, B. (September 21, 2021). "Genital Warts and HPV" Retrieved from: https://www.webmd.com/sexual-conditions/hpv-genital-warts/genital-warts

  2. Fierlbeck, G. et al. (n.d.). "Butcher's wart virus (HPV 7) infections in non-butchers" Retrieved from: https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/3016103/

  3. Doheny, K. (June 12, 2020). "Plantar Warts and Palmar Warts" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/plantar-warts-palmar-warts

  4. Brennan, D. (March 08, 2020). "Skin Conditions and Warts" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/warts

  5. Gabbey, A. (February 15, 2021). "Everything You Need To Know About Human Papillomavirus Infection" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/human-papillomavirus-infection

  6. Hirsch, L. (February, 2019). "Warts" Retrieved from: https://kidshealth.org/en/teens/warts.html

  7. Whelan, C. (March 12, 2021). "12 Ways to Remove a Wart on Your Finger" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/removing-wart-on-finger

  8. Mayo Clinic. (May 02, 2020). "Plantar Warts" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/plantar-warts/symptoms-causes/syc-20352691

  9. Mayo Clinic. (November 20, 2019). "Genital Warts" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/genital-warts/symptoms-causes/syc-20355234

  10. Whelan, C. (August 17, 2018). "How to Get Rid of Facial Warts" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/how-to-remove-warts-on-face#types-of-warts

  11. Carey, E. (March 12, 2020). "Warts" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/skin/warts

  12. Cleveland Clinic. (April 26, 2020). "Warts" Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15045-warts

  13. Nall, R. (March 07, 2019). "Salicylic Acid for Wart Treatment" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/salicylic-acid-wart-removal

  14. Nunez, K. (January 11, 2019). "16 Natural Home Remedies for Warts" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/home-remedies-for-warts

  15. Brusie, C. (March 07, 2019). "Home Remedies for Genital Warts: What Works?" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/std/genital-warts-home-remedies#garlic