GamotNatural na Remedyo

Gamot sa Mamaso

Ang Mamaso ay isang contagious na infection na kadalasan nakukuha ng mga bata. Kung ikaw ay nag-aalala at walang alam kung paano magamot ang mamaso, alamin mo yan dito.

Ano ang pinakamabisang gamot sa mamaso? Bago iyan, ano nga ba ang mamaso? Ang infection sa balat ay isa sa kadalasang minamaliit na karamdaman ng mga Pilipino, kung kaya karamihan sa mga infection na ito ay naiiwang hindi nagagamot. Siguro dahil ito sa mindset na hindi naman ito isang malalang karamdaman lalo na para sa mga bata. Kung ikaw ay nakakaranas ng pagkakaroon ng mapulang butlig, pangangati maaaring ito ay dahil sa rashes, ngunit ang mild na rashes at pangangati ay maaaring magdulot ng mas malalang skin infection tulad ng mamaso.

Ang mamaso ay isa sa mga kilalang skin infection sa Pilipinas, kadalasang nakakakuha nito ay ang mga babies at kabataan ngunit posible ring makakuha nito ang mga matatanda. Sa artikulong ito, tatalakayin kung ano ang mamaso, dahilan sa pagkakaroon nito at gamot sa mamaso kaya kung ika’y walang sapat na kaalaman sa mamaso, alamin mo na yan dito.

Mamaso in English

Ang Mamaso o kilalang Impetigo 1 sa english ay isang skin infection na nagdudulot ng pangangati at pagsusugat sa balat ng babies, kabataan, at matatanda. Lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng impetigo ngunit kadalasang nakakakuha nito ay ang mga batang nasa edad 2 hanggang 5 taong gulang. Ang mamaso o impetigo ay kalimitang tumutubo sa braso, legs, at mukha ng taong infected nito. Kung ikaw ay hindi pamilyar dito at hindi alam kung saan ito nag umpisa, dapat mo’ng malaman na ang mamaso ay isang bacterial infection 2 na nag umpisa sa bacteria na staph o strep katulad ng Staphylococcus aureus 3 or Streptococcus pyogenes 4.

Ayon sa pag-aaral, ang mga staph bacteria katulad ng Staphylococcus aureus, ay klase ng bacteria na madalas nakikita sa balat o sa ilong ng mga malusog na tao ngunit maaari itong mag dulot ng mga mild skin infections. Sa kabilang banda, ang ibang strains ng strep bacteria tulad ng Streptococcus pyogenes ang nagdudulot ng bacterial infection na maaaring mild o malalang infection katulad ng impetigo. Nag uumpisa ang infection ng bacteria sa epidermis 5 ng ating katawan, sa madaling salita naguumpisa ang mamaso sa outermost layer ng balat ng isang tao. Ayon sa pag-aaral ang mga bacteria na ito ay mas nag develop at dumadami kapag mainit ang panahon, kung kaya’t maaaring maging seasonal ang pagkakaroon ng mamaso.

“Impetigo is a common and contagious skin infection. Bacteria like Staphylococcus aureus or Streptococcus pyogenes infect the outer layers of skin, called the epidermis. The face, arms, and legs are most often affected.” - Hecht, M. June 11, 2019

Mamaso Cause

Ang isang tao ay nagkakaroon ng mamaso o impetigo kung ito ay naimpeksyonan ng strains ng bacteria, tulad ng Staphylococcus aureus or Streptococcus pyogenes. Maaaring ma infect ang balat ng isang tao ng mga bacteria, sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Dahil sa ang sintomas ng mamaso ay hindi kaagad lumalabas at nagpaparamdam lang ito 10 days after ng initial exposure sa bacteria, hindi maiiwasan na makakahawa ang mga taong mayroon nito. Ngunit paano mo nga ba talaga malalaman na ikaw ay may mamaso? Ano ang mga sintomas sa skin infection na ito? Upang magbigay karagdagang kaalaman sa mababasa narito ang ilan sa mga sintomas ng mamaso o impetigo.

Mago malaman ang mga sintomas sa impetigo, marapat munang malaman na mayroong tatlong klase ng impetigo o mamaso. Ito ang non bullous impetigo, bullous impetigo, at ecthyma. Ang pinaka common na mamaso ay ang non bullous impetigo, kung ang isang tao ay mayroon nito maaari itong makaranas ng mapula at nagsusugat na rashes usually sa around sa ilong at bibig ngunit maaari ring sa ibang parte ng katawan tulad ng mukha at braso. Maaari ring magkaroon ng yellowish crust na mag develop sa area na mayroong mamaso.

The sores quickly burst leaving behind thick, golden crusts typically around 2cm across. The appearance of these crusts is sometimes likened to corn flakes stuck to the skin.” - NHS December 16, 2020

Samantala, ang bullous impetigo naman ay isang klase ng mamaso na nagdudulot ng malalaking paltos sa balat ng taong mas impetigo o mamaso. Ayon sa pag-aaral ang taong may bullous impetigo ay maaaring makaranas ng pagkakaroon ng fluid-filled blisters (bullae 9). Ang paltos ay maaaring kumalat ng mabilis sa iba’t-ibang parte ng katawan. Bukod pa dito, maaaring makati at masakit ang blisters at na mayroon ang taong may bullous impetigo kumpara sa non bullous impetigo. Kung kaya’t ayon sa mga mananaliksik, mas mainam na ‘wag hawakan at kamutin ang infected na balat. Ang ilan pa sa sintomas na maaaring maramdaman ng taong may bullous impetigo ay lagnat at **kulani **o swollen glands/swollen lymph nodes.

“The symptoms of bullous impetigo begin with the appearance of fluid-filled blisters (bullae) which usually occur on the central part of the body between the waist and neck, or on the arms and legs. The blisters are usually about 1-2cm across.” NHS December 16, 2020

Ang pangatlong klase ng mamaso ay tinatawag na Ecthyma. Ang ecthyma, ay isang malalang case o form ng mamaso na dahilan ng pagpapaliban at pag sa walang bahala dito. Ang klase na ito ay nagdudulot ng ulcerative sores 10 na nangyayari deep inside ng balat

“Ecthyma is a skin infection. It is similar to impetigo, but occurs deep inside the skin. For this reason, ecthyma is often called deep impetigo.” - MedlinePlus October 08, 2021

Mamaso sa Matanda

Bagamat ang mga mas nakababata ang madalas na nagkakaroon ng mamaso, may pagkakataon rin na nagkakaroon nito ang matatanda. Dahil sa highly contagious ang mamaso, hindi maiiwasan ang pagkalat nito, ayon sa pag aaral karamihan ng mga matanda na nagkakaroon ng mamaso ay nakuha nila dahil sa physical to physical contact sa taong infected nito. Ang mga maaaring sintomas dito ay pangangati, sugat at platos sa ilong at bibig o sa ibang parte ng katawan na nagkaroon ng yellowish crust. Ayon sa pananaliksik, ang mga matatanda ay mas mataas na risks complications kaysa sa mga bata. Ilan na lamang diyan ay ang mga sumusunod:

  • Post-Streptococcal Glomerulonephritis. Ayon sa pananaliksik, Ang post-streptococcal glomerulonephritis ay kidney disease na maaaring mangyari kapag nag develop after ng infection dahil sa bacteria na group A Streptococcus (group A strep). At isa sa mga infections na yun ay ang mamaso o impetigo.

  • Cellulitis. Isa sa mga complications ng impetigo ay cellulitis. Kung ikaw ay hindi pamilyar dito isa itong infection na nakakaapekto sa tissues ng underneath ng balat.

Ang ilan pa sa mga maaaring complications ng mamaso sa matatanda ay ang mga sumusunod: Lymphangitis 11 at sepsis 12.

Mamaso sa Bata

Ang pagkakaroon ng mamaso ay mas madalas sa edad ng mga bata at babies. Ayon sa pag aaral ang itsura ng mamaso na nararanasan ng kabataan ay iba kumpara sa mga nararanasan ng nakatatanda. Ang itsura ng mamaso sa mga bata ay kadalasang mapula sa mukha ng baby at sa kamay, paa, at puwit. Paglipas ng isang linggo maaaring mag karoon ng pamamantal at yellowish crust. Ayon sa pag-aaral maaaring magkaroon ang mga bata ng mamaso dahil sa pagkamot ng mga kagat ng insekto.

Mamaso sa Labi

Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng mamaso sa labi kung ang kanyang labi ay may cut o scratch na maaaring pag pasukan ng bacteria na nagdudulot ng mamaso tulad ng Staphylococcus aureus or Streptococcus pyogenes. Ang kadalasang itsura nito ay mapula at may yellowish crusts. Upang hindi makahawa sa iba, maaari kang umiwas sa mga physical contact o close contact sa mga taong walang mamaso.

Mamaso - Mabisang Gamot

Dahil ang mamaso ay isang skin infection na hindi naman malala, mayroong simple ngunit mabisang gamot na maaari mo’ng gamitin upang magamot ang mamaso. Marapat na tandaan na ang mga sumusunod na gamot at remedies ay anecdotal lamang, upang mas mabigyan ng solusyon ang iyong karamdaman mas maigi na ikonsulta ito sa doktor.

Best Soap for Mamaso

Ayon sa pananaliksik ang pinaka epektibong soap para sa mamaso ay ang Cetaphil soap, ang cetaphil soap ay may antibacterial bacterial component kung kaya makakatulong ito sa pag ibswan ng paltos at pamumula ng mamaso. Bukod pa dito ang soap kagaya ng cetaphil soap ay nakakatulong upang maging malinis ang area na infected ng bacteria. Sa ganun, mas mapapabilis ang pag gamot dito.

Ang ilan sa mga kilalang antibacterial na sabon ay ang mga sumusunod: Safeguard, Bioderm, at Tender Care.

Ointment for Mamaso

Bukod pa sa mga antibacterial soap, maaari ring gumamit ng mga ointment upang magbigay lunas sa iyong mamaso. Ayon sa pag aaral ang paggamit ng ointment na mupirocin ay isa sa mga rekomendasyon ng mga doktor pag dating sa ointment na nakakagamot sa mamaso o impetigo. Bukod pa dito ay ang retapamulin at fusidic acid. Ang tatlong ointment na ito ay mga antibiotic ointments na ginagamit upang magamot ang mga bacterial skin infections katulad ng mamaso. Marapat na ipahid ang ointment directly sa are ng may infection.

A doctor will likely recommend a topical antibiotic, such as mupirocin, retapamulin, or fusidic acid. It should be applied directly to the sores on the body. Your doctor might suggest soaking the scab first so the antibiotic can really get down into the skin.” - Lawler Moira June 11, 2018

Mamaso Treatment

Ayon sa mga saliksik, ang ilang cases ng mamaso ay hindi na kinakailangan ng treatment at kusa na lamang mawawala pagkatapos ng 2 hanggang 3 linggo. Ngunit kinakailangan pa rin ang pag gamot dito upang maiwasan ang mas malalang complications na hatid ng mamaso. Kung kaya’t narito ang ilan sa mga treatment na maaaring gawin ng mga taong nakakaranas ng nasabing skin infection. Marapat tandaan na bagamat ang artikulong ito ay nakapagbibigay ng karagdagang impormasyon, ang pag konsulta sa doktor ay isa pa rin sa pinaka unang rekomendasyon upang magamot ang iyong mamaso.

  • Antibiotics Tablets. Ang mga antibiotic ay nakakatulong sa pag gamot ng mamaso dahil ang mamaso ay isang bacterial infection at ang mga antibiotic na gamot ay ginagamit upang gamutin ang mga sakit na ang sanhi ay bacteria. Ngunit marapat tandaan na hindi makakabili ng antibiotics hanggat hindi nakakapag konsulta sa doktor at hindi nakakakuha ng reseta. Kung kaya’t marapat pa rin na pumunta sa doktor bago makabili ng gamot.

  • Karagdagang Medical Treatment. Kung ang iyong sitwasyon ay lumalala at hindi bumubuti, maaaring ang iyong dermatologist ay mag rekumenda ng mga specific na gamot o treatment na maaaring gawin upang mapabuti ang condition ng iyong balat.

Mamaso Treatment for Babies

Kung iyong ikokonsulta sa doktor ang kalagayan ng mamaso ng iyong baby, ang maaaring irekomenda ng iyong dermatologist na treatment para sa mamaso ng iyong baby ay mga antibiotic cream upang mabilis na mawala ang infection sa balat ng iyong baby. Kung ang antibiotic cream ay hindi umubra at patuloy pa rin ang paglala ng mamaso, maaaring mag rekomenda ng liquid antibiotic ang iyong doktor upang ipainom sa iyong baby.

In most cases, he'll prescribe an antibiotic cream to speed up the healing process and help your little one feel better, sooner. If your baby’s impetigo is severe or widespread, your doctor may prescribe antibiotic liquid for you to give her by mouth.” Lawler Moira June 11, 2018

Mamaso Home Remedy

Bagamat kadalasang rekomendasyon ang mga antibiotics para magamot ang mamaso, mayroon ring mga home remedies na nakakatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng may mamaso at nakakatulong upang mabilis na magamot ang mamaso. Marapat tandaan na ang mga sumusunod ay mga anecdotal lamang, ito ay base sa experience ng ibang taong nagkaroon na ng mamaso. Gayun pa ‘man narito ang mga sumusunod:

  • Linisin ang paltos. Ang pananatiling paglinis ng pantal at paltos na hatid ng mamaso ay nakakatulong upang hindi maging infected ng ibang dumi at bacteria ang area ng may mamaso. Maaaring gumamit ng warm water at ng washcloth sa paglilinis nito at pwede itong gawin ng tatlo hanggang 4 na beses sa isang araw.

  • Takpan ang infected area. Kapag naglalagay ng antibiotic cream o gamot sa area ng may mamaso, mas mainam na takpan ng gauze ang mamaso upang hindi na ito ma kontamina ng iba pang bacteria na maaaring mag palala nito.

  • Pagligo araw-araw. Ang pagliligo at paglilinis ng katawan ay nakakatulong upang panatilihing malinis at germ-free ang katawan. Sa ganun, makakatulong ito upang maibsan ang mga paltos na sanhi ng mamaso.

“Another home treatment is a 15-minute bath with a very dilute solution of household bleach (2.2 percent). This reduces the number of bacteria on the skin, if you use it regularly. For a full-size bath, use 1/2 cup of bleach. Rinse off with warm water and pat dry afterward.” Hecht, M. June 11, 2019

Paano Maiiwasan ang Mamaso

Ang pag iwas sa anumang sakit ay isang mas magandang gawin at nakakatulong na ugali upang hindi na mahirapan ang iyong katawan. Mas maigi na umiwas na lamang sa mga sakit tulad ng mamaso kaysa sa gamutin ito at magbigay takot at kaba dahil sa mga posibleng complications nito. Kung kaya’t narito ang ilan sa mga maaari mo’ng gawin upang makaiwas sa pagkakaroon ng mamaso.

  • Maghugas ng kamay. Ang paghuhugas ng kamay ay makakatulong sa pag iwas ng iba’t-ibang viral infection at bacterial infection. Ang taong hindi naghuhugas ng kamay ay kadalasang nakakukuha ng iba’t-ibang sakit tulad ng mamaso, kung kaya’t marapat na panatilihing malinis ang kamay dahil ang kamay ay isa sa mga pinaka maduming parte sa sa katawan ng tao.

  • Lagyan ng cover ang mga sugat o insect bite. Ang mga bacteria tulad ng Staphylococcus aureus or Streptococcus pyogenes ay kadalasang nagkakaroon ng access na magbigay ng sakit sa isang tao dahil sa mga open wounds. Kung kaya’t maaari mo’ng maiwasan ang pagkakaroon ng bacterial infection tulad ng mamaso sa pamamagitan ng pagcover ng iyong mga sugat at insect bites.

  • Panatilihing hindi mahaba ang kuko. Ang kuko sa ating kamay at paa ay kadalasang napupuno ng iba’t-ibang bacteria kung kaya’t maaaring mayroong mga bacteria dito na nagdudulot ng mamaso. Upang hindi na magkaroon ng mamaso, mas maiging panatilihing hindi mahaba ang kuko.

  • Wag makipag share ng damit o towel. Ang pagkakaroon ng close contact sa gamit ng taong may mamaso katulad ng panghihiram ng damit o pagkikipag share ng tuwalya ay nakakadagdag sa mga rason kung paano kumakalat ang mga bacterial infection gaya ng mamaso. Upang maiwasan ito, mas maigi na iwasan rin ang pakikipag share ng damit at tuwalya.

  • Parating maligo. Ang pagligo araw araw ay nakakatulong upang panatilihing malinis ang katawan ng isang tao. Dahil dito mas maliit ang tyansa na mahawa ito sa anumang bacterial infection gaya ng mamaso.

  • Maglinis ng paligid,gamit, o bahay. Ang paglilinis o pag disinfect ng iyong paligid, iyong mga gamit, at ng iyong tirahan ay makakapagpaiwas sa iyo sa mga bacterial infection. Sa ganun, makakaiwas ka sa mamaso.

FAQs

Nakakahawa ba ang mamaso?

Oo, ang mamaso ay highly contagious. Maaari ka’ng mahawa nito sa pamamagitan ng pagshare ng damit o tuwalya, sa pamamagitan ng mga sugat at insect bites.

Malala ba ang mamaso?

Bagamat hindi malala ang mamaso at maaari na lamang ito mawala pagkatapos ng 2 hanggang 3 linggo, maaari pa rin itong magdulot ng mas malalang mga complications kapag hinayaang untreated tulad ng kidney disease, cellulitis, lymphangitis, at iba pa.

Sa bata lang ba ang mamaso?

Ang kadalasang nagkakaroon ng mamaso ay mga batang nasa 2 hanggang 5 taong gulang, ngunit maaari pa rin magkaroon ng mamaso ang mga nakatatanda kung ito ay nagkaroon ng contact sa taong may mamaso o sa bacteryang nagdudulot ng mamaso.

Anong pinagkaiba ng mamaso sa buni?

Bagamat may pagkakapareho ang itsura ng mamaso at buni, marapat tandaan na magkaibang skin infection ang dalawa. Ang buni ay isang fungal infection. Samantala ang mamaso ay isang bacterial infection at ang buni ay hindi nagkakaroon ng sintomas na yellowish crust.

Ano ang gamot sa mamaso?

Ang kadalasang gamot para sa mamaso ay mga antibiotic creams at ointments tulad ng mupirocin, retapamulin at fusidic acid.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

MedicineNet. (November 16, 2007). "Group A Streptococcal Infections" Retrieved from: https://www.medicinenet.com/script/main/art.asp?articlekey=143954

  1. Mayo Clinic. (April 21, 2021). "Impetigo" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/impetigo/symptoms-causes/syc-20352352

  2. Blatny, R. et al. (July, 2002). "Common Bacterial Skin Infections" Retrieved from: https://www.aafp.org/afp/2002/0701/p119.html

  3. Bush, L. (March, 2021). "Staphylococcus aureus Infections" Retrieved from: https://www.msdmanuals.com/home/infections/bacterial-infections-gram-positive-bacteria/staphylococcus-aureus-infections

  4. Stevens, D. (n.d.). "Streptococcus pyogenes (Group A β-hemolytic Streptococcus)" Retrieved from: http://www.antimicrobe.org/b239.asp

  5. Hoffman, M. (August 01, 2021). "Picture of the Skin" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/picture-of-the-skin#:~:text=The%20epidermis%2C%20the%20outermost%20layer,hair%20follicles%2C%20and%20sweat%20glands.

  6. Ferguson, S. (February 13, 2019). "How Do Hair Follicles Function?" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/hair-follicle#:~:text=A%20hair%20follicle%20is%20a,bottom%20of%20a%20hair%20follicle.&text=As%20more%20cells%20are%20created,nourishes%20the%20hair%20and%20skin.

  7. Mclntosh, J. (July 21, 2021). "What to Know about Eczema" Retrieved from: https://www.medicalnewstoday.com/articles/14417

  8. CDC. (November 02, 2010). "Parasites - Scabies" Retrieved from: https://www.cdc.gov/parasites/scabies/index.html

  9. MedlinePlus. (October 08, 2021). "Bullae" Retrieved from: https://medlineplus.gov/ency/article/003239.htm

  10. Rehmus, W. (February, 2021). "Impetigo and Ecthyma" Retrieved from: https://www.merckmanuals.com/professional/dermatologic-disorders/bacterial-skin-infections/impetigo-and-ecthyma

  11. Pitetti, R. (December 17, 2018). "Lymphangitis" Retrieved from: https://emedicine.medscape.com/article/966003-overview

  12. CDC. (August 17, 2021). "What is Sepsis" Retrieved from: https://www.cdc.gov/sepsis/what-is-sepsis.html

  13. Lawler Moira. (June 11, 2018). "How Is Impetigo Treated? A Look at Antibiotic Options and Proposed Alternative Therapies" Retrieved from: https://www.everydayhealth.com/impetigo/treatment/

  14. CDC. (March 22, 2021). "Post-Streptococcal Glomerulonephritis: All You Need to Know" Retrieved from: https://www.cdc.gov/groupastrep/diseases-public/post-streptococcal.html

  15. Mayo Clinic. (May 06, 2020). "Staph infections" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/staph-infections/symptoms-causes/syc-20356221

  16. Hecht, M. (June 11, 2019). "Everything You Need to Know About Impetigo" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/impetigo

  17. NHS. (December 16, 2020). "Impetigo" Retrieved from: https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/infections-and-poisoning/impetigo

  18. MedlinePlus. (October 08, 2021). "Ecthyma" Retrieved from: https://medlineplus.gov/ency/article/000864.htm