Ang pagsusuka ay isang karaniwang kondisyon na nararanasan ng maraming bata. Bagamat may mga uri ng pagsusuka na maaaring kusa na lamang mawala, ang mismong pakiramdam ng pwersang paglalabas ng nilalaman ng tiyan ay labis na nakakapagbigay ng diskomport. Dahil rito, maaaring makaranas ng hirap ang mga bata at magdulot ito ng pangangamba para sa mga magulang. Bagamat malala pakinggan ang kondisyon na pagsusuka ng bata, maaari itong mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng mga nabibiling gamot mula sa mga botika. Kaya sa artikulong ito, iyong malalaman ang nararapat na gamot sa pagsusuka ng bata.
Mabisang Gamot sa Pagsusuka ng Bata
Ang pagsusuka ng isang bata ay maaaring mabigyan ng solusyon gamit ang mga gamot na mabibili sa botika. Isa sa mga kilala at mabisang gamot para sa pagsusuka ng bata ay ang Pepto Kids. Ang pepto kids ay isang gamot tulad ng pepto bismol ngunit ang gamot na ito ay eksklusibo sa para sa mga bata.
Ang gamot na ito ay nakakatulong sa iba't-ibang masamang kalagayan na nararamdaman sa tiyan ng isang tao tulad ng heartburn na nagdudulot ng pagsusuka, indigestion, at sour stomach. Para sa mga bata na nagsusuka na dulot ng acid sa tiyan, makakatulong rin ang pepto kids para mabigyan 'to ng solusyon. Ang gamot na ito ay maaaring mabilis sa bilang chewable medicine o liquid medicine. Sa pag inom ng gamot na ito, marapat na basahin ang nararapat na dosis sa pakete ng produkto upang hindi maging sobra ang maiinom na gamot.
"Take this product by mouth as directed. For the chewable form, chew the medication well before swallowing. For the liquid form, shake the bottle well before each dose. Follow all directions on the product package. Do not take more than the maximum recommended dose stated on the product package. " - WebMD. n.d.
Bakit Nagsusuka ang mga Bata?
Ang mga batang nasa edad lima pababa ay ang mga edarang kadalasan na nakakaranas ng pagsusuka. Bagamat hindi ito isang sakit kundi isang sintomas, maaari itong magdulot ng hindi magandang kondisyon tulad ng dehydration. Ang pagsusuka ay karaniwang sintomas ng isang kondisyon kaysa sa isang sakit.
"Vomiting (1) is a common sign of illness in children aged between 1 and 5 years, but it can be hard to know for sure what the cause might be. Vomiting is generally a symptom of an infection." - Pregnancy Birth & Baby July 2020
Ayon sa isang pananaliksik 2, ang isang kondisyon na nagbibigay ng sintomas na pagsusuka sa bata tulad ng Gastroenteritis ay ang isang karaniwang dahilan ng pagsusuka ng mga bata sa buong mundo. Nasa 1.5 hanggang 2.5 na milyong mga bata ang na mamatay dahil sa dehydration na dulot ng Gastroenteritis.
Bakit nga ba ubanin ang mga bata sa pagsusuka? Kung iyong hindi alam, ito ay dahil sa mas sensitibo ang tiyan ng mga bata sa iba't-ibang mikrobyo na nagdudulot ng pagsusuka tulad ng mga virus at bakterya. Bukod pa dito ayon sa Cleveland Clinic 3, ang katawan ng isang bata ay hindi kasing lakas ng katawan ng isang matanda. Sa madaling salita ang kakayahan ng immune system ng isang bata upang labanan ang mga dayuhang kataga tulad ng mga mikrobyo ay hindi katulad ng immune system ng isang taong nasa hustong gulang.
“Kids, especially younger ones, are sometimes more sensitive to certain bacteria, so they might be more susceptible to viruses or food poisoning,” he says. “They don’t respond the same way adults with a more developed immune system do.” - Cleveland Clinic. August 21, 2018Sanhi ng Pagsusuka ng Bata
Ang pagsusuka ay isang sintomas ng masamang kalagayan ng isang tao, kadalasan ito ay may ugnay sa digestive system. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagsusuka ng isang bata:
- Food poisoning 4. Ang mga bata ay madalas na nagiging biktima ng food poisoning. Ito ay isang kondisyon na nakukuha dahil sa kontaminadong pagkain, maaari rin itong dulot ng pagkain na hindi luto ng maayos.
"Food poisoning symptoms, which can start within hours of eating contaminated food, often include nausea, vomiting or diarrhea" - Mayo Clinic June 26, 2020
- Gastroesophageal Reflux 5. Ang Gastroesophageal Reflux (o GER) ay isang kondisyon kung saan ang pagkain at acid ay tumataas sa esophagus ng isang tao kung kaya't nagdudulot ito ng sintomas na pagsusuka. Sino 'man, ay maaaring makaranas ng ganitong kalagayan kabilang ang mga baby at bata. Kaya naman, maaari itong sanhi ng pagsusuka ng isang bata.
"It's common for infants to spit up after a meal. That little spit is called gastroesophageal reflux or GER. But frequent vomiting associated with discomfort and difficulty feeding or weight loss may be caused by something more serious known as GERD (gastroesophageal reflux disease)" - WebMD n.d.
- Gastroenteritis 6. Ang gastroenteritis ay isang sakit kung saan ang sikmura at intestines ng isang tao ay namamaga at may impeksyon. Ang ilan sa mga sintomas na maaring maranasan ng taong may gastroenteritis ay pananakit ng tiyan, pagtatae, lagnat, at pagsusuka.
“When you have diarrhea and vomiting, you may say you have the "stomach flu." These symptoms often are due to a condition called gastroenteritis. With gastroenteritis, your stomach and intestines are irritated and inflamed. The cause is typically a viral or bacterial infection." - Jo Dilonardo, M. September 17, 2021
Paano Mapagaling ang Pagsusuka ng Bata
Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mapagaling ang pagsusuka ng isang bata.
-
Pag inom ng gamot. Una at pinaka mahalaga sa lahat ay ang pag inom ng nararapat na gamot na akma sa nararamdaman ng isang bata. Sa kasong ito, ang mga over the counter na gamot para sa pagsusuka tulad ng pepto kids ay maaaring gamitin para sa pagsusuka ng bata. Marapat na kinakailangan na uminom ng gamot ng isang bata upang tuluyang mawala ang pagsusuka nito lalo na kung ito ay nagdudulot ng labis na dehydration.
-
Uminom ng fluids. Ang mga fluids ay isang sa mga krusyal na kailangan gawin kung ang isang bata ay nagsusuka. Dahil sa ang pagsusuka ay nagdudulot ng dehydration kailangan na panatilihing hydrated ang katawan ng isang tao. Maaaring uminom ng tubig o ng mga sport drinks tulad ng gatorade.
-
Kumain ng light na pagkain. Ang pagkain ng mga light na pagkain ay makakatulong upang hindi mabigla ang tiyan at hindi mas maging matindi ang pagsusuka ng bata.
-
Huwag hayaan na maglaro agad ang bata pagkatapos kumain. Pagkatapos kumain ng isang bata, marapat na huwag itong hayaan na maglaro o anumang physical activity pagkatapos kumain dahil maaari itong makapag dagdag sa posibilidad ng pagsusuka ng bata.
-
Pagpapahinga. Ang pagpapahinga ay nakakapagpabuti sa kalagayan ng isang tao anuman ang klase ang nararamdaman nito. Kaya na mag-udyok na pagpahingahin ang batang nagsusuka.
FAQs
Anong gamot ang pwede sa pagsusuka ng bata?
Ang isa sa mabisang gamot para sa pagsusuka na nararanasan ng bata ay ang pepto kids. Sa pag inom nito, kinakailangang siguraduhin na tama ang dosis na ipapainom sa bata upang hindi magdulot ng anumang malubhang epekto.
Anong sanhi ng pagsusuka ng bata?
Ang pagsusuka ng isang bata ay maaaring sanhi ng iba't-ibang kondisyon, ang ilan sa mga kondisyon na nagdudulot ng pagsusuka ay ang food poisoning, heartburn, gastroesophageal reflux, at gastroenteritis.
Ano ang komplikasyon ang pwedeng dulot ng pagsusuka?
Ang isa sa pinaka delikadong komplikasyon na pwedeng maranasan ng isang tao o isang batang nagsusuka ay ang dehydration. Ang dehydration ay maaaring magdulot ng pagkamatay kaya mahalaga na panatilihing hydrated ang batang nagsusuka.
Normal ba nagsusuka ang mga batang nasa edad 5 pababa?
Ayon sa pananaliksik, marami sa mga batang nasa edad 5 pababa sa buong mundo ay nakakaranas ng pagsusuka.
Anong pwede gawin upang mapagaling ang pagsusuka ng bata?
Ang ilan sa mga paraan na maaaring makapag pagaling sa isang batang nagsusuka ay una pag inom ng nararapat na gamot. Pangalawa, pag inom ng fluids, pagkain ng mga light na pagkain, at pagpapahinga.