Ang pagsusuka ay maaaring maranasan ng kahit sino at marahil ikaw o ang iyong kamag-anak ay nakakaranas nito ngayon. Ito ay maaaring dahil sa isang karamdaman o dahil sa isang pagkain na kinain ng isang tao. Gayunman, hindi maikakaila na ito ay nagbibigay ng labis na sakit at diskomport sa isang tao. Kaya sa artikulong ito iyong malalaman ang nararapat na gamot sa pagsusuka at paraan sa pagpapagaling ng pakiramdam ng isang taong nagsusuka.
Ang pagsusuka o emesis 1 (kilala rin bilang vomiting 2 o throwing up) ay isang kondisyon na kalimitang binabalewala ng marami mga tao. May mga pagkakataon na ang mga tao ay pina lilipas lamang hanggang sa ang nakakaranas pagsusuka hanggang sa ito ay tumigil na. Ngunit paano kung hindi basta basta ang pagsusuka na nararanasan ng isang tao? Paano kung labis na pala itong nagdurusa dahil sa pagsusuka? Dito makakatulong ang mga gamot na maaaring solusyon sa pagsusuka ng isang tao.
Doctor Recommended na Gamot sa Pagsusuka
Isa sa mga gamot na maaaring makatulong sa pagsusuka ng isang tao ay ang Pepto Bismol. Ang Pepto Bismol ay isang gamot na naglalaman ng bismuth subsalicylate 3. Ang mga produkto na naglalaman ng ganitong gamot ay epektibong gamot sa pagpapapawi ng mga kondisyon tulad ng pagsusuka. Ito ay maaaring makapag bigay solusyon sa iba't-ibang sakit sa tiyan ng isang tao gaya ng pagtatae at bukod pa dito, maaari rin itong magbigay ng solusyon sa mga kalagayan tulad ng heartburn 4 at hilo.
May mga pagkakataon na ang pagsusuka ng isang tao ay dulot ng mga kalagayan na nabanggit, kaya naman ang gamot tulad ng Pepto Bismol ay makakatulong para matigil ang kondisyon na ito. Sa pag inom ng Pepto Bismol, marapat na tandaan na hindi dapat maging sobra sobra ang pag inom nito. Maaaring sundin ang direksyon na nakasaad sa pakete ng produkto upang malaman ang nararapat na dosis sa taong nagsusuka.
"Pepto-Bismol is a product containing bismuth subsalicylate, a chemical shown to be effective in relieving nausea and upset stomach. This remedy has a direct effect on the stomach lining and has no known serious side effects." - Cunha, J. August 28, 2020
Pagsusuka - Overview
Tulad ng nabanggit, ang pagsusuka o vomiting ay isang karaniwang kondisyon. May mga pagkakataon na ito ay binabalewala lamang ng mga tao, lalo ng mga madalas na nakakaranas nito. Ang pagsusuka ay isang pwersang pagpapalabas ng nilalaman ng tiyan ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang bibig. Ayon sa Cleveland Clinic 5, ang pagsusuka ay hindi isang sakit kundi isang sintomas sa isang kalagayan. Kaya naman ang kalagayan ng isang tao at tindi ng pagsusuka nito ay nakadepende sa kung anong sakit ang nararanasan ng isang tao. Ito ay maaaring dulot ng food poisoning, impeksyon sa tiyan o stomach flu 6, hilo, maaari rin itong dulot ng brain injuries 7 at ilang malubhang mga karamdaman tulad ng brain tumor 8 at mga cancer.
"Vomiting is the forcible voluntary or involuntary emptying ("throwing up") of stomach contents through the mouth. Some triggers that may result in vomiting can come from the stomach and intestines (infection, injury, and food irritation), the inner ear (dizziness and motion sickness), and the brain (head injury, brain infections, tumors, and migraine headaches)."* - Cleveland Clinic July 23, 2019 *Ang pagsusuka ay maaaring may kaugnayan sa pagbubuntis ng isang nagdadalang tao o pregnancy. Madalas na ito ay nakikita sa mga nagdadalang tao na nasa unang trimester ng pagbubuntis ng isang babae. Ayon sa isang pag-aaral 9, ang pagsusuka ay isang karaniwang sintomas na nararanasan ng 70% hanggang 80% ng mga kababaihan na nagdadalang tao.
Ang pagsusuka na ito ay kilala sa katawagan na "morning sickness". Ang isang babae ay nakakaranas ng pagsusuka dahil sa mga pagbabago ng hormones sa kanilang katawan. Ayon kay Higuera, V. 10, marami sa mga nakakaranas ng pagsusuka sa unang trimester ng pagbubuntis ay natatapos pagdating ng pangalawang trimester ngunit may mga nagbubuntis na nakakaranas ng pagsusuka sa kabuuang pagbubuntis ng babae.
"If you have morning sickness, you may only vomit once a day and can manage nausea and vomiting. If you develop hyperemesis gravidarum, you may vomit more than three or four times a day and feel near-constant nausea. The vomiting with hyperemesis gravidarum can become so bad that some pregnant women lose weight and risk dehydration due to an inability to keep foods and liquids down."* - Higuera, V. August 23, 2019 *
Iba’t Ibang Gamot sa Pagsusuka
Ang ilan pa sa mga maaaring makatulong na gamot para sa pagsusuka ng isang tao ay ang mga sumusunod:
- Meclizine hydrochloride. Ang gamot na meclizine hydrochloride 11 ay nakakapagbigay solusyon sa mga kondisyon tulad ng hilo, pagsusuka na dulot ng motion sickness. Ang gamot na ito ay isang antihistamine kung kaya't maaari itong magdulot ng antok sa taong iinom nito. Sa pag inom ng meclizine hydrochloride, marapat na sundin ang direksyon na nakasaad sa pakete ng produkto upang hindi maging mali ang dosis na mainom ng taong nagsusuka.
"Meclizine may cause drowsiness and should not be taken with other sedatives such as alcohol, tranquilizers, or sleeping pills. Due to drowsiness, people using meclizine should not drive or operate dangerous machinery. Meclizine is not recommended in children under 12 or in pregnant or nursing women unless recommended by a doctor." - Cunha, J. August 28, 2020
- Metoclopramide. Ang Metoclopramide 12 ay isang antiemetic na gamot. Ang mga antiemetic na gamot ay isang epektibong gamot para sa pagsusuka at hilo ng isang tao. Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagpigil sa mga neurotransmitter receptors na magkaugnay sa pagsusuka ng isang tao. Ang metoclopramide ay maaaring mabili sa pamamagitan ng tablets o syrup ngunit maaari rin itong makuha sa pamamagitan ng direktang iniksyon mula sa mga ospital.
"Metoclopramide is an anti-sickness medicine (known as an antiemetic). It's used to help stop you feeling or being sick (nausea or vomiting)" - NHS February 3, 2020
- Doxylamine at Pyridoxine. Ang kombinasyon ng gamot na doxylamine at pyridoxine 13 ay kadalasang ginagamit para sa pagsusuka ng mga nagdadalang tao. Kaya kung ang babae ay nakakaranas ng morning sickness, maaaring makatulong ang Doxylamine at Pyridoxine sa pagpapabuti ng kalagayan nito.
"Doxylamine and pyridoxine combination is used to treat nausea and vomiting in pregnant women (also called morning sickness) whose symptoms have not been relieved by other treatments. This medicine is a combination of an antihistamine and vitamin B6." - Mayo Clinic September 01, 2021
Paano Maiiwasan ang Pagsusuka
Ang ilan sa mga paraan ay makakatulong para maiwasan ang pagsusuka ng isang tao.
-
Pagsasagawa ng malalim at kontroladong paghinga. Ang kontroladong paghinga ay makakatulong para sa pagkontrol ng tugon sa motion sickness ng isang tao. Ayon sa isang pag aaral 14, ang malalim at kontroladong paghinga ay nakakapagpababa sa pag debelop ng sintomas ng motion sickness gaya ng pagsusuka. Kaya naman ang pagsasagawa ng malalim na paghinga ay makakatulong upang maiwasan ang pagsusuka o pagpapabuti ng kalagayan ng taong nagsusuka. Bukod pa dito, ang malalim na paghinga ay nakakatulong rin sa anxiety at makakatulong upang mas maging relaxed ang isang tao.
-
Uminom ng mga herbal tea. Ang mga herbal tea tulad ng salabat ay isang paraan upang maiwasan ang pagsusuka. Ayon sa pag-aaral 15, ang ginger o luya ay makakatulong para sa pagsusuka tulad ng pagsusuka na dulot ng pagbubuntis at chemotherapy. Maaaring gawin bilang tsaa ang ginger tulad ng salabat o maaari rin itong isama sa mga pagkain tulad ng sabaw.
-
Subukan na uminom ng carbonated drinks. Ang pag inom ng hindi sobra sobrang carbonated drinks tulad ng soft drinks ay makakatulong upang maging kalmado ang tiyan ng isang tao.
"Vomiting can be prevented by consuming small amounts of clear, sweetened liquids such as soda pop, fruit juices (except orange and grapefruit because these are too acidic) and popsicles. Drinks containing sugar calm the stomach better than other liquids. Rest either in a sitting position or in a propped lying position." - Cleveland Clinic August 23, 2019
FAQs
Epektibo ba ang Pepto Bismol para sa pagsusuka?
Ang pepto bismol ay naglalaman ng bismuth subsalicylate. Ito ay kilalang gamot na mabisa para sa mga kondisyon na nagdudulot ng pagsusuka, kaya naman epektibo ito para sa pagsusuka ng isang tao.
Anong gamot para sa pagsusuka na dulot ng motion sickness?
Ang maaaring gamot na makakatulong para sa pagsusuka na dulot ng motion sickness ay ang meclizine hydrochloride.
Anong gamot para sa pagsusuka ng nagdadalang tao?
Ang kombinasyon ng gamot na doxylamine at pyridoxine ay karaniwang preskipyon ng mga doktor para sa pagsusuka ng babaeng nagdadalang tao.
Makakatulong ba ang soft drinks para sa pagsusuka?
Ayon sa cleveland clinic, ang sweetened drinks gaya ng soft drinks ay maaaring makapagpaiwas sa pagsusuka ng isang tao. Ngunit kailangan tandaan na ang small amounts lamang ng mga inuming ito ang makakabuti para sa isang tao.
Nakakatulong ba ang salabat para sa pagsusuka?
Ang salabat o ginger tea ay maaaring makatulong para sa pagsusuka ng isang tao dahil ang luya ay isang herb na epektibong treatment para sa iba't-ibang kondisyon kasama narito ang pagsusuka.