Gamot

Gamot sa Pagtatae ng Bata

Ang mga bata ay parating nagkakaroon ng sakit sa tiyan, maaaring ito ay simple lamang ngunit maaari rin itong sintomas ng malalang karamdaman. Alamin mo yan dito.

Gamot sa Sakit ng Tiyan ng Bata

Ang pananakit ng tiyan ay isa sa mga pinaka kilalang karamdaman na nararanasan ng bawat isang tao anuman ang edad o gender nito. Kung kaya’t ang pagkakaroon ng pananakit ng tiyan ay isang normal na kondisyon, ngunit marapat tandaan na ang pananakit ng tiyan ay maaaring dulot ng iba’t-ibang bagay. Marami sa mga bata ang nakakaranas ng pananakit ng tiyan ngunit nawawala rin ito sa ilang oras lamang, ngunit may mga pagkakataon na matindi ang pananakit ng tiyan nito. Sa artikulong ito iyong malalaman ang ilan sa mga posibleng dahilan ng pananakit ng tiyan ng bata, gamot dito at paano ito maiiwasan.

Ang sakit sa tiyan o kilala rin bilang Stomachaches 1 o Abdominal pain ay isa sa mga madalas na nararamdaman ng isang bata. Bagamat iniisip ng marami sa Pilipino na ang ganitong karamdaman ay simple lamang at hindi dapat katakutan, marapat pa rin na malaman kung ano ang mga dahilan ng pananakit ng tyan, gamot dito, at kung kailan kailangan pumunta sa doktor. Dahil sa pananaliksik, narito ang ilan sa mga maaaring sanhi ng pananakit ng tiyan ng isang bata.

Appendicitis causes pain in your lower right abdomen. However, in most people, pain begins around the navel and then moves. As inflammation worsens, appendicitis pain typically increases and eventually becomes severe.” - Mayo Clinic August 07, 2021
  • Food poisoning. Sa mga bata kalimitang nangyayari ang food poisoning dahil sa kung anu-anong bagay na contaminated ng parasites ang mga nahahawakan at nakakain ng mga ito. Kung ang bata ay nakakain ng pagkain na contaminated na pagkain maaari itong magdulot ng pananakit ng tiyan. Bukod pa dito ang food poisoning katulad ng pagkain ng sabon o anumang toxic na bagay ay maaaring magdulot ng pagsusuka at pananakit ng tiyan. Kung ganito ang nangyari, mas maigi na ito ay dalhin sa ospital.

  • Sobra-sobrang pagkain. Ang sobra-sobrang pagkain ay maaaring magdulot ng indigestion, kaya maaaring magdulot ito ng pananakit ng tiyan.

  • Pagtatae. Ang pagtatae ng mga bata ay maaari ring magdulot ng pananakit ng tiyan dahil ang mga batang nagtatae ay nakakaranas maraming beses na pagdumi sa isang araw.

  • Constipation. Kung ang bata ay hindi makadumi o nahihirapan makadumi, maaari rin itong makaranas ng pananakit ng tiyan.

  • Kabag. Ang batang may kabag ay mayroong excess na gas sa kaniyang tiyan kung kaya’t maaaring makaranas ito ng pananakit ng tiyan dahil sa kaniyang kabag.

  • Period pain. Ang mga batang maaga nag umpisa ang menstruation ay nakakaranas ng pananakit ng tiyan o menstrual cramps.

“Any girl who has her period can get cramps. Some are more likely to get them, such as girls who: are younger when their periods start,” - Kids Health August, 2020

Gamot sa Sakit ng Tiyan ng Bata

Ang gamot para sa sakit ng tiyan ng bata ay nakadepende kung ano ang rason sa pananakit ng tiyan nito. Kaya ang pagkonsulta sa doktor ay isa pa rin sa iyong prayoridad. Ngunit ang ilan sa mga maaaring gamot para sa pananakit ng bata ay ang mga sumusunod.

  • Antibiotics. Ang mga antibiotics ay makakatulong sa paggamot ng pananakit ng tiyan ng bata kung ang dahilan ng pananakit nito ay bacteria. Ngunit maaari lamang makabili ng antibiotics kung mayroong reseta ng doktor. Kaya marapat na ikonsulta ito sa doktor.

  • Pepto Bismol. Ang Pepto-bismol ay maaaring ikonsumo ng mga batang edad 12 pataas. Ang gamot na ito ay makakatulong upang mabawasan ang pananakit ng tiyan ng isang tao bukod pa dito maaari itong gamitin pang lunas ng mga karamdaman tulad ng heartburn, acid reflux, indigestion, at diarrhea na nagdudulot ng pananakit ng tiyan sa isang tao.

  • Massage. Ang pagmasahe sa tiyan ay makakatulong sa pagpapabawas ng pananakit ng tiyan ng bata.

  • Warm compress. Ang warm compress ay isa sa mga epektibong remedy upang mawala ang pananakit ng tiyan. Maaaring gumawa ng warm compress sa pamamagitan ng tuwalya at mainit na tubig okaya naman ay ang paggamit ng warm compress bag. Ang warm compress ay nakakabawas ng pananakit ng tiyan na dulot ng menstrual cramps at kabag.

Kung ang pananakit ng tiyan ng bata ay dulot ng Appendicitis, Bowel obstruction, o iba pang serious issues na nagdudulot ng pananakit ng tiyan, marapat na ito ay dalhin sa hospital at humingi ng medical help sa mga eksperto.

FAQs

Anong gamot para sa pananakit ng tiyan ng bata?

Depende ang gamot sa sanhi ng pananakit ng tiyan, ang antibiotics ay makakatulong kung ito ay sanhi ng bacterial infection. Ang pepto-bismol naman ay makakatulong para mabawasan ang pananakit ng tiyan tulad ng diarrhea at indigestion.

Anong dapat gawin pag may appendicitis ang bata?

Marapat na ito ay dalhin sa ospital dahil maaaring magkaroon ng surgery para dito.

Ano ang sanhi ng pananakit ng tiyan ng bata?

Ang pananakit ng tiyan ay maaaring sanhi ng iba’t-ibang karamdaman tulad ng food allergy, diarrhea, constipation, gas pain, appendicitis, infection, menstrual cramps, at food intolerance.

Anong remedy para sa pananakit ng tiyan?

Maaaring i-massage ang tiyan ng batang masakit ang tiyan upang mabawasan ang pananakit nito at maaari rin gumamit ng warm compress bag o kaya naman ay tuwalya na binasa ng warm na tubig para gamitin sa warm compress.

Nakakagamot ba ang antibiotics sa lahat ng pananakit ng tiyan?

Hindi, ang antibiotics ay para lamang sa pananakit ng tiyan na dulot ng bacteria. Kung ang dahilan ng pananakit ng tiyan ay viral infection o kaya naman ay mas malalang mga karamdaman na kinakailangan ng surgery, hindi ito magagamot ng antibiotics.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. KidsHealth. (February, 2019). "Stomachaches" Retrieved from: https://kidshealth.org/en/kids/abdominal-pain.html

  2. Felson, S. (December 12, 2020). "What is E. Coli?" Retrieved from: https://www.webmd.com/food-recipes/food-poisoning/what-is-e-coli#:~:text=coli%20(Escherichia%20coli)%2C%20is,food%20or%20drink%20fouled%20water.

  3. CDC. (December 23, 2019). "Campylobacter (Campylobacteriosis)" Retrieved from: https://www.cdc.gov/campylobacter/faq.html

  4. Zelman, D. (November 25, 2019). "Salmonella (Salmonellosis)" Retrieved from: https://www.webmd.com/food-recipes/food-poisoning/what-is-salmonella

  5. CDC. (October 07, 2020). "Shigella – Shigellosis" Retrieved from: https://www.cdc.gov/shigella/index.html

  6. CDC. (March 05, 2021). "Norovirus" Retrieved from: https://www.cdc.gov/norovirus/index.html

  7. Mayo Clinic. (August 07, 2021). "Appendicitis" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/appendicitis/symptoms-causes/syc-20369543

  8. Kids Health. (August, 2020). "Period Cramps" Retrieved from: https://kidshealth.org/en/kids/period-cramps.html