GamotNatural na Remedyo

Gamot sa Pangangati ng Balat

Ang pangangati ng balat ay isa sa mga karaniwang kalagayan na nararanasan ng maraming Pilipino. Ito ay maaaring magdulot ng irita at perwisyo, kaya naman alamin mo dito ang gamot para sa pangangati ng balat.

Irita, mahapdi, pamamantal at pangangati. Ilan lamang ito sa mga pang karaniwang kondisyon na nararamdaman sa balat ng isang tao. Matanda 'man o bata at mayaman 'man o hindi, ang lahat ay maaarnig makaranas ng pangangati sa kanilang balat. Bagamat hindi ito kasing lubha ng ibang mga kalagayan, marapat itong agapan at bigyan ng solusyon. Kaya naman sa artikulong ito iyong malalaman ang iba't-ibang gamot sa pangangati ng balat.

Cream Gamot sa Pangangati ng Balat

Isa sa mga gamot na makakatulong para sa pangangati ng balat ay ang cream na Sumifun Eczema Cream. Ang cream na ito ay naglalaman ng mga natural herb na gamot tulad ng sophora flavescens, daqingye, kochia scoparia, and white sable.

Ito ay kilala at mabisa para sa pangangati na sanhi ng rashes, kagat ng mga insekto, skin allergies, buni, at simpleng kati kati lamang. Kailangan tandaan na sa paggamit ng sumifun eczema cream, kailangan na malinis ang balat at maglagay lamang ng sapat na dami ng cream sa nangangati na balat. Maaari itong gamitin ng dalawa hanggang tatlong beses sa isang araw.

Gamot sa Pangangati ng Balat dahil sa Init

Bukod sa mga cream, mayroon rin mga produkto tulad ng mga powder na makakatulong para sa pangangati ng balat ng isang tao. Ang Fissan Prickly Heat Powder ay isang powder na mabisa at makakatulong para sa pangangati ng balat. Ito ay maaaring gamitin ng mga matatanda pati ng mga sanggol na kasalukyang nakakaranas ng pangangati na dulot ng bungang araw. Ang powder na ito ay mayroong cooling effect dahil ito ay naglalaman ng menthol. Ang cooling effect na binibigay ng Fissan Prickly Heat Powder ang dahilan kung bakit mabilis na nabibigyan ng relief ang pangangati ng balat.

Gamot sa Pangangati ng Balat dahil sa Allergy

Ang mga alerhiya ay isa sa mga pinaka karaniwang dahilan ng pangangati ng balat ng isang tao. Ang iba't-ibang alerhiya tulad ng alerhiya sa alikabok, alerhiya sa pagkain, alerhiya sa gamot, alerhiya sa mga cream, lahat ng ito ay nagdudulot ng pangangati sa balat. Upang mabigyan ng solusyon ang allergic symptom na ito, maaaring uminom ng mga gamot na anti-histamine.

Ang Cetirizine tablets ay isang gamot na antihistamine na makakatulong para sa pangangati na dulot ng alerhiya. Ang gamot na ito ay hindi na kinakailangan ng prescription para mabili sa mga botika kung kaya't madali lamang itong mabibili. Kinakailangan tandaan na hindi dapat sumobra ang tableta na iinumin upang hindi ito magdulot ng overdose.

Pamamantal at Pangangati ng Buong Katawan

Ang pamamantal at pangangati ng buong katawan ay dulot ng allergic reaction ng katawan. May iba’t ibang bagay kung saan allergic ang tao. Minsan sa pagkain, sa alikabok, sa mga alagang hayop, usok at iba pa. Kung ang katawan ay puro pantal at nangangati at nakarararamdam ng pagsikip ng dibdib o hirap sa paghinga, ito ay dapat na inuman ng cetirizine tablets na syang mabisang gamot sa pamamantal at pangangati ng buong katawan.

Mabisang Gamot sa Pangangati ng Buong Katawan

Ang pangangati ay maaaring mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga gamot na mabibili sa botika. Isa sa pinaka kilala at pinaka mabisang gamot para sa pangangati ay ang antihistamine na Cetirizine tablets. Gaya ng nabanggit, isa itong antihistamine na gamot. Ibig sabihin nito, gumagana ang gamot na cetirizine sa pamamagitan ng pagpigil sa mga body chemicals na histamines. Ang histamines ang nagdudulot ng allergic symptoms gaya ng pangangati. Kung kaya’t maaari itong gamitin para sa allergic related na skin conditions at bukod pa dito, maaari itong makatulong sa pagbibigay ng ginhawa mula sa ibang mga kondisyon gaya ng hay fever.

Marapat tandaan na sa pag inom ng cetirizine, hindi dapat sumobra ang iinoming dosis ng gamot. Kinakailangan na sundin ang lahat na direksyon mula sa pakete ng produkto upang malaman ang nararapat na dosis na inumin ng taong nakakaranas ng allergic symptoms.

"Cetirizine is an antihistamine used to relieve allergy symptoms such as watery eyes, runny nose, itching eyes/nose, sneezing, hives, and itching. It works by blocking a certain natural substance (histamine) that your body makes during an allergic reaction." - WebMD n.d.

Pangangati ng Balat - Overview

Ang pangangati ng balat ay sanhi ng isang kondisyon, tulad na lamang ng alerhiya, marami sa mga nakakaranas nito ang maaaring mag testimonya na ito ay isang hindi komportableng karamdaman. Dahil sa pangangating ito, ang isang tao ay labis na nakakaramdam ng sensasyon na kamutin ng kamutin ang parteng nangangati. May mga pagkakataon na mahirap pigilan ang pag kamot rito, kung kaya’t may mga pagkakataon na nagsusugat ang balat ng isang tao. Ang pagtukoy sa dahilan ng pangangati ng balat ay maaaring may kahirapan, lalo na kung wala itong kamalayan sa allergies ng kanyang katawan.

May ibang mga kaso naman ng pangangati na kanilang natutukoy ang sanhi ng pangangati ng katawan base sa itsura ng kanilang balat. Tulad ng ibang mga kondisyon, ang pangangati ng buong katawan ay maaari ring magamot. Ang ilan sa mga paraang ito ay maaaring gawin sa tahanan tulad ng pagbibigay moisture sa balat at paglilinis ng paligid na tinutuluyan. Ngunit may ilang mga kondisyon na kinakailangan ng medikasyon mula sa doktor upang tuluyang mawala ang pangangati ng katawan. Ang ilan sa mga treatment para dito ay anti-itch o antihistamine medicines at creams.

Mga Sintomas

Ang isang taong nakakaranas ng pangangati ay tiyak na makakaramdam ng kati kati sa kaniyang balat. Ito ay maaaring maranasan sa iba't-ibang parte ng katawan, ngunit may mga malubhang kondisyon kung saan ang isang tao ay nakakaranas ng pangangati ng kanilang buong katawan. Bukod sa pangangati, narito ang ilan sa maaaring itsura ng apektadong balat.

  • May mga butlig na makikita sa parte ng katawan na nangangati.

  • Ang nangangati na parte ng katawan ay mayroong nana.

  • Nagtutubig o may tubig sa loob ng nangangating balat.

  • Dry ang balat

  • Namamalat ang balat lalo na sa parteng nangangati.

Ayon sa kay Shiel, W. 1, ang ilan sa mga pasyenteng nakakaranas ng pangangati sa katawan ay maaaring makaranas ng ibang sintomas tulad ng cramping at blistering. Bukod pa dito, kaniyang sinabi na may mga pasyente na nakaranas ng sensasyon kung saan may gumagalaw sa kanilang balat at dugo. Kung ang isa ay nakakaranas ng ilan sa mga nabanggit at hindi ito kayang bigyan solusyon ng mga over the counter na gamot, mainam na ito ay ipatingin sa doktor upang malaman ang nararapat na treatment sa pangangati ng katawan.

"A review of our Patient Comments indicated that people with itching may also have coexisting symptoms. One patient reported a sensation of something crawling on her skin, while another mentioned a feeling of something moving in his blood. Sometimes cramping and blistering accompany the itching. " - Shiel, W. September 10, 2019

Sanhi ng Pangangati ng Balat

Ang isang tao ay maaaring makaranas ng pangangati dahil sa mga iba't-ibang mga kondisyon at iba’t-ibang mga pathogen. May mga pagkakataon na ito ay dahil sa iritasyon na dulot ng mga organismo at may mga pagkakataon na ito ay dahil ng malubhang skin condition. Gayunman, narito ang ilan sa mga sanhi ng pangangati ng balat.

Dry na Balat

Ang labis na pagiging dry ng balat ay nagdudulot ng pangangati sa isang tao. Upang maipaliwanag sa madaling salita, ang balat ng isang tao ay nagiging dry dahil hindi ito nagkakaroon ng hindi sapat na moisture. Ayon sa Cleveland Clinic 2, habang tumatanda ang isang tao ang glands nito sa katawan tulad ng sweat glands at oil glands ay hindi na nakakapag produs ng sapat na moisture para sa balat ng tao. Kaya naman, dahil sa pangyayaring ito nagiging dry ang balat ng isang tao. Ang mga salik na maaaring makadagdag sa pagkakaroon ng dry skin ay ang mga sumusunod:

  • Edad. Tulad ng nabanggit, ang sweat glands at oil glands ay hindi nakakapagbigay ng sapat na moisture kung kaya't nagiging dry ang balat ng isang tao.

  • Klima. Ang klima kung saan nakatuloy ang isang tao ay nakakadagdag sa dahilan ng pagkakaroon ng dry skin at pangangati. Ang mga taong nakatira sa mainit na lugar tulad ng Pilipinas ay kadalasang nakakaranas pangangati.

  • Heredity. May mga taong genetically na mayroong dry skin. Nangyayari ito dahil namamana ito ng tao sa kanilang magulang o kapamilya.

  • Mga ibang kondisyon. Maaaring maging dry ang balat ng isang tao kung nakakaranas ito ng ilang health condition tulas ng diabetes at sakit sa kidney o kidney disease.

Kung ang pangangati ng iyong balat ay sanhi ng labis na pagiging dry nito, ang paggamit ng moisturizer, pag inom ng tubig, at pag gamit ng mild na sabon sa pagligo ay maaaring makatulong para dito.

"The medical term for dry skin is xerosis. Allergies, irritants and skin conditions like eczema can also make skin dry. Treatments can provide relief." - Cleveland Clinic May 13, 2020

Fungal Infection

Ang mga fungal infection ay isang rason sa pangangati ng katawan ng isang tao. Ang mga fungi ay isang mikrobyo na nakatira sa iba't-ibang lugar tulad ng lupa, mga halaman, mga kagamitan sa tahanan, at pati na rin sa balat ng isang tao. Ang ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan ng isang tao na may fungal infection ay pangangati ng balat, pamumula at pamamantal ng balat, pamamaga ng balat, pamamalat ng balat, at paltos sa parteng infected ng fungi. Ang fungal skin infection ay maaaring maranasan sa iba't-ibang parte ng katawan tulad ng binti, braso, dibdib, at pati na rin sa singit ng isang tao. Ang ilan sa mga kilala at karaniwang fungal skin infection 3 na nararanasan ng mga Pilipino ay ang mga sumusunod:

  • Alipunga. Ang alipunga o athlete's foot 4 ay isang fungal infection na nag umpisa sa mga daliri ng paa ng isang tao. Ang fungi na nagdudulot ng alipunga ay dumadami sa mga lugar na mamasa masa tulad ng pawis na medyas. Dahil dito, ang isang tao ay nakakaranas ng alipunga o athlete's foot. Bukod pa dito, ang paggamit ng sobrang sikip na sapatos ay maaaring magdulot ng alipunga.
"It commonly occurs in people whose feet have become very sweaty while confined within tight-fitting shoes. Signs and symptoms of athlete's foot include an itchy, scaly rash. The condition is contagious and can be spread via contaminated floors, towels or clothing." - Mayo Clinic October 15, 2021
  • An an. Ang an an o tinea versicolor 5 ay isang fungal infection kung saan nagkakaroon ng discoloration sa apektadong balat ng isang tao. Sa madaling salita, ang apektadong balat ng fungi ay nagdudulot ng itsura kung saan nagiging iba ang kulay kumpara sa normal na kulay ng balat ng tao. Bagamat ang fungal infection na ito ay hindi nakakahawa at hindi kasing lubha tulad ng ibang mga fungal skin infection, maaari itong magbigay ng emotional distress sa isang tao lalo na kung ito ay dumadami sa mukha.
"The fungus interferes with the normal pigmentation of the skin, resulting in small, discolored patches. These patches may be lighter or darker in color than the surrounding skin and most commonly affect the trunk and shoulders." - Mayo Clinic April 07, 2020
  • Buni. Ang buni ay isang fungal infection na nagbibigay ng histurang singsing sa apektadong balat, kaya naman tinatawag ito bilang ringworm 6 sa ingles. Ito ay nagbibigay ng pamumula at pangangati sa apektadong balat ng isang tao. Ang fungal infection na ito ay labis na nakakahawa. Maaaring mahawa ang isang tao ng buni sa pamamagitan ng pagkakaroon ng physical contact at paghawak ng mga bagay na ginamit ng taong mayroong buni tulad ng tuwalya, damit, at suklay.
"Ringworm isn’t a worm. It’s a skin infection that’s caused by mold like fungi that live on the dead tissues of your skin, hair, and nails." - WebMD March 15, 2021

Bacterial Infection

Ang mga bacterial skin infection ay dulot ng iba’t-ibang bacteria. Ang mga impeksyon na ito ay karaniwang naguumpisa sa maliit na pamumula hanggang sa ito ay tuluyang lumaki at kumalat at hanggang sa ito ay hindi naaagapan. Ang mga bacterial infection ay maaaring magamot sa pamamagitan ng mga antibiotics. Isa sa mga karaniwang bacterial infection na nagdudulot ng pangangati ay ang mamaso.

  • Ang mamaso o impetigo 7 ay isang bacterial infection na dulot ng mga staphylococci organisms. Labis na nakakahawa ang mamaso at karaniwang nakakaapekto sa mga sanggol at bata. Ang itsura nito ay maaaring magdulot ng kaba at takot sa taong nakakaranas nito dahil ito ay nagdudulot ng madilaw- dilaw na crusts sa apektadong balat bukod sa pamumula nito at pangangati. Kung ang isang tao ay kasalukuyang nakakaranas ng mamaso, mabuti na bumili ng nararapat na antibiotics upang hindi lumala ang impeksyon.
"It usually appears as reddish sores on the face, especially around the nose and mouth and on the hands and feet. Over about a week, the sores burst and develop honey-colored crusts. Treatment with antibiotics can limit the spread of impetigo to others." - Mayo Clinic April 21, 2021

Allergies

Ang allergy sa pangkalahatan ay nagdudulot ng allergy symptoms 8. Isa sa pinaka karaniwang sintomas nito ay ang pangangati at pagkakaroon ng mga pantal.

"Irritated skin can be caused by a variety of factors. These include immune system disorders, medications and infections. When an allergen is responsible for triggering an immune system response, then it is an allergic skin condition." - AAAAI n.d.

Pangangati ng Iba't-Ibang Bahagi ng Katawan

Ang pangangati ay maaaring maramdaman sa anumang parte ng katawan. Basta nagkaroon ng iritasyon o impeksyon sa parteng ito, tiyak na ito ay magdudulot ng pangangati. Pero saan ba madalas na nagkakaroon ng kati kati sa katawan at ano ang karaniwang sanhi nito?

  • Kati kati sa mukha. Ang kati kati sa mukha ay isang karaniwang kondisyon na nararanasan ng marami sa mga tao. Ang pangangating sensasyon na ito ay maaaring tawagin bilang Pruritus 9. Ang tao ay nakakaranas ng ganitong kondisyon dahil sa pagiging labis na pagiging dry ng kanilang balat.
"Pruritus may be localized or generalized and can occur as an acute or chronic condition. Itching lasting more than 6 weeks is termed chronic pruritus. Itching can be intractable and incapacitating, as well as a diagnostic and therapeutic challenge." - Sood, A. et al. April 2010
  • Pangangati sa dibdib. Ang pangangati sa dibdib ay maaaring sanhi ng iba't-ibang kondisyon gaya ng Allergic contact dermatitis 10 at mga bacterial o fungal infections.

  • Pangangati ng puson. Ang mga kababaihan nagbubuntis ay kadalasang nakakaranas ng pangangati sa kanilang tiyan o sa kanilang puson. Bagamat hindi ito kasing lubha kumpara sa ibang mga kondisyon, maaari pa rin itong magdulot ng diskomport at stretch marks.

"More than 1 in 10 pregnant women say itching is a problem. The reasons range from harmless rashes to more serious conditions." - WedMD n.d.
  • Pangangati sa singit. Ang pangangati ng singit ay kadalasang sanhi ng kondisyon tulad ng hadhad o jock itch. Ang jock itch 11 o tinea crusis ay isang fungal infection na namumuo sa parte ng katawan na labis ang pawis.
"The rash often affects the groin and inner thighs and may be shaped like a ring. Jock itch gets its name because it's common in athletes. It's also common in people who sweat a lot or who are overweight." - Mayo Clinic March 04, 2020

Bukod sa mga nabanggit, may mga health conditions na maaaring magdulot ng pangangati sa iba't-ibang parte ng katawan. Ang ilan dito ay ang mga sumusunod:

Kagat ng mga insekto

  • Hives 12

  • Shingles 13

  • Scabies 14

  • Psoriasis 15

Paano Mawala ang Pangangati ng Balat

Narito ang mga paraan para maibsan ang pangangati ng balat.

  • Panatilihing malinis ang paligid. Kinakailangan siguraduhin na panatilihing malinis ang paligid na tinutuluyan, lalo na ang silid na ginagamit. Dahil kahit na gumagamit na ng gamot para sa pangangati, ang maduming kama, unan, upuan, o silid na tinutuluyan ay nakakaapekto pa rin sa balat ng isang tao.

  • Kailangan na maligo at linisin ang katawan. Kinakailangan na maligo at linisin ang katawan upang hindi maging malubha ang kondisyon ng balat at mawala ang ilang mga mikrobyo na pumapamahay dito.

  • Subukan gumamit ng moisturizer. Maaaring gumamit ng moisturizer kung ang ang pagiging dry ng balat ang sanhi ng pangangati, sa tulong ng moisturizer, mababawasan ang pagiging dry ng balat.

  • Subukan na mag suot ng loose na damit at damit na may malambot na tela. Kinakailangan na iwasan muna ang pagsusuot ng damit na nagdudulot ng pangangati, tulad ng makapal na damit. Bukod pa duon, maigi na iwasan muna ang pagsusuot ng mahigpit na damit hanggat hindi bumubuti ang kondisyon.

  • Uminom ng mga nararapat na gamot. Kung matinding pangangati ang nararamdaman, maaaring uminom ng mga over the counter na gamot para dito gaya ng antihistamine na cetirizine. Maaari ring gumamit ng mga cream at powder na ipapahid sa apektadong balat upang mawala ang pangangati ng balat.

Home Remedy para sa Pangangati ng Balat

Ang pangangati na nararamdaman ay maaaring mabigyan ng lunas sa pamamagitan ng mga sumusunod na home remedy.

  • Paggamit ng Moisturizer.

  • Paggamit ng essential oil gaya ng efficascent oil.

  • Magsagawa ng cold compress.

  • Maaaring gumamit ng humidifier.

  • Maaari ring bumili ng gamot para sa pangangati tulad ng cetirizine upang mapawi ang pangangati.

FAQs

Anong gamot na mabisa para sa pamamantal at pangangati?

Ang cetirizine ay kilalang gamot na nakakatulong para sa mga sintomas tulad ng pamamantal at pangangati.

Bakit pwedeng gamot ang cetirizine para sa pangangati?

Ang cetirizine ay isang antihistamine na gamot kaya naman mabisa ito sa pagpapabuti ng allergic symptoms tulad ng pamamantal at pangangati.

Anong sanhi ng pangangati?

Iba't-iba ang maaaring sanhi ng pangangati na nararanasan ng isang tao. Ilan sa mga ito ay ang allergies, dry na balat, bacterial at fungal infection.

Anong kondisyon ang pangangati sa singit?

Ang karaniwang kondisyon na pangangati sa singit ay tinatawag na hadhad o jock itch.

Anong home remedies ang pwedeng gawin para sa pangangati?

Ang ilan sa mga home remedies na maaaring gamitin upang mawala ang pangangating nararamdaman ay paggamit ng moisturizer, essential oil, at humidifier. Maaari ring magsagawa ng cold compress at uminom ng gamot na over the counter medicines.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. Shiel, W. (September 10, 2019). "Itching: Symptoms & Signs" Retrieved from: https://www.medicinenet.com/itch/symptoms.htm

  2. Cleveland Clinic. (May 13, 2020). "Dry Skin" Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16940-dry-skinitchy-skin#symptoms-and-causes

  3. WebMD. (February 14, 2020). "Fungal Infections of the Skin" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/fungal-infections-skin

  4. Mayo Clinic. (October 15, 2021). "Athlete's foot" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/athletes-foot/symptoms-causes/syc-20353841

  5. Mayo Clinic. (April 07, 2020). "Tinea versicolor" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/tinea-versicolor/symptoms-causes/syc-20378385

  6. WebMD. (March 15, 2021). "What You Should Know About Ringworm" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/what-you-should-know-about-ringworm

  7. Mayo Clinic. (April 21, 2021). "Impetigo" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/impetigo/symptoms-causes/syc-20352352

  8. AAAAI. (n.d.). "Skin Allergy" Retrieved from: https://www.aaaai.org/Conditions-Treatments/Allergies/Skin-Allergy

  9. Sood, A. et al. (April 2010). "Pruritus" Retrieved from: https://www.clevelandclinicmeded.com/medicalpubs/diseasemanagement/dermatology/pruritus-itch/

  10. Mayo Clinic. (June 19, 2020). "Contact dermatitis" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/contact-dermatitis/symptoms-causes/syc-20352742

  11. Mayo Clinic. (March 04, 2020). "Jock itch" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/jock-itch/symptoms-causes/syc-20353807

  12. Healthline Editorial Team. (March 8, 2019). "Hives" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/hives

  13. Mayo Clinic. (September 17, 2021). "Shingles" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/shingles/symptoms-causes/syc-20353054

  14. Mayo Clinic. (August 25, 2020). "Scabies" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/scabies/symptoms-causes/syc-20377378

  15. Mayo Clinic. (May 02, 2020). "Psoriasis" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/psoriasis/symptoms-causes/syc-20355840

  16. WebMD. (n.d.). "Allergy Relief (Cetirizine) 10 Mg Tablet - Uses, Side Effects, and More" Retrieved from:

https://www.webmd.com/drugs/2/drug-150253/allergy-relief-cetirizine-oral/details

  1. WebMD. (n.d.). "Why Do I Feel So Itchy?" Retrieved from: https://www.webmd.com/skin-problems-and-treatments/guide/why-so-itchy

  2. Lipsforce. (n.d.). "Sumifun Eczema Herbal Cream, Anti-Itch Paste, for Dry, Itchy, Cr" Retrieved from: https://lipsforce.shop/index.php?main_page=product_info&products_id=1094

  3. Watsons. (n.d.). "FISSAN" Retrieved from: https://www.watsons.com.ph/exta-cool-prickly-heat-powder-100g/p/BP_10010465

  4. Nall, R. (July 09, 2020). "Cetirizine" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/drugs/cetirizine#:~:text=Heart%20Health%20newsletter-,How%20to%20take%20it,10%20mg%20in%2024%20hours.