Gamot

Gamot sa Pangingilo ng Ngipin

Ang pangingilo ng ngipin ay nagbibigay ng labis na pananakit sa isang tao. Alamin mo dito ang gamot na makakatulong para sa pangingilo ng ngipin.

Ouch! Hindi makainom ng malalamig na tubig dahil sa pangingilo ng ngipin? ‘Wag kang mag alala sa kondisyong ito dahil ang pangingilo ay isang kondisyon na kayang mapabuti sa pamamagitan ng pag inom ng gamot. Kaya naman alamin mo sa artikulong ito ang nararapat at nababagay na gamot sa pangingilo ng ngipin mo.

Ang pangingilo ng ngipin ay nagdadala ng labis na sakit sa isang tao. Kadalasan ang mga nakakaranas ng pangingilo ay ang mga taong may tooth sensitivity 1, tinatawag din itong dentin hypersensitivity. Ang pakiramdam na ito ay maaaring pansamantala lamang ngunit may mga pagkakataon na ito ay chronic o pangmatagalan. May mga taong nakakaranas ng pangingilo sa isang ngipin lamang ngunit ang iba naman ay nakakaranas sa maraming ngipin.

"Tooth sensitivity occurs when the underlying layer of your teeth -- the dentin -- becomes exposed as a result of receding gum tissue (the protective blanket that covers the tooth roots). The roots, which are not covered by hard enamel (2), contain thousands of tiny tubules leading to the tooth’s nerve center (the pulp)." - Cleveland Clinic August 29, 2019

Sanhi ng Pangingilo ng Ngipin

Kahit pa ilang ngipin ang nangingilo, hindi maaalintala na ito ay naghahatid ng labis na sakit ng ngipin, kaya naman marami ang naghahanap ng treatment para dito. Ngunit bago malaman ang mga gamot at paraan na makakatulong sa pangingilo ng ngipin, ano nga ba ang sanhi ng pangingilo nito?

Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nangingilo ang ngipin ng isang tao.

  • Manipis na enamel. Ang mga taong may manipis na enamel ay mas nakakaranas ng pangingilo ng ngipin. Ang enamel ay ang outer covering ng ngipin ng isang tao.
"Some people naturally have more sensitive teeth than others due to having thinner enamel. The enamel is the outer layer of the tooth that protects it." - Gotter, A. September 29, 2018
  • Madalas na pag inom ng acidic na inumin. Ang pagkain ng mga pagkain na acidic at inumin na acidic ay nagiging rason kung bakit ang outer covering ng ngipin ay humihina. Kaya naman nangingilo ang ngipin.

  • Teeth grinding. Ang teeth grinding ay nagdudulot ng tooth sensitivity dahil sa pamamagitan ng pag grind ng mga ngipin nagiging cracked ang enamel ng ngipin.

"Teeth grinding(3) (also known as bruxism) is just another way our bodies react to stress, but if left unchecked, it can cause major tooth sensitivity, which is both painful and stressful. The damage happens slowly over time: grinding creates tiny cracks in the enamel of your teeth. Eventually dentin, the sensitive layer under your enamel, becomes exposed and makes your teeth vulnerable to hot and cold temperatures." - Listerine November 2020

Ang mga taong may tooth sensitivity ay maaaring makaranas ng sakit at pangingilo ng ngipin na nagdudulot ng labis na discomfort. Ang ilan sa mga nakakatrigger sa pangingilo ng ngipin ay ang mga sumusunod:

  • Mainit na inumin. Ang mga mainit na inumin tulad ng tea o kape ay nakakatrigger ng pangingilo ng ngipin.

  • Malamig na inumin. Mas madalas na nararanasan ng mga tao ang pangingilo ng ngipin tuwing umiinom ng malamig na inumin tulad ng malamig na tubig, juice, at soft drinks.

Ang ilan pa sa mga kinukonsumo na nakakapag trigger ng pangingilo ng ngipin ay ang mga sumusunod:

  • Matamis na pagkain at inumin

  • Acidic na pagkain

  • Pag sisipilyo ng ngipin

  • Alcohol na mouthwash

Mga Gamot sa Pangingilo ng Ngipin

Ang pangingilo ay sagabal na pakiramdam lalo na kung ang tao ay kumain o nasa okasyon na may mga kasamang tao at biglang mangingilo at mananakit ang iyong ngipin. Kaya naman ang mga sumusunod ay mga gamot at paraan upang matulungan at mapawi ang pangingilo ng iyong ngipin.

  • Fluoride supplements. Ang fluoride ay kilala bilang isang factor na nakakatulong sa oral health ng isang tao. Kaya naman ang pag inom ng mga fluoride supplements ay makakatulong upang maiwasan ang tooth sensitivity at tooth decay.

  • Fluoride. Ang paglalagay ng fluoride sa nanakit na ngipin ay maaaring makatulong upang palakasin ang enamel ng ngipin upang hindi ito madalas na mangilo.

"Your dentist might apply fluoride to the sensitive areas of your teeth to strengthen tooth enamel and reduce pain. He or she might also suggest the use of prescription fluoride at home, applied via a custom tray."* - Mayo Clinic October 15, 2019 *

  • Gumamit ng desensitizing toothpaste na nakakatulong para pangingilo. Ang mga toothpaste na gaya ng sensodyne ay desensitizing toothpaste. Sa tulong ng toothpaste na ito matutulungan ang pananakit at pangingilo ng nararamdaman ng may tooth sensitivity.

Ang ilan pa sa mga maaring gamitin para mapawi ang pangingilo ng iyong ngipin ay ang mga sumusunod:

  • Fluoride gel

  • Dental Sealants

  • Mouthguard

Kailangan Bang Magpa Root Canal?

Kung ang pangingilo ng ngipin ay malala na at hindi mabigyan solusyon ng mga supplements at desensitizing toothpaste, maaaring gawin ang medical procedure na ginagawa para sa tooth sensitivity gaya ng Root canal. Ang Root canal 4 ay isang procedure na ginagawa para magamot ang mga conflits sa core ng ngipin o dental pulp. Ayon sa pananaliksik, ito ay isang epektibong technique upang matanggal ang tooth sensitivity.

" root canal — a procedure used to treat problems in the tooth's soft core (dental pulp (5)). While this might seem like a significant treatment, it's considered the most successful technique for eliminating tooth sensitivity." - Mayo Clinic October 15, 2019

FAQs

Anu-anong ang mga gamot pwede sa pangingilo ng ngipin?

Pwedeng gumamit ng ng fluoride treatments gaya ng fluoride gel at fluoride supplements para mabigyan ng solusyon ang pangingilo ng ngipin. Pwede rin na gumamit ng desensitizing toothpaste, gumamit ng mouthguard para hindi mag grind ang ngipin at magdulot ng pangingilo.

Anu-ano ang mga nakaka trigger ng pangingilo ng ngipin?

Kadalasang nakakaranas ang pangingilo ng ngipin kapag umiinom ng malamig na inumin tulad ng juice at soft drinks. Pwede ring magdulot ang mga malamig na pagkain ng pangingilo tulad ng ice cream. Bukod pa dito, maari ringmaka trigger ang mainit na inumin at pagkain, mga pagkain na acidic at acidic na inumin.

Anong toothpaste ang maganda pa sa nangingilong ngipin?

Ang sensodyne ay isa sa kilalang toothpaste para sa teeth sensitivity.

Anong gagawin kung hindi bumubuti ang pangingilo ng ngipin?

Maaari itong ikonsulta sa iyong dentista at pag-usapan ang mga medical procedures na maaaring makatulong upang mawala ang pangingilo ng ngipin tulad ng root canal.

Bakit nakakaranas ng pangingilo?

Nakakaranas ng pangingilo ng ngipin ang isang tao dahil sa ang iba ay may manipis na enamel. Okaya naman ay nagiging wear down and enamel ng ngipin.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

  1. Szalay, J. & Taylor, A. (May 19, 2021). "Tooth sensitivity: Causes and remedies" Retrieved from: https://www.livescience.com/44377-sensitive-teeth.html

  2. Wyatt, A. (June 07, 2020). "Tooth Enamel Erosion and Restoration" Retrieved from: https://www.webmd.com/oral-health/guide/tooth-enamel-erosion-restoration

  3. Frisbee, E. (July 29, 2021). "Dental Health and Teeth Grinding (Bruxism)" Retrieved from: https://www.webmd.com/oral-health/guide/teeth-grinding-bruxism

  4. Mayo Clinic. (October 15, 2019). "What causes sensitive teeth, and how can I treat them?" Retrieved from: https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/adult-health/expert-answers/sensitive-teeth/faq-20057854

  5. Yetman, D. (February 9, 2021). "What You Need to Know About Your Tooth Pulp" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/tooth-pulp

  6. Gotter, A. (September 29, 2018). "Why Are My Teeth So Sensitive?" Retrieved from: https://www.healthline.com/health/sensitive-teeth

  7. Listerine. (November 2020). "Stop the Grind: You Might Be Causing Tooth Sensitivity" Retrieved from: https://www.listerine.com/tooth-sensitivity/teeth-grinding

  8. Cleveland Clinic. (August 29, 2019). "Teeth Sensitivity" Retrieved from: https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/10954-teeth-sensitivity