GamotNatural na Remedyo

Gamot sa Pigsa

Ikaw ba ay may pamumula sa balat, mistulang may impeksyon, parang may bukol sa ilalim ng balat, may nana at masakit kapag ito ay pinindot? Baka pigsa na iy

Ikaw ba ay may pamumula sa balat, mistulang may impeksyon, parang may bukol sa ilalim ng balat, may nana at masakit kapag ito ay pinindot? Baka pigsa na iyan! Huwag mag-alala dahil marami namang gamot laban dito. Bagamat ito’y hindi seryosong sakit katulad ng iba ay kailangan pa rin itong gamutin sapagkat ito’y nagdudulot ng pagkairita, pagkabalisa, kawalan ng tiwala sa sarili at pananakit ng parte ng katawan na may pigsa. Maraming gamot sa pigsa na pwedeng bilhin sa botika para makatulong sa mabilisang paggaling nito.

Ano ba ang Pigsa?

Ano nga ba ang pigsa? Ito ay isang uri ng impeksyon sa balat na karaniwang nagmumula sa ugat ng balahibo or buhok (hair follicle). Ang affected area ay maaari ring makati at mainit.

Ayon sa Mayo Clinic, “The lumps quickly fill with pus, growing larger and more painful until they rupture and drain.” (Ang umbok ay napupuno ng nana, kaya mas lumalaki at masakit kapag ito ay pumutok.) (1)

Saang parte ng katawan mas madalas tumubo ang pigsa? Karaniwang tumutubo ang pigsa sa leeg, kili-kili, sa puwet o hita. Pwede itong makuha ng bata sa isang taong may pigsa sa pamamagitan ng direct contact o kaya'y kapag nahawakan niya ang mga kontaminadong gamit o lugar. Karaniwan ang pigsa sa mga batang may diabetes, may malnutrisyon, o iba pang kondisyon na nagpapahina sa kanilang immune system o resistensiya, ayon sa DOH. (2)

Mga Sintomas

Nagsisimula ang pigsa (boil) sa pamumula ng balat na kalaunan ay nagkakaroon ng maliit na bukol sa ilalim ng balat hanggang sa magkaroon ng nana(pus). Mula sa pulang kulay nito, magiging puti ito o dilaw dahil sa nanang namuo pagkalipas ng lima hanggang anim na araw.

Ang sintomas 3 ng pigsa ay;

Sanhi o Dulot

Ano nga ba ang mga sanhi ng pigsa (4)? Saan natin ito nakukuha?

Ang pigsa ay nabubuo dahil sa bakterya na tinatawag nilang Staphylococcus aureus na nakapasok sa hair follicles ng balat. Gaya ng nabanggit, ang sanhi ng pigsa ay ang pagkahawa mula sa bacteria na S. aureus. Isang pangkaraniwang bacteria ang S. aureus, at kadalasan ay matatagpuan ito sa balat ng tao at sa loob ng ilong. Ang maliit na mga sugat sa balat mo ay nagiging lapitan o pamahayaan ng bakteryang ito kaya nagkakaroon ng impeksyon. Nag-uumpisa ang pigsa mula sa maliliit na sugat, kagat ng insekto, o iba pang pinsala sa balat na nagdudulot ng butas kung saan ay puwedeng pasukan ng S. aureus. Sa kalaunan, mamumuo ang nana sa loob ng bukol at ito naman ang sanhi ng paglaki ng pigsa.

Ano ba ang mga kalagayan na maaaring magpalakas ng posibilidad na magkaroon ka ng pigsa? Ang pakikihalubilo sa mga taong may pigsa ay magpapataas ng iyong chance na magkaroon nito. Narito ang ilan pang mga salik na maaaring mong bantayan:

Gamot sa Pigsa na Nabibili sa Botika

Apply alcohol or povidone iodine for at least ten minutes on the boil three times a day. This antiseptic will treat the boil from the outside and avoid further infecting the boil.(5)

-Dr. Willie Ong (Internist and Cardiologist)

Mga Halamang Gamot sa Pigsa

Ikaw ay tunay na pinoy kapag ikaw ay gumamit ng halamang gamot bukod sa gamot na binili mo sa botika. Sabi ng matatanda walang masama kung gumamit ng mga dahon-dahon.

  • ALUGBATI, SAMBONG o AMARILLO/ MARIGOLD- Isa sa mga ipinapayo ng mga matatanda sa atin ay ang paggamit ng mga dahong ito. Dikdikin ang dalawang dahon ng mga nasabing halaman (kahit ano sa tatlo) at itapal sa bahagi ng katawan na may pigsa. Gawin ito sa dalawang beses sa isang araw sa loob ng limang araw.

Gumamela- Gumamit ng limang dahon ng gumamela, tadtadin ito at ilagay ito sa ibabaw ng mata ng pigsa dalawang beses kada araw.

Langka- Maari mong pigain ang katas ng balat ng puno ng langka at haluan ito ng kaunting patak ng suka. Initin ang pinaghalong katas at suka. Ilagay ito sa pigsa na mainit init pa. Takpan ng malinis na sa loob ng 20 minuto. Ulitin ito ng dalawang beses kada araw.

Bawang- Ang bawang ay nagtataglay ng mga elementong lalaban sa mga mikrobyo. Ito ay isang epektibong gamot sa pigsa. Kumuha ng bawang at dikdikin ito. Ilagay ito sa ibabaw ng pigsa ng ilang minuto bago hugasan. Gawin ito ng dalawa o tatlong beses kada araw. Ang pamamaraang ito ay nakatutulong upang mabilis na maalis ang pigsa.

Sibuyas- Ang sibuyas ay may kakayahang magpagaling ng pigsa, Hiwain ng pinong pino ang sibuyas at ilagay ito sa pigsa. Gawin ito araw araw para mawala agad ang pahirap na pigsa.

Gamot sa Pigsa Home Remedy

Napapanahon ngayon ang home remedy dahil mahirap ang magpatingin sa doktor bunga ng kumakalat na corona virus. Narito ang mga sumusunod na hakbang upang madaling gumaling ang pigsa ng isang tao;

Smaller boils will likely heal without problems. If you have a larger lesion, though, you may have scarring that doesn’t completely disappear. (7)

-Healthline

Mabisang Gamot sa Pigsa

*Antibiotic gaya ng cloxacillin, dahon ng aligbati/marigold/sambong at warm compress ang mga mabibisang gamot para mapabilis ang paggaling ng pigsa. *

Antibiotic (cloxacillin) ang kadalasang nirereseta ng mga doktor sa mga taong may pigsa. Ito ay nakakatulong mapuksa ang impeksyon na dulot ng bakterya. Kadalasan itong iniinom ng tatlong beses isang araw sa loob ng pito hanggang labing apat 7-14 araw. *PAALALA: Kailangan ang reseta ng doktor kapag bumibili ng antibiotics. *

WARM COMPRESS (8)- Gumamit ng init para maibsan ang sakit na dulot ng mapapamaga ng pigsa. Ang paglalagay ng init sa pigsa ay magpapabilis ng sirkulasyon ng dugo at tutulong itong upang pahupain ang pamamaga at sakit.

ALUGBATI, SAMBONG o AMARILLO/ MARIGOLD- Isa sa mga ipinapayo ng mga matatanda sa atin ay ang paggamit ng mga dahong ito. Dikdikin ang dalawang dahon ng mga nasabing halaman (kahit ano sa tatlo) at itapal sa bahagi ng katawan na may pigsa. Gawin ito sa dalawang beses sa isang araw sa loob ng limang araw.

Mga Tips Para Maiwasan ang Pigsa

Disiplina sa sarili ang kailangan. Ang tamang paglilinis sa sarili ay magpapabawas ng posibilidad na magkaroon ka ng pigsa dahil ang sanhi nito ay bakterya.

Ang mga sumusunod ay mga simpleng bagay na parte ng pang-araw araw na buhay natin ngunit nakakalimutan natin itong gawin 9;

  • Maghugas ng kamay- bago at pagkatapos kumain at pagkatapos na gumamit ng banyo.

  • Maligo ka araw araw. Hindi porket hindi ka lalabas ng bahay ay hindi ka maliligo, hindi ganoon iyon kapatid. Maligo para hindi dapuan ng sakit.

  • Kung hindi ka sigurado sa mga gagawin sa pagpisa ng pigsa ay mas mainam na ikaw ay pumunta or tumawag sa doktor para magpakonsulta.

Gamot sa Pigsa FAQs

Ano ang pinakamabisang gamot sa pigsa?

  • Antibiotic gaya ng cloxacillin na mabibili sa botika kung ikaw ay may reseta ng doctor. Iniinom ito dalawang (2) beses sa isang araw na iniinom ng pito hanggang labing apat 7-14 araw.

  • Sa mga malalang kaso ng pigsa, maaring madagdagan ng isa pang antibiotic gaya ng Co-Amoxiclav 625 mg tablet, dalawa (2) beses sa isang araw na iniinom ng pito hanggang labing apat (7-14) araw.

Antibiotics alone can be inadequate in treating abscesses. The primary treatments for boils include hot packs and draining ("lancing") the abscess but only when it is soft and ready to drain. Most of these skin conditions resolve on their own or with home remedies. (10)

*-Medicine Net *

Ilang araw bago gumaling pigsa?

Ito ay depende sa abilidad ng katawan ng isang tao. Kung mahina ang iyong resistensya at may mga karamdaman kang pwedeng magpalala sa kondisyon ng sugat gaya ng *diabetes *ay paniguradongmas matagal ang paggaling. Karaniwan itong tumatagal ng isa hanggang dalawang linggo.

Nakakahawa ba ang pigsa?

** ** Ang pigsa ay nakakahawa ayon sa mga doktor kapag ang nana ay napunta sa bahagi ng katawan mong maaring mabuhay ang bakteryang dulot ng pigsa.

Paano malalaman kung ang mata ng pigsa ay maari ng pigain o tirisin?

Maari ng pigain o tirisin ang pigsa kapag ang kulay ang nagbago mula sa pula ay naging puti o dilaw ito. Kapag ang mata o nana ay lumitaw na sa ibabaw ng pigsa at kapag ang bukol ay naging malambot na.

Paano maiiwasan ang pigsa?

  • Maging malinis sa katawan at kapaligiran.

  • Huwag gumamit ng gamit ng iba lalo kung ito ay personal na mga gamit sa katawan.

  • Laging takpan ang anumang sugat para makaiwas sa bakterya.

  • Ang maayos na pangangalaga sa sugat ay kailangan ding gawin, kagaya ng paghugas sa sugat gamit ang tubig at sabon, at paglalagay ng topical ointment para maiwasan ang impeksyon.

  • Dahil nakatutulong ito sa pagpapalakas ng iyong resistensya at sa pangkalahatang kalusugan ng pangangatawan, nakatutulong din ang pagkain ng tama, regular na pag-eehersisyo, at sapat na tulog para maiwasan ang pigsa at mga iba pang uri ng mga sakit.

Sino ang nagkakapigsa?

Kahit sino ay maaring magkaroon ng pigsa ngunit mas madalas ito sa mga matatabang tao, mahina ang resistensya, mga mga matagalang sakit, matatanda at may sakit na gaya ng diabetes. Kung may marami pimples o balahibo sa katawan, maari ka rin magkapigsa dahil ang *staphylococcus* ay nasa balat natin.

Kailan ka dapat pumunta sa doktor?

Kapag ang pigsa ay sa harap ng mukha at sa may bandang ilong sa kadahilanang kailangan itong magamot agat para hindi lumala ang impeksyon at nana at pumunta sa ulo natin. Kapag maraming tumubong pigsa sa katawan na may kasamang lagnat, dapat pumunta na agad sa doktor at magpakonsulta.

Disclosure: maaaring may kasamang affiliate link ang ilang produktong nabanggit. Maaaring kumita ang Healthful Pinoy ng maliit na komisyon kapag bumili ka sa pamamagitan nito, nang walang dagdag-gastos sa iyo. Hindi ito endorso o reseta — sa doktor pa rin ang huling desisyon.

Mga Sanggunian

References: