Bakit nga ba nagkakarayuma at ano ang mabisang gamot sa rayuma? ‘Yan ang aalamin natin sa article na ito.
Ang rayuma ay isang kondisyon kung saan nagkakaroon ng disorder sa immune system ng isang tao. Ayon sa Cleveland Clinic 1, ang kadalasang nakakaranas ng rayuma ay mga taong nasa edad 20 hanggang 50 ngunit maaari pa ring makaranas ng rayuma ang mga mas matatanda lalo na ang mga nasa 60s. Kung ang isang tao ay kasalukuyang nakakaranas ng rayuman, maaari itong makaramdam ng pananakit at pamamaga sa kanilang kasukasuan at sa iba't-ibang parte ng kanilang katawan.
Tabletang Gamot sa Rayuma (Featured Product: Skelan)
Ang isa sa mga kilalang gamot para sa rayuma ay ang skelan. Ang skelan ay naglalaman ng gamot na tinatawag bilang Naproxen sodium. Ang naproxen sodium 2 ay makakatulong para bigyan ng ginhawa ang pananakit na nararamdaman sa katawan gaya ng pananakit ng ulo, pananakit ng muscles at pananakit ng puson. Maaari rin itong makatulong sa pananakit na dulot ng rayuma sa katawan ng tao.
Ang skelan ay isang nonsteroidal anti-inflammatory drug 3, gumagana ito sa pamamagitan ng pag pigil sa mga natural na substansya na nagdudulot ng pamamaga sa katawan. Mabuting isaalang-alang ang pagbabasa ng direksyon sa pakete ng produkto bago ito inumin upang malaman ang nararapat na dosis at hindi maging sobra ang gamot na ma-inom ng isang taong may rayuma. Kung ang pag inom ng skelan ay hindi pa rin nakapag pabuti ng kalagayan ng may rayuma, mainam na ito ay sangguniin sa propesyonal na doktor gaya ng rheumatologist.
"It also reduces pain, swelling, and joint stiffness caused by arthritis, bursitis, and gout attacks. This medication is known as a nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID). It works by blocking your body's production of certain natural substances that cause inflammation." - WebMD n.d.
Rayuma in English
Ang rayuma ay maaaring tawagin bilang Rheumatoid Arthritis 4 sa wikang ingles. Ang sakit na ito ay isang autoimmune disease. Ang mga autoimmune diseases 5 ay mga kondisyon kung saan ang sariling immune system ng isang tao ay umaatake sa kaniyang katawan. Ang normal na trabaho ng immune system sa katawan ay labanan ang mga dayuhang mikrobyo tulad ng bakterya at bayrus. Ngunit kung ang isang tao ay may isang autoimmune disease, kinikilala ng immune system nito na ang mga parte sa katawagan gaya ng kasukasuan at balat at dayuhang mikrobyo o selula.
Ang rheumatoid arthritis ay isang klase ng chronic arthritis na nagaganap sa kasukasuan ng isang tao. Ang arthritis 6 ay isang termino na para sa pamumula, pamamaga, at pananakit ng kasukasuan ng isang tao. Bukod sa mga kasukasuan, maaari rin itong makaapekto sa ibang parte ng katawan tulad ng balat, mata, ultimo puso, baga, dugo, at ugat.
"Rheumatoid arthritis is an autoimmune disease, meaning that the patient's immune system (the body’s infection-fighting system) is overreacting against itself. The result can cause some or all of the symptoms of rheumatoid arthritis." - Cleveland Clinic November 17, 2017
Sanhi ng Rayuma
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention 7 , ang rayuma o rheumatoid arthritis ay sanhi ng pag atake ng immune system sa sarili nitong mga selula. Bagamat hindi pa alam ang eksaktong sanhi ng kondisyong ito, may mga salik na maaaring makadagdag sa pagkakaroon ng rayuma.
- Genetika. Ang mga gene na nakuha ng isang tao mula sa kanilang magulang ay maaaring sanhi sa pagkakaroon ng rayuma ng isang tao.
"These genes, called HLA (human leukocyte antigen) class II genotypes, can also make your arthritis worse. The risk of RA may be highest when people with these genes are exposed to environmental factors like smoking or when a person is obese." - CDC July 27, 2020
-
Edad. Ang mga matatanda ay mas madalas na nagkakaroon ng rayuma.
-
Paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay maaaring magdulot ng iba't-ibang masamang kondisyon sa katawan ng isang tao. Isa narito ay ang pagkakaroon ng rayuma. Ayon sa Mayo Clinic 8, ang paninigarilyo ay maaaring sanhi sa pagkakaroon ng rayuma lalo na ang mga taong nasa 20 taon ng naninigarilyo.
"Yes, smoking is linked to the development of rheumatoid arthritis, particularly for people who have smoked 20 years or longer. Smokers also have an increased risk of more-severe rheumatoid arthritis. In addition, they may be less likely to experience remission." Mayo Clinic & Miller, A. March 26, 2020
Ang ilan pa sa mga maaaring sanhi nito ay ang kasarian ng isang tao, mga kababaihan na mayroong karanasan sa panganganak, mga eksposur, at timbang ng isang tao.
"Some early life exposures may increase risk of developing RA in adulthood. For example, one study found that children whose mothers smoked had double the risk of developing RA as adults. Children of lower income parents are at increased risk of developing RA as adults." - CDC July 27, 2020
Sintomas ng Rayuma
Dahil sa rason na ang rayuma o rheumatoid arthritis ay isang klase ng arthritis, ang isa sa karaniwang sintomas nito ay ang pamamaga at pananakit ng kasukasuan. Ngunit ang kondisyon na ito ay maaaring magbigay pa ng ibang mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
-
Nanghihina ang katawan
-
Tumitigas ang mga kasukasuan
-
Namamaga ang mga kasukasuan
-
Nananakit ang mga kasukasuan
-
Nahihirapan sa paglalakad
-
Nawawalan ng gana sa pagkain
-
Nagkakaroon ng lagnat
Ang mga tao ay maaaring makaranas ng iba't-ibang sintomas depende sa kondisyon ng kanilang rayuma. Ayon kay Brazier, Y. 9, may mga taong may rayuma na nakakaranas ng mas matinding sintomas at ito ay maaaring dulot ng stress, sobra sobrang aktibidad, at hindi pag inom ng gamot. Bukod pa dito, ang kasukasuan sa parehong panig ng katawan ay nakakaranas ng pamamaga at pananakit. Kung ang rayuma ng isang tao ay hindi maagapan at tuluyang magiging malala, maaari itong magdulot ng mga komplikasyon tulad ng kapansanan.
"Severe RA can lead to other complications throughout the body and cause joint damage that may lead to disability. Treatment can help manage the severity of symptoms and may reduce the likelihood of experiencing complications."* - Brazier, Y. November 11, 2021 *Rayuma sa Paa
Ang rayuma sa paa ay labis na nagbibigay ng pananakit at perwisyo sa isang tao. Bukos sa ito ay nananakit dahil sa pamamaga ng kasukasuan, ang taong may rayuma sa paa ay hindi nakapag lakad ng maayos. Ang mga kasukasuan na kadalasang nagiging apektado ng rayuma ay ang mga sumusunod:
Interphalangeal joints 10. Ang interphalangeal joints ay kasukasuan na nasa gitna ng mga buto kung saan ang mga phalange bones (buto sa daliri ng paa) ay nagtatagpo. Kung ang isang tao ay may rayuma o rheumatoid arthritis, maaaring mamaga at manakit ang joint na ito.
Metatarsophalangeal joints 11. Ang Metatarsophalangeal joints ay mga kasukasuan kung saan ang metatarsal bones (mas mahabang buto sa paa) ng paa ay nagtatagpo sa mga daliri ng paa.
Subtalar joint 12. Ang subtalar joint ay ang kasukasuan ng paa ng tao. Dito nagtatagpo ang tibia (lower leg bone) at foot. Kung ang isang tao ay may rayuma, ang kasukasuan na ito ay maaaring naapektuhan.
Kung ang isang tao ay nakakaranas ng rayuma sa paa, maaari itong lumala lalo na kung ito ay na ppwersa kahit na ito'y namamaga. Maaari itong makaapekto sa pang araw araw na pamumuhay ng isang tao kung kaya't mabuti na ito ay bigyan ng lunas o mabuti na uminom ng mga gamot na makakatulong para mapawi ang pamamaga at pananakit na dulot ng rayuma. Ang mga gamot na nonsteroidal anti-inflammatory drugs tulad ng skelan at ibuprofen ay maaaring makatulong para dito.
Rayuma sa Tuhod
Ang tuhod ay maaari ring maapektuhan ng rayuma. Ayon kay Jewell, T. 13, ang sintomas ng rayuma sa tuhod ay hindi kaagarang nagpaparamdam sa taong nakakaranas nito. Bukod pa dito, ang mga rayuma na hindi naagapan ay nagdudulot ng malubhang komplikasyon sa isang tao tulad ng pagiging lumpo. Kung labis na ang pagiging lubha ng rayuma sa tuhod at hindi na kayang maaagapan gamit ang mga over the counter na gamot, maaaring irekomenda ng iyong doktor na magsagawa ng knee replacement surgery 14.
"Your doctor will recommend other treatments first. Knee replacement surgery is usually a last resort when damage to the knee is severe and irreparable. Some people get surgery to remove the inflamed joint lining. Your doctor may call that lining the “synovium” and the procedure a “synovectomy.”" - Bruce, D. February 08, 2020
Rayuma sa Kamay
Ang kamay ng isang tao ay isa sa mga pinakamahalagang parte ng katawan. Ito ay mahalaga para sa pang araw araw na aktibidad na sinasagawa ng isang tao. Kung ito ay may problema, tiyak na ito ay nakakapagbigay ng perwisyo. Ang rayuma o rheumatoid arthritis ay maaaring rin makaapekto sa kasukasuan nasa kamay ng isang tao. Dahil sa namamaga at nananakit ang mga kasukasuan na ito, nahihirapan ang isang tao. Upang hindi ito lumala, marapat na uminom ng mga gamot na makakatulong para sa rayuma. Bukod pa dito, maaaring gumamit ng mga stress ball upang mabigyan ng kaunting ehersisyo ang kamay at mapalakas ang muscles at mobility ng kasukasuan.
"The hand contains a complex range of structures which permit a wide variety of movements, many of which are essential for day-to-day tasks." - Physiopedia n.d.
Rayuma sa Balakang
Bagamat ang mga kasukasuan sa kamay at paa ang kadalasang naapektuhan ng rayuma, maaari rin itong makaapekto sa mga mas malaking mga kasukasuan tulad nalang ng joint sa balakang. Maaaring mapawi ang rayuma sa balakang gamit ang mga gamot na mabibili sa botika.
"Hip RA can cause symptoms such as severe pain, stiffness, and swelling. With RA hip pain, you may have discomfort and stiffness in the thigh and groin. Other symptoms of RA include fatigue, loss of appetite, pain, swelling, and stiffness in other joints." - Bruce, D. October 18, 2021
Rayuma sa Braso
Ang rayuma sa braso ay sanhi ng pamamaga at pananakit ng joint sa siko ng isang tao. Kung ang isang tao ay nakakaranas ng rayuma sa kanyang braso, maaaring mahirapan ito sap pagkilos at paggawa ng kanilang pang araw araw na gawain. Katulad ng ibang rayuma sa katawan, ito ay maaaring maagapan sa tulong ng mga gamot na mabibili sa botika. Ngunit kung ang rayuma ay hindi bumubuti sa tulong ng mga gamot, maaaring mag rekomenda ang iyong doktor ng mga medical procedure, gaya ng sumusunod:
Bawal na Pagkain sa may Rayuma
Ang mga pagkain na kinokonsumo ay nakakaapekto sa pangkalahatang kalagayan ng katawan ng isang tao. May mga pagkain na nakakapag palala ng rayuma ng isang tao. Kung kaya't narito ang ilan sa mga pagkain na sikaping iwasan kung may rayuma.
-
Mga pagkain na may mataas na lebel ng saturated-fat katulad ng mga karne.
-
Mga pagkaing may mataas na lebel ng sugar.
-
Mga pagkain na prinito
-
Mga pagkain na nabibili sa grocery store shelf o sa madaling salita processed foods.
-
Alak.
Home Remedy para sa Rayuma
Tulad ng ibang mga karamdaman, maaaring mapawi ang rayuma sa tulong ng mga home remedies, ang ilan dito ay ang mga sumusunod:
-
Maaaring masahehin ang parte ng katawan na nananakit upang mabawasan ang sakit na nararamdaman gamot ang mga essential oils.
-
Subukan na mag ehersisyo upang mapalakas ang muscles at joint mobility.
-
Magsagawa ng cold compress gamit ang cold compress bag o bimpo na binasa sa malamig na tubig.
-
Magsagawa ng hot compress gamit ang hot compress bag o bimpo na binasa sa malamig na tubig.
-
Gumamit ng mga anti-inflammatory patches.
-
Subukan na mag yoga at mag meditate.
Paano Gamutin ang Rayuma
Bagamt hindi madaling magamot ang rayuma, narito ang ilan sa mga paraan na maaaring makatulong upang mapabuti ang kalagayan ng isang tao na nakakaranas ng rayuma.
-
Inumin ang mga gamot. Kinakailangan na inumin ang mga gamot na prescribed ng doktor o ang gamot na iniinom tuwing inaatake ng rayuma tulad ng skelan.
-
Subukan ang pagpapahinga. Ang pagpapahinga ay isa sa mga dapat gawin tuwing hindi maganda ang pakiramdam ng isang tao, kaya naman hangga't maaari marapat na mag pahinga ang taong may rayuma.
-
Subukan na magkaroon ng regular na ehersisyo. Ang regular na ehersisyo ay makakatulong upang manumbalik ang joint motion at palakasin ang muscles ng isang tao.
-
Iwasan ang sigarilyo at alak. Mahalaga na iwasan ang paninigarilyo at pag inom ng alak dahil ang mga bisyong ito ay mas nakakapag palala sa kalagayan ng isang tao na may rayuma.
FAQs
Anong gamot para sa rayuma?
Ang isa sa mga pinaka kilalang gamot na mabisa para sa rayuma ay ang skelan.
Anong sanhi ng rayuma?
Ang ilan sa mga salik na nakakadagdag sa pagkakaroon ng rayuma ay edad, genes, at paninigarilyo.
Saan madalas na nagkakaroon ng rayuma?
Ang ilan sa mga karaniwang parte ng katawan na nagkakaroon ng rayuma ay ang paa, kamay, tuhod, balakang, at braso.
Anong mga home remedy para sa rayuma?
Ang ilan sa mga home remedy na maaaring gawin para sa rayuma ay ang pag ehersisyo, pagsasagawa ng yoga, paggamit ng anti-inflammatory patches, at sasagawa ng hot at cold compress, at pagmamasahe sa parteng may rayuma.
Paano gamutin ang rayuma?
Una kailangan inumin ang mga kinakailangan na gamot, magpahinga, at pag ehersisyo.