Madali lang gamutin ang pananakit ng lalamunan, sa article na ito tatalakayin natin ang nirerekomenda ng mga doktor na gamot sa sakit ng lalamunan pati na rin ibang alternatibong gamot para sa kondisyong ito.
Ang pananakit ng lalamunan sa panahon ngayon ay tila isang nakakapag pangambang kondisyon ngunit kadalasan ito ay simpleng kondisyon lamang na maaaring malunas sa pamamagitan ng mga gamot. Ito ay isa sa mga karaniwang nararamdaman ng mga tao. Maaaring dulot ito ng ubo, mga viral infection, okaya naman ay simpleng iritasyon lamang. Gayunman, ito ay nagbibigay ng hindi magandang pakiramdam sa taong nakakaranas nito.
Sanhi sa Sakit ng Lalamunan
Ang pananakit ng lalamunan ng isang tao ay maaaring sanhi ng iba't-ibang kondisyon. Kung iyong mapapansin, ang isang tao ay kadalasang nakakaranas ng pananakit ng lalamunan sa panahon ng tag-ulan. Ito ay dahil sa ang mga viral infection tulad ng influenza na nagdudulot ng pananakit ng lalamunan. Kaya naman ang ilan sa mga sanhi ng pananakit ng lalamunan ng isang tao ay ang mga sumusunod:
-
Viral Infection. Ang mga viral infection ay nagdudulot ng pananakit sa lalamunan ng isang tao. Katulad na lamang ng na napapanahon na napapanahon na COVID-19 1. Ang isang tao na nakakaranas ng ganitong viral infection ay maaaring makaranas ng pananakit ng lalamunan kasabay ng ubo, sipon, lagnat, at pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Ang ilan pa sa mga viral infection na maaaring magdulot ng pananakit ng lalamunan ay ang mga sumusunod:
-
Common Cold 2
-
Influenza 3
-
Measles o Tigdas 4
-
Chickenpox o Bulutong 5
-
Bacterial Infection. Ang bacterial infection ay isa sa mga kilalang impeksyon na nagdudulot ng karamdaman sa isang tao. Kaya naman ang pananakit ng lalamunan ng isang tao ay maaaring dulot ng isang bacterial infection. Ayon sa pananaliksik 6, Ang group A Streptococcus ay mga bacteria na nagdudulot ng pananakit ng lalamunan ng isang tao.
-
Iritasyon. Ang iritasyon sa mga usok o ibang pollutants ay nakakapagbigay ng pananakit sa lalamunan ng isang tao. Ilan rin sa mga iritasyon na nagdudulot ng pananakit ng lalamunan ay ang allergy, air pollution, at sigarilyo.
Ano ang Mabisang Gamot sa Sakit ng Lalamunan
Katulad ng ibang mga karamdaman ang pananakit ng lalamunan ay maaaring magamot. Kaya naman pwedeng matigil ang discomfort at pananakit na nararamdaman ng taong nakakaranas nito. Ang isa kilala at mabisang gamot para mapawi ang sakit ng lalamunan ay ang mga pain reliever na mabibili sa botika tulad ng:
-
Acetaminophen
-
Ibuprofen
-
Naproxen
-
Aspirin
Ang ang nakakaranas ng pananakit ng lalamunan ay bata, marapat iwasan ang pag papainom dito ng aspirin. Dahil ayon sa pananaliksik 7, maaari itong magdulot ng isang malubhang sakit na tinatawag bilang Reye's syndrome.
Gamot sa Sakit ng Lalamunan at Ubo
Ang ubo at sakit ng lalamunan ay kadalasang sabay na nararanasan ng ibang mga tao, lalo na kung ang sanhi nito ay isang viral infection. Bukod sa labis na sakit ng nananakit na lalamunan, nadadagdagan ang hindi magandang pakiramdam ng isang tao dahil sa kanyang ubo. Kaya naman kung ikaw ay nakakaranas ng sakit ng lalamunan at ubo, narito ang ilan sa mga gamot na maaari mong bilhin at ikonsumo.
- Difflam. Ang difflam ay isang Benzydamine na gamot. Ang difflam ay isang kilalang gamot para mapawi ang mga kondisyon na nagdudulot ng pananakit at pamamaga. Ito ay naghahatid ng anti-inflammatory treatment para sa mga kondisyon tulad ng pamamaga ng lalamunan at ubo. Pwede itong mabili bilang throat spray, mouthwash o lozenges.
"Benzydamine is an anti-inflammatory and pain killing medicine. It reduces pain and discomfort associated with sore throat or mouth conditions such as ulcers and sore throat. It is available as lozenges to suck, a mouthwash which you can gargle with, or as a spray which can be directed towards the sore areas of your mouth." - Stewart, M. March 09, 2021
- Robitussin. Ang robitussin ay gamot na Guaifenesin. Ang gamot na ito ay makakatulong para sa malubhang ubo at pananakit ng lalamunan na dulot ng ibang karamdaman tulad ng common cold na nagbibigay ng ganitong sintomas.
"Guaifenesin is used to treat coughs and congestion caused by the common cold, bronchitis, and other breathing illnesses." - WebMD n.d.
- Chloraseptic. Ang gamot na Chloraseptic ay maaaring gamiting gamot upang mapawi ang pananakit na nararamdaman ng isang tao tulad ng pananakit ng lalamunan at ubo.
"This product is used to temporarily help relieve symptoms such as sore throat, throat irritation, or cough (due to a cold, for example). It works by providing a cooling feeling and increasing saliva in the mouth." - WebMD n.d.
Gamot sa Paos at Sakit ng Lalamunan
Ang taong nakakaranas ng pananakit ng lalamunan ay kadalasang nagkakaroon ng hoarse voice o paos na boses. Ito ay maaaring magbigay ng abala lalo na tuwing nagsasalita. Kaya naman narito ang ilan sa mga maaaring gamot na iyong magamit kung nakakaranas ng sakit ng lalamunan at paos na boses.
- Corticosteroids. Ang gamot na corticosteroids ay makakatulong para mapawi ang sintomas ng pananakit ng lalamunan. Ito ay karaniwan ring ginagamit para sa horseness ng boses o paos.
"Single-dose corticosteroids may be used to resolve sore throat symptoms at 48 hours in patients five years and older." - Am Fam Physician June 15, 2018
- Throat Lozenges. Ang mga throat lozenges tulad ng strepsils ay maaaring makatulong sa paos na boses at masakit na lalamunan. Pwede itong mabili sa mga botika.
Gamot sa Sakit ng Lalamunan ng Buntis
Ang mga nagdadalang tao na babae ay karaniwang hindi pwede sa ibang mga gamot dahil maaari itong makaapekto sa pagbubuntis ng babae. Kaya naman kailangan na sigurado ang mga gamot na gagamitin. Kung ang nagdadalang tao ay nakakaranas ng pananakit sa lalamunan, maaaring ikonsumo ang mga sumusunod na gamot:
-
Acetaminophen
-
Lozenges
-
Dextromethorphan
Gamot sa Sakit ng Lalamunan Home Remedies
Ang pananakit ng lalamunan ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng mga remedies na pwedeng gawin sa loob lamang ng bahay. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
Magmumog ng tubig na may asin.
-
Gumawa ng honey tea.
-
Lemon tea
-
Humidifier
FAQs
Anong pain reliever para sa sakit ng lalamunan?
Ang ilan sa mga pwedeng mabili na pain reliever sa botika na pwedeng makapag pagaling ng masakit ng lalamunan ay acetaminophen, ibuprofen, naproxen, at aspirin.
Anong gamot para sa ubo na may pananakit ng lalamunan?
Ang gamot na pwedeng makapawi sa iyong nararamdaman ay difflam, robitussin, at chloraseptic.
Anong gamot para sa paos at sakit ng lalamunan?
Kung nakakaranas ng paos na boses at pananakit ng lalamunan, maaaring uminom ng corticosteroids at throat lozenges.
Anong gamot para sa sakit ng lalamunan ang pwede sa buntis?
Ang mga gamot na acetaminophen, dextromethorphan, at lozenges ay maaaring gamitin ng mga nagdadalang tao. Gayunman, kailangan na isigurado sa iyong doktor ang kalagayan upang mabigyan ng nararapat na gamot.
Anong pinakamadaling home remedy para sa sakit ng lalamunan?
Ang pagmumumog ng tubig na may asin ang pinaka madali at pinaka murang remedy para sa pananakit ng lalamunan.