Ang butas sa ngipin ay nakakapag dala ng discomfort lalo na kung ito ay nagdadala ng sakit sa isang tao. Kaya naman sa artikulong ito, alamin mo ang ilan sa mga paraan at gamot sa sakit ng ngipin na may butas
Ang tawag sa ngipin na may butas ay dental cavities 1. Ang lahat ng tao ay maaaring magkaroon ng cavities, ngunit ito ay common sa mga bata na hindi nagsisipilyo ng maayos at mga batang mahilig kumain ng pagkain na may sugar. Ang mga matatanda ay maaari ring magkaroon ng dental cavities. Kaya naman nakakaranas rin ito ng sakit at kung minsan ay pangingilo.
"A cavity is a hole in a tooth that develops from tooth decay. Cavities form when acids in the mouth wear down, or erode, a tooth’s hard outer layer (enamel)." Cleveland Clinic September 14, 2020
Ang ngipin ay nagkakaroon ng butas dahil sa bacteria tulad ng Streptococcus mutans 2 sa ngipin ay may kakayahang gawin acids ang mga sugar na nasa plaques sa ngipin ng tao. ito ay nag uumpisa sa pagkabulok ng ngipin at tuluyan itong rurupok at mabubutas kung hindi ito maaagapan. Nabubutas ang ngipin ng isang tao dahil sa hindi maayos na paglilinis ng ngipin kung kaya't nagkakaroon ng bacteria.
"Without proper brushing and flossing, acids in plaque dissolve tooth enamel, creating cavities, or holes." - Cleveland Clinic September 14, 2020
Ang ngipin na nagkakaroon ng butas ay kadalasang sumasakit lamang kung ito ay malala na kaya naman may mga taong sinasa walang bahala lamang into. Upang maiwasan humantong sa puntong nanakit ang ngipin dahil sa butas, narito ang ilan sa mga sintomas na ang enamel ng iyong ngipin ay nagsisimulang mabutas.
-
Namamaho ang hininga.
-
Madalas sumasakit ang ngipin.
-
Nangingilo ang ngipin tuwing kumukonsumo ng mainit o malamig na pagkain o inumin.
Ang pananakit ng ngipin dahil sa butas at cavities ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng mga treatments. Kung ikaw ay nakakaranas ng sakit ng ngipin dahil sa butas, pwede mong gawin o gamitin ang mga sumusunod.
-
Uminom ng mga mga gamot na pain reliever. Ang mga pain reliever na gamot tulad ng mefenamic acid ay makakatulong para mabawasan ang mga pananakit tulad ng sakit sa ulo at dental pain.
-
Gumamit ng desensitizing toothpaste. Ang desensitizing toothpaste tulad ng sensodyne ay makakatulong para sa pangingilo na binibigay ng butas ng iyong ngipin.
-
Antibacterial treatment. Ang mga antibiotics ay maaaring makatulong sa sakit ng ngipin lalo na kung ang sanhi ng pagkabutas ng ngipin ay bacteria. Ang kilalang antibacterial treatment para sa sakit ng ngipin ay penicillin at amoxicillin. Kailangan tandaan na hindi basta basta mabibili ang mga antibiotic sa at kinakailangan nito ng doctor’s prescription kaya naman mainam pa rin ang pagkonsulta sa doktor.
-
Ibuprofen. Ang ibuprofen ay kilalang pain reliever para sa iba’t-ibang mga karamdaman. Kumpara sa paracetamol, ang ibuprofen ay mas epektibong nakakapag papawi ng sakit na nararamdaman ng ngipin na may butas. Ito ay makakatulong upang mabawasan ang inflammation at dental pain.
-
Gumamit ng fluoride treatments. Ang mga fluoride treatments tulad ng fluoride gel at fluoride supplements ay kilalang supplement para hindi palalain ang butas ng iyong ngipin. Makakatulong ito upang hindi mas maging malala ang sakit ng ngipin na nararamdaman.
-
Bumili ng sugar-free gum. Ang sugar-free gum ay makakatulong upang magbigay proteksyon sa ngipin. Mas nakakabuti ang gum na ito para sa ngipin kaysa sa sugar-sweetened gum.
-
Vitamin D. Ang mga vitamin D ay makakatulong upang ma absorb ang calcium at phosphate, ito ay makakatulong upang panatilihing malakas ang enamel o ang outer covering ng ngipin ng isang tao.
Kung ang butas ng ngipin ay malala na at hindi na kayang agapan ng mga supplements, maaari itong ikonsulta sa iyong dentista at bigyan ng treatment procedure. Ang posibleng procedure na gawin sa iyong ngipin ay ang mga sumusunod:
- Tooth filling o pasta 3. Ang restoration na ito ay isa sa mga pinaka posibleng procedure para sa butas na ngipin. Ang pasta ay ginagawa para maging filled ang butas na ngipin ng isang tao at maiwasan ang tuluyang pagkabulok at pananakit nito. Karamihan sa mga tao na may butas ang ngipin ay nagpapa pasta upang mabigyan solusyon ang kanilang kondisyon.
"To treat a cavity your dentist will remove the decayed portion of the tooth and then "fill" the area on the tooth where the decayed material was removed." - Friedman, M. October 10,2019
- Crowns 4. Ang crowns ay ang paglalagay ng dental crown sa ngipin na may malalang pagkabulok. Ang crown na pwedeng ilagay sa ngipin ay ginto o porelain. Ayon sa pananaliksik, ginagawa ang procedure na ito upang mabigyan ng proteksyon ang ngipin ng isang tao at hindi ito tuluyang mabutas.
"Dental crowns are caps placed on top of damaged teeth. Crowns are used to protect, cover and restore the shape of your teeth when fillings don’t solve the problem. Dental crowns can be made out of metals, porcelain, resin and ceramics. " Cleveland Clinic January 14, 2020
- Tooth Extraction 5. Kung ang ngipin naman ay matindi ang butas at pagkabulok, maaaring irekomenda ng iyong dentista na ito ay bunutin at tanggalin upang hindi na magdulot ng pananakit.
"Although permanent teeth were meant to last a lifetime, there are a number of reasons why tooth extraction may be needed. A very common reason involves a tooth that is too badly damaged, from trauma or decay, to be repaired." Dunkin, A. September 13, 2020
FAQs
Anong gamot para sa sakit ng ngipin na may butas?
Ang mga pain reliever ay maaaring makatulong para pagbutihin ang iyong nararamdaman katulad ng ibuprofen mefenamic acid. Bukod duon, ang antibacterial treatments gaya ng penicillin at amoxicillin ay maaaring makatulong para gumaling ang sumasakit na ngipin na may butas.
Anong remedy ang pwedeng gawin para sa masakit na ngipin na may butas?
Maaaring gumamit ng mga fluoride treatments gaya ng fluoride gel at fluoride supplements, pwede ring kumunsumo ng vitamin D para mas mapatibay ang ngipin.
Anong gamot para sa ngipin na butas at nangingilo?
Ang desensitizing toothpaste kagaya ng sensodyne ay maaaring makabawas sa sakit na iyong nararamdaman.
Anong procedure ang pwedeng gawin para sa ngipin na may butas at masakit?
Maaaring magpa-pasta o dental filling para maging restored ang iyong ngipin at hindi ito magdulot ng pananakit.
Kailan magpapabunot?
Kung ang iyong ngipin ay malala na ang bulok at butas, maaaring irekomenda na ito ay bunutin na.