Ang pananakit ng ngipin ay mahirap iwasan lalo na kung may sira ang ngipin. Tatalakayin natin sa article na ito kung ano ba ang dapat inuming gamot sa sakit ng ngipin at kung anong treatment ang dapat gawin para sa iyo.
Ang pananakit ng ngipin ay isang karaniwang kondisyon na nararanasan ng halos lahat. Ito ay maaaring maranasan ng mga bata, teenagers, at ng mga mas nakakatanda. Kung iyong matatandaan, madalas na ginagawang dahilan sa pananakit ng ngipin ay ang pagkain ng sobrang matatamis na pagkain tulad ng candy kaya naman ito ay common na common sa mga bata. Maaaring ito ay iyong pinaniniwalaan o pwede ring sina walang bahala mo ang kasabihan na ito. Ngunit ang sugars ay nakakapag contribute sa pananakit ng ngipin ng isang tao.
Gayun pa ‘man, ang pananakit ng ngipin ay nakaka perwisyo dahil ito ay nagbibigay ng sakit at minsan ito rin ay nagdudulot ng pangingilo kaya naman marami ang naghahanap ng gamot para dito. Alamin mo sa artikulong ito ang gamot na pwedeng gamitin upang mabigyan lunas ang sakit ng iyong ngipin.
"A toothache (1) is a pain in or around a tooth. Minor toothaches can come from a temporary gum irritation (2) that you can treat at home. More serious toothaches are caused by dental and mouth problems that won’t get better on their own and will need to be treated by a dentist." - Cleveland Clinic March 23, 2020
Bakit Sumasakit ang Ngipin
Ito ay common na kondisyon pero bakit nga ba nakakaranas ng pananakit ng ngipin ang isang tao? Ano ang dahilan nito? Ang isang tao ay nakakaranas ng sakit ng ngipin dahil karaniwan dahil sa hindi paglilinis ng ngipin ng maaayos. Bukod pa dito, maaaring itong magsimula sa pag ang bacteria na nasa plaque ng ngipin ay mag produce ng mga acid na makakaaepkto sa destruction ng enamel 3 ng ngipin, kung ito ay hindi maaagapan maaaring magdulot ito ng pananakit ng ngipin o kung mas malala tooth decay 4.
Ang ilan sa sa mga sanhi nito ay ang mga sumusunod:
-
Tooth decay
-
Manipis ang enamel ng ngipin kaya nagdudulot ng pangingilo.
-
Impeksyon, isa sa sintomas ng impeksyon sa ngipin ay ang pagkakaroon ng nana at bukol sa gums o bandang ilalim ng ngipin.
May Butas ang Ngipin
Ang butas na ngipin ay nararanasan ng maraming tao. Madalas itong nangyayari sa mga bata lalo na ang mga hindi nakapag sipilyo ng maaayos ngunit ang butas na ngipin ay maaari ring maranasan ng mga matatanda. Ang tawag dito ay ay Tooth Cavities 5. Ang isang tao ay nagkakaroon ng butas sa ngipin dahil sa mga bacteria, acid, at matatamis na pagkain.
Kailangan mong malaman na ang bawat tao ay may bacteria sa kanilang katawan kabilang na ang bibig. Kadalasan pagkatapos kumain lalo na ang mga pagkain o drink na sugar, ang bacteria sa bibig ay nag gumagawa ng acid kaya naman ang sticky film o plaque ay nabubuo sa ngipin ng isang tao. Kapag ang plaque 6 na ito ay dumikit sa ngipin ng isang tao saka nito onti-onting madudurog o masisira ang enamel ng ngipin. Kaya pag lumala ito ay nagdudulot ng butas sa ngipin.
"Plaque sticks to your teeth, and the acid in plaque can slowly erode tooth enamel. Enamel is a hard, protective coating on your teeth that protects against tooth decay. As your tooth enamel weakens, the risk for decay increases." - Higuera, V. November 15, 2017
Bulok na Ngipin
Ang ngipin ng isang tao ay nabubulok dahil hindi natatanggal ang mga dumi at bacteria na gumawa ng acid sa ngipin ng isang tao. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sintomas kung ang ngipin ng isang tao ay bulok.
-
Namamaho ang hininga.
-
Bad taste
-
Nananakit ang ngipin.
-
Minsan nangingilo ang ngipin lalo na kung umiinom ng mainit o malamig na tubig.
-
Nangingitim ang ngipin.
Gamot sa Sakit ng Ngipin
May mga pagkakataon na labis ang pananakit na binibigay ng masakit na ngipin kaya naman kahit na ito ay karaniwang kondisyon, marami ang naghahanap ng gamot para matigil ang pananakit ng kanilang ngipin. Kung ikaw ay kasalukuyang nakakaranas ng pananakit ng ngipin, maaari mong subukas ang mga medications na sumusunod bilang pang lunas sa pananakit ng iyong ngipin.
-
Ibuprofen. Ang ibuprofen ay kilalang painkiller treatment para sa sakit ng ulo, sakit ng tiyan, at syempre para sa sakit ng ngipin. Sinasabi rin ng mga pananaliksik na ang ibuprofen ay makakatulong para sa pagpapabawas ng inflammation na maaaring idulot ng pananakit ng ngipin. Ngunit ang kung ikaw ay may history ng ng side effect sa mga gamot na NSAIDs gaya ng ibuprofen, marapat na hindi ka uminom nito.
-
Fluoride supplements. Ang mga fluoride treatment tulad ng fluoride supplements ay makakatulong upang bawasan ang pananakit ng ngipin dulot ng bacteria. Bukod pa dito, sa pag inom ng fluoride supplements, mapapabagal ang growth ng bacteria sa bibig kaya naman makakatulong rin ito sa pagpipigil ng pagkabulok ng ngipin na isa ring dahilan sa pananakit ng ngipin.
-
Mefenamic acid. Ang mefenamic acid tulad ng ibuprofen ay isang nonsteroidal anti-inflammatories (NSAIDs) medication. Makakatulong ito para mabawasan ang mga severe pain tulad ng dental pain.
Gamot sa Sakit ng Ngipin Capsule
Ang mga capsule medication ay mga gamot na enclosed ng outer shell. Sinasabi sa pananaliksik, na kumpara sa mga tablet medication ang mga capsule ay mas nagiging absorbed sa bloodstream ng isang tao sa ilang minuto lamang kung kaya't ito ay fast-acting at kadalasang mas powerful kaysa sa mga tablet. Para sa capsules na para sa sakit ng ngipin, narito ang ilan sa mga maaaring makatulong sa pananakit ng iyong ngipin.
- Naproxen Capsule. Ang naproxen medication ay gamot na makakatulong sa iba't-ibang mga kondisyon gaya ng menstrual cramps, sakit ng ulo, at sakit ng ngipin. Kagaya ng ibuprofen isa itong nonsteroidal anti-inflammatory drug (NSAID) kaya naman gumagana rin ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagpigil ng mga sakit na nagdudulot ng inflammation. Kung ito ay iyong iinumin, siguraduhin na huwag humgiga ng hanggang 10 minuto pagkatapos uminom ng naproxen capsule upang maiwasan ang pananakit ng tiyan at kailangan na kumain muna bago uminom ng naproxen.
Ang ilan pa sa mga capsuled medication para sa pananakit ng ngipin ay amoxicillin at penicillin.** **
Gamot sa Masakit na Ngipin
Ang masakit na ngipin ay pwedeng magamot gamit ang mga prescribed medicines ng iyong dentista. Ngunit narito ang gamot na kadalasan at maaaring bilhin para mabigyan ng lunas at mapawi ang pananakit ng ngipin na labis na nakakaapekto sa isang tao. Ito ay and advil liquid gel. Ang advil liquid gel ay gamot na makakatulong para sa pagpapabuti ng iba't-ibang kalagayan at isa narito ang sakit ng ngipin. Sa paggamit ng gamot na ito kailangan isigurado na basahin lahat ng direksyon sa packaging ng gamot at sundin ang anumang direksyon upang hindi magdulot ng anumang side effects. Ayon sa pananaliksik, maaaring inumin ang gamot na 'to kada 4 hanggang 6 na oras.
Gamot para sa Pamamaga ng Ngipin
Ang ngipin ng isang tao ay kadalasang namamaga dahil sa mga infection gaya ng bacteria. Ang pamamaga ng ito ay maaaring magdulot ng pananakit at pangingilo kaya naman hindi imposible na maghahanap ng gamot ang taong nakakaranas nito. Alamin mo dito ang mga gamot para sa pamamaga ng ngipin.
-
Maaaring uminom ng antibiotic. Ang antibiotic tulad ng amoxicillin ay maaaring makatulong para sa pamamaga ng ngipin lalo na kung dulot ito ng bacterial infection. Ngunit kailangan tandaan na marapat kumuha ng prescription ng doktor bago pumunta sa botika dahil hindi makakabili ng antibiotic gaya ng amoxicillin hangga't walang consultation at prescription mula sa doktor.
-
Magmumog ng tubig na may asin. Ang pamamaga ng ngipin o gums ay maaaring mapawi sa pamamagitan ng pagmumumog ng tubig na may asin. Sa paggawa ng technique na ito, kakailanganin ang warm na tubig ay 1 teaspoon ng asin.
Ang antibiotics ay klase ng gamot na nakakapag lunas ng iba't-ibang karamdaman mula sa skin infection 7, digestive infection 8, pati na rin sa dental pain o sakit ng ngipin. Ito ay makakatulong pero kailangan tandaan na ang antibiotics ay para lamang sa mga kondisyon na dulot ng bacteria. Kaya naman kung ang pananakit ng iyong ngipin ay dulot ng bacteria, maaari mong subukan ang mga sumusunod na antibiotics
-
Amoxicillin
-
Penicillin
-
Metronidazole
Ang mga gamot na ito ay kilala para sa mga iba't-ibang bacterial infection caused illnesses. Kaya naman maaari itong subukan. Pero ang antibiotics ay hindi nabibili ng walang prescription ng doktor kaya 'wag kakalimutan na ikonsulta sa doktor ang iyong nararamdaman upang mabigyan ng solusyon.
Pasta sa Ngipin
Ang pasta sa ngipin ay kilala rin bilang tooth filling 9. Ito ay isang kilalang procedure para sa mga ngipin na butas at ngipin na nagdudulot ng pananakit. Kung ang pananakit ng iyong ngipin ay labis na at hindi naman ito malang malala na kinakailangan ng bunutin, maaaring irekomenda ng iyong doktor ang paggawa ng tooth filling procedure o pasta. Ang presyo ng procedure na ito ay kalimitang nasa 500 pesos ngunit maaari ring iba ang presyo nito depende sa iyong dentista at clinic na iyong pinuntahan.
"To treat a cavity your dentist will remove the decayed portion of the tooth and then "fill" the area on the tooth where the decayed material once lived. Fillings are also used to repair cracked or broken teeth and teeth that have been worn down from misuse (such as from nail-biting or tooth grinding)." - MedicineNet n.d.
Gamot sa Sakit ng Ngipin ng Bata
Ang mga gamot ng bata ay hindi pareho sa mga gamot na iniinom ng mga matatanda. Kaya naman hindi pwedeng painumin ng adult medicine ang mga mga bata. Mas madalas na nagkakaroon ng sakit sa ngipin ang mga bata, mas madalas ring nagiging bulok at butas ang kanilang mga ngipin. Bagamat ito ay isang karaniwang kondisyon para sa kanila, maaari pa rin itong magdulot ng pananakit. Kaya naman narito ang ilan sa mga gamot na maaaring gamitin para sa masakit na ngipin ng isang bata.
-
Advil Children's
-
Advil infant's concentrated drops
Pwede ring ipamumog ang bata ng tubig na may asin upang mabawasan ang pamamaga at pananakit ng kaniyang ngipin.
Ilang taon Pwedeng Bunutan ng Ngipin ang Bata
Ang mga batang nasa edad 6 hanggang 7 ay kadalasang edad kung saan maaaring bunutan ng ngipin ng bata. Ngunit ito ay depende pa rin sa kalagayan ng ngipin ng bata ay rekomendasyon ng iyong dentista.
"Usually, baby teeth are only extracted if they are seriously damaged. In a serious injury, for example, baby teeth may be cracked, loosened, or impacted, and may need to be removed." - Cashmere Family Dentistry December 29, 2018
Pwede ba Magpabunot ng Ngipin ang Buntis
Ayon sa pananaliksik, ang mga pregnant ladies ay maaaring magpabunot ng ngipin during pregnancy ngunit kadalasan ang mga wisdom tooth extraction o pagbunot ng wisdom tooth ay pinag papaliban ng mga dentista dahil maaari itong magdulot ng complications. Pero ang mga dental procedures ay maaari at safe tuwing pregnancy kaya naman pwedeng magpabunot ng ngipin ang babaeng buntis.
"Generally, yes — in fact, most dental procedures are safe during pregnancy, except for maybe whitening. This includes wisdom teeth extraction, though most dentists prefer to postpone this type of procedure out of an abundance of caution as long as the wisdom teeth aren’t causing complications." - Bradley, S. December 20, 2020
Ilang Ngipin ang Pwedeng Bunutin sa Isang Araw
Ayon sa pananaliksik, ang bilang ng pwedeng bunutin na ngipin ay nakadepende sa rekomendasyon ng doktor sa kalagayan ng taong nakakaranas ng pananakit ng ngipin at sa lala ng case nito. Ngunit sinasabi sa mga pananaliksik na ang karaniwang bilang ng ngipin na nabubunot ay isa para sa mga common dental procedures pero may pagkakataon na maaaring mas marami sa isa ang bunutin sa isang araw na dental procedure.
"The procedure for extracting multiple teeth at once is a bit more complicated than a simple single tooth extraction (10). You can live without one or two teeth without major consequences, but losing several teeth at once requires the jawbone to be reshaped to prepare for a dental bridge or dentures. There is no clear rule on the number of teeth that can safely be extracted in one sitting. The answer varies depending on your oral health situation and your oral surgeon’s recommendations" - Dr Maxfield December 17, 2020
Home Remedies
Ang pananakit ng ngipin ay maaaring mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng mga home remedies. Kaya naman kung nakakaranas ka ng pananakit ng ngipin sundan mo ang mga remedies na ito.
-
Magmumog ng tubig na may asin.
-
Mag lagay ng cold compress sa side na sumasakit ang ngipin.
-
Gumamit ng Desensitizing Toothpaste.
-
Uminom ng mga Painkillers.
FAQs
Anong gamot para sa sakit ng ngipin ng bata?
Ang mga sumusunod ay ang gamot para sa sakit ng ngipin ng bata: Advil Children's at
Advil infant's concentrated drops.
Anong antibiotic para sa pananakit ng ngipin?
Ang ilan sa mga antibiotic na makakatulong para mabigyan solusyon ang pananakit ng ngipin ay Amoxicillin, Penicillin, at Metronidazole.
Anong gamot na capsule para sa sakit ng ngipin?
Ang capsule medication na naproxen capsule ay nakakatulong sa sakit ng ngipin.
Anong remedy para sa sakit ng ngipin?
Ang pinaka madaling remedy para sa sakit ng ngipin na hindi kinakailangan pang bumili ng ano pa ay ang pagmumumog ng tubig na may asin.
Anong painkillers ang pwede sa sakit ng ngipin?
Ang ibuprofen at mefenamic acid ay makakatulong upang mapawi ang sakit na dulot ng ngipin